Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Saturday, 26 September 2009

TIBAY NG RELASYON

Sa isang relasyon, mahalaga ang respeto, unawa
malasakit at awa. Mga importanteng bahagi ng pagmamahal.
Hindi narin siguro lingid sa atin ang mga bagay na yan, alam
kong alam na nating lahat, basta sinabing pagmamahal andiyan
na ang lahat ng sangkap, ngunit... bakit marami parin ang
hindi nakakagawa ng mga bagay na yan?
Alam lang ba nating sabihin pero hindi natin kayang gawin?
!
Paano nga ba titibay ang isang relasyon?
!
Sa tagal na ng pagsasama namin ng aking may bahay ni minsan
hindi pa kami nag away, ni minsan hindi pa kami nagsigawan
at ni minsan hindi pa kami nagkasakitan, sa salita man o sa gawa.
Pero yung tampuhan hindi maiiwasan natural na sa bawat tao yan.
Unang lingo o buwan naming nagsama ng aking may bahay tinanong ako
ng aking may bahay kung paano ba titibay ang aming pagsasama
yun bang hindi kami magkakagalit o mag aaway. Alam naman natin
na ang isang ugat ng paghihiwalay ay ang "KASALANAN". Iyan ang
dahilan ng pag aaway ng magkasintahan o ng mag asawa. Iyan din ang
magiging dahilan para mawala ang tiwala, paggalang, hanggang mawala
na ng lubusan ang pagmamahalan.
!
Isang bagay lang ang sinabi ko sa kanya para tumibay ang
pagmamahal ko sa kanya at titibay din ang pagmamahal niya
sa akin.
"LAHAT NG AYAW KO HUWAG MONG GAGAWIN"
"LAHAT NG AYAW MO HINDI KO GAGAWIN"
Hangang ngayon, sa tagal ng aming pagsasama
sa bawat naisin naming gawin ipapaalam namin sa isat-isa.
!
Sa pagmamahal...
Huwag mong gawin ang isang bagay na ikagagalit niya.
Ikaw ang unang rumespeto sa kanya
Ikaw ang unang umunawa sa kanya
Ikaw ang unang magmalasakit sa kanya
Ikaw ang unang mag pakita ng awa sa kanya
Huwag mong hintaying ibigay niya ang mga bagay na kaya
mong ibigay sa kanya. Yang mga bagay na yan ang mahirap
niyang makita sa iba asahan mo hindi ka niya ipagpapalit.
Minsan nagtampo siya sa akin, sinabi ko lang sa kanya na
ayaw ko ng nagtatampuhan tayo ng matagal, yon lang hindi
na muling naulit.
!
Isang bagay lang ang kahit ayaw ko pero wala akong
magawa, pag kumalabit, kahit ayaw ko wala akong magawa.
Sigurado wala akong almusal, walang sinangag,
''MAGSANGAG KA MAG ISA MO!!''
!
Pero.. pag napagbigyan mo naman pati mga manok maaga
pa krooookotokotok may almusal agad.
!
Yan din ang kabilin-bilinan ko sa tatlo kong anak
dala-dala nila sa kanilang isipan ang mga bagay na ayaw ko
kaya lumaki silang dala nila kung anong pagkatao meron
kaming mag asawa.
!
Ang panganay kong anak na babae na ngayoy
Assistant Manager sa isang pwesto sa aming bayan,
at ang pangalawa kong anak na lalaki na magtatapos
na sa darating na marso ng kursong Criminology
at ang bunso kong anak na nagmana sa akin ng
mga katarantaduhan at nasa kanya na lahat ng katigasan
ng ulo at kapilyuhan buwisit!

Thursday, 17 September 2009

OPEN ARMS

Ayaw ko sanang mag kuwento dito ng mga bagay na
pumupukaw sa mga malalambot nyong damdamin,
hangat maari ayaw kong sirain ang masasaya ninyong
mga oras, ngunit lagi akong hinihikayat ng imahinasyon
ko na magsulat, stresstab kasi para sa akin ito.
!
Naalala ko nung minsan nanonood ako ng isang singing
contest sa television ang hinding hindi ko nakakalimutan
hangang sa ngayon. Isang batang nasa edad katorse ang
sumali sa isang patimpalak, Ang amature singing contest.
Bagamat may kaliitan at nasa edad pa na kung titingnan
mo ang kanyang mga katungali masasabi mong walang
kalaban-laban ang batang babae na ito.
!
Habang pinapanood ko ang mga naunang kontestant
humanga ako sa mga galing nilang kumanta, sa ganda
ng kanilang mga kasuotan lamang na sa puntos isama
pa ang kanilang kumikinang na kagandahan.
Matapos ang ilang mga kontestant sumunod ay ang
dalaginding na nasa edad katorse ang umakyat sa
intablado. Simpleng kasuotan, simpleng ayos ng mukha,
nag iisang sumali wala nino mang kasama kundi
ang lakas ng loob at determinasyon niyang sumali
ano man ang kahihinatnan ng kanyang pagsali.
!
Tumugtug ang mga instrumento, umpisa ng
kanyang pag awit, isang awit na may pamagat na
!
''OPEN ARMS''
Isang awit na tumatama sa klase ng kanilang
pamumuhay, isang awit na humihingi ng kalinga
ng mga taong nakakalimot sa kanila, isang awit
na nangangailangan ng atensyon.
!
Nag umpisa na siyang umawit
Wala pa sa kalahati ang kanyang inaawit,
nag umpisa na siyang lumuha, hindi na niya mapigilan
ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata, ayaw
nyang sirain ang kanyang awit, ngunit...
hindi na niya mapigilan ang kanyang pag iyak.
Habang patuloy na tumutugtug ang mga instrumento
lalong ayaw papigil ang mga luhang dumadaloy sa kanyang
mga mata, habang nakatayo patuloy na ang kanyang pagiyak
na tinakpan nalang niya ng dalawa niyang palad ang
kanyang mga mukha na tanging hagulhol nalang ang
naririnig sa mayk na kanyang hawak. Hindi na niya
makuhang umawit, ngunit nanatiling nakatayo, umiiyak.
!
Minarapat na ng mga emsi na lapitan nalang siya upang
mapawi ang kanyang pag iyak. May nagtanong sa dalagita
bakit ka umiiyak ineng? Bakit hindi mo itinuloy ang iyong
pagkanta?
Sumagot yung dalagita, "Hindi ko po makuhang tapusin
ang kinakanta ko"
!
Bakit?
( tanong ng isa pang emsi )
!
Naalala ko po nanay ko.
!
Asan ang nanay mo ineng?
(tanong ng isa pang emsi)
!
"Nakaburol po ngayon nanay ko"
Iniwan na po kami.
Sabay upo ng kaawa-awang bata na lalong
hindi mapigilan ang pagiyak sa sakit na
nararamdaman, sabay takip sa mukha upang
kahit papaano ayaw niyang ipakita sa tao ang
kanyang pag iyak. Isang batang babae na gustong
sumabay sa kasiyahang nagaganap,ngunit sa murang
edad hindi siya makawala sa sakit na nararamdaman
ang pagkawala ng kanyang ina.
!
Bakit andito ka?
Gusto ko pong magkapera para sa mga kapatid
ko kahit consolation prize lang po malaking
bagay napo sa amin, kahit hindi na po ako
manalo gusto ko ng umuwi wala pong
kasama mga kapatid ko ngayon sa amin.
!
Labis akong humanga sa ginawa ng batang
babae, sa murang edad taglay niya ang
determinasyon at lakas ng loob alang-alang
sa kanyang mga kapatid. Hindi alintana ang kahihiyan.
Alam ko, sa bawat batang katulad nila
may pasko ng kaligayahan ang naghihintay
sa kanila.
!
Lahat silang magkakapatid
kinalinga at pinag-aral ng isang
sponsor ng patimpalak.
Ang NATIONAL BOOKSTORE.


Sunday, 13 September 2009

SA ARAW NG PASKO


Ilang araw na ang nakalilipas nakatangap ako ng isang tawag
mula sa pilipinas, isang ginang ang tumawag sa akin upang
kumustahin ang kaniyang asawa na halos mag dadalawang
buwan na raw na hindi nakikipag usap sa kanila.
Dahil kilala ko yung lalaki, minarapat nung ginang na ako
ang kausapin upang maiparating nila ang kanilang pag aalala,
pangungulila sa asawang nakalimot na sa kanyang responsibilidad.
Ayaw ko sanang isulat dito, sinubukan kong kausapin ang lalaki
ngunit hindi ako pinakikingan at hindi na muling nakikipagkita
sa akin. Minarapat ko nalang isulat dito, alam kong nababasa
niya ito.
!
Kaibigan para sa iyo ito,
Noong nasa pinas ka pa kasalukuyan kayong nakikibaka sa hirap
ng inyong pamumuhay, kasama mo ang iyong butihing maybahay
na sinusuong ang hirap ng inyong pamumuhay. Sa konting
kaligayahan na binibigay mo sa iyong asawat mga anak
inuunawa ka nila dahil alam at tangap naman nila kung ano
lang ang kaya mong ibigay sa kanila. Sa konting kaligayahang
ibinibigay mo sa kanila hindi ka nila iniiwan dahil alam mo kung
gaano ka rin kamahal ng iyong asawat mga anak.
Nung nabalitaan mo na isa ka sa mapalad na makaalis
dahil narin sa tulong ng pagdarasal ninyong mag asawa
pinakingan ang inyong panalangin.
Alam mo bang ang unang-unang natutuwa ay ang iyong
asawat mga anak? Dahil iyan na ang pagkakataon ninyo na
makaahon kayo sa hirap, iyan na ang pagkakataon mo na
mabibigyan mo narin ng kaligayahan ang iyong asawat
mga anak. Tuwang-tuwa ang iyong asawa
dahil kahit papaano mabibigyan nyo narin
ng maayos na kasuutan ang inyong mga anak.
!
Ngayong andito ka na... abot mo na ang kaligayahang
matagal nyo ng pangarap ngayon mo pa sila iiwan.
Ngayong nalalasap mo na ang kasaganaan sa iba mo pa
ibinibigay. Yang bago mong kinakasama ang binibigyan mo
ng kaligayahan kaysa sa sarili mong pamilya? Ipinagkait mo
sa mga anak mo ang mga pangarap nila, ipinagkait mo
sa iyong asawa ang kaligayahang ngayon lang nila matitikman.
Hindi ka ba naawa sa asawa mo't mga anak?
Alam mo ba kung gaano kasakit ang ibinibigay
mo sa kanila ngayong pasko?
Masaya ka sa piling ng bago mong minamahal
habang ang asawa't mga anak mo umiiyak. Iniwan mo
ang sarili mong pamilya sa gitna ng karagatan na walang
sagwan, walang makain, walang matakbuhan.
!
Kumakain ka ng masarap... hindi mo ba naiisip
kung kumakain din ba sila ngayon?
!
Masaya ka ngayon... hindi mo ba naiisip kung baka umiiyak
ang pamilya mo ngayon?
!
Iisa lang ang binangit niya sa akin
MERRY CHRISTMASS DAW
yan lang... umiiyak na siya.
!
Ngayong paskong darating nakikita ng asawa't mga
anak mo sa kanilang isipan na masaya ka sa araw
ng kapaskuhan.

Sana...
Sa paskong darating makita mo rin sa iyong isipan ang
larawan ng iyong asawa't mga anak.
!
IKAW ANG KALIGAYAHAN NILA
SA ARAW NG PASKO
!
Tawagan mo sila, kumustahin mo pamilya mo
baka.. "NAGUGUTOM".

Friday, 11 September 2009

KASALANAN BA AY ISANG PAGKAKAMALI

Madalas nating naririnig sa mga kaibigan,
kakilala, o kung minsan sa mga mahal natin sa buhay
Kadalasan ang tao pag nakakagawa ng isang bagay
na makakasakit ng damdamin o nakakagawa
ng kasalanan, ang madalas nating naririnig sa
kanya..
"IM SORRY, PATAWARIN MO AKO
SA AKING PAGKAKAMALI"
Minsan naman..
"WALA NA BANG PANGALAWANG PAGKAKATAON
ANG NAGAWA KONG PAGKAKAMALI?"

Ang kasalanan nga ba ay isang pagkakamali?
Paano mo kaya nasabi na ang nagawa mong
kasalanan ay isang pagkakamali?
Naniniwala ako na ang pagkakamali ay hindi kasalanan.
Pero ang kasalanan ay hindi pagkakamali.

Isang kaibigan ko ang nagbigay sa akin ng isang halimbawa
na nauukol sa kasalanan na sinasabi nilang isang pagkakamali.
Halimbawa daw na ang isang gurly na nagmahal sa
isang lalaki na meron ng nagmamay-ari or kasal na sa isang
babae ang minahal niya ng hindi niya alam na
may asawa na yung lalaki. Maituturing daw na kasalanan iyon
dahil ang minahal niya ay lalaking may pananagutan na.
Para sa akin.. Hindi kasalanan nung gurly ang kanyang
nagawa. Iyon ang masasabi kong.. "pagkakamaling hindi
sinasadya". "Pagkakamaling hindi ko masasabing kasalanan
dahil hindi niya alam na may asawa na yung lalaki.
Pero kung alam nung gurlY na may asawa na yung lalaki
patuloy parin niyang inibig yan ang masasabi kong
kasalanan. Kasalanang hindi pagkakamali.
Kadalasan ang tao pagnakagawa ng kasalanan
madalas na sinasabi nila
IM SORRY NAGKAMALI AKO
PATAWARIN MO AKO SA AKING PAGKAKAMALI.

Tayong lahat alam naman natin kung ano ang mga
kasalanan, sa mata ng tao at sa mata ng diyos
maliit man o malaking kasalanan alam nating kasalanan
bakit pa natin ginagawa tapos sa huli sasabihing
nagkamali.
Ikaw.. naniniwala ka ba na ang kasalanan ay isang
pagkakamali?

Wednesday, 9 September 2009

PAGPAPATAWAD

Isang parte ng buhay natin ang pagpapatawad
Isang parte rin ito ng pagpapakita ng pagmamahal
hindi lang para sa kapwa, para narin sa ating sarili.
Marami akong naririnig minsan na mahirap magpatawad
dahil sa sakit na naramdaman. Ayaw mong magpatawad
para maipakita mo sa tao ang nararamdaman mong galit.
Mahirap nga ba ang magpatawad?
Kung hindi mo magawang magpatawad hindi ka makakawala
sa anino ng iyong galit, kung hindi ka magpapatawad
hindi ka makakawala sa parusa ng sarili mong galit,
ang galit na nararamdaman ay isang malaking bagay na
hadlang sa iyong kaligayahan, malaking hadlang para
sa plano mong magmahal.
kung hindi mo magawang magpatawad habang panahon kang
hindi makakaramdam ng kapayapaan sa iyong isipan.
Hindi ka makakaramdam ng kasiyahan dahil nakakulong ka
sa galit na iyong nararamdaman, ikaw ang hindi malaya,
Ikaw ang magsa-suffer hindi siya.
sarili mo lang ang pinaparusahan mo. Ayaw mong mong
magpatawad dahil inaakala mo sa iyong isipan na kung
magpapatawad ka nangangahulugan ang kanyang pagkapanalo.
Subukan mong magpatawad, ikaw ang lubos na makakaramdam
ng kalayaan dulot ng galit para makontrol ang iyong sarili.
Kasiyahang regalo mo hindi lang don sa tao pati narin sa iyong sarili.
Marami ang nagsasabi na ''FORGIVE AND FORGET THE PAST''
Para sa akin
Magpatawad ka, pero.. huwag kang lumimot sa nakaraan.
YUNG TAO ANG KALIMUTAN MO
HINDI YUNG MEMORIES
Huwag mong kalimutan ang nakaraan para alam mo na
ang mga mali para bukas. Bigyan mo lang ng kalayaan ang
isipan mo sa galit hindi sa memories para alam mo kung
saan ka nasaktan noon at alam mo kung saan ka muling
magsisimula para maprotektahan ka from future bitterness.
Kung kakalimutan mo ang nakaraan, makakalimutan mo rin
kung paano ka nagpatawad, kung paano ka nakaramdam
ng kasiyahan, paano mo magagawa uli sa susunod.
Ang pagpapatawad ay nangangahulugan ng panibagong
bukas muli para makapagsimula.
MAGPATAWAD KA... PASKO NA

Monday, 31 August 2009

DESENTE KA BA

Matagal din akong nawala dito sa sirkulasyon sa hindi
maiiwasang kadahilanan. Bagamat sumisilip parin ako paminsan-minsan. Masyado akong nagugulat sa mga nababasa ko, mga palitan
ng mga salita, mga away na nangyayari na dapat sanay hindi nangyayari dito sa mundo ng pag blo-blogging.

LAHAT TAYO AY MGA DESENTENG TAO
WALA AKONG NAKIKITANG DESENTE SA AWAY
SA SALITA MAN O SA GAWA.

Bakit nagkakaroon ng away?
Bakit ka nagkakaroon ng kaaway?
Bakit nagkakaroon ng samaan ng loob sa bawat isa?

Nagkakaroon ng away o samaan ng loob dahil sa isang tao na nag umpisa ng away. Sa isang tao na pinaiiral ang pagiging sama ng pag uugali. Lumalawak ang away dahil naman sa mga taong mahilig makisawsaw sa away ng iba. Sa araw-araw na pagbabasa ko sa ibat-ibang blogsite dahil sa nais kong makapulot ng mga magaganda pang aral na magagamit ko sa pang araw-araw kong pamumuhay. May mga nababasa ako minsan na hindi kaaya-aya sa aking pananaw, hindi kaaya-aya sa aking panlasa, at hindi kaaya-ayang mga salita para ipabasa sa iba. Pero ang lahat ng iyan ay pinagkikibit ko nalang ng balikat, pinalalampas ko na lang iniisip ko doon siya masaya sa ginagawa niya bakit ko siya hahadlangan, bakit ko siya pupunahin kung hindi naman siya nakakasakit ng damdamin ng iba. Hindi rin naman niya hinahadlangan ang mga ginagawa ko. Iniisip ko hindi naman ako yayaman sa pagpuna sa ginagawa ng iba. Wala namang mawawala kung magiging tahimik na lang ako. Ang pinag iisipan ko kung paano ba ako makapag papasaya sa kapwa ko at kung paano ako hahangaan ng isang tao. Mas masarap ang maging tahimik, mas masarap ang walang kaaway. Nilalagyan ko ng quality ang lahat ng ginagawa ko, lahat ng iniisip kong gawin, at nilalagayan ko ng quality ang bawat salita na binibitiwan ko sa kapwa, sa madaling salita iniisip ko munang mabuti kung makakasakit ba ako ng damdamin ng kapwa bago ko sabihin ang isang salita. Dahil ni minsan hindi ko kinahiligan ang manakit ako ng damdamin ng kapwa ko, dahil ayaw ko ding sasaktan nila ang damdamin ko. Ni minsan hindi ko kinahiligan ang magpahiya ako ng kapwa ko at ni minsan hindi ko pinag iisipan kung paano ba ako makapanakit ng tao.
Ikaw? Sinaktan ba niya damdamin mo?
Bakit mo siya sinasaktan?

Sa buhay natin...
Kailangan ba ng away para yumaman?
Kailangan ba ng away para dumami ang kaibigan?
Kailangan ba ng away para masabing magaling ka?
Masaya ka ba kung meron kang kaaway?
Masaya ka ba kung nasasangkot ka lagi sa away?
Bakit ka nasasangkot sa away?
Aminin man natin o hindi meron ka ring kasalanan o pagkakamali kaya ka nasasangkot sa away. Nadamay ka dahil isa karin sa nakikisawsaw sa away ng iba.
Bakit hindi mo magawang manahimik?
Mahirap bang maging tahimik o mas mahirap yung may kaaway?
Mahirap bang kontrolin ang sarili? o gusto mo lang ipakita ang kagalingan mo?
Yan lang ba ang paraan ng pagpapakita ng kagalingan?
Apektado ba ang buhay mo kung may mabasa kang hindi kaaya-aya sa panlasa mo?

Tanungin mo ang sarili mo, kung bakit ka nasasangkot sa away? Dahil isa karin sa nakikipag away. Paano magkakaroon ng kaaway ang isang tao kung tahimik lang siya sa kanyang ginagawa.
Ilagay mo ang sarili mo sa kaaway mo... kung ikaw ang makarinig o makabasa ng hindi maganda na tungkol sa iyo hindi karin kaya magagalit?
Huwag mong saktan ang damdamin ng kapwa mo
kung ayaw mo ring saktan nila damdamin mo.
Ano ba hanap mo..kaibigan o kaaway?

Hindi ka ba nahihiya sa mga kaibigan mo kung nalalaman nila na lagi kang may kaaway? Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo?
Walang away kung wala ka na nagsimula ng away.

DESENTE KA BANG TAO?

Kung nais mong tumulong para sa katahimikan
Tumahimik ka na lang makakatulong ka pa.

Wala po akong pinapanigan sa bawat isa.

Thursday, 13 August 2009

PAG AARAL


Noong nasa high school pa lang ako, kapag kasama ko
ang mga kaibigan ko, kabarkada nakakalimutan ko ang
lahat dahil minsan ang sarap sa pakiramdam kapag
kasa-kasama mo na ang mga kaibigan mo, kabarkada mo.
Hindi mo na naiisip kung ano ang bukas, basta ang mahalaga
yung ngayon na kasama mo sila.
Madalas yan din ang isang dahilan kaya naliligaw tayo
ng landas. Nawawala ang konsentrasyon natin sa pag-aaral
dulot ng impluwensya ng kabarkada.
!
Noong bata palang ako at kapiling ko pa ang aking ina
madalas niyang sinasabi sa akin.. "Anak mag aral kang mabuti
para pag nakatapos ka madali kang makahanapng trabaho."
"Mawala man kami kaya mong buhayin ang sarili mo
Noon... dahil dala ng ating kabataan hindi
ko masyadong inintindi ang bilin sa akin ng aking ina.
Hangang sa nawala ang aking mga magulang, unti-unti
nakakaramdam ako ng hirap mabuhay, hangang sa bumalik
sa aking ala-ala ang bilin sa akin ng aking ina, Totoo
ang kanyang sinabi, kailangan natin ang may natapos dahil
ito ang magiging sandata natin pagdating ng panahon.
Bagamat maraming hadlang, maraming balakid, maraming
pagsubok ang dadanasin bago mo makamit ang makapagtapos
ng pag-aaral. Dahil dala ng aking determinasyong makapagtapos
lahat ng paraan ginawa ko hangad ko lang na makapagtapos
kahit mababang kurso lamang. Kumuha ako ng
mga mababang kurso na kailangan sa paghahanap buhay.
Kumuha ako ng BASIC SEAMAN COURSE, HEAVY EQUIPMENT
OPERATOR, MACHINE SHOP, AUTO MECHANIC,
AUTO ELECTRICITY, GMAW/SMAW WELDING
BUILDING ELECTRICITY W/ APPLIANCE SERVICING
!
Sa tulong ng aking determinasyon na makapag tapos,
Sa tulong ng pag aalala dulot ng kahirapan,
Sa tulong ng pagdarasal,
At sa tulong ng payo ng aking ina na ang pag aaral
ang siyang gabay natin tungo sa kaginhawaan.
Narating ko ang kinalalagyan ko ngayon
Dalawa sa natapos ko ang nagamit ko sa paghahanap buhay
!
Hindi hadlang ang kahirapan para makamit
mo ang iyong minimithi.
Walang hadlang kung nanaisin mo talagang makamit
ang isang bagay na nais mong marating.
Ikaw din ang makikinabang sa bandang huli.
!
Tandaan mo...
KUNG MAY NATAPOS KA... LAMANG KA SA ILANG
LIBONG APLIKANTE NA HINDI NAKATAPOS.

Sunday, 9 August 2009

KAAWA-AWANG MGA PINOY


Madalas naririnig natin sa radio, napapanood natin sa TV,
nababasa sa mga pahayagan na ang bukang bibig ng
ating pangulo at ng mga nanunungkulan sa ating gobyerno
na "Ang mga OFW's daw ang malaking naitutulong sa ekonomiya
ng pilipinas. Malaki daw ang naitutulong ng mga nagtatrabaho
dito sa ibang bansa. Malaki daw ang perang ipinapasok natin
sa kaban ng bayan. Madalas iyan ang palaging bukang bibig
nila. Kung maririnig mo nga naman iyang sinasabi nilang iyan
matutuwa ka dahil isa ka sa nakakatulong sa pilipinas.
!
Isang kaibigan ko ang nag apply sa POEA.
Pagdating niya ng POEA ni refer siya sa agency, dahil ang
mga agency naraw ang nag aasikaso papunta dito sa abroad.
Tiningnan ng kaibigan ko kung saang agency siya mag aaply
nakita ng kaibigan ko sa labas ng POEA ang sangdamakmak na
agencies. Pumili ng isang agency yung kaibigan ko, pinuntahan niya
yung napili niyang agency, at napag alaman niya na gagastos daw
siya ng mahigit kumulang sa 200,000 pesos bago makaalis.
napakalaking halaga, paano ka nga naman makakaalis upang
makapagtrabaho dito sa ibang bansa kung ganyang kalaki ang
kakailanganin mo, ni pambili nga ng isang kilong bigas hirap ka
yan pa kayang ganyang halaga, 200,000!!
Paano ka lalong makakatulong upang makapagambag ka ng
dolyares para sa ekonomiya ng pilipinas. Ang bukang bibig nila
na ang mga pinoy na nagtatrabaho dito sa ibang bansa ang
nag aahon ng ekonomiya ng pilipinas pero... Parang ayaw nilang
paalisin ang mga tao. pinapahirapan nila ng husto. Sa skuling palang
ng korean language gagastos ka muna ng malaki wala ka pang
kasiguruhang makaalis dahil pag nakapasa ka doon ka palang
mag uumpisang mag apply o doon ka palang pwedeng mag
asikaso ng papel mo. Kung bumagsak ka hindi ka pa pwedeng
mag asikaso ng papel mo. Sa madaling sabi kukuwartahan ka muna
magbabayad ka muna sa skuling mo. Para ka pang sumusuot
sa butas ng karayom. Malaki na ang gagastusin mo wala ka
pang kasiguruhan sa nilalakad mo.
Kung namumulot kalang ng lata sa pilipinas wala ka ng karapatang
magtrabaho sa ibang bansa, samantalang kung makakaalis ka sana
malaki ang maitutulong mo upang makapag pasok karin sana
ng dolyares sa kaban ng bayan.
!
GANYAN BA KAINUTIL ANG MGA NAMUMUNO SA PILIPINAS?
!
Kung ang gagawin sana nila magpaalis sana ng mag paalis ng
mga pilipino para mas lalong malaki ang kikitaing dolyares
ng pilipinas, mas marami pang aasenso na mga kababayan natin
asan kaya ang mga utak ng mga namamahala sa atin.
Ganyan ba sila katalino?
Ang nangyayari sisimutin muna nila ang lahat ng
kabuhayan mo, pag minalas-malas ka pa mapepeke ka pa.
Sa kangkungan ka pa pupulutin. Ni wala pa atang nakukulong
na mga illegal recruiter.
!
Ano kayang klaseng gobyerno meron tayo?
Hindi na nga nila kayang bigyan ng hanapbuhay ang ibang
mga kapatid natin, bakit pinapahirapan pa nilang paalisin
ang mga kaawa-awa nating mga kababayan.
!
TAMAAN SANA KAYO NG KIDLAT
MGA BUWISIT KAYO!!
TOINK!!

Wednesday, 5 August 2009

ANO ANG DAPAT BAGUHIN


Panahon nanaman ng botohan, panahon nanaman ng
bigayan ng mga opinion tungkol sa kalidad ng kani-kanilang
mga paboritong pangulo or senador.
Minsan nag-iisip din ako, pero.. hindi ko iniisip kung
sino nga ba ang iboboto ko.
Kadalasan, aminin man natin o hindi ang nangyayari sa atin
meron tayong kanya-kanyang hinahangaan kung sino ang
nararapat na iboto natin. meron tayong kanya-kanyang
manok. Madalas isinisigaw natin ang pagbabago, isinisigaw
natin ang kahirapan ng ating bansa dahil ayaw na natin
sa mga taong naka upo. Madalas bukang bibig natin ang
kailangan naman ngayon ay ang bagong uupo para mabago
na ang takbo ng buhay natin sa pinas.

Kung para sa akin...
ANO BA ANG TUNAY NA MAKAKATULONG
PARA GUMANDA ANG BUHAY NATIN SA PILIPINAS?
Merong nagsasabi na... hindi magaling ang naka upo.
SINO BA ANG MAGALING?
Yun bang bago uling presedente baka sakali merong pagbabago?
YAN BA ANG TUNAY NA MAKAPAGPAPABAGO
NG BUHAY NATIN SA PILIPINAS?
Kailangan ba yung puro nalang tayo pagbabakasakali?
Kapag nakaupo na yung pinili natin... gaganda na ang buhay natin
sa pilipinas? Sa dami na ng umupo sa ating pamahalaan.. Halos lahat
matatalino, wala paring nangyayari sa ating bansa.
Marami paring naghihirap, at lalo lang tayong naghihirap.
!
Para sa aking pananaw.. hindi ang pagpili ng kandidato
ang ''TUNAY'' na mag papaginhawa sa ating pamumuhay.
Ako sa sarili ko... wala akong pinipiling kandidato.
Wala akong pinapaboritong pulitiko. Dahil hindi ako naniniwala
na ang tunay na mag aahon sa atin sa hirap ay yung mag
palit ng mag palit ng mamumuno. Pare-parehas lahat yan!
Ikumpara natin sa sarili natin..
Paano mo ba mailalagay sa ayos ang sarili mo?
Mailalagay natin sa ayos ang sarili natin pag... Nakita mo ang
kakulangan sa buhay mo, Maisasa ayos natin ang sarili natin
pag nakita mo sa sarili mo ang mga maling ginagawa mo.
!
Tulad ng kaibigan ko.. sinasabihan niya ako...
"Pare dapat ganito ang gawin mo para gumanda ang buhay mo."
"Pare ito pa ang mga kakulangan sa buhay mo."
Sa pamamagitan ng mga turo sa akin ng kaibigan ko
naisaayos ko ang buhay ko.
Dito sa korea halos wala kang makitang pulubi,
halos wala kang makita na namamalimos,
lahat sila may pera.. dahil halos lahat sila may trabaho.
!
TRABAHO ANG KAILANGAN!
HINDI ANG PAGBABAGO!
!
Tulad din yan ng pagkapangulo.. kahit anong talino ng isang
tao hindi parin niya nakikita ang ibang bagay na makakatulong
sa pag unlad ng mamamayan. Kailangan pa rin nila ang tulong
natin. Isigaw natin sa kanila ang kakulangan nila
Isigaw din natin sa kanila ang mga kamalian nila.
Ano ba ang isinisigaw ng damdamin mo?
Ano ba ang kailangan mo sa buhay mo?
Ano ba ang gusto mong mabago?
Ang buong pilipinas ba? o Ang buhay mo?
Gusto mo ba maiahon sa hirap ang pilipinas?
o gusto mong maiahon sa hirap ang buhay mo?
Kadalasan ang isinisigaw mo ang magpalit na ng presedente
Kadalasan isinisigaw natin ang pagbabago ng sistema ng gobyerno
Kadalasan isinisigaw natin iahon sa hirap ang pilipinas
Hindi yan ang hingin natin... "TRABAHO" ANG ISIGAW MO
Huwag tayong humingi ng pagbabago... "TRABAHO" ANG HINGIN MO.
Iyon ang isigaw mo sa pangulo para mamulat sila sa pagkukulang nila.
ANG TAO ANG NAGHIHIRAP, HINDI ANG PILIPINAS!
Kaya ka naghihirap dahil wala kang trabaho
Wala kang pambili ng bigas.
Hindi kailangan ng mga naghihirap ang kahit anong
sistema ng gobyerno, ang kailangan nila trabaho.
!
SINO BA ANG GUSTO MONG BAGUHIN?
!
ANG PRESEDENTE BA O ANG BUHAY MO?
!
SINO BA ANG NAGHIHIRAP?
ANG PILIPINAS BA O ANG TAO?
!
HANGANG NGAYON UMAASA KA PA BA NG PAGBABAGO
HANGANG KAYLAN?
TRABAHO ANG HINGIN MO HINDI ANG PAGBABAGO.

PAGSISISI NASA HULI


Ang sarap ng pakiramdam kapag nakikinita mo kung
ano ang iyong magiging bukas. Lagi kang masaya, laging
may ngiti sa iyong mga labi. Sabi nga ng isang ng isang awit..
!
''Ang sarap ng umaga kung ikaw ay gising
Tanghali maligaya kung ikaw ay may makakain
Ang gabi ay mapayapa kung mga mahal sa buhay ay kapiling,
kay sarap ng buhay lalo nat alam mo kung saan pupunta''
!
Marami akong nakakasalamuha dito sa malayong lugar,
hindi na talaga mai aalis sa atin ang magpakasaya at
mag pakalunod sa ligayang nalalasap ngayon. Walang iniisip kundi
ang maging maligaya siya ngayon. Lahat ng maisip mong gawin
nagagawa mo, malayang-malaya, walang makakapigil
lahat ng kalayaan nilalasap mo, sarap ng buhay noh?
!
Pero... hindi man lang ba sumasagi sa iyong isipan kung
ano ba ang iyong magiging bukas?
Hindi kaya sumasagi sa isipan mo kung hangang saan
aabutin ang kayamanan mo ngayon?
Hindi mo ba tinatanong ang sarili mo kung..
magiging maligaya ka pa kaya uli pagdating ng panahon
kung nandon ka na sa sariling bayan?
Hindi ba sumasagi sa iyong isipan na..
malakas ka pa kaya bukas?
Hindi mo ba iniisip ang iyong sariling pamilya kung...
mapapasaya mo rin ba sila pagdating ng panahon?
Hindi mo ba naiisip kung maligaya ka parin ba hangang sa huli?
Hangang saan, hangang kaylan kaya tatagal ang kaligayahang
nalalasap mo ngayon? o baka hangang dito lang yan
kung saan ka naroroon ngayon?
!
HINDI KA KAYA MAGSISI SA HULI?
!
MAG-ISIP KA KAIBIGAN!

Tuesday, 4 August 2009

MATUTO KANG MAGPASALAMAT


Ipagpasalamat mo dahil nandiyan ka na,
samantalang yung iba papunta pa lang.
Ipagpasalamat mo dahil meron ka ng mga
bagay na ikinasasaya mo, samantalang yung iba
nangangarap magkaroon.
Ipagpasalamat mo kung nakakagawa ka
ng pagkakamali, iyan ang paraan para matuto.
Ipagpasalamat mo kung dumadating ang araw ng
iyong pagkabigo, natututo kang muling tumayo
Ipagpasalamat mo ang mga dumarating na pagsubok
dahil ito ang pagkakataon upang matuto kang lumaban.
Huwag mong iyakan ang nakalipas
ipagpasalamat mo dahil nakalipas na.
!
Huwag kang padadala sa mga bagay na
nagbibigay sa iyo ng kalungkutan
Ang isipin mo mas maligaya ka dahil narating mo
na ang kaligayahang hindi nalalasap ng iba.
!
Matuto ka lang...
!
''MAGPASALAMAT''

Thursday, 30 July 2009

SINO ANG DAPAT

Nakatangap ako ng tawag mula dito sa katabing kuwarto ko
Pare! labas tayo mamaya (sabi sa akin ng kasama ko)
Asan ka ba? (tanong ko sa kanya}
Andito lang ako sa kuwarto ko
Buwisit ka! andiyan kalang pala patawag-tawag ka pa!
!
Kumain kami sa labas, siyempre medyo tumagay-tagay
narin kami ng konti. Habang tumatagal gumaganda ang
kuwentuhan namin ng kasama ko, marami kaming
napag usapan hangang nai kuwento niya sa akin na
tumawag daw sa kanya yung isang teacher na kumpare niya
na.. nakikiusap na kung pwede mag donate daw siya ng mga
upuan na gagamitin sa mga pagtitipon sa paaralan.
Nagpadala itong kasama ko ng halagang 7000 pesos
doon sa kaibigan niyang teacher. Sa dating ng kanyang
pag kukuwento sa akin medyo pinagmamalaki niya sa
akin na nakatulong daw siya sa mga guro.
Sabi ko naman... ok din yang ginawa mo at least nakatulong ka
(sabi ko sa kanya). nasa ganon kaming pag uusap
maya-maya nag ring ang kanyang cellphone tawag galing
ng pilipinas. Sinagot niya yung tumawag, ang narinig ko
sa sinabi niya sa kabilang linya,
"-Wala akong pera ate
ang dami ko pang utang dito na binabayaran
pag nakaluwag nalang ako ha''. cge tatawag nalang ako sa inyo
pag nakaluwag na ako. bye!
Pagkatapos nilang nag usap tinanong ko kung sino yung
tumawag, sabi niya kapatid daw niyang babae, wala daw
trabaho yung bayaw niya konstraksyon lang daw
ang trabaho ng kanyang bayaw sa pilipinas, may limang
anak. wala na daw silang pangbili ng bigas.
!
Nang akoy andito na sa kuwarto ko nakahiga iniisip
ko yung narinig kong pag uusap ng kasama ko at nung
kapatid niyang babae at yung kinuwento sa akin ng
kasama ko tungkol sa pag bigay niya ng halagang
7000 pesos sa taong hindi niya kaano-ano.
!
Masyado akong napapailing, sino ba ang dapat na tulungan?
Yun bang mga taong may kakayahang bumili ng sariling
gamit o yung mga taong mas nangangailangan ng iyong
tulong. Dapat bang unahin yung mga taong naging kaibigan
mo lang o yung mga taong karugtong ng iyong laman at dugo.
Alam naman natin ang mga taong nasa paligid natin ang totoong
naghihirap. Totoo kaya ang pagbibigay mo ng tulong
ay nangga-galing sa iyong puso?
Sino ba ang dapat na tulungan?
!
Ayaw kong pangunahan ang bawat isa,
ayaw kong husgahan ang aking kapwa
pero sana... bago ka tumulong unahin muna natin
ang mga taong naghihintay ng iyong tulong.
Unahin muna natin ang mga taong mas higit nating tulungan.
!
Sino ba ang tutulong sa iyong mga kapatid?
Sino ba ang pwedeng lapitan ng iyong mga kapatid?
Nagsasaya na ang mga taong binigyan niya ng tulong
pero.. ang sarili niyang kapatid umiiyak dahil
wala ng makain.
!
SINO BA ANG DAPAT NATING TULUNGAN?

Wednesday, 29 July 2009

MATUTO KANG LUMAKAD


Habang ako ay nagiisa dito sa kuwarto ko na puno na ng
usok ng sigarilyo, ang layo ng nararating ng aking isipan
madalas.. ito ang ginagawa ko kaysa lumabas
habang akoy nangangarap, sinasariwa ko ang mga
ala-alang ginagawa ko noon at mga bagay na gusto ko
pang gawin. May mga bagay na gusto kong gawin ngunit
parang ang hirap gawin, parang... pinanghihinaan na
ako ng loob, parang ang hirap gawin.
Kung kaylan ako tumanda ng ganito
Kung kaylan mas malawak ang isipan ko
dito pa ako parang susuko.
Samantalang ang isang musmos na bata na nag aaral
pa lamang na tumayo, wala pa sa tamang pag iisip
nandon ang determinasyon niyang matutong tumayo
kahit bumagsak tatayo at tatayo parin kahit nag iisa.
kahit masaktan sa kanyang pagkakabagsak hindi sumusuko
hangat hindi natututong tumayo. Kahit wala ka sa kanyang
tabi hindi siya naghihintay kung kaylan mo siya gagabayan.

Sa bawat pag bagsak masaktan man ng bahagya umiyak
man ngunit hindi sumusuko.
Mapagtagumpayan man niyang tumayo, magsisimula
naman siyang humakbang upang lumakad para sa
panibagong hamon ng buhay. Ang buhay ng isang musmos na bata
ay punong-puno ng pagsubok. Ano mang hirap,
ano mang sakit ng pagkakadapa tanging iyak lang
ang sandata upang mailabas ang sakit na
naramdaman sakanyang pagkakadapa.
They never waited too long
to give it another shot.

Kung ating iisipin, hindi mo mabibilang kung ilang beses
siya bumagsak, kung ilang beses madapa. Pero...
Hindi sumusuko.
Ikaw pa kaya na nasa wastong pag iisip ang madaling sumuko?
Tulad natin kahit madapa tayo sa unang pagsubok
huwag tayo mawalan ng pag-asa
Lahat tayo kahit maka ilang ulit tayong
madapa pilitin nating tumayong muli upang harapin
kahit anong dami ng pag subok. Kahit makailang
beses tayo bumagsak.
!
If you can learn to walk there are many other things
that can be achieved in life.
!
Ang isipin natin...
!
KATULAD DIN ITO NUONG TAYOY NATUTUTONG
LUMAKAD.
WALANG KALIGAYAHANG MAKAKAMIT SA
PAGKAKADAPA,
ANG KALIGAYAHAN AY NASA MULING PAGTAYO

SA BAWAT PATAK NG LUHA
MAY NGITING KATUMBAS.
!
!
DITO MUNA KAYO...
MAG CR MUNA AKO
MAWAWALAN DAW NG TUBIG MAMAYA
LAKING PROBLEMA PAG WALANG TUBIG
MINSAN KASI GUMAMIT AKO NG TISSUE
KASO NABUTAS.
YUNG DALIRI KO TUMUSOK

Tuesday, 28 July 2009

SALAMIN


Kapag humaharap tayo sa salamin
Kitang-kita natin ang kabuuan ng ating sarili
ang ating panlabas na kaanyuan.
Pero minsan kahit nakaharap tayo sa salamin hindi
natin nakikita ang tunay na katauhan natin.
Kahit tayo sa ating sarili, hindi natin nakikita ang ibang
bagay na meron tayo sa ating pagkatao.
May mga ugali tayo na alam natin minsan na nakakasama
sa iba pero... ginagawa parin natin.

Minsan makikita mo lang na masama kung...
nakita mong ginawa ng iba, dito mo masasabi na
nagagawa ko din minsan ang ganoon.
Masasalamin natin ang sarili natin sa katauhan ng iba.
Makikita mo ang sarili mo sa mga taong nakakasalamuha mo
Kung ano ang nakikita mo sa iba iyon ang nag
re-reflect sa pagkatao mo.
Kung ano ang ginawang mabuti ng isang tao,
nagagawa mo rin. Sa kanila mo nakikita kung ano ang
tunay na pagkatao mo.
Madalas kapag may nakakausap ako tinitingnan ko
kung ano ba na meron siya sa sarili niya na wala ako.
Tinitingnan ko din kung ano ba na meron ako sa sarili
ko na wala din siya. Minsan.. napapangiti ako sa sarili
ko kung may makita ako na malaki ang kaibahan ko sa kanila
Tulad sa mga kaibigan ko, madali silang magalit kung may
mga bagay sila na hindi nila agad magawa,
dito ko nakikita ang sarili ko na hindi ako ganoon
May mga bagay naman na maganda sa ugali nila
ang siya ko ring kinukuha mula sa kanila.

Ngayon... Kung ano man ugali meron ako dahil
ito sa mga taong nakapaligid sa akin.
Sa kanila ko nakita kung ano ang mali at tama sa aking ugali
Sila ang naging salamin ng aking pagkatao.





Sunday, 26 July 2009

MALASAKIT


Sa araw-araw ng pakikisalamuha ko sa mga tao
Pakikipag usap sa mga kaibigan,kakilala at kung sino-sino pa
Hindi ko maalis sa aking isipan kung ano ba ang pagkakaiba
ng bawat isa. Yun bang masasabi natin na ang pagkakaiba
mo sa kanila, yung mahirap gawin ng isang tao.
Pagkakaiba na.. mahirap kalimutan ng isang tao sa iyo.
May mga bagay na masasabi mo na madaling gawin
sa salita ngunit mahirap ng gawin kung tayo na ang gagawa.
Marami ang nagsasabi na.. hindi lang ang kaibahan nila sa atin
ay ang pagiging mapera nila, marami silang
award na natangap sa paaralan, may mga diploma sila.
Mas higit ang kaibahan mo sa kanila
kundi ang....

Magbigay ng "MALASAKIT"
!
Ang pagbibigay mo ng malasakit sa
kapwa ang pagkakaiba mo sa kanila.
!
To make a difference to others, care for them.
!
Yan ang magiging kaibahan mo sa kanila.
Photobucket