Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Saturday, 23 May 2009

BAKIT KA IIYAK





Naglalakad ako sa isang park para magpalipas ng oras, nag iisa akong naglalakad mas gusto ko kasi ito yung maglakad ng nagiisa mas komportable ako ng nag iisa. Kung maari lang ayaw kong isama mga kaibigan kong lalaki na magugulo. Maganda na itong nag iisa nakakapag isip ka ng maayos, malayo ang nararating ng aking isipan kung akoy nag iisa. May konting tama ng alak sa utak kontento na ako don.

Sa aking paglalakad.. may nasulyapan akong pinay na nag iisang naka upo, parang malungkot at malayo ang iniisip nilapitan ko ng bahagya nasulyapan ko na parang may luha sa kanyang mga mata.

Nilapitan ko at sinubukan kong kausapin, ''Hi'' (bati ko sa kanya) tumingin lang siya sa akin, pagkatapos yumuko uli. Minarapat ko na lang na umupo sa kanyang tabi, ''May problema ba? Hindi siya sumagot, nagtanong ako uli... Tila umiiyak ka..Bakit? Hindi uli siya sumagot, tinapunan lang ako ng konting tingin saka yumukong muli. ''Nagtanong akong muli..'' Sinong kasama mo? Ikaw lang ba ang nandito? Tumango lang pero hindi nagsalita. ''Ako uli ang nagsalita.." Bakit ka nandito? Saan ka umuuwi? Hindi nanaman sumagot. Sige huling tanong ko na ito... aalis na ako palagay ko ayaw mo lang siguro ng may kausap. Pipi ka ba? Yon! Napansin ko medyo nangiti siya.. kasi lumobo yung sipon niya eh.

Umiiyak ka ba? Nakikita ko kasi sa iyong mga mata ang lungkot na dala-dala ng damdamin mo. Nagsalita siya.. naikwento niya sa akin ang kasintahan pala niya mayron ng iba.

Mahal mo pa ba siya?

Ngayon hindi na, nasaktan lang ako sa ginawa niya.

Pag aralan mo na siyang kalimutan, huwag mo na siyang iiyakan, hindi lang siya ang pwedeng mag mahal sa iyo.. meron pa diyan sa tabi-tabi (he he he) Huwag mong hahayaan na lagi kang iiyak. (Ngumingiti na siya) Marami pa kaming nagpag usapan hangang sa magdilim hinatid ko nalang siya sa sakayan ng bus hangang sa naghiwalay na kami, nakita ko nalang siya na kumakaway nagbaba bye sa akin habang papalayo ang sinasakyan niyang bus.

Iisa ang sumasagi sa isipan ko... ang ganda-ganda niya Hayyy nakaka inlab naman siya. Bigla akong nagulat napatulala ako sabay kamot ko sa ulo, hindi ko pala nakuha yung number ng cellphone niya! pati address nakalimutan kong itanong! Sayanggg! Pangalan lang pala niya ang nakuha ko!

Jusko po! ang tanga-tanga ko naman!

Sana... Isa dito sa mga blagera 'yon!

Thursday, 21 May 2009

TAKBO



Nagkaroon kami ng outing ng mga kaibigan ko sa isang probinsiya.. magkakasama kaming nagtampisaw sa ilog, sama-sama kaming kumain sa gitna ng palayan, ang sarap noh? walang puwang ang kalungkutan sarap ng bonding namin. Hagalpakan ng hagalpakan parang ayaw nyo ng matapos ang araw na iyon dahil minsan lang mangyari ang makapasyal sa malayong lugar. Presko ang hangin, tahimik, nakakawala talaga ng stress sa buhay.

Bandang hapon sama-sama kaming nagkakantahan, may nag gigitara halos lahat kami kumakanta, may umiinom pati mga gurly umiinom narin ng ladies drink. Pagkatapos naming kumain ng hapunan konting kuwentuhan pa uli hangang sa makaramdam na nga kami ng antok. Kanya-kanya na kaming pwesto ng higaan, komo medyo may kaliitan yung bahay na tinutulugan namin.. sala-salabat ang higaan namin. Katabi ko yung lalaki na ngongo, ang hilig pang mag kuwento kung wala lang akong utang dito hindi ako magtsatsagang makinig dito eh. Lasing na nga siya.. ngo ngo pa.. lalong na ngo ngo. jus ko po! galit pa sa akin, hirap ko daw umintindi.

Alam nyo ba? sabi nitong si ngo ngo pag si susan daw ang kumandidato ng pagka presidente ''kantutan daw kami''. Ha!!! Nagulat ako.. kantutan daw kami... yon pala kay susan kami. Sus!!

Sabay-sabay na kaming natulog, dahil nga masikip ang higaan halos magkadikit na yung mukha namin ni ngo ngo. Alas tres ng madaling araw pagtagilid ko humarap ako sa mukha ni ngo ngo nakita kong nakatitig siya sa akin, dilat na dilat siya sa akin. Pumikit ako pagdilat ko nakatitig parin sa akin, ang ginawa ko tinampal ko ng bahagya yung mukha niya.. hindi siya gumalaw.. tinampal ko uli.. pakiramdam ko parang tumigas yung mukha ni ngo ngo.. ginalaw ko mukha niya.. patay na pala yung katabi ko at nakadilat pa! ''Susssss koooooooooo! takboooooooooooooooooo nahawakan ko paaaaaaaaaa!!!!

Biro nyo katabi mo patay pala.. nakdilat pa!

Iinom po muna ako ng tubig..

TRAUMA



Alam nyo ba ang salitang ''TRAUMA''? Eto yung mga pangyayari na sobrang kinatakutan mo na nangyari na at ayaw mo ng mangyari pa uli. Tulad ng aso marami na ang nata-trauma sa aso, masakit nga naman ang kagat ng aso at nakamamatay pa. Sa ahas, sa mga sasakyan, marami pa maaring kahit kayo mismo dumating narin sa inyo iyan. Yung kumpare ko nga sa asawa niya siya nata-trauma (lol). Ako naman nung binatilyo kami nuon kasama ko ang dalawa kong kaibigan isang lalaki at isang babae na mahinhin kung kumilos, naka miniskirt yung kasama kong babae noon. Pumasok kami sa gate nung bahay na pinuntahan namin, pagpasok namin tiwalang tiwala kami na kami lang ang nasa loob ng bakuran dahil tahimik na tahimik. Bigla kaming nakarinig ng tahol ng aso, ang laki pa ng boses nung aso... yahhhhhh! asooooo!!! takbuhan kaming tatlo. Yung kasama kong lalaki sa sobrang takot akalain nyo bang natalon niya yung pader hangang siya'y nakalabas, buwisit na yon! Sinabihan ko na lang yung kasama kong babae na... Umakyat ka sa puno daliii! umakyat nga yung babae sa puno kasunod naman akong umakyat. Pagtingala ko don ako na trauma hindi sa aso, he he he! pag sinuswerte ka nga naman.
Sumigaw yung kasama kong lalaki. ''Pare..! anong nakita mo?
Sumagot naman ako... ''Pare, MAY TAKIP KAYA LANG TABINGI !''

Monday, 18 May 2009

MATIGAS ANG ULO


Maliit pa ako madalas i kuwento ng aking nanay kung paano ako inilabas sa mundong ito.. Kahit ako ay namangha sa mga ikinu kuwento ng aking nanay. Alam nyo ba kung ilang beses ako ipinanganak ng nanay ko? Teka... magsindi muna ako ng sigarilyo he he he. Ganito naman talaga ako habang tumitipa sa bawat dahon ng makinilya ko sumasabay ang hithit-buga ng usok ng sigarilyo''. Tatlong beses po akong lumabas pero... pilit nila akong ibinabalik sa loob.

Sabi ng nanay ko matigas daw ang ulo ko, (ulo po sa itaas ha). Bakit nga kaya...? dahil nga daw kaya matigas ang ulo ko dahil nung oras daw na inilalabas na ako sa mundong ito.. ang unang lumabas daw sa akin ay ang isang kamay ko. Kaya nahirapan ang komadronang ilabas ako ng tuluyan, napilitan silang ibalik ako sa loob saka ako pinaikot uli ng komadrona, sa pagaakala nila na nasa ayos na ako.. itinulak muli akong palabas, eh kaso ang unang lumabas naman ay ang aking isang paa, napilitan nanaman akong ibalik sa loob dahil hirap nga naman ang kalagayan ko.

"Tingnan nyo nga naman itong mga buwisit na ito..! gusto ko na ngang lumabas pilit akong sinasauli sa loob.'' Kung pwede nga lang ako sumigaw sisigawan ko itong komadronang ito eh.
Pag balik ko sa loob pinaikot akong muli ng komadrona hangang sa ulo ko na ang unang lumabas. Pagkalabas ko sa mundong ito na wala pang nagagawang kasalanan.. nakatikim ako agad ng dalawang palo sa puwet kaya doon daw ako umiyak.. tingnan nyo.. wala pa akong ginagawang kasalanan pinalo na ako kaagad. Ngayon.. eto na ang inyong lingkod kasama ninyong nakikipag unahan sa pagtipa ng makinilya at walang palatandaan na may katigasan ang ulo, basta ang alam ko maunawain akong tao yon lang mga folks.

Thursday, 14 May 2009

HUWAG MO AKONG IWAN

Isang kwento nanaman ng pag-ibig ang nais kong ipabasa sa inyo mga kababayan kong mambabasa, isang kwento ng pag-ibig na pagsuway sa mga magulang makasama lang ang lalaking kanyang minamahal.
Papangalanan kong mariefe ang babaing umibig ng todo-todo sa lalaking si ronron, (he he he pangalan ko po iyan, kahit dito man lang sa kwento ko akoy maging bida uli).

Unang pag-ibig ni mariefe si ronron na nakilala niya sa isang paligsahan kung saan player ng basketball si ronron, sa hindi inaasahang pagkakataon nagtagpo si mariefe at si ronron na humantong sa pagmamahalan. Dahil medyo menor de edad pa si mariefe labis ang pagtutol ng mga magulang ni mariefe sa kanilang pagmamahalan. Lumipas ang mga araw, kahit hindi pa gaanong kilala ni mariefe ang tunay na pagkatao ni ronron, nabihag si mariefe ng pag-ibig ni ronron at dahil sa tawag ng pag-ibig at pagmamahal naging magkasintahan ang dalawa hangang sa yayain na ni ronron na magtanan silang dalawa bagay na lalong ikinagalit ng amat-ina ni mariefe. Sumamang magtanan si mariefe kay ronron, Natigil narin ang pag-aaral nilang dalawa. Nagsama si mariefe at ronron, umupa sila ng isang maliit na kuwarto. Dahil nga sa hindi nakapagtapos ng pagaaral si ronron halos wala din siyang mapasukan na maayos na trabaho, pa ekstra-ekstra nalang si ronron sa konstraksiyon. Lumipas ang maraming buwan, naisipan ni mariefe na kumustahin ang kanyang mga magulang, tinawagan niya ang kanyang amat-ina. Krriiinnggg... Hello.. inay kumusta na po kayo? Sumagot ang kabilang linya... '' ay!! huwag ka ng tumawag-tawag dito dahil hindi ka na namin kilala!! (singhal ng ina ni mariefe). ''Inay.. Patawarin na po ninyo ako'' (umiiyak na sagot ni mariefe). ''Hindi ka namin mapapatawad sa ginawa mo!! at mula ngayon wala ka ng uuwian!! magsama kayo ng asawa mo!! (sigaw uli ng kanyang ina) Blaggg!! (sabay bagsak ng telepono) lalong umiyak ng umiyak si mariefe sa mga salitang narinig niya mula sa kanyang ina.. ngunit hindi na niya pinaalam pa kay ronron.
Habang lumilipas ang maraming araw, lalong nakakaramdam ng hirap ng pamumuhay si mariefe at si ronron.. dahil sa walang permanenteng trabaho si ronron. Isang araw habang naglalaba si mariefe ng kanilang mga damit, isinabay narin niya ang pagluluto para pagdating ng kanyang asawa merong ng makain kaagad, kasabay din ng kanyang paglalaba pinapakingan niya ang paborito niya awitin na.. ''DONT CRY OUT LOUD''. Basang-basa na ang kasuotan ni mariefe at sobra narin ang kanyang pagod ng araw na yon, maya-maya dumating si ronron na walang imik, nagtaka si mariefe.. sinundan niya sa loob ang kanyang asawa, at nakita niya si ronron na nagiimpake ng mga damit.. nagulat siya.. tinanong niya si ronron.. ''bakit? saan ka pupunta ron? Aalis na ako... dumating na yung petisyon sa akin ng aking kasintahan na nasa america.. umuwi ka na lang sa inyo.(sagot ni ronron). Nagulat si mariefe, hindi makapaniwala sa sinabing iyon ng kanyang asawa, para siyang mauupos na kandila, wala ng mabigkas na salita, umupo nalang sa isang tabi si mariefe, nakatulala, kasabay ng awit na naririnig niya ang wala ng patid na pag-agos ng kanyang mga luha. ''Iiwan mo na ako ron''? Oo hindi ko narin kaya ang hirap natin dito. Lalong hindi na napigilan ni mariefe ang humagulhol.. Paano na nga naman siya.. gayong itinakwil na siya ng kanyang mga magulang.. saan pa siya uuwi? saan pa siya kukuha ng pangbayad sa bahay? paano siya kukuha ng pagkain niya? saan na siya pupunta? tinakpan nalang ni mariefe ang sarili niyang mukha habang humahagulhol.. ayaw niyang tingnan ang pag-alis ni ronron.. ni wala na siyang lakas na pigilan si ronron. ''Aalis na ako marie'' (sabi ni ronron). nanatiling umiiyak si mariefe. Hangang sa lumabas na si ronron, humakbang palayo.. nanatiling umiiyak si mariefe.. humiga nalang si mariefe sa sahig nawalan na siya ng lakas. Sumapit ang gabi nanatili paring nakahiga si mariefe sa sahig.. ni hindi na nakapagpalit ng damit.. ni hindi na nakakain, inabot ng umaga,tanghali, nanatili paring nakatalukmo sa sahig si mariefe.

Sumapit ang hapon nanatili paring nakahiga si mariefe sa sahig.. isang lalaki ang pumasok ini-upo ang katawan ni mariefe.. ngunit nanatili paring nakapikit si mariefe. ''MARIE'', ''MARIE'', (malambot na tinig ng lalaki). niyakap si marie ng mahigpit, mahigpit na mahigpit, "MARIE", "MARIE",Dumilat si mariefe, sabay yakap, sabay iyak, (si ronron bumalik sa piling niya) Patawarin mo ako... hindi kita kayang iwan.. (bulong ni ronron) nanatili silang magkayakap, ''halika na kakain na tayo'', aya ni ronron. Nanatili paring nakayakap si mariefe, Hindi alam ni ronron.. na kung hindi siya bumalik iyon narin ang huling araw ni mariefe.
Halika na.. kakain na tayo, may dala akong pagkain, at bukas uuwi na tayo sa amin.. pinapauwi na tayo ng mga nanay ko doon naraw tayo titira sa amin. Ngayon masayang masaya na si mariefe dahil isisilang na ang panganay nilang anak. ''WAKAS''

Sa pag-ibig kadalasan babae ang madalas umiyak, madalas masaktan, madalas iwanan at madalas babae ang sumasalo sa lahat ng problemang dapat sanay karamay ang mga taong naging dahilan ng kanilang pag iyak. Bakit kaya may pag-ibig pa kung ang katumbas naman ay ang pag luha.

Mga ate ngiti naman kayo jan!

Friday, 8 May 2009

ANG KAPITBAHAY NAMIN



Eto po nanaman ang inyong lingkod upang ibahagi ko ngayon ang mga pangyayari dito sa aming paligid. Nung nakaraang sabado meron kaming bagong kapitbahay na pamilya ng mga korean nationals, meron silang anak na parang artista ang dating ng mukha parang rica paralejo. Sus mukhang kinikilig nanaman itong kasama ko at kaututan ko ng dila sa araw-araw, eto po yung kasama ko na parang butete ang katawan. Etong mga araw na lumipas nagiging masigla at masayahin itong kaibigan ko dahil nakausap na pala niya itong kapitbahay namin na parang ice cream ang lasa sa sobrang kagandahan. Hay! nakaka-inlove talaga, pero... medyo nauungusan ako nitong kasama ko ahh! mabilis din ang loko.. komo andito nga tayo sa malayong lugar.. siguro sawa na rin sa kamay niya na laging ginagamit. (lol)

Isang araw nakita pala niyang nagsampay ng mga labahin itong dalagang kapitbahay namin.. Komo gustong maka first base uli itong kasama ko nagsampay din pala siya ng mga damit sa tabi ng pinagsampayan ng dalaga. Nang dumating ako ng aming tirahan medyo makulimlim nagbabantang uulan nang mga oras nayon.. Tinawagan ako ng kasama ko na kung uulan ako na kukuha ng mga damit niya sa sampayan at tingnan ko daw yung mga damit dahil pati yung mga sinampay nung dalaga makuha ko din. Sinabi nga ng kasama ko na kaya siya nagsampay ay para sabayan lang yung dalaga at makausap, ang totoo niyan ay tuyo naman talaga yung mga damit, pantalon na sinampay ng kasama ko. Tingnan ninyo may kalokohan talaga. Ang ginawa ko kinuha ko na yung mga sinampay nung kasama ko ang iniwan ko lang ay yung isang brief nung kasama ko sa sampayan.. naisip ko.. meron nga pala akong brief na katulad nang sa kasama ko pati design parehas na parehas. Kinuha ko yung brief ko nilagyan ko ng butas sa mismong saluhan ng buntot ng kasama ko, tapos hinatak ko ng husto yung garter ng brief ko at nilagyan ko pa ng malaking perdible sa mismong garter dahil nga binatak ko ng husto yung garter kaya lumalabas na lawlaw yung brief at kailangang may perdible. Yun ang inilagay ko sa sampayan yung brief ko na may perdible. Eksakto umaambon na, siya namang dating ng kasama ko... nakita kong kinukuha na nung dalaga yung sinampay niya.. habang tinitingnan ko yung dalaga, nakita kong tinitingnan nung dalaga yung brief na inilagay ko tinitingnan niya na baka sa kanila din yung brief.. Biglang humagalpak yung dalaga nahulog yung pustiso nung dalaga sa sahig.. sabay dampot lilingon-lingon kung may nakakita sa kanya.. maya-maya sumigaw sa bahay namin.. ''HOY SA INYO BA ITONG BRIEF.. KASI UULAN NA! sigaw nung dalaga.. sabi ko sa kasama ko... pare.. kung sa iyo daw yung brief sa labas? lumabas yung kasama ko.. ''SA IYO BA ITO?'' tanong nung dalaga sa kasama ko.. (dahil nga parehas) ''oo sa akin yan''! Inabot ng kasama ko yung brief sabay ngiti sa dalaga. Maliwanag inamin niya na kanya yung brief..(KOMPIRMADO) sabay takbo nung babae sa loob na hindi mapigilan ang tawa. Pag pasok ng kasama ko.. tiningnan yung brief bakit naging ganito yung brief ko? tanong niya sa akin. Sabi ko akin yan ayun yung sa iyo nasa dulo ng sampayan. Sa iyo pala iyan eh bakit hindi ikaw ang kumuha sa kanya? Galit na singhal ng kasama ko sa akin. Inamin ko tuloy na sa akin ito! Sigaw pa rin ng kasama ko. Eh bakit mo kasi inamin na sa iyo yan! tanong ko sa kanya. Eh parehas eh! kaya lang ito.. may butas na.. may perdible pa! hayup ka! HA HA HA

TAGUMPAY



Ano nga ba ang tamang pagkakaintindi natin sa salitang "TAGUMPAY"? Maraming bagay ang pwede nating ipaloob dito, tagumpay sa pag-ibig, tagumpay sa pakikipagtalo, tagumpay sa pakikipag-paligsahan ng lakas, tagumpay sa hamon ng buhay, tagumpay dahil nakapagtapos ka na ng pag-aaral at nakamit na natin ang inaasam-asam na diploma sa kolehiyo at marami pang iba na masasabi nating tagumpay tayo. Lahat tayo ay may kanya-kanyang paliwanag dito at lahat tayo ay may kanya-kanyang paniniwala.

Para sa aking paniniwala.. ihahalintulad ko ang mga sinabi ko sa itaas sa isang paligsahan, tulad ng larong basketball.. nagtagumpay ka sa unang laro, tagumpay ka sa pangalawa, pangatlo ngunit itoy bahagi pa lamang ng unang yugto ng tagumpay. Tagumpay pa lamang ng isang elimination round, hindi mo pa lubos na nakakamit ang tunay na tagumpay kung saan kayo ang mananalo sa final. ( championship round ). Diyan mo palang masasabi ang tunay na tagumpay. Kung ikaw ay nakapagtapos na sa iyong pag-aaral masasabi mo na bang tagumpay ka ng lubusan kung hindi ka pa makahanap ng mapapasukan? Masasabi mo rin bang tagumpay ka na kung halimbawang meron ka ng hanapbuhay? at kung may hanapbuhay ka na hindi ka na ba maaring matangal pa sa iyong pinapasukan? Hangang saan nga ba maabot ang tunay na tagumpay? Tagumpay na maari mong mapakinabangan at lubos na magpapaligaya sa atin dahil sa nakamit nating tagumpay. Lagi kong nilalagay sa aking isipan na... Ang bawat isa sa atin ay nakaharap lang tayo lagi sa napakaraming pagsubok, pagsubok sa buhay, pagsubok sa mga kinakaharap na problema. Hindi ko alam kung tama o mali ang aking paniniwala, pero mas umiibabaw sa aking isipan na ang tunay na tagumpay na makakamit ko ay malalaman ko pa lang sa aking pagtanda. Yun bang... nasa huling yugto na ako ng aking buhay, ang pagdating ko sa edad ng aking pagtanda. Doon ko pa lamang malalaman kung naging tagumpay nga ba ako sa lahat ng aking nagawa. Para sa aking paniniwala tagumpay akong masasabi kung makamit ko at ng aking pamilya ang may maayos ng pamumuhay sa bandang huli kahit kami'y matanda na, kahit hindi na ako makapagtrabaho meron na kaming makakain ng aking mga anak, hindi na kami magugutom kahit hindi na ako magtrabaho, tagumpay akong masasabi kung napalaki ko na ang aking mga anak na hindi nakakaranas ng gutom kahit hindi na ako makapagtrabaho. Yun bang naka upo nalang ako sa upuang tumba-tumba na may ngiti sa aking mga labi na nakikita kong masaya ang aking pamilya dahil sa pundasyong itinayo ko nung akoy lumalaban pa lang sa hamon ng buhay. Nalampasan ko at ng aking asawa ang mga hirap na pinagdaanan ko noong akong nagtatrabaho pa lamang.

Ito ang masasabi kong tagumpay ko! ang nakarating ako sa pagtanda na nailagay ko sa ayos ang aking pamilya. Ito ang tagumpay na lubos na magpapaligaya sa akin. Tiniis ko ang lahat ng pasakit, tiniis ko ang lahat ng pangungulila, tiniis ko ang lahat ng paghihirap, tiniis ko ang lahat ng pagtitipid dahil naniniwala ako na... sa huli ko makakamit ang aking tagumpay, ang lahat ng aking isinakripisyo ako at ang aking pamilya ang tunay ding makikinabang. ''ITO ANG TUNAY NA TAGUMPAY PARA SA AKIN''.

Wednesday, 6 May 2009

PRIDE


Ano nga ba ang maitutulong sa atin ang salita na tinatawag nating ''PRIDE''?
Tayong mga pinoy ay kadalasang nakakarinig ng salitang ''MATAAS ANG PRIDE'' o ''MATAAS ANG EGO'' sa salitang pabalbal.
Ano o saan ba dapat gamitin ang salitang ito? Ito ba ay nakakatulong sa isang tao? o ito ba ay nakakasira sa atin? o ito ba ay nakakasira ng isang magandang pagsasamahan?

Ang salitang ito ay madalas nating nakikita o nararamdaman natin sa isang kaibigan, kamag-anak, o kahit na sino. Para sa aking paniniwala ito ay isang ugat ng pagkakasira ng magandang pagtitinginan, At sa aking paniniwala isa rin ito sa masasabi kong pangunahing kasalanan ng isang tao. Isa din ito sa humaharang tungo sa ating tagumpay (''Pride is the single greatest hindrance to our success'').

Ang isang taong ma-pride ay hindi tumatawag ng makakasama or makakatulong kahit kailangan niya ng tulong, ayaw niyang ipakita sa iba na kahit wala siyang kakayahang gawin ang isang bagay.. pinipilit pa rin niyang ipinakikita na kaya niya kahit may mga tao na handang mag bigay ng kanilang nalalaman ayon sa kanilang karanasan upang makatulong tungo sa ating tinatahak na tagumpay. Isaalang-alang natin na.. walang sino man ang magaling sa lahat ng bagay, lahat tayo may kanya-kanyang kahinaan na mangangailangan ng tulong ng iba. Para sa aking paniniwala, ang isang pinaka magandang paraan para makarating ka sa ibabaw ng kanilang karunungan.. pakingan mo at basahin mo sa iyong isipan ano man ang ibig nilang iparating.
Kung ipinapakita natin sa iba na lahat ng bagay ay kaya nating gawin at hindi na kailangan ng tulong ng iba dahil sa pride na pinakikita.. para mo na silang itinulak na lumayo sa atin.

Kung ma pride tayo... kailangan nating mag ingat sa lahat ng bagay, sa lahat ng problemang darating sa atin na hindi natin kayang lutasin. Ang isa pang bagay na masasabi kong makakasama ay tungkol sa mag asawa na nagiging dahilan ng pagkawatak ng kanilang pagsasama, pataasan ng pride ang bawat isa ayaw magpatalo sa bawat isa, ayaw sumuko ng bawat isa, hangang sa dumating ang araw na mawala ang pagmamahalan ng bawat isa. Kapag ang pride ang naghari sa ating katauhan at nag iisip na lagi kang nangingibabaw sa lahat.. ikaw ay para naring isang bulag.

Sana... manatili tayong nakatapak sa lupa.
Wala namang masama kung wala tayong pride, para sa aking pananaw kayabangan lang yan! Wala namang mawawala kung wala tayong pride, wala namang masama kung maging humble tayo sa iba. Give them the green light to confront us when we are are getting out of hand. At maging open tayo at pakingan ano man ang kanilang sasabihin at bigyan natin ng kahalagaan o pagpapahalaga ang mga taong gustong magbigay ng kanilang nalalaman.

Ang isipin natin, kung minsan.. Ang mga bagay na iniambag o ibinahagi nila sa atin ay resulta ng sarili nating tagumpay!

SALAMAT PO SA INYONG PAGBABASA!

Thursday, 30 April 2009

UTANG NA LOOB

Isa ito sa masasabi ko na magandang pagtitinginan o kaugalian na nating mga pilipino, mula pa noon. Maari ding isa ito na pinagsisimulan ng hindi pagkakaunawaan, bakit kaya?

Ang salitang ito ang kadalasang sinasambit ng mga taong nakatikim ng pagtulong mula sa isang taong nagbigay ng kanyang kusang loob na walang hinihinging kapalit. Teka.... wala nga bang hinihinging kapalit?

Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng salitang.. ''Utang na loob?''

Nababayaran ba ito ng salapi? Paano mo ba ito mababayaran?

Kadalasan din nating naririnig ang salitang ito mula sa taong nagbigay ng kusang loob na pagtulong ang salitang... ''WALA KANG UTANG NA LOOB!''

Kung ako ang tatanungin.. maaring konti lang ang maisagot ko na tama dito, dahil nga sa kakarampot kong utak. Kaya kung hindi po kayo sang ayon sa aking paliwanag dito.. KLIK lang po ninyo yung ''X'' na nasa bandang itaas ng monitor ninyo sa gawing kanan upang maglaho na po ako ng lubusan sa inyong paningin.

Ang utang na loob po ay hindi kayang bayaran ng kahit anong materyal na bagay.. ngunit kaya po nating tumbasan ng kusang loob at pagpapakumbaba sa taong nagbigay sa atin ng magandang kalooban. Inuulit ko po.. hindi kayang bayaran ng materyal na bagay, Pero kayang bayaran ang utang na loob kung siya naman ang dumating sa ganong sitwasyon tulad ng nangyari sa iyo. Maraming bagay ang pwede nating isa alang-alang dito. Tulad ng materyal na bagay... Nakautang ka ng konting halaga sa isang tao dahil dumating ka sa panahon ng kagipitan. Ang halagang nahiram mo ay naisauli mo, ngunit... hindi mo na kayang ibalik ang oras na tinulungan ka sa oras ng iyong kagipitan. Yung araw na nakahulagpos ka sa tindi ng problemang kinaharap mo nung tinulungan ka niya. Siya ang nagpaginhawa sa iyo nung ikaw ay nahaharap sa suliranin. Kaya diyan lumalabas ang salitang utang na loob.

May mga tao naman na.. kung natulungan ka nais kana niyang itali sa habang panahon sa pagkakautang ng loob mo sa kanya na nagiging dahilan ng hindi pagkakaunawaan.
Sa isang banda isa din itong magandang halimbawa upang maabot ng bawat isa ang magandang pagsasama dahil kung ang taong nakautang ng loob at marunong magbayad ng magandang kalooban sa taong nagmagandang loob. (''nahilo ata ako dito sa paliwanag ko ah'')

Kung ikaw ay marunong tumingin o marunong tumangap ng kabutihan mula sa iyong kapwa, nasisiguro kong marunong karing mag bigay ng kabutihan mo sa iyong kapwa. Kung marunong kang tumingin ng utang na loob, marunong karin magbayad ng utang na loob. Maliit man o malaki ang nagawa niyang tulong o kabutihan sa iyo.. ituring mong napakalaking halaga iyon sa iyong sarili dahil ipinadama niya sa iyo kung gaano ka kahalaga sa kanya.

MARAMI PONG SALAMAT SA INYONG PAGBABASA.

Tuesday, 28 April 2009

TUNAY NA PAG-IBIG



Meron akong natatanging kwento na.. maaring kapupulutan ng aral sa atin, maari din itong nangyayari o mangyayari sa hinaharap. Isang kwentong pag-ibig na.. tumutugma sa kasabihang.. ''HAHAMAKIN ANG LAHAT.. MASUNOD KA LAMANG.

Isang babae na papangalanan kong ''AMIE'', ang magbibigay ng buhay sa aking kwento, Kung saan iniwan niya ang kanyang mga anghel masunod lang ang taong sa tingin niya ay lubos na magpapaligaya sa kanya.

Sino ba ang lubos na mag papaligaya sa atin? Eto po basahin natin.

Si amie ay isang biyuda na iniwanan ng tatlong anak, dalawang babae at isang lalaki. babae ang panganay na nasa pirst yir hayskul pa lamang, ang sumunod ay lalaki at ang bunso ay babae na nasa grade two pa lamang. Si amie ay nagkaroon ng kasintahang binata.. mahal siya nung lalaki at masasabi ko ring mahal ni amie ang kanyang kasintahan. Unang-una.. sa kabila ng kanyang kalagayan na may tatlong anak nagawa pa rin siyang mahalin nung lalaki. Maganda ang samahan at pagtitinginan nilang magkasintahan. Nagkakilala silang dalawa sa bansang saudi arabia kung saan namamasukan bilang domestic helper si amie at ang kanyang kasintahan naman ay namamasukan bilang machine operator sa isang malaking kompanya.

Habang lumilipas ang mga araw.. lalong lumalalim ang kanilang pagmamahalan kahit alam ng lalaki na meron nang anak si amie. Sa paglipas ng panahon.. ipinasya ng lalaki na pakakasalan si amie, ngunit... sa isang kondisyon. Anong kondisyon? (''tanong ni amie sa kanyang kasintahan'') Pakakasalan kita pero... iiwan mo ang iyong mga anak! sa akin ka sasama. Shock si amie.. hindi makapagsalita.. hindi malaman ang gagawin.. at hindi alam kung anong sasabihin. Ilang araw na pinag-isipan ni amie ang kondisyong iyon. Halos manghina siya sa gagawin niyang desisyon. Mahal niya ang kanyang mga anak.. ngunit, mahal din niya ang kanyang kasintahan lalo pat binata ito na minahal siya sa kabila ng lahat na mayron na siyang tatlong anak. Ipinasya ni amie na sundin ang kagustuhan ng kanyang kasintahan, tutal.. andon naman ang kanyang mga anak sa piling ng kanilang lola na ina ng kanyang yumaong asawa.

Nagpakasal si amie sa kanyang kasintahan.. namuhay silang dalawa na maayos at nagmamahalan.. kahit minsan dumarating din sa kanilang dalawa ang di pagkakaunawaan. Pag aaway na kakambal na ng isang magasawa. Lumipas ang panahon, Minsan.. dumarating din sa buhay ni amie ang kasabikang makausap ang kanyang mga anak, makumusta sila.. lalo na ang bunso niyang anak. Iniisip ni amie minsan.. tao rin siya na nanganga ilangan din ng pagmamahal, nanganga ilangan din ng kaligayahan at nangangailangan ng makakasama sa buhay.

Isang araw.. nagkaroon ng pagtatalo kay amie at ng kanyang asawa. Umiiyak si amie habang nakahiga sa kanilang silid, hindi makatulog, paikot-ikot sa kanyang higaan. sumagi sa kanyang isipan ang bunso niyang anak.. "kumusta na kaya ang mga anak ko?" Pinagmasdan ni amie ang kanyang silid.. malinis, maaliwalas, '' kumusta na kaya ang bunso kong anak?" nakakulambo kaya siya ngayon? Isang walong taong gulang na bata iniwan niya, naisip ni amie na... siya na nangangailangan ng kasiyahan sa buhay, ang kanyang mga anak hindi kaya nangangailangan? Siya na nangangailangan ng kalinga ng isang lalaki... ang kanyang mga anak kaya.. hindi ba nangangailangan ng kalinga ng isang ina? Lumabas si amie ng kanyang silid upang kumain.. inilabas niya ang niluto niyang manok kangina... unang subo naalala niya ang kanyang bunso... ''Ano kaya ang inuulam ng mga anak ko?'' Tumayo si amie hindi itinuloy ang pagkain.. dinampot ang selpon at tinawagan niya ang kanyang mga anak.. ang nakasagot ang panganay niyang anak.. ''anak ko.. kumusta na kayo? ang mga kapatid mo asan sila..?

Inay si nene po may sakit.. (Bunsong anak) may lagnat po!
Ha! ibigay mo sa kanya yang selpon at kakausapin ko siya! ibinigay ni ate sa kanyang bunsong kapatid ang selpon.

Anak! may lagnat ka ngayon anak? (tanong ni amie)
Nay! opo..
Bakit? Anong ginawa mo at nilagnat ka anak?
Kasi po.. Hinabol ako ng aso kangina inutusan ako.. bibigyan daw po ako ng pera pag ibinili ko sila ng pulutan nila. Kaya bumili po ako kasi wala po akong pera inay, natakot po ako sa aso.
Inay... nagugutom po kasi ako... (umiiyak ang bunso niyang anak habang nagsasalita)
Inay... kaylan po kayo uuwi sa amin inay?

Si amie.. hindi na mapigilan ang mga luha sa kanyang mga mata.

Kumain ka na ba anak?

Hindi pa po.. kasi naalala ko po kayo inay.
Inay... giniginaw po ako.
Anak uminom ka na ba ng gamot anak?
Ayaw ko po.
Bakit anak?
Gusto ko.. uwi na lang po kayo dito. Kahit wala na po akong pasalubong.. basta umuwi na lang po kayo dito inay. Kasi po.. lagi nila akong pinapagalitan.. palagi po akong pinapalo.
Inay.. pagdating po ninyo.. ibili po ninyo ako ng tsinelas ha. Kasi po.. pumapasok ako ng walang tsinelas.
Sige anak... hintayin mo ako at uuwi na ako anak.. magpagaling ka ha?
Opo inay..

Isang lingo ang lumipas dumating na si amie sa piling ng kanyang mga anak.. nagdesisyon na siyang babalik na lang sa piling ng kanyang mga anak. Mas higit siyang kailangan ng kanyang mga anak. Kung mahal siya ng lalaki.. susunod siya sa kanya.

Sa pag-ibig... walang mas hihigit pa sa pag-ibig mo sa iyong sariling mga anak. Kailangan mo ang iyong asawa pero... mas kailangan ka ng iyong mga anak.

Sa mga nagbabasa... hindi ko na rin po mapigilan ang lumuha sa kwento kong ito.
Marami pong salamat sa inyong pagbabasa.
Sana makapulutan po natin ito ng aral.

PULOT BOY


Nakakabagot din talaga ang laging nag-iisa, ikot ka ng ikot sa kwarto mo na puno na ng usok ng sigarilyo.. isip ako ng isip parang.. meron akong isipin na pilit kong kinukuha sa kaibuturan ng aking isipan ang isang bagay na hindi ko nman alam kung ano ba yung gusto kong gawin. Ahhhhh! Buti pa lumabas na lang kaya ako.. isa pa wala naman yung taong hinihintay ko na gusto ko sanang kausap, kaso ni ho or ni ha wala ka man lang matangap buhat sa kanya. Minsan, kung ano ano tuloy naiisip ko sa kanya. Ang daming katanungan ang sumasagi sa isipan ko na gusto kong sabihin sa kanya. Hmp di bale na lang tatahimik na lang ako... ipinasya ko na lang ang lumabas at uminom ng konti at ng makalimutan ko siya kahit saglit. Siya nga.. Ewan ko ba!

Sabado ng hapon mga alas kuwatro siguro yon.. ipinasya kong uminom na lang sa isang tindahan, eto siguro ang hinahanap ng aking isipan he he he. Habang akoy umiinom ng mag isa.. unti-unti may nagdadatingan na mga kababayan nating mga pinoy.. dumadami kami dumadami din ang aming iniinom. Paglipas ng mga ilang oras.. ipinasya ko ng umuwi na at medyo duling na rin ang aking paningin. Maglalakad na lang ako pauwi.. tutal malapit lang naman ako sa bayan. Habang akoy naglalakad tiyempo.. Jackpot! nakakita ako ng isang TV at... medyo malaki-laki pa! Pag sinusuwerte ka naman di bah! komo lasing ako nung oras na yon.. tumawag ako ng taxi dial 911.
Isinakay ko sa taxi dumaan pa ako sa tindahan bumili ako ng isa pang grande pang washing ika nga. Pagdating ko sa kuwarto ko.. inom muna ng CASS BEER habang binubuksan ko yung TV.

Pag bukas ko action movie kaagad ang natiyempuhan ko.. tuwang tuwa akong pumuwesto ngayon.. habang nanonood ako siyempre tumatagay ng pakonti-konti. Namputsa naman! yung TV ko ang daming gamo-gamo! wala pa namang remote. Lumapit ako sa TV para madali kong mapindot.. kahit medyo duling ang paningin ko pilit kong inaaninag yung pinapanood ko. Halos isang oras na akong nanonood hindi ko pa makilala yung bida kasi nga ang dami ng gamo gamo, ang dami pang guhit-guhit na itim.. lecheng buhay 'to oo. pinag tsagaan ko pa ng konti.. nakita kong tumatakbo yung bida kasi nga barilan eh. Biglang nag hagis ng granada.. hindi ko na alam ngayon kung saan na nagtago yung bida.. kasi yung bida na lang ang hinahanap ko.. gusto ko kasing makilala. Tumakbo uli yung bida.. hindi ko naman nakita kung saan nag suot, inilapit ko ng husto yung mukha ko sa monitor.. may babae akong nakita.. hindi ko naman mamukhaan (lol). Sa loob ng halos isang oras at kalahati na pinagtiis kong habulin yung bida.. hindi ko makita kung saan saan nagtatago! bwisit! Kinuha ko yung termos ko.. ipinalo ko sa TV. basag yung salamin nung TV.. bwisit ka! isang oras mo akong pinahirapan! hayyyy! nakaginhawa pa ako.. natahimik ang buhay ko. Kaya pala itinapon.. walang makitang piktyur. lasing na nga ako.. ang dami pang gamo-gamo, paano ka naman masisiyahan niyan. Kung minsan... hirap din yung umaasa ka na lang sa pulot noh?
Alam mo naman dito sa abroad.. konting diprensiya, tapon agad. Alam nyo naman tayong mga pinoy.. hangat hindi pa durog.. pwede pa! magagawan pa ng paraan.

Salamat po sa pagbabasa.


Friday, 24 April 2009

BUHAY PINOY






Ang mga stambay na halos araw araw mong nakikita. Ang mga taong galit sa trabaho hindi kompleto ang araw pag hindi nakakagala o nakaka istambay.


Hindi din kompleto ang araw kung hindi nadadaanan ng alkohol ang lalamunan, sa konting pulutan katalo na.. ubos nanaman ang maghapon sa dami ng napag usapan. Pag uwi ng bahay magtatanong sa asawa '' anong ulam natin''? ang isasagot ng asawa... '' andon sa lamesa mamili ka ng uulamin mo! pag dating sa kusina ni mister... ''EPANG!! eh toyo , kamatis , bagoong at talbos lang naman ang nandito!!'' "sabi mo mamili ako.. asan dito epanggg!! - Ayan nga mamili ka diyan kung anong uulamin mo kung toyo o bagoong o kamatis!! tanga!! ha ha ha

Eto pa.. eto ang hindi rin nawawala sa ating mga pinoy lalo na ang mga walang trabaho. Wala na ngang hanapbuhay nakakapagsugal pa. Lalo na ang mga kabataan ngayon halos puro baraha narin ang madalas hawakan ayaw magsipag hanap ng trabaho. Mga matatanda pa ang pasimuno minsan sa sugal. Minsan kahit wala ng makain basta may pang sugal ok na ang buhay.

Ibat-ibang libangan ng pinoy na halos nakikita natin sa araw-araw. Mga kaugaliang nakasanayan na nating mga pinoy na minana na natin sa ating mga kaninuno-nunuan. Mga libangang kung minsan ay nagpapasaya din sa ating mga kababayan na kahit hirap na sa buhay nandiyan parin ang mga nakasanayan na natin na halos hindi mo makikita sa ibang bansa. Kung minsan yan din ang bentahe nating mga pinoy ang maging laman na ng lansangan sa araw-araw. Kung minsan yan din ang namimiss ng mga pinoy sa ibang bansa kung saan hindi nila nagagawa ang mga nakita natin sa mga larawan, hindi nila nagagawa sa mga bansang napuntahan nila. Aminin man natin o hindi.. iyan din ang nakakamiss ang mamuhay ng simple hindi tulad nila na nasa ibang bansa na puro trabaho ang inaatupag. Isang bagay ang narinig ko mula sa bibig ng isang koreano na tumigil din ng matagal sa pinas.. Ang nakita nilang kasiyahan na mamuhay sa pinas ay ang dami ng taong nakikita sa labas. Mga taong nakakasalamuha nila sa labas ng kanilang tirahan sa araw-araw na wala sa kanilang bansa.. ''MASAYA DAW SA PILIPINAS''.

Image credit to KIBAKA GROUP

Thursday, 23 April 2009

MERON AKONG KWENTO



Habang lumilipas ang mga araw.. marami akong mga kwento na nais kong ibahagi sa inyo. dahil kapos sa oras hindi ko nagagawa. Isang kwento ang nabuo sa aking isipan na masasabi nating kakaiba ito or masasabi nating hindi pa ito nangyayari o maaring nangyari na sa buhay nating mga pilipino. Mga pagsubok na dumarating sa ating buhay na hindi naiiwasan. Habang sinusulat ko ito isang sigaw ang narining ko... ''ANG DAMI NAMANG PASAKALYE YANNNN!!! UMPISAHAN MO NA!! Sabi ng kasama ko na parang butete ang katawan. SANDALI LANG!!Tugon ko sa kanya.. kita nyo na... nagbabasa lang siya marunong pa sa gumagawa! samantalang ang hirap mag isip ng isusulat. Alam po ninyo itong kasama kong ito... may konting kayabangan po ito sa katawan, mahal ko lang kasi itong kaibigan kong ito kaya nakakatiis ako dito eh.

Nuong isang araw bumili ng cellphone bagong-bago tuwang-tuwa ang loko. Syempre inggit naman ako. Kahapon dahil nga sa taglay niyang kayabangan.. halos mayat-maya hawak niya yung bagong cellphone niya.. bago kasi noh? sabi ko sa kanya ibulsa mo naman yang cellphone mo... Sumagot siya... '' Ayaw ko nga.. baka magasgas yung salamin maraming barya sa bulsa ko'' (Tugon niya). Eh kahapon naghugas ng kamay itong buteteng ito.. Komo ayaw nga niyang ibulsa yung selpon niya... inipit nalang niya ng bibig yung selpon kasi nga magsasabon siya ng kamay.. sa madaling sabi nasa bibig niya yung selpon niya habang sinasabon niya yung kamay niya sa kubeta. Biglang may tumawag sa kanya.. naka vibrate yung selpon niya.. nakiliti yung bunganga niya sa vibration ng selpon niya... binuga niya.. Ayun syut sa dram yung selpon niya. Ha ha ha ngayon... walang piktyur sa screen yung selpon niya.. nawalan pa ng outgoing, recieving lang... eh wala namang tumatawag sa kanya. Ayun komatos yung selpon niya Ha ha ha!

Eto pa... lulubusin ko na ngayon lang ako babawi sa kanya.. dahil nga parang butete ang katawan nitong kaibigan ko.. kung maglakad una tiyan. alam ninyo lagi siyang pinapagalitan ng misis niya kasi nga kung nag iiyutan sila nang misis niya nakatutok na yung tiyan yung buntot niya hindi pa dumidikit ha ha ha! Hayyyy hindi ko pa nauumpisahan yung kwento ko. ituloy na lang ninyo pagbabasa sa ibaba nito. SALAMAT PO!

Wednesday, 22 April 2009

SUGAL

Ang kwento kong ito ay base lang po sa kalikutan ng aking imahinasyon sabi nga sa kasabihan.. ''Without imagination you could never create anything new. di bah.

Nais ko sanang ako ang maging bida dito sa aking kwento.. tinangihan ko lang po ang alok dahil pang goons lang po ang kaya ng inyong lingkod.

Ulila naring lubos si reynaldo, nagiisang anak na nakamana ng masasabi narin nating malaking halaga buhat sa kanyang mga magulang. Ang kanyang amat-ina na dating may mga matataas ng posisyon sa mga ahensya ng gobyerno at dahil nagiisang anak siya ang nakakuha ng lahat ng ari-arian at kayamanan ng kanyang mga magulang. Lumaki rin si ronaldo na mababa ang loob na minana niya sa kanyang ina, palakaibigan at kung minsan matulungin pa kaya kahit saan siya magpunta igagalang siya. Ang tanging libangan lang niya minsan ay ang maglaro ng baraha or magsugal. Isang kaibigan niya ang nag-aya sa kanya na dumayo sila sa isang lugar na kung saan ay merong last night. Yung bang merong lamayan at huling gabi ng lamayan. Dito dumadayo ang mga tao sa last night dahil andito ang malakasang sugal.

Umupo si reynaldo kung saan ang laro nila ng gabing iyon ay ang tinatawag na pusoy (BANGKAAN) ibig sabihin siya ang bangka dahil siya ang may malaking puhunan. Isa sa mga puntos nung gabing iyon si LARRY. Isa ding adik sa sugal.. hindi mayaman minsan hirap din ito sa pamumuhay, walang trabaho tanging pagsasaka lang ang kinabubuhay may limang anak at ang kanyang asawa na si crystel ay tanging paglalabada lang ang maitutulong pantawid ng gutom sa mga anak. Mabait na maybahay si crystel na siyang inaabuso naman ni larry. Nung araw ng lastnight nga... binenta ni larry ang inaalagaan nilang isang baboy na pinaghirapan nilang palakihin ng kanyang pamilya. Nabenta ng 5,000 pesos ang kanilang baboy. Hawak ni larry ang pinagbentahan ng baboy ng mapadaan sa isang lamayan kung saan last night ng yumao. Naupo si larry upang pumuntos sa sugal or tumaya. Medyo nakainom narin dahil meron siyang pang-inom ng gabing iyon. inabot na sila ng madaling araw.. malakas ang tayaan pati mga nakatayo pumupuntos din. Napapasubo na yung dalang pera ni larry halos isang libo nalang ang natitira sa 5,000 libong pinagbentahan ng baboy. dahil malakasan nga... pag minalas ka talaga halos mutain ang mata mo sa malas.
Maya-maya dumating yung panganay na anak ni larry... "Itay umuwi na daw kayo sabi ni nanay.. asan daw yung pinagbentahan ng baboy..? hindi pa po kami kumakain". Gulat na gulat si reynaldo na nooy nananalo naman ng mga oras na iyon. "mamaya na ako uuwi.. babawi pa ako!'' sigaw ni larry sa anak. Itinigil naman sandali ni reynaldo yung laro.. pinagsabihan si larry na... ''Pare, umuwi ka na para matikman din ng pamilya mo yang pinagbentahan ng baboy'' ''Ani ni reynaldo''. Dhil ayaw tumayo ni larry... ipinasya na lang ni reynaldo ang umayaw na dahil alam niyang mauubos lalo ang pera ni larry. '' Mga kasama ako na lang ang tatayo.. para matigil muna ito... babalik nalang ako mamaya. ( Sambit ni reynaldo ). Makalipas ang 10 minuto ng umalis ang grupo ni reynaldo. Habang sakay sila ng serbis ni reynaldo nadaanan nila yung anak na panganay ni larry.. tinigilan ni reynaldo. ''Ineng bakit ka naglalakad saan ba ang bahay ninyo? (tanong ni reynaldo) Doon pa po! (sabay turo) Halika na ineng ihahatid ka na lang namin. (alok ni reynaldo).
Hinatid mismo ni reynaldo ang dalagita sa kanilang tahanan.. napagmasdan ni reynaldo ang pamilya ni larry na nuoy kumakain pa ng lugaw ang mga bata dahil nagugutom na. At si crystel na kanilang ina ay pagod na sa kalalaba sa nakuhang labahin. Namangha si reynaldo sa nakita.. at naawa si reynaldo sa mga bata at sa asawa ni larry. Hindi naiwasan ni reynaldo ang magalit sa ama ng mga bata. Isinugal ang dapat sanay pang ulam at pambili ng damit ng kanyang pamilya ang natapon sa wala. Dahil sa awa ni reynaldo... Misis... eto po yung perang pinatalo ng inyong mister sa sugal... isasauli ko na lang po sa inyo at... huwag na huwag po ninyong sasabihin sa inyong asawa na isinoli ko ito ha. Kunin parin po ninyo sa kanya yung napagbilhan ng baboy. Inabot ni reynaldo yung 5,000 pesos.

Nasa kwarto na si reynaldo hindi mawala sa isipan niya ang kalagayan ng mga bata na nakita niya.. ang maamong mukha ni crystel.. Parang nasabik siya sa pagtingin ng isang merong kapatid na hindi niya naranasan sa buong buhay niya ang magmahal sa kapatid.
Nais niyang tulungan ngunit... natatalo ang isipan niya na ayaw nyang tulungan yung ama ng mga bata si larry. Parang tinulungan na rin niya ang ganon klaseng lalake. Ayaw niya yon. lalong aabuso iyon. ngaunit... paano niya matutulungan na hindi makikinabang yung ama ng mga bata. Isang lingo ang lumipas... ng biglang... krsssssssttttttt!! bagggggg!! Isang sasakyan ng nagpreno ng malakas.. isang lalaki ang nabundol ng sasakyan.. isang lalaki ang nakahandusay sa simento wala ng malay ang lalaki.. binuhat ng mga kalalakihan dinala sa malapit na hospital ngunit... dead on arrival na yung lalaki hindi na umabot sa hospital. Ang lakas ng iyak ng mga anak at ni crystel.. si larry ang nabundol ng sasakyan. Matapos ang libing ni larry.. naihatid na sa huling hantungan ang asawa ni crystel.. isang araw matapos ang libing... dumating si reynaldo sa bahay nina crystel ang maybahay ng yumaong si larry. Nag abot ng isang sobre si reynaldo kay crystel na naglalaman ng tseke na may nakasulat na 100,000 pesos na nakapangalan kay crystel at may inabot na pipirmahan si crystel na magpapatunay na merong naghihintay sa pamilya ni crystel na isang bangko sa bayan upang maglabas pa ng halagang 500,000 pesos na handang ilabas anumang oras ni crystel at ng kanyang mga anak. Hindi makapaniwala si crystel... kung kaylan nawala ang kanyang asawa.. doon naman sila makakatikim ng kaginhawaan sa buhay.

Sa pagkakataong ito.. wala na ang pumipigil sa isipan ni reynaldo upang tulungan ang itinuring na niyang nakababatang kapatid na si crystel.

Ngayon... nakahiga na si reynaldo sa malawak at malaki niyang kwarto nakapikit ngunit gising ang isipan at kinakausap ang panginoon ng taos pusong humihingi ng kapatawaran sa poong maykapal sa nagawa niyang mag buwis ng isang buhay upang makatulong sa nanganga ilangan.

Si reynaldo po ang dahilan ng lahat..!

Sinadya ko pong igsian ang aking kwento dahil ako po mismo ay ayokong magbasa ng mga mahahabang kwento. (Lol)

MARAMI PONG SALAMAT SA INYONG PAGBABASA.


Sunday, 5 April 2009

ALONE



Sabi ng iba... Mas maganda daw yung nag iisa, dahil nagagawa mo daw ang lahat ng naisin mong gagawin. Walang kumokontra, walang pumipigil, walang nang iistorbo. Lahat pwede mong gawin malayang malaya ka sa lahat ng bagay, walang maninisi sa iyo kung sakaling nakagawa ka man ng pagkakamali.

Para sa akin... Matagal na rin akong namamasukan dito sa malayong lugar, umabot pa ako sa ibayong dagat sa SAUDI ARABIA, KUWAIT, TAIWAN, at ngayon dito sa SOUTH KOREA. Halos buong buhay ko nasubukan ko na ang laging nag iisa. Totoo... minsan makakaramdam ka talaga ng kasiyahan kung nag iisa ka. Lahat ng maari mong gawin walang hadlang. Ngunit... sa buong panahon ng aking pag-iisa, madalas nakakaramdam din ako ng kalungkutan. At dahil sa haba ng panahon na inilagi ko na lagi akong nag iisa... sa aking naranasan, mas nakikita ko na mas marami ang kalungkutan na iyong madarama kung ikukumpara nang ako ay may kasama. Napag isip-isip ko na... hindi rin pala pwede yung lagi ka na lang nag iisa. May pera ka man o wala... Mas makakadama ka ng lubos na kasiyahan kung lagi kang may kasama. Sa panahon na nakakaranas ako ng mga sari-saring suliranin... mas nangangailangan ako ng suporta ng ibang tao o ng kasama, nangangailangan ako ng payo ng iba. Halos hindi ko malaman kung paano ko haharapin ang aking mga suliranin ng ako lang mag-isa. Minsan... mas kailangan nating humingi ng payo sa iyong mga kaibigan, sa kasama o kailangan mo ng payo ng iyong kasintahan, kailangan mo ng payo ng iyong asawa at higit sa lahat.. kailangan mo ng payo ng iyong mga magulang.

Hindi lahat ng araw ay kaya mong tumayo ng mag-isa, hindi lahat ng araw ay kaya mong harapin ang mga sularaning dumarating sa iyong buhay.

Sa ating buhay... kailangan nating lahat ang magkaroon ng karamay sa araw-araw, kailangan din natin ang meron tayong minamahal at.. merong nagmamahal sa atin.
Ang lagi nating tatandaan... ang nasa itaas ang lagi nating karamay.
Photobucket