
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na maging mabuti sa isang tao,
Minsan ang tao ay may limitasyon ang kabutihan sa kapwa.

Nais ko pong ibahagi dito ang isang panaginip na nangyari sa akin habang akoy nasa kasarapan ng tulog. May 23 (sabado) Naks kompleto pati petsa ano po para lumabas na medyo may katotohanan ng konti
kung hindi ako nagkakamali, galing ako sa isang kaibigan na kaututan ko din ng dila at habang kami'y nag kukuwentuhan siyempre hindi naman mawawala ang konting alkohol na iniinom, isang sangkap din para gumanda ang usapan.
Naparami na ako ng inom, minabuti ko nang umuwi at magpahinga, humiga at nag isip ng konti.. at habang nakahiga lumalaro sa isipan ko yung pang aaway sa akin nung girlfriend ko este nung kaibigan ko pala. Nakatulog ako... Habang nasa kalagitnaan ako ng tulog, isang panaginip ang naglaro sa aking pagkakahimbing, hindi ko lang mawari kung maganda o pangit ang aking panaginip.
Isang babae sa aking panaginip ang papangalanan kong ''VIOLET'' (sana mabasa ni miss violet ito)
Isang babae ang sinubukan kong ligawan sa aking panaginip, at sa aking panaginip lumalabas na ayaw akong sagutin ni violet dahil mas malaki ang nararamdaman niyang pagtingin sa aking karibal na halos matagal ng kaibigan ni violet. Sa madaling sabi... bagsak ako sa exam.
Lubha akong nalungkot sa aking panaginip parang gusto ko ng magising para hindi ko na marnig ang sasabihin ni violet na... " kaibigan na lang tayo".
Pero dahil dala ng ispiritu ng alak, lalong napasarap ang aking tulog.. narinig ko nga yung sinabi ni violet na... kaibigan na lang daw kami, Hayyyy! '' hirap naman nito, panaginip na nga lang basted pa ''
Itutuloy ko na yung aking panaginip... sa madaling sabi, dahil ayaw ko naring habaan pa itong kuwento ko.. nagpaalam nalang ako kay violet.
Iisa lang ang sinabi ko sa kanya sa aking panaginip... ''Sige, kung yan ang desisyon mo... aalis nalang ako.. pero... pwede ba ako humingi ng isang request isang kahilingan bago ako umalis? pagkatapos lalayo na ako hindi na ako magpapakita kahit kaylan.
Ano yon Ron? (tanong ni violet)
Pwede ba ako ''HUMALIK'' kahit sa pisngi lang.. then aalis na ako lalayo na ako violet. Hindi umimik si violet, dahil ayaw din naman niya akong saktan pumayag siya sa aking kahilingan. Hinalikan ko siya ng malumanay, madiin , matagal. at sa halik kong iyon... Ewan ko kung makalimutan niya ako. Dito na po ako nagising na nabubuwisit, ngayon naman na ayaw ko pang gumising... saka naman kusang dumilat itong mata ko. Sayangggg!!

Natatandaan ko pa ang mga sinasabi ng mga taong nakakabasa ng aking mga liham, kahawig daw ng aking sulat kamay ang mga nakasulat sa isang greeting card, mga love massges sa isang card.. B-day card, Christmass card. Siyempre medyo natutuwa din naman ang inyong lingkod dahil may nakakahawig daw ang aking sulat kamay.

Sa aking paglalakad.. may nasulyapan akong pinay na nag iisang naka upo, parang malungkot at malayo ang iniisip nilapitan ko ng bahagya nasulyapan ko na parang may luha sa kanyang mga mata.
Nilapitan ko at sinubukan kong kausapin, ''Hi'' (bati ko sa kanya) tumingin lang siya sa akin, pagkatapos yumuko uli. Minarapat ko na lang na umupo sa kanyang tabi, ''May problema ba? Hindi siya sumagot, nagtanong ako uli... Tila umiiyak ka..Bakit? Hindi uli siya sumagot, tinapunan lang ako ng konting tingin saka yumukong muli. ''Nagtanong akong muli..'' Sinong kasama mo? Ikaw lang ba ang nandito? Tumango lang pero hindi nagsalita. ''Ako uli ang nagsalita.." Bakit ka nandito? Saan ka umuuwi? Hindi nanaman sumagot. Sige huling tanong ko na ito... aalis na ako palagay ko ayaw mo lang siguro ng may kausap. Pipi ka ba? Yon! Napansin ko medyo nangiti siya.. kasi lumobo yung sipon niya eh.
Umiiyak ka ba? Nakikita ko kasi sa iyong mga mata ang lungkot na dala-dala ng damdamin mo. Nagsalita siya.. naikwento niya sa akin ang kasintahan pala niya mayron ng iba.
Mahal mo pa ba siya?
Ngayon hindi na, nasaktan lang ako sa ginawa niya.
Pag aralan mo na siyang kalimutan, huwag mo na siyang iiyakan, hindi lang siya ang pwedeng mag mahal sa iyo.. meron pa diyan sa tabi-tabi (he he he) Huwag mong hahayaan na lagi kang iiyak. (Ngumingiti na siya) Marami pa kaming nagpag usapan hangang sa magdilim hinatid ko nalang siya sa sakayan ng bus hangang sa naghiwalay na kami, nakita ko nalang siya na kumakaway nagbaba bye sa akin habang papalayo ang sinasakyan niyang bus.
Iisa ang sumasagi sa isipan ko... ang ganda-ganda niya Hayyy nakaka inlab naman siya. Bigla akong nagulat napatulala ako sabay kamot ko sa ulo, hindi ko pala nakuha yung number ng cellphone niya! pati address nakalimutan kong itanong! Sayanggg! Pangalan lang pala niya ang nakuha ko!
Jusko po! ang tanga-tanga ko naman!
Sana... Isa dito sa mga blagera 'yon!