Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Thursday, 6 May 2010

PANGAKO NG ISANG OFW

SA INIWANG PAMILYA SA PILIPINAS

bawat isa sa atin may mga binibitiwang pangako
pangako sa lahat ng bagay, sa sarili, sa mga anak, sa asawa, sa lahat-lahat na. Mahirap ba tumupad sa pangako? Kadalasan ginagawa ito ng halos lahat ng mga pinoy na namamasukan sa ibang bansa bilang ofw.

Malapit na ang aking bakasyon, malapit ng sumapit ang araw ng aking pag-uwi sa pilipinas upang makapiling kong muli ang aking pamilya, mayakap, ang mga mahal ko sa buhay.

Lumapit sa akin ang aking kaibigan.
Pare malapit ng bakasyon mo.. bakit parang malungkot ka naman? Hindi ka ba nasisiyahan at makikita mo ng muli ang iyong pamilya?
Masaya ako pero... parang may kulang. Parang may kulang sa aking dadalhin. Minabuti ko nalang ilihim sa aking kaibigan kung anong kulang sa aking isipan.

Dalawang taon ako dito sa ibayong dagat, dalawang taon akong nagpakaligaya sa piling ng mga kaibigan, sa piling ng aking kasintahan, sa piling ng mga inuming nakakalasing nalunod ako ng husto sa kaligayahang nadarama na naging dahilan upang makalimot sa isang pangako na magandang buhay. Dito sa abroad andito ng lahat ang mga bagay na sisira ng kinabukasan ng iyong pamilya, Nang dahil sa mga pansariling kaligayahan at panangdaliang kaligayahan nalimutan kong unti-unti nga palang lumilipas ang panahon. Unti-unting lumiliit ang tsansa na matupad ang pangakong binitiwan sa aking asawat mga anak ng magandang buhay.

Dito sa abroad nagawa kong magsugal, nagawa kong maglakwatsa araw-araw, nagawa kong umibig muli na alam kong bawal, nagawa kong umuwi ng madalas ng hatingabi, nagagawa ko kadalasan ang inuumaga ng uwi, nagagawa kong uminom ng uminom sa piling ng aking mga kaibigan, kabarkada at kung minsan sa mga bagong kakilala. Wala akong tigil hanggat may hawak akong pera sa bulsa. Sa tuwing dumarating ang sahod hindi mapigilan ang kamay kong gumasta ng gumasta dahil ang iniisip ko may susunod pa namang sahod. Basta makapag padala lang kahit konti sa pamilya masaya nanaman ako tutal kahit magtanong ng magtanong ang misis ko wala naman siyang magagawa kundi ang maniwala sa lahat ng sasabihin ko. Kadalasan tinatanong niya...

Bakit ito lang pinadala mo?

Wala kasi kaming gaanong overtime ngayon.
Minsan sinasagot mo pa... Hindi kasi ako nakapasok ng ilang araw dahil sumama pakiramdam ko. Minsan isasagot mo pa... Nagtira din ako ng konting panggastos ko dito, minsan kasi nagugutom ako, nagbabayad din ako ng mga nautang ko kasi pinapadala ko sa iyo lahat.
Medyo magtipid-tipid nalang kayo ng konti lalakihan ko nalang sa susunod.

Sumapit ang dalawang taon, sakay ka ng eroplanong maghahatid sa iyo sa piling ng iyong pamilya dala-dala mo ang konting pasalubong dahil mauubos na ang dala mong pera kung ibibili mong lahat ng pasalubong. Ilang pirasong tsokoleyt lang ang nakaya mo bilhin ipamimigay mo pa yung iba sa kapitbahay para may matuwa rin sa iyong kapitbahay, ilang pirasong sabon, shampoo na ipapasalubong mo rin yung iba sa kapitbahay para hindi ka mahalatang kokonti ang nabili mong pasalubong. Konting kaha ng sigarilyo na masaya ka pang ihagis sa mga kaibigan mo sa labas. Magtatawag ka pa ng ilang kaibigan para lasingin ang mga naghihintay sa iyong mga manginginom. Sa konting perang natira mo sa bulsa tigi-tig-isang damit at short pants nalang ang mga anak mo na mabibili mo wala na ang misis mo dahil mauubos na ang perang dala mo kung bibili pa ang misis mo ng bagong damit masaya narin siya at naibili mo kahit papaano ang mga anak mo. Doon mo naisip ang mga perang itinapon mo sa mga pansarili mong kaligayahan, buti pa ang ibang tao kadalasan mong pinatitikman sa mga pinagpaguran mo pero ang pinakamamahal mong asawa nagkakasya nalang sa kaligayahan ng iyong mga anak.

Ngayon magkatabi kayong nakahiga ng misis mo... binubulong sa iyo ng misis mo... papa, wala na tayong pera dalawang linggo ka pa rito saan tayo kukuha? pag balik mo ano ang iiwan mo sa amin dahil wala ka pang sasahurin pag balik mo. Hindi ka umiimik, nag iisip ka ng malalim, iniisip mo.. ang daming perang sinayang mo doon, ngayon halos wala ng kayong makain, halos wala ng hawak na pera ang misis mo. Pinaligaya mo lang ang pamilya dahil nakita ka nilang muli, nakita kang nasa maayos na pangangatawan, tumaba, pumuti at pinapaligaya mo nalang muli ang misis mo sa pamamagitan ng iyong mga pangakong muli na sa pagbabalik mo iaahon mo na sa hirap ang iyong pamilya.

Pabalik ka ng muli sa malayong lugar
Isang pangakong muli ang iiwan mo sa iyong pamilya
PANGAKONG I-AAHON KO KAYO SA HIRAP
Isang pangakong ikaw mismo ang makakagawa at ikaw din mismo ang sisira.

IHALINTULAD MO ANG IYONG SARILI SA ISANG TRABAHO
IF YOU ALREADY KNOW BEST HOW TO DO IT
GAWIN MO SA SARILI AT SA PAMILYA MO.




Photobucket

Friday, 30 April 2010

PAANO AANGAT ANG BUHAY NG ISANG OFW

PAANO AANGAT ANG PAMUMUHAY NG ISANG OFW
OR
NG ISANG MANG GAGAWA?

Inuuna ko na ang aking taos pusong pangungumusta sa inyong lahat!!
Andito na akong muli upang makihalubilo sa mga magagaling na blagero at blagera.

Paano nga ba aangat ang antas ng ating pamumuhay?
OFW ka man o isang pangkaraniwang mangga-gawa ka lamang ng isang kompanya sa pilipinas. Kadalasang sinasabi natin o ginagawa nating dahilan ay ang mataas na bilihin sa pilipinas kaya hindi sumapat ang kinikita ng isang ofw. Alam na nating lahat na ang isang dahilan ng pag angat ng ating pamumuhay ay ang magkaroon ng mataas na kinikita. Pero minsan... Hindi rin nagagawa ng isang tao na paangatin niya ang kanyang pamumuhay kahit nasa kanya na ang may mataas na sahod. Bakit?

Kung ikaw ay ang taong nakasarado lang ang isip sa iisang bagay walang mangyayari talaga sa buhay mo.
Kung ikaw ang taong may mababaw na pananaw sa buhay lalong walang mangyayari sa buhay mo.
Kung ikaw ang taong walang pinapangarap sa buhay kundi ang makamit mo ang mga materyal na bagay, lalong walang mayayari sa buhay mo.
Kung ikaw naman ay saksakan ng daming bisyo, kaibigan at kabarkada... mas lalong walang mangyayari sa buhay mo.
Kung ikaw ang taong punong-puno ng luho sa katawan at sa isipan wala ding mangyayari sa buhay mo.
Kung ikaw ang taong hindi alam kung ano ang dapat na pinapangarap wala ding patutunguhan ang pamumuhay mo.
Kung ikaw ang taong hindi marunong mag plano sa buhay wala ding mangyayari sa buhay mo.
Kung ikaw ang taong mainitin ang ulo at masyado mong pinapahalagahan ang iyong ego wala ding manyayari sa buhay mo.
At.... Kung ikaw ang taong walang kontrol o hindi kayang kontrolin ang sarili kaylan man hindi mo makakamit ang may maayos na pamumuhay.

Napakaraming dahilan kung paano nga ba aasenso ang ating pamumuhay at kung bakit hindi umaangat ang ating buhay gayong meron naman tayong hanapbuhay. Minsan may mga taong nasa kanila na ang lahat ng pagkakataong umangat ang kanilang pamumuhay pero hindi parin makaalis sa simula. Marami ring dahilan kung bakit hawak na natin ang magandang pagkakataon para makamit ang pinapangarap pero bakit hanggang ngayon nangangarap ka parin at may mga taong sadyang pinapahalagahan lang ang mga materyal na bagay at binibigyang halaga ang mga luho sa katawan.

Para sa akin ang isa pang dahilan ay ang atin mismong...
ISIPAN, UGALI AT KONTROL SA SARILI.
Paano mo iaangat ang pamumuhay mo kung hindi mo pagaganahin ang iyong isipan. Ang ating isip ang pinakamahalagang instrumento ng ating pagkatao at pamumuhay. Kung ikaw ang taong hindi marunong magisip kung ano nga ba ang dapat at hindi dapat. Kung ano ang mali at tama, at kung ano nga ba ang mabuting gawin.

Nais kong ibahagi sa inyo ang aking sarili upang mas mabibigyan ko ng tamang paliwanag kung paano ba ako MAG ISIP, kung anong PAGKATAO meron ako at anong UGALI meron ako na ginagawa kong kasangkapan upang makamit ko ang maayos na pamumuhay.

Ang isang tao kahit anong liit o laki ng kanyang sinasahod kaya nating i-angat ang ating pamumuhay sa pamamagitan ng ating pag-iisip at pag uugali. Noon marami akong kaibigan, kabarkada, kakilala. Marami rin akong pinapangarap na mga materyal na bagay tulad ng mga IPOD, RELO at kung ano-ano pa na maari mong maipagyabang sa mga kakilala mo na meron ka ng mga mamahaling bagay sa katawan ang lahat ng iyan ay kaya ko ng kunin pero iniisip ko ''makakatulong kaya ang mga ito sa aking pamumuhay?'' Sa dami ng mga nag gagandahang mga materyal na bagay ilang sentimo na ang mauubos kung bibilhin ko ang lahat ng palamuti sa katawan. Mga bagay na bahagi lang ng mga pansamantalang kaligayahan na madali ring kumupas. Iniisip ko.. kung uunahin kong kunin ang mga iyan paano kung bigla ka namang matangal sa trabaho sa marami ring dahilan? Sa simula ng aking pagtatrabaho dito sa kinalalagyan ko ngayon inuna kong gawin ang mga bagay na makakatulong sa aking pamumuhay. Ang lahat ng mga bagay na nagawa ko na nuong mga nakalipas na araw hindi ko na muling ginagawa pa sa ngayon dahil nagawa ko na at natikman ko ng lahat. Tulad ng bisyo, alak, sugal, pasyal dito, pasyal doon, inom dito inom doon, tambay kung saan-saan, pasama-sama lagi sa mga happenings at mga lakaran ng barkada at mga kaibigan, yan ang mga bagay na uubos ng iyong lakas at pinagpagurang sentimo na kung hindi mo iisiping mabuti mawawaldas lang sa wala ang iyong kinita at panahon. Mga panahon na dapat ay palapit ka na sa iyong mga pangarap na magandang buhay ngunit ikaw mismo sa sarili mo ang nagtutulak lumayo sa pinapangarap mong magandang pamumuhay. Kung patuloy kong gagawin ang mga bagay na iyan mas malaki ang makokonsomo kong sentimo, pinilit kong iniwasan ang lahat ng nakagawian ko lumiit ang naging budget ko sa loob ng isang buwan doon ko napagtanto na ang laki pala ang nawawala sa kinikita ko. naisip ko... WALA AKONG KONTROL SA PAG WALDAS NG KAYAMANAN KO NOON.

Sa panahon ng aking pagtatrabaho... Napakarami na ng sama ng loob ang kinain kong lahat, napakaraming kahihiyan ang nilunok kong lahat at napakaraming galit ang pinalampas kong lahat. Isa din iyan sa makakatulong sa iyong minimithing may maayos na pamumuhay.
Sa panahon ng aking pagtatrabaho, may mga araw na sumasama ang loob ko sa mga taong nakakasama ko sa aking pagtatrabaho, sa kompanya, sa foreman at kung sino-sino pa. Kung paiiralin ko ang aking ego o ang aking galit o ugaling pagiging bugnutin ko at pagiging matampuhin ko ako rin ang mawawalan. Minsan pinagalitan ako ng foreman ko, sa sobrang sama ng loob ko gusto kong mag under time, binalak kong hindi pumasok kinabukasan at binalak kong hindi mag overtime ng sabado at lingo para maipadama ko rin sa kanila ang galit ko. Pero... inisip ko, sino ba ang mawawalan? ako din, ako rin ang mape-perwisyo dahil hindi ako nakapasok. Ipinasya ko nalang lunukin ang mga sama ng loob ko, inalis ko sa katawan ang ego o pride ko, pinasya ko nalang kalimutan ang nangyari at pumasok nalang ako sa aking trabaho. Lumipas ang ilang araw natuwa narin ako dahil inisip ko buti pumasok ako.. ako rin ang makikinabang sa ginawa ko. Laging sumasagi sa isipan ko na... kahit napapagod ako sa pagtatrabaho.. ako rin naman ang makikinabang sa pagod ko at sa araw-araw na pagtatrabaho ko NATUTUNAN KONG KONTROLIN ANG SARILI KONG GALIT NA NARARAMDAMAN KO. Kung minsan ang pagiging mataas ang pride ang sisira sa buhay mo na magiging dahilan ng pagkatangal mo sa iyong pinapasukan, walang masama kung mananahimik ka nalang at ituon mo ang iyong isipan sa mga pinapangarap mo sa buhay, huwag mong ituon ang iyong isipan sa galit na nararamdaman dahil lalamunin ka ng sarili mong galit na magdadala sa iyo minsan sa kalungkutan. Iniisip ko hindi ako ang dapat magmalaki sa kompanya ano man ang kagalingan at kasipagan ko sa pagtatrabaho kung ang kompanya ang magalit at tangalin ka lalo mong nilugmok ang sarili mo at ang iyong pamilya sa nakaambang kahirapan. Nang dahil sa kakitiran ng isipan mo lalo mong inilayo ang buhay mo at kaligayahan ng sarili mong pamilya sa tiyak na kaginhawaan. Isipin mo isang tao ka lang sa libo-libong mangga-gawa na maari nilang kunin.

BINIGYAN TAYO NG PANGINOON NG ISIP UPANG GAMITIN NATIN NG WASTO SA ATING PANG ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY.
BINIGYAN TAYO NG LAYANG MAG-ISIP UPANG MALAMAN NATIN KUNG ANO ANG DAPAT GAWIN SA ATING PAGKATAO AT PAMUMUHAY.

NASA IYONG SARILI ANG IKAGAGANDA AT IKASASAMA NG IYONG PAMUMUHAY... HINDI SA TAAS O SA LIIT NG KINIKITA.
IKAW MISMO ANG MAGDADALA SA IYO SA MAGANDANG PAMUMUHAY AT IKAW DIN MISMO ANG MAGDADALA SA TANIKALA NG KAHIRAPAN.

PAGANAHIN MO LANG ANG ISIPAN MO
MABABAGO MO ANG UGALI MO
AT
MAKOKONTROL MO ANG SARILI MO

YAN ANG KAILANGAN MO UPANG MAKAMIT MO
ANG MAY MAAYOS NA PAMUMUHAY
AT
MAILAYO KA SA NARARANASANG KAHIRAPAN




Photobucket

Tuesday, 30 March 2010

PINAY SCANDAL

PINAY SCANDAL

Sa panahon ngayon, halos buong mundo na ang gumagamit ng internet, halos dito sa internet natin makikita o mababalitaan ang ibat-ibang klase ng tinatawag na scandal. Kung pamilyang tao ka lalaki man o babae masasabi kong isang kasalanan sa diyos at sa iyong asawa ang iskandalong ginawa mo, pero kung dalaga or binata ka na nasuong sa tinatawag na iskandalo eto para sa iyo ang isusulat ko.

Ang aking ibabahagi sa inyo ngayon ay ang salitang scandal na naging maugong sa ating mga tenga mula pa noon hanggang sa ngayon. Alam ko, lalo na tayong mga pilipino pag nakarinig o nakakabasa tayo ng mga tinatawag na scandal ay labis tayong naalarma. Minsan masyadong interesado tayo pag nakakarinig tayo o nakakabasa ng mga ganitong kuwento o balita dahil minsan likas sa atin ang pagiging tsismoso at tsismosa ha ha ha pasensiya na sa salita ko pero... ganyan naman talaga tayo minsan di ba?

Kahit ako noon pag nakakarinig ako ng salitang scandal inaamin ko naalarma din ako at nagkakaroon ng interesado sa mga ganitong usapin. Basta scandal ang unang-unang pumapasok sa isipan ko sex agad, maaring ganon din kayo aminin man natin o hindi iisa ang iniisip natin. Ang poste kong ito ay pinamagatan kong pinay scandal hindi para ipakita o magpakita ng mga video o larawang hubad, ginawa ko ito para sa pagpapalawak narin ng ating isipan. Alam ko marami ang masasabi kong sasalungat dito sa aking mga isasalaysay dahil minsan magkakaiba tayo ng pananaw. Maaring hindi ninyo ako maiintindihan sa aking ipapaliwanag dahil minsan ang iba sa atin nakasarado ang isipan sa mga bagay na nakasanayan. Minsan ang iba sa atin masasabi kong hindi pinagagana o hindi pinalalawak ang kaisipan at pang-uunawa. Likas kasi sa tao ang mapanghusga at mapanglait sa kapwa.

Alam ko.. sa ating mga pilipino likas sa atin minsan ang pagpapahalaga sa tinatawag na kahihiyan. Pero kung ating iisipin, bakit mo iisipin ang kahihiyan? Bakit... sila ba nagpapakain sa iyo? Bakit sila ba bumubuhay sa iyo? Ano ba paki-alam nila sa buhay mo di ba? Dito sa mundo sa panahon ngayon kanya-kanya na ang buhay ngayon, kanya-kanya tayo ng diskarte sa buhay, kanya-kanya tayo ng isipan, kanya-kanya tayo ng paraan kung paano magiging masaya. Ang kahihiyan ay nasa tao nalang kung pahahalagahan mo ang kahihiyan.. ikaw ang maapektuhan, pero kung babalewalain mo at iisipin mo ano ba pakialam ninyo sa buhay ko. Pare-parehas lang tayong tao, kung magmalinis kayo gawin nyo huwag na ninyo akong asahan na makikitang katulad ninyo dahil magkakaiba tayo ng buhay, magkaiba tayo ng isipan.

Sa tagal kong pamamalagi dito sa korea marami akong naka usap na mga kaibigan kong koreano, nakita ko at nalaman ko ang ibat iba nilang pananaw tungkol sa sex or tungkol sa mga tinatawag na scandal webcam scandal or kahit na anong scandal, na... sa ating mga pilipino masyadong bentahe. Tinanong ko ang bawat koreano na kaibigan ko tungkol sa nangyaring scandal ng isang singer dito sa korea, halos iisa sila ng pananaw. Ang karamihan na sinagot sa akin ng mga kaibigan kong koreano ''OK LANG LAHAT NAMAN TAYO NAG SE-SEX, LAHAT NAMAN TAYO PARE-PAREHAS SA KAMA, LAHAT TAYO PARE-PAREHAS NA BASTOS PAGDATING SA KAMA, LAHAT TAYO PARE-PAREHAS ANG KATAWAN", ''LAHAT TAYO MASAYA SA GINAGAWA NATIN, BINATA KA OR DALAGA KA ANONG MASAMA SA GINAWA MO?

Pinag isipan kong mabuti ang kanilang sinabi, pinag isipan kong mabuti ang kanilang mga reaction sa mga sinasabi at reaction sa kanilang mga mukha. Nabanaag ko sa mga binibitiwan nilang mga salita at pananaw na hindi masyadong bentahe sa kanila ang mga tinatawag na scandal bagamat masasabi kong naging interesado lang silang panoorin ang nasabing video dahil sa kilalang tao ang apektado sa nasabing scandal pero... hindi ko nabanaag sa kanilang mga mukha ang reaction na inuuri o inaalipusta na nila yung taong naiskandal. Hindi ko maihahalintulad sa ibang pilipino na kung makarinig o makapanood ng scandal ang dami mong maririnig na kesyo ''YAN BUTI NGA SA IYO'' kesyo... ''KUNG KUMILOS NAPAKAHINHIN''. Masyado lang tayong nagmamalinis, pero... makasalanan ka rin.

Sa mga tao lalo na sa mga kadalagahan na nakakagawa ng tinatawag na scandal panindigan ninyo ang inyong ginawa, huwag tayong magpadala sa kahihiyan o sa mga sasabihin ng tao, ginawa mo yan ng ayon sa iyong sarili, ayon sa iyong isipan at ayon sa iyong ikakaligaya at pagpapaligaya sa iba. Hindi kasalanan yang ginawa mo mas makasalanan ang mga taong mapang-api sa kapwa, mapang-alipusta, magnanakaw, pintasero at pintasera. Sa ginawa mong scandal wala kang inaping tao, wala kang inalipusta, wala kang sinaktang damdamin ng tao o nag paiyak ng kapwa. Gawin mo ang mga bagay na nagpapaligaya sa sarili mo. Ginawa mo yan ng ayon lang sa iyong kasiyahan, huwag mong kitilin ang buhay mo humarap ka ng nakataas ang noo.



Photobucket

Monday, 15 March 2010

PANGUNGUMUSTA


Umpisahan ko sa pangungumusta ang aking unang bungad sa inyo dahil sa mahabang panahon na parang kabuti lang akong pasulpot-sulpot dito sa aking blog. Bagamat pasulyap-sulyap din naman ako dito dahil tinitingnan ko rin kung may mga bumibisita rin dito sa aking hang out. Masyado akong naging busy nitong mga nakaraang araw o buwan. Marami akong napagkaabalahan, unang-una sa trabaho ko dahil halos dose-dose oras na ang pinapasok ko sa araw-araw pinapasukan ko pa ng sabado at lingo. Lalabas ng 4 am ng madaling araw ng lingo papasok pa ng alas otso nang umaga ng ganon ding araw linggo. Halos wala narin akong panahon sa sarili ko dahil pagkatapos ko maka usap at makita ang pinakamamahal kong asawa at mga anak humihiga na ako wala na akong oras para mag-isip ng isusulat ko dito sa blog ko. Pinagtutuunan ko din ng atensiyon ang aking trabaho dahil ayaw ko ng sayangin ang bawat oras ko, gusto ko sa bawat oras ko na lumilipas may bayad dagdag sa kita ko kokonting panahon nalang ang ilalagi natin dito sa malayo hindi ko alam kung madadagdagan pa.

Sa mga kaibigan ko kumusta po kayong lahat!
Pipilitin ko na muling bigyan ng kahit konting panahon ang aking pagsusulat bagamat humihingi parin ako ng konting pasensiya sa mga kaibigan ko dito sa mundo ng blog na hindi parin ako masyadong makakapasyal sa mga hangout ninyo dahil sa dami rin ninyo hindi ko rin kaya ang pasyalan kayo ng sabay-sabay.


Photobucket

Sunday, 21 February 2010

OFW GAANO BA KASAKIT ANG MALAYO

Gaano nga ba kasakit ang mawalay sa amat ina?
Sa isang ina gaano ba kasakit ang makita mong lalayo ang iyong anak? Gaano kasakit isipin na ang isa mong anak ang mapipilitang lumayo upang iahon kayo sa hirap na dinadanas ng inyong pamilya? Sa isang inang tulad mo napakasakit ang makita mong unting-unting lumalayo at unti-unting nawawala sa iyong paningin ang mahal mong anak na alam mong maaring iyon ang magiging dahilan ng kanyang kalungkutan at kamatayan sa kamay ng ibang lahi. Dahil sa hirap ng pamumuhay napipilitang umalis at magbakasakaling humanap ng kapalaran sa ibayong dagat. Napapalitan nalang ng ngiti ang nadarama mong pag-aalala at kalungkutan kung malaman mo na nakarating ng maayos ang iyong anak sa kanyang pinatunguhan. Lalo kang mapapangiti kung marinig mo ang boses ng iyong anak lalo na sa mga magandang binabalita ng iyong anak sa mga naranasan niya ng mga unang lingo niya sa malayo, nakakataba ng puso. Pero.... Gaano kasakit kung marinig mo ang boses ng iyong anak sa napakalayong lugar na umiiyak? Gaano kasakit ang malaman mo na humihingi ng tulong ang iyong anak sa inyo upang maka-uwi na at nagsusumbong sa hirap na dinadanas niya sa kanyang pagtatrabaho? Napakasakit ang wala ka halos magawa.

GAANO NAMAN KAYA KASAKIT KUNG IKAW MISMO ANG LALAYO?
Lahat tayo maaring iisa ang nararamdaman nating lahat. Pero.... Mas masakit sa isang ina ang lumayo at iwan niya ang kanyang pinakamamahal na anak. Napakahirap labanan ang hirap ng kalooban na mararamdaman lalot nakikita mo sa iyong paglayo ang nag papalahaw ng iyak ang iyong mga anak. Napakahirap makitang pilit na humihiyaw ang iyong anak, pilit na gustong sumama sa isang ina. Masyadong nakakadurog ng pusot kaluluwa ang tagpong huling araw mo ng masisilayan ang iyong mga anak. Halos panawan ka ng lakas, hindi mo halos kayang ihakbang ang iyong mga paang palayo sa iyong mga mahal sa buhay. Hindi mo kayang pigilan ang sandamakmak na luhang tutulo sa iyong mga mata, hangang sa iyong pagdating sa patutunguhan hindi maubos ang luhang tumutulo mula sa iyong puso. Walang katumbas ng anumang sakit sa katawan ang sakit na nararamdaman dulot ng iyong paglayo sa iyong mga anak. Sa bawat hakbang ng iyong mga paa siya rin ang dami ng patak ng iyong mga luha, kahit wala na sila sa iyong mga paningin ngunit nakasalamin sa iyong isipan ang pag palahaw ng iyong mga anak. Lumalakas na lang ang kalooban mo pag naisip mo naman ang iyong ina, ang iyong ina ang nagpapalakas ng iyong loob dahil sila ang alam mong mag-aaruga sa iyong mga anak. Salamat at nandiyan ang iyong ina. Nagising nalang ang iyong ulirat ng iabot mo ang iyong pasalubong pasasalamat sa iyong ina, salamat inay sa pag-aaruga ninyo sa pamilya ko. INAY ETO PO ANG PASALUBONG KO SA INYO AT KAY ITAY AT ETO PO ANG MUNTING HALAGA PARA SA INYO NI ITAY.

SALAMAT ANAK HINDI MO RIN KAMI NAKALIMUTAN
PASYALAN MO RIN MGA KAPATID MO AT IBIGAY MO ANG MGA PASALUBONG MO SA KANILA.
Ang sakit ng naramdaman mo nung iwan mo ang iyong pamilya ay siya namang walang katumbas na kayamanan ang kaligayahang kapiling mo ng muli ang iyong mga mahal sa buhay. Sa muli mong pag-alis bagamat makakaramdam ka muli ng bahagyang sakit ngunit madali mo na itong mapaglabanan dahil sa kaligayahang hatid mo sa kanila ngayon dulot ng iyong pagsusumikap mula sa pagiging ofw. Sa iyong muling pagbabalik may ngiti ka na sa iyong mga labi dahil dala mo sa iyong muling pag balik ang saya at kaligayahan na mas masarap pala ang magtiis kung ang kapalit nito ay ang maayos at matiwasay na pamumuhay ng iyong asawa at mga anak at nabahaginan mo ng kaligayahan ang iyong ama't ina dulot ng iyong pagiging ofw. Kaysa ang magtiis ng walang naghihintay na kaligayahan at pag asa sa piling ng kahirapan sa pilipinas. Lumayo ka man ng lumayo, darating at darating kang muli dala ang sandamakmak na kaligayahan para sa iyong mga mahal sa buhay.

Ang lahat ng bagay dito sa mundo ay may katumbas. Sa bawat kalungkutan may kaligayahang nakalaan at sa bawat patak ng luha ay may mga ngiting katumbas.

Para sa aking paglayo dahil masasabi kong mas matibay ang aming puso at damdamin kung ikukumpara ko sa inyong mga babae. Bagamat may mararamdaman din kaming kalungkutan pero mas nananaig sa amin ang tigas at tibay ng kalooban. Ngunit kahit anong tigas ng aming kalooban nasasaktan din kami at lumuluhang tulad ninyo. Sa aking paglayo lumuha din ako hindi lang dahil iiwan ko ang aking pamilya, lumuha ako dahil iniwan ko sila na wala ni kahit singko sa kanilang bulsa, iyan ang nagpaluha sa akin. Pero ang paglayo ko sa kanila ay masasabi kong mas umiibabaw sa aking isipan ang kaligayahan bagamat maliit pa ang dalawa kong anak. Dahil ito na ang simula at panibago ng aming pamumuhay. Ang aking paglayo ang magbibigay ng kaligayahan sa aking pamilya hindi lang sa aking mga anak kundi para narin sa aking maybahay. Ang isang nagpapasaya sa akin sa aking paglayo ay maibibigay ko narin sa aking maybahay ang kaligayahang hindi niya natikman mula ng siya ay nagpakasal sa akin. Halos wala akong yaman ng kami ay nagpakasal, wala akong yaman na naipagmalaki sa kanya. Sa aking paglayo ibayong kaligayahan ko dahil maari na akong ipagmalaki ng aking maybahay sa kanyang mga magulang. Yan ang madalas kong iniisip kung kaylan ko bibigyan ng kaligayahan ang aking maybahay ayaw kong dumating ang araw na pagsisihan niya ang pagpapakasal sa akin. Ayaw kong dumating ang araw na iwan niya ako dahil hindi ko maibigay ang kanyang kaligayahan. Kaya nung time na naghiwalay kami ng aking maybahay punong-puno kami ng kasiyahan sa isat-isa dahil baon ko ang mga pangakong maghihintay siya sa aking pagbabalik at iniwan ko sa kanya ang pangakong ibibigay ko sa kanya ang kanyang kaligayahan at dala ko sa aking pag-alis ang mga pangarap na nais naming matupad ang magkaroon kami ng sariling tahanan para sa isang masayang pamilya upang lalong maging matibay ang aming pagsasama kahit ano mang bagyong dumating meron kaming masisilungan at masasabing ganap na kaming isang masayang pamilya.



Photobucket

Thursday, 14 January 2010

ANG BIRD KO



Noon meron akong alagang ibon apat sila, mahilig din akong mag alaga ng ibon lalo na ng kalapati pero nagkahiwalay kami dahil sa pagharap ko sa obligasyon ko sa aking pamilya. Masakit man sa akin ang magkalayo kami walang magawa mas kailangan kong pakainin ang pamilya ko. Matagal ng panahon ang lumipas ngayon sumasagi sa aking isipan ang alaga kong ibon. Buti pa ang ibon malaya, madaling maghanap ng pagkain kahit walang mga kamay. Hindi kailangan ng pera upang makakain, hindi kailangan ng pera upang makarating sa patutunguhan, may kakayahang palakihin ng maayos ang kanyang mga anak.

Sa aking pag-iisa hindi ko na halos maisip ang aking ibon dahil wala naman akong dapat ipag-alala sa isang ibon dahil kahit hindi ko bigyan ng kalinga kayang harapin ang kanyang buhay. Kaya niyang mabuhay ng malaya, kaya niyang mag-isa.

Sa aking pag-iisa ang madalas na iniisip ko ngayon paano na kaya ang iba kong mga kababayan na naghihikahos at salat sa pamumuhay. Walang trabaho, wala halos makain, habang patuloy ang pagtaas ng bilihin. Mga pilipinong pilit naghahanap ng mapapasukan ngunit wala ng kompanyang mapasukan gasino lang ba ang dami ng kompanya natin kung ikukumpara sa mahigit kumulang sa dalawang bilyong mga kababayan natin ang walang trabaho. Mga pilipinong may mga pamilyang pinapakain, may mga anak na gustong pag aralin, mga anak na gustong bilhan ng mga kasuotan sa katawan. Paano na nga ba ang isang pilipino na nasa edad trenta pataas gayong merong sinusunod na patakaran ang mga kompanya at gobyerno natin na kung nasa edad trenta ka na pataas wala ng magnanais na tumangap sa iyo. Kung ganyan ang edad mo paano mo na pakakainin ang sarili mong pamilya dahil hindi ka na ibinibilang ng mga kompanya ganon din ng ating gobyerno na mabuhay. Wala ka ng karapatang mabuhay, wala ka naring karapatang buhayin ang pamilya mo. Samantalang noong nasa tamang edad ka pa hindi ka na nga nakakahanap ng trabaho ngayon nasa ganyang edad ka di mas lalong wala ka ng pagkakataon upang magtrabaho.

Paano pa kaya kung medyo pilay ka pa? Paano kung medyo may kapansanan ka sa kamay? Lalong anong silbi mo na? Paano na ang pamilya mo? Paano na kayo mabubuhay? Habang lumilipas ang bawat araw na wala kang hanapbuhay siya namang pagtaas ng mga bilihin lalong ka pang nababaon sa hirap dahil wala ka ng halos kakayahang bilhin ang mga bagay na kakailanganin ng inyong sikmura. Habang lumilipas ang taon siya namang pag sibol ng mga bagong graduate na mas bata sa iyo at may natapos na pag-aaral na siya ding nanganga-ilangan ng hanap buhay. Nakatira ka sa probinsiya paano ka maghahanap ng mapapasukan mo sa maynila samantalang bilyong kabataan din ang walang hanapbuhay sa maynila na mas bata sa iyong tingnan.

Ang ating gobyerno ay isang napakasamang bangungot para sa ating mga pilipino. Hindi ko magawang ngumiti kapag gobyerno na ng pilipinas ang pag-uusapan. Wala kang halos makitang patakaran ng gobyerno na para sa tao. Ang lahat ng ginagawa ng gobyerno natin ay para lang pagkaperahan tayong maliliit ngunit ayaw naman tayong suportahan ng gobyerno. Pinipiga tayo ng husto ng mga walang kuwenta at mga walang pusong mga nanunungkulan sa ating gobyerno.

Paano na kaya kung wala ng bansang mangailangan ng mga manggagawang dayuhan saan na kaya pupulutin ang mga pilipino. Kaawa-awa na ang mga kababayan nating mga kababaihan ng dahil sa hirap ng buhay sa ating bansa napipilitang tumungo sa ibang bansa ng hindi alam ang patutunguhan. Hindi alam kung anong kahihinatnan ng buhay nila sa ibayong dagat. Isinusugal ang buhay ng dahil sa kahirapan. Kahit alam nilang mapapariwara lang ang buhay nila nagbabakasakaling mai-ahon lang sa hirap ang mga magulang at mga kapatid. Habang may mga pilipino namang sing itim ng kalawang ang budhi nila ng dahil sa pagnanasang kumita ng malaki sinasamantala ang mga naghihirap nating mga kababaihan na nangangarap kumita ng makakain, kumakapit na sa patalim ng dahil sa walang kuwentang gobyerno natin. Kung nais mong kumita ng konti dito pa sa ibang bansa natin makukuha hindi sa pinas at bago ka pumunta dito sa ibayong dagat sandamakmak pa ang aasikasuhin mo at sandamakmak din ang gagastusin mo saan ka kukuha ng gagastusin mo sa pamasahe palang hindi mo na kaya. Saan pa kaya kukuha ng pera para ipakain mo sa pamilya mo? Paano ka makakaalis kung nakabase uli sila sa edad. Ang ibang bansa willing silang tangapin ka kahit anong edad mo pero ang sariling bansa ang ayaw magpaalis sa iyo. Habang unti-unting tumataas ang mga bilihin unti-unti kang lalong nababaon sa hirap sa klase ng pamamalakad ng ating gobyerno. Habang patuloy ang bangayan nila sa gobyerno, patuloy ang nakawan sa kaban ng bayan ang mga kaawa-awa naman nating mga naghihirap na kababayan nag-iisip kung paano bubuhayin ang pamilya. Wala ng panahon ang gobyerno natin para pag-isipan kung paano tayo tutulungang mabuhay.

May pag-asa pa kaya ang mga pilipinong lumipad ng malaya at mabuhay ng maayos tulad ng isang ibon?
Mga ibong masayang lumilipad sa kalawakan malayang makarating saan man nais makarating. Walang mahirap walang mayaman.



Photobucket

Saturday, 2 January 2010

PAANO TUTURUAN ANG PUSO

Napakalaki ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao, sa pag-ibig kayang baguhin ang isang tao. Marami ang nagagawa ng pag-ibig sa pagkatao ng isang tao. Pwede kang pasayahin, pwede kang paluhain. Minsan ang hirap pigilin ang umibig, mahirap pigilin ang puso na magmahal ng magmahal.

Kaya mo bang gawing kaibigan lang ang bago mong pag-ibig?
Hanggang kaylan magtatagal ang pagiging magkaibigan ninyo ng taong gusto mong ibigin? Hanggang kaylan magtatagal ang pagiging magkaibigan ninyo ng taong gusto kang ibigin? Sa pag gising mo sa umaga larawan agad niya ang unang pumapasok sa iyong isipan. Kahit pilitin mong alisin siya sa iyong isipan hindi mo magawa. Gustuhin mo mang iwasan siya ngunit ayaw mo naman siyang mawala. Sa bawat naisin mong gawin larawan niya lagi ang nagiging dahilan ng bawat nais mong gawin. Madali mo bang iwasan ang taong nagiging dahilan ng kasiyahan mo sa araw-araw? Paano mo sasabihin sa kanya na kaibigan nalang ang turingan ninyong dalawa gayon iyan ang magiging dahilan ng inyong pagkakalayo. Paano mo sasabihin sa kanya ang mga bagay na ayaw mong magiging dahilan ng kanyang paglayo. Paano mo sasabihin sa kanya gayong gusto ka niyang ibigin.

Sapat na kaya na kausap mo lang siya sa araw-araw? Matatanggap mo ba na sapat na ang paguusap ninyo kahit walang pag-ibig na mararamdaman ngunit may pagmamahal na magbubuklod sa isat isa. Pwede bang paghiwalayin ang pag-ibig at pagmamahal sa dalawang nagkakaunawaan?
Ayaw kong saktan ka ngunit ayaw ko namang mawala ka. Ayaw kong lalayo ka ngunit ayaw ko namang aasa ka. Masasaktan ako kung lalayo ka ngunit mas masasaktan ako kung luluha ka. Nais kong malaman mo kung gaano ka kahalaga ngunit mas mahalaga sa akin ang kaligayahan mo. Ayaw kong malaman mo ang isang bagay na nais kong ipaalam sa iyo. Ayaw kong dumating ang isang araw na magtatanong ka ng isang bagay na ayaw mo ring malaman. Maligaya ako sa isang tulad mo ngunit kailangan mo ring lumigaya. Sabi ko sa sarili ko na makakaya kong kalimutan ka ngunit parang lagi naman kitang hinahanap. Mahirap dayain ang damdamin, mula ng makilala kita hindi ko alam kung masaya ba ako o nalulungkot. Ano kayang gagawin ko, hirap isarado ang puso sa isang tulad mo. Paano ba tuturuan ang pusong huwag magmahal? Sabihin mo lang sa akin na hindi mo ako mahal, siguro... liligaya pa ako, hindi na baleng ako nalang ang magmahal, ayaw ko lang gawin ang isang bagay na ako ang magiging dahilan ng iyong pagluha.
PWEDE BANG PAGSAMAHIN ANG PAG-IBIG SA PAGKAKAIBIGAN LANG?
Dito muna kayo maghugas pa pala ako ng plnggan.



Sunday, 20 December 2009

IKALAWANG BAHAGI NG DIARY NG PAGKATAO KO

IKALAWANG BAHAGI NG DIARY NG BUHAY AT PAGKATAO KO

Minabuti kong lagyan ng ikalawang bahagi ang diary ng buhay at pagkatao ko dahil wala naman talaga akong maisulat. Isang dahilan kaya ginawa ko ito dahil kahapon habang nanonood ako ng video sa youtube sa hindi ko inaasahang pagkakataon meron akong napanood na video na nagpasilakbo ng damdamin ko. Hindi ako nagmamalinis, alam ko meron din akong mga kasalanang nagagawa, mga kasalanang sa diyos hindi sa tao. Alam ko walang taong perpekto, hindi man ako perpekto sa paningin ng panginoon pero gusto kong maging perpekto ako sa aking kapwa. Halos madurog ang puso ko sa mga binitiwang salita ng mga kapwa nating mga pilipino sa video na napanood nila. Isang pinay ang nasa video, video slide siya na may background na music ang walang awang pinintasan ng mga pinoy na akala nila sila na ang pinaka perpekto sa panlabas na kaanyuan. Ayaw ko ng ibahagi dito kung ano ang mga salitang binitiwan ko sa komento ko sa mga pinoy. Isa lang ang masasabi ko hindi nila makain ang mga salitang binitiwan ko.

Bakit may mga taong masasabi kong singbabaw ng talampakan nila ang kanilang pag-iisip, mga taong maihahalintulad ko sa isang basura ang laman ng kanilang utak at pagkatao, mga taong hindi marunong humarap sa salamin. Sa araw-araw kong pamumuhay ang unang-una kong iniiwasan sa lahat ay ang pamimintas ko sa aking kapwa, ang pang-aapi. Sa bawat nakakasalamuha ko at sa lahat ng iniisip ko ang unang-una kong ginagawa bago ako magsalita inilalagay ko ang sarili ko sa bawat nakikita ko. Inilalagay ko ang sarili ko sa bawat katanungan nais kong sagutan. Huwag mong gawin sa isang tao ang isang bagay na alam mong ikaw mismo sa sarili mo masasaktan sa ginagawa mo. Hindi dahilan ang ugali ng isang tao, Ang lahat ng ginagawa ng isang tao ay hindi ayon sa kanyang pag-uugali kundi ayon sa kanyang pag-iisip. Ginagawa ang isang bagay hindi dahil iyon ang ugali ng isang tao, kundi iyon ang inisip mong gawin kaya ginagawa mo ang isang bagay. Ang ugali ng isang tao ay ayon sa kanyang pag-iisip. Ang tao ay pinapaandar ng sarili nating pag-iisip. Isip ang dahilan ng lahat ng ginagawa mo. Kung hindi mo maisip ang tama at mali.. Kulang ka sa pag-iisip. Hindi mo ginagamit sa tama ang iyong pag-iisip. Dahil kung ginagamit mo ng tama ang iyong isipan, alam mo kung ano ang mali at tama. Inisip mong gawin kaya ginawa mo, pero.. hindi mo inisip kung tama o mali ang gagawin mo.
Sa mga taong nakakasalamuha ko kasama ng lahat ng kaibigan at mga kakilala ko binibigyan ko silang lahat ng layang gumalaw sa nais nila. Bibigyan kita ng laya ng kahit na anong gawin mo o kahit na anong bagay ang gusto mong ipakita sa tao tungkol sa iyong pagkatao. Iniisip ko tao karin na nangangailangan ng kaligayahan, tao ka rin na tulad ko na may damdamin at marunong masaktan. Ano mang kapintasan mo bibigyan ko ng layang ipakita mo.
Iniisip ko na masuwerte pa nga kayo dahil binigyan kayo ng may maayos na kaanyuan, bakit pa kayo mananakit ng kapwa? Nang dahil hindi siya pinalad bahaginan ng kaanyuang tulad mo? Lamang ang kaligayahan mo sa tulad nila dahil pinalad kang magkaroon ng magandang kaanyuaan.. hayaan mo nalang silang lumigaya sa sarili nilang pamamaraan. Ano man ang kaanyuan nating lahat pare-parehas tayong marunong masaktan.

Hindi ako yung taong madaling magtampo or magalit sa isang tao, hindi ako yung tao na komo galit ang kaibigan ko sa isang tao galit narin ako sa taong kinagagalitan ng kaibigan ko, hindi ako mahilig makisawsaw sa galit ng mga taong malalapit sa akin. Hindi ako basta-basta nagagalit sa isang tao hanggat walang ginagawang masakit sa akin hindi ako magagalit sa isang tao.
Hanggat hindi niya sinasaktan damdamin ko walang dahilan para magalit ako sa isang tao, kahit anong kayabangan ng isang tao, kahit nakagawa siya ng kasalanan sa kapwa niya hindi ako dapat magalit sa isang tao. Bakit ako magagalit sa kanya? hindi naman niya ako sinasaktan. Sapat na ba na magalit ka sa isang tao ng dahil lang sa kinaiinisan mo ang mga kinikilos niya? Madalas tinatanong ko sarili ko kung dapat nga ba ako magalit sa taong kinaiinisan ko lang? Dapat ba akong magalit sa taong walang ginagawang kasalanan sa akin? Kung ganyan ang ugali mo.. tanungin mo narin sarili mo kung gaano ba kalalim ang isipan mo. Kadalasan iyan ang nakikita ko sa kapwa ko, galit sila sa taong kinaiinisan nila, galit sila dahil hindi nila nakikita sa isang tao ang mga bagay na inaasahan nila sa isang tao. Kung ako makakaharap mo abot ko na ang lalim ng isipan mo sa pamamagitan ng mga kinikilos mo. Alam ko na kung malalim o malawak ang isipan mo, sa mga tulad mo wala akong panahon para kausapin kita o makipag kuwentuhan sa iyo o walang dahilan para isipin kong mabuti kang kaibigan. Sa simpleng tama at mali hindi mo alam kung tama o mali ang ginagawa natin. Para sa akin ang tinitingnan ko sa isang tao yung meron akong napupulot na kabutihang asal na nais kong gawin sa pangaraw-araw kong pamumuhay. Mahilig ako sa mga may kabuluhang bagay, ayaw kong kausap ang mga taong may mababaw na kaisipan, sa simpleng tama at mali hindi mo alam, paano pa tayo magkakasundo? Ayaw ko rin sa tao yung hindi marunong makitungo sa kapwa na para bang hangin ka na dumaan ngunit hindi maramdaman. Kung ganyan ang mapapansin ko sa iyo hindi na ako magsasalita, hindi din kita papansinin katwiran ko hindi ka kabawasan sa buhay ko, mag malaki ka sa akin ok lang hanggat hindi kita kailangan hindi ako luluhod sa iyo para pansinin mo ako. Kung galit ako sa isang tao hindi ako mahilig magsalita ng patalikod sa mga taong kagalit ko, hindi komo kagalit ko na ang isang tao kung ano-anong paninira ang gagawin ko sa ibang tao tungkol sa iyo, ang katwiran ko lalo lang lalaki ang gulo kong magsasalita pa ako ng patalikod lalo kayong hindi magkakasundo. tahimik akong tao. Ayaw ko lang na meron akong maririnig na galing sa iyo asahan mo huwag mo akong masasalubong na naka-inom tutumba ka sa akin walang salita. Kung dumarating ang araw na may nagagawa akong mali at may mga taong nagagalit sa akin basta kasalanan ko hindi ako babawi ng salita. Hihingi ako ng sorry sa iyo pero may kasamang goldilocks na inireregalo ko sa iyo para mawala ang galit mo sa akin. Kahit anong regalo na kaya kong bilhin gagawin ko para ibigay sa iyo.

May mga araw na hindi natin alam na meron palang tao na nagagalit sa iyo ng hindi mo alam, nagagalit ng hindi mo alam kong bakit, kadalasan ginagawa ko humahanap ako ng araw para makaharap ko siya at iparamdam ko sa kanya ang tunay na pakikipagtao, pinupuri ko siya, pinupuri ko ano man ang kasuotan niyang taglay pupurihin ko, pupurihin ko kaguwapuhan o kagandahan niya pipilitin kong pangitiin siya para mawala ang galit o inis niya sa akin. Asahan mo sa susunod na makasalubong ko siya abot na sa tenga ang ngiti niya sa akin. Iyan ang kahulugan ng.. ''Pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.

Hindi ako mahilig manisi ng mga taong nakakagawa ng pagkakamali o ng kasalanan, Inuunawa ko kung bakit siya nakagawa ng kasalanan o pagkakamali. Malawak ang pang-uunawa ko sa mga ganyang bagay. Pagsasabihan ko lang siya sa pagkakamali niya ng isang beses hindi ko na uulitin pag ginawa mo pa hindi na kita kakausapin. Huwag mo ng tanungin kong bakit ako galit sa iyo dahil masasaktan ka na sa mga sasabihin ko, humingi ka nalang ng sorry madali akong ngumiti pag ang tao ay marunong tumangap ng pagkakamali. Hindi ako marunong magtanim ng sama ng loob sa kapwa kung humingi ka na ng paumanhin sa akin asahan mo ngingiti na ako wala na sa akin ang nakaraan dahil alam ko naman na ang tao ay nagkakamali at nagkakasala din ng tulad ko. Basta marunong kang tumangap ng pagkakamali. Ayaw ko sa tao yung mali na mangangatwiran pa, mahirap ba tumangap ng pagkakamali at hindi mo magawa? bababa ba pagkatao mo kung humingi ka ng paumanhin sa isang tao? Malaki ba mawawala sa iyo at hindi mo magawa? Praktikal akong tao, wala sa katawan ko ang pagiging mainggitin, hindi ko hilig makipagpaligsahan kung anong meron sila dapat meron din ako. Kinukuha ko ang isang bagay na meron ka hindi dahil naiingit ako, kinukuha ko dahil kailangan ko kahit mura o mahal basta kailangan ko kinukuha ko. Hindi ako maluhong tao, kung anong meron kahit mura sapat na sa akin. Hindi ako kumukuha ng gamit upang ipagyabang sa kapwa na mahal ang nabili kong gamit. Kahit hindi na kailangan sa buhay bibilhin para lang maipagyabang na mamahalin ang gamit ko. Huwag mo ng ipakita kung mamahalin ang gamit mo dahil binibigyan mo lang ng kalungkutan ang mga taong walang kakayahang abutin ang mga bagay na kaya mong abutin. Ayaw kong manghiram ng mga bagay na kailangan ko binibili ko basta kailangan ko. Dahil ayaw ko din ng may humihiram sa gamit ko, madamot ako sa gamit dahil minsan ang tao mapagsamantala kahit kaya nilang kunin ang isang bagay umaasa nalang sila sa hiram madali kita mahalata pag ako kaharap mo. Sa gamit madamot ako pero sa pagkain hindi ako madamot, sa lahat ng ayaw ko yung merong napapanisan na pagkain. Pagagalitan kita pag may nasirang pagkain dahil katwiran ko bakit hindi mo nalang binigay sa mga taong nangangailangan kaysa hinayaan mo mabulok at itapon. Pag pinagsabihan ko na ang isang tao at umulit sa maling ginagawa asahan mo masasaktan ka na sa mga salita ko. Ayaw ko minsan ng paulit-ulit na paliwanag. Mapag kumbaba akong tao, hindi ako mahilig makipag paligsahan sa kahit anong bagay o makipagtagisan ng talino basta ibahagi ko nalalaman ko sapat na yon. Huwag mong ipagyabang sa akin na mamahalin ang lahat ng gami mo, huwag mong ipagyabang sa akin na meron ka ng mga bagay na wala ako, tatahimik lang ako kung anong meron ka na wala ako, naniniwala ako na ang panginoon hindi natutulog, naniniwala ako na ang buhay ay parang isang gulong na umiikot. Darating ang araw nasa ilalim ka rin. Hindi ako ang taong mahilig humanap ng kaibigan, ang iniisip ko ang kaibigan ay kusang lumalapit hindi hinahanap. Hanggat gumagawa ka ng mabuti sa kapwa, hanggat marunong kang makitungo sa tao at alam mo kung paano makisalamuha sa mga taong hindi mo kilala at marunong kang makisama sa kapwa mo sila ang lalapit sa iyo para maging kaibigan ka. Sila ang gustong maging kaibigan ka dahil nakikita nila sa iyo ang mga bagay na hinahanap mo rin sa isang tao para maging kaibigan mo. Sa paniniwala ko kapag ikaw ang naghanap ng kaibigan nangangahulugan na alam mo ang hanganan ng pagkatao mo. Ikaw ang naghahanap dahil alam mo na kulang ka sa mga bagay na kailangan upang lapitan ka ng mga tao upang magkaroon ng kaibigan.

Hindi ako madaling maniwala sa sabi-sabi, dahil naniniwala ako na ang sabi-sabi ay parang goma na pwedeng batakin upang lumaki, lumalayo sa tunay na pangyayari. hindi ako madaling maniwala sa sabi-sabi dahil minsan ang tao ay mapagsinungaling. Bago ako maniwala sa mga salita pinapakingan ko ang bawat panig bago ako manghusga kung sino puwede kong paniwalaan kaya hanggat maari ayaw kong magsasalita ka sa akin ng tungkol sa ibang tao hanggat wala kang maipakita sa aking pruweba. Magaang ang puso ko sa mga pulubi, lalo sa mga bata at matatandang pulubi kahit wala akong pangsigarilyo basta may nadaanan akong nagpapalimos binibigyan ko na kaagad, hindi ko pinag iisipan kung miyembro ng sindikato o hindi alam ng panginoon kung sinong tinulungan ko. Ang pagtulong hindi pinag iisipan at hindi rin sapilitan, kung ayaw mo huwag kang magbigay, kung gusto mo magbigay ka huwag ka ng magsalita huwag ka ng mangatwiran huwag kang magbigay malaya ka sa gagawin mo. Madali akong tumanaw ng utang na loob sa isang bagay man o sa kabutihang pinapakita mo sa akin tutumbasan ko ng kabutihan ng higit sa iyong inaasahan, walang hangganan. Madali akong humanga sa isang tao lalot kabutihan ang nakikita ko sa mga kinikilos niya, sa akin man o sa ibang tao ka magpakita ng kabutihan kahit sa anong paraan asahan mo nasa likod mo ako lagi ng hindi mo nalalaman. Mahirap ka man o mayaman basta may paggalang ka sa kapwa mo hahangaan kita. Asahan mo susubaybayan ko buhay mo dahil ibubuhos ko suporta sa mga taong katulad mo. Wala man akong kakayahan sa pinansiyal sa paggalang ibubuhos ko sa iyo lahat ng paggalang ko kahit anong katayuan mo sa buhay.

Iisa ang laging sumasagi sa isipan ko sa araw-araw.

Kahit hindi tayo maging perpekto sa mata ng diyos, pilitin mong maging perpekto ka sa iyong kapwa. Ang lahat ng kabutihan mo sa iyong kapwa may regalong nakalaan at sa bawat kasalanan may parusang nakalaan.

Sa mga gumagawa ng mali sa kapwa.. Hangang anong edad ba ang kailangan para maabot mo ang tamang edad para malaman mo ang tama o mali sa mga ginagawa mo?
Kulang pa ba ang edad mo para masabi mong nasa wasto ka na nga ba ng pag-iisip?

Sunday, 13 December 2009

DIARY NG BUHAY AT PAGKATAO KO

Ayaw ko sanang magsulat ngayon, pero, sa tuwing naririnig ko mga awit na nagpapalipad ng aking isipan, parang hinahatak ako ng kamay ko upang magsulat. Sa tuwing nakikinig ako ng mga ganitong awitin malayo ang nararating ng aking isipan, mga bagay na pilit kong hinahanap upang matagpuan ang mga bagay na magpapasaya sa akin at nagbibigay ng lakas upang makapagsulat muli. Mga awit na nagsisilbing vitamin ng aking isipan. Sa pakikinig ng mga ganitong awitin ang nakahiligan ko mula pa noon. Mahilig ako sa mga mellow music dito ninyo masasalamin ang pagkatao ko.
Kadalasan, umiinom akong mag-isa hanggat maari ayaw kong uminom ng may kasama ako. Mas komportable ako kung nag iisa akong umiinom dito sa kuwarto ko. Meron akong dimlight na nagsisilbing liwanag sa kapaligiran ko, ayaw ko din ng masyadong maliwanag kung umiinom ako, ewan ko ba! Kadalasan kung katabi ko kasintahan ko, sa tuwing nakainom ako at nakikinig ng mga ganitong awitin hinihiling ko sa kanya madalas na isasayaw ko siya, sa tuwing tinatangihan niya ako sa kahilingan kong isayaw siya lumalabas ako at doon ako umiinom sa labas. Ayaw ko minsan yung tinatangihan ako sa simpleng kahilingan ko, madali akong magtampo, asahan mo hindi ako umuuwi ng bahay sa kapitbahay ako madalas matulog pag nagtatampo ako. Pag gusto ko yung music gusto kong isinasayaw ng sweet yung mahal ko.
Ang isa pang nakahiligan ko lalot ganitong nakainom ako, gusto kong humalik sa kilikili. Yan ang isang pinakagusto kong halikan sa isang tao, ang humalik sa kilikili. Subukan mong tangihan ako maghapon mo akong hindi makikita o makaka-usap.
Kahit ang mga naging girlfriend ko yan ang unang-una kong hinihiling sa kanila ang humalik sa kilikili. Gustong-gusto kong humalik sa labi at sa kilikili. Pero.. ang gusto ko sa unang halik ko sa kilikili bago sa labi.
Wala akong hilig makikain sa mga handaan kasalan man o binyagan o bertdehan nakakain ko rin sa bahay yung handa sa bahay nalang ako kakain.
Hindi ako mahilig lumabas or tumambay sa labas mas masaya ako kung narito lang ako umiinom mag isa habang nakikinig ng music. Kung halimbawang nais kong lumabas lalo pag nasa pinas ako madalas naka single motor ako, malayo nararating ko singlayo ng nararating ng isipan ko yan ang isang nakahiligan ko ang mamasyal habang naka bara ang headphone sa tenga ko. Mahilig akong tumambay sa mga park habang nakikinig ng music, kahit nag-iisa akong naka upo sa park masaya na ako. Nakahiligan ko na ang nag-iisa. Mas gusto ko pa yung nag-iisa kaysa yung may kausap na puro walang kabuluhan ang pinag uusapan.

Hindi ako mahilig sumunod kung anong uso, kahit sa anong bagay na napapanahon hindi ko binibigyang halaga, kung anong bagay ang nagpapangiti sa isipan ko iyon ang ginagawa ko. Hindi ako tumitingin kung anong bago or kung anong luma basta ginusto ko iyon ang kinukuha ko. Hindi ako mahilig humawak ng cellphone, may cellphone ako pero nasa kuwarto ko lang hindi ko binubulssa, ayaw kong magdala ng cellphone kahit noon pa, ayaw ko lang na ipaalam kung nasan ako. Minsan perhuwisyo yang cellphone hindi ka makatago. puro return call ako madalas. Wala akong hilig mag suot ng relo sa kamay, may relo ako casio nasa bulsa ko lang tinangal ko pinaka bracelet.
Ang ayaw ko lang sa pagkatao ko.. yung pagiging prangka ko, yan ang hindi ko mapigilan sa sarili ko, pero.. nasa tama, malalim akong magsalita, masakit, pero totoo. Maraming nagsasabi sa aking masakit akong magsalita, masakit hindi dahil masama, masakit dahil diretso sa tinutukoy, ayaw ko ng paligoy-ligoy na salita o paligoy-ligoy na usapan. Masakit dahil totoo. Minsan.. masakit pakinggan ang katotohanan, masakit dahil ayaw nilang tangapin ang katotohanan sa kanilang sarili. Kung galit ako wala kang maririnig sa akin kahit anong salita, sa mata mo ako mahahalata kung galit ako dahil hanggat maari iniiwasan kong magsalita dahil masakit akong magsalita. Kung hindi ko na kaya tumahimik kung galit ako saka ako magsasalita, pero.. ihanda mo sarili mo dahil masasaktan ka pag ako nagsalita. Malalim akong mag-isip, madalas pag nag iisa ako malayo nararating ng isipan ko, mahilig akong mag-isip, mahilig akong mangarap. Madalas nangangarap ako, iniisip ko kung ano ang bukas. Malawak ang pang-uunawa ko sa isang bagay, malawak ang pang-uunawa ko lalo sa isang tao. Hindi ako basta-basta nanghuhusga ng tao. Pinag-iisipan ko ang bawat ginagawa ko, pinag-iisipan ko ang isang tao kung bakit minsan nakakagawa siya ng isang bagay na nakakasama sa ibang tao o nakakasama mismo sa kanyang sarili. Ayaw ko na may inaaping tao, madali akong maawa sa isang tao dahil mababa lang ang kalooban ko, matigas lang ang kalooban ko kung matigas din ang kalooban mo.

Kung makaharap kita ng personal pag-iisipan kita, aarukin ko ang pagkatao mo sa pamamagitan ng mga binibitiwan mong mga salita. Kaya kong arukin kung anong pagkatao ng isang tao. Maraming nagsasabi sa aking suplado akong tao, ewan ko sa sarili ko, kung makikita mo ako pag-iisipan mo ako dahil tahimik akong tao kung sa una mo ako makikita. Madalas naka-upo lang ako sa isang tabi. Hindi ako mahilig tumingin sa mga dumadaan sa harapan ko, basta naka-upo ako nag-iisip ako, mahilig lang talaga akong mag-isa. Pero.. kung makilala mo ako kuwela akong tao. Kung ako ang kausap mo iwasan mong mag kuwento sa akin ng tungkol sa isang tao, ayokong ikukuwento mo sa akin ang kapintasan ng ibang tao dahil lalayuan kita. Mas gusto kong ikuwento mo sa akin ang karanasan ng ibang tao huwag lang ang kapintasan ng ibang tao, dahil ang paniniwala ko kung yung iba naikukuwento mo yung kapintasan nila.. sigurado ikukuwento mo rin sa iba kapintasan ko.
Sa pagmamahal hindi ako tumitingin sa panlabas na kaanyuan, ang unang tinitingnan ko kung anong ugali meron ang isang tao. Ayaw ko ng taong nang-uuri ng kapwa, ayaw ko ng taong mapang-api, ayaw kong tao yung mapang mataas, pala-puna ng kapwa at higit ayaw ko sa taong mapang-tanim ng sama ng loob, ayaw ko ng mataas ang pride dahil mababa rin ang pride ko ayaw ko ng matagalang tampuhan. Higit sa lahat ayaw kong gawin sa kapwa ko ang ayaw kong gawin sa akin.

Kaya kong gawin ang lahat kahit kahihiyan basta nasa tama lang ang ginagawa ko, hindi ko iniisip ano man ang sabihin ng tao ang katwiran ko hindi sila bumubuhay sa akin.
Hindi ko kinahiligan ang humingi ng tulong sa iba, kadalasan sinasarili ko kahit anong problemang kinakaharap ko sinasarili ko lahat, ayaw kong humingi ng tulong. Katwiran ko.. sila din may problemang kinakaharap paano pa ako hihingi ng tulong sa kanila? Pag hindi ko kaya ang nararanasan kong problema madalas umiiyak akong mag-iisa dahil iyan lang ang makakatulong sa akin ang maibsan ko ng konti ang nararamdaman kong sama ng kalooban. Totoo.. iyakin ako minsan, kaya nga halos ayaw kong makakita ng taong umiiyak. Sa tanang buhay ko wala pa ako ni isang tao na pina-iyak. Dahil alam ko kung anong nararamdaman ng taong umiiyak. Hindi ako yung tao na pinapahalagahan ang sasapiting kahihiyan, ang mahalaga sa akin ay magawa ko kung anong makabubuti sa aking sarili o makabubuti sa mga mahal ko sa buhay kahit na anong kahihiyan ang sapitin ko. Hindi ko iniisip kung anong sabihin sa akin ng mga tao sa paligid ko hanggat wala akong ginagawang masama gagawin ko kahit bumaba ang pagkatao ko basta nasa tama ako gagawin ko. Huwag mo lang sasaktan damdamin ko bubutasin ko katawan mo.

Sana.. Dito sa mundo, wala ng mapang-aping tao.
Sana.. Magmahalan na lang lahat.
Sana.. Itanim natin lagi sa ating isipan ang unawa at awa.

Thursday, 10 December 2009

PAGLILIHI



Ibang klase naman itong title ko PAGLILIHI, nais ko lang naman ipaliwanag ang salitang yan. Minsan kasi kahit lalaki naglilihi din di ba? Mahirap, lalo sa mga gurly dahil pag tinamaan sila ng paglilihi pati mga lalaki apektado dahil tayong mga lalaki ang madalas utusan kung saan kukuha ng mga bagay na wala dito sa mundo. Pag hindi mo nahanap yung bagay na kursunada nila yari ka naman. Siyempre kahit mahirap hanapin yung santol na matamis pilit mong hahanapin di ba? alang-alang sa beybi mo. Kung mahanap mo naman ayaw naman kainin dahil matamis daw hayyy naku.

Meron akong kapitbahay ditong mag-asawang pilipino halos bagong kasal sila. Kasalukuyang naglilihi yung babae tule kasi yung lalaki kaya masipag, mahilig pa kumain ng puwet, paborito niya yung puwet ng manok masyadong exotic ang panlasa ng kapitbahay kong ito.

Sa tuwing dumadaan ako sa harap ng pintuan nila laging nadadaanan ko yung babae, halos araw-araw na pagdaan ko sa harap ng pintuan nila gustong gusto akong kausapin nung babae. Halos ayaw nga akong paalisin dahil gusto niya ako laging kausap, siyempre hindi naman ako supladong tao kaya nakikipag usap din ako. Kahit umuwi ako ng hating gabi sigurado andon silang mag asawa sa labas siyempre kasama asawa niya pero ako lang pala ang gustong hintayin nung babae. Iniisip ko na baka makahalata si mister, medyo malapit sa akin si misis. Minabuti kong kausapin yung lalaki na baka pagselosan niya ako, napag alaman ko na gusto lang palang amoyin nung asawa niya ang ginagamit kong pabango, napaglihian yung amoy ng pabango ko. Gustong-gusto niya yung amoy ng pabango. Kaya pala nawiwili akong kausapin yun pala ang dahilan. Sa bagay, medyo natutuwa din ako ng lihim dahil may nababanguhan pala sa pawis ko.
Ang paglilihi talaga walang pinipili.

Isang araw.. pinuntahan ako nung lalaki nagpapabili daw yung asawa niya nung pabangong ginagamit ko. Nagtatanong kung saan ko daw binili yung pabangong ginagamit ko. Dito na ako hindi makatulog, halos dalawang gabi na akong hindi napagtutulog sa kaiisip dahil gusto nung babae na magkaroon siya ng pabangong ginagamit ko. Hindi nila alam air freshener lang naman yung ginagamit kong pabango, winiwisik ko lang sa katawan ko alam ba ng mga tao na air freshener lang yung gamit kong pabango, basta mabango di ba? eh kaso napaglihian, mabibisto pa ata.

Pare ibili mo naman yung misis ko ng pabangong tulad sa iyo
napaglilihian niya yung amoy.

Pare, jusko naman, namann, namann!
Saan ako kukuha naubusan na daw sa tindahan pare.

Sigi na pare pls lang.. baka duguin yung misis ko pag hindi niya naamoy yung gusto niya.

Naku po! jusko po! pati problema ninyo ako magdadala. Sikreto na nga lang ginagawa kong pabango mabibisto pa hayyy naku. Anong gagawin ko? Ano naman kaya koneksyon ko sa buhay nila at pati buhay ko ginugulo nila.

Pare!!! nagagalit na misis kooo!!

Jusko naman pre, bakit kasi yung pabango ko pa?
Bigyan mo nalang ako ng botelya at lalagyan ko nalang!!

Ayaw ng misis ko..!!
Gusto niya yung buo!!

Sabihin mo sa misis mo.. suntukan nalang kami!!
Masisira buhay ko ng dahil sa kanya!!

Ibigay ko na kaya?
Baka pag nalaman nilang air freshener lalong duguin yon.

Mahirap din minsan yung nagtitipid, napapasama.
Laking issue nito sa buong barangay.

Mabibisto ako nung nililigawan ko, Buwisit!

Kayong mga gurly diyan, umayos-ayos nga kayo kung maglihi ha!!
Pati pabango ko pagdidiskitahan, buwisit!

Tuesday, 1 December 2009

KULANG ANG NAKARAAN KO

1
1

MAY KULANG SA AKING NAKARAAN

Isang lalaki na nasa edad sixty five ang aking naka-usap, parang nagkaroon
ako ng interes kausapin ang ganong edad. Alam ko hindi ito makakasakay sa
mga topic na pwede kong ikuwento sa kanya dahil sa agwat ng edad namin.
Maaring wala siyang panahong makinig ano man ang pwede kong ikuwento
sa kanya, minabuti ko nalang na siya ang interbyuhin ko, sigurado akong
maraming ikukuwento ito sa mga nakalipas niyang ala-ala.

Inisip ko.. Sa huling yugto ng buhay niya hinayaan ko na lang siyang magkuwento tutal malapit narin siyang mamatay, pinaramdam ko nalang sa kanya na may tao pa namang gusto siyang kausap at ako nga iyon.

Sa kalagitnaan ng kuwentuhan namin, tinanong ko siya.

Lolo, siguro ang dami ninyong mga masasayang ala-ala nuong kalakasan nyo pa noh?
Biglang napansin ko para siyang nalungkot.
Lolo, bakit para kayong nalungkot sa tanong ko?

Alam mo anak, bigyan mo ako ng panahon mo para mailabas ko kung anong dahilan at malungkot ako.
Masasabi kong malungkot ako dahil kulang ang nakaraan ko, parang.. may mga bagay pa akong hindi ko nagawa noon na gusto kong gawin ngayon ngunit hindi na mangyayari dahil andito na ako sa edad na ganito.

Parang nagkaroon ako lalo ng interes para ipagpatuloy ko ang pakikinig ko kay lolo.
Ano po ba iyon?

Nuong kalakasan ko pa.. wala ako ni isang bisyo, hindi ako naninigarilyo, hindi ako umiinom ng alak, hindi ako masyadong nakikibarkada. Nakokontento na ako sa trabaho, bahay, trabaho, bahay. Sa ganyan lang lagi umiikot ang buhay ko. Pati pag-ibig kinalimutan ko na dahil kontento narin ako sa lola mo. Totoo mahal na mahal ko asawa ko kaya nga hindi na ako tumingin o nagmahal pa ng iba kahit may tao akong gusto kong mahalin noon. Alam mo naman ang tao, hanggat may buhay hindi naaalis ang magmahal ng magmahal. Pero.. dahil ayaw ko din magkasala sa asawa ko sinarado ko na ang puso ko sa iba. Totoo, masarap ang mabuhay. Kaya nga yan ang dahilan kaya nakakaramdam ako ng lungkot ngayon dahil sa edad kong ito halos wala akong iniisip na nakaraan ko, wala akong maisip na masasayang araw ko noon. Nagkakasya nalang ako kung ano ang nakikita ng mga mata ko ngayon yon nalang ang pinag iisipan ko. Pero.. ang isipin ko ang mga nakalipas ko halos wala akong maisip na masasayang nakaraan ko. Sa ganitong edad ko tanging isip nalang ang malakas sa akin wala pa akong maisip na nakalipas ko. Hindi ko makuhang ngumiti man lang sa ngayon.

Dumating na ang oras ng paghihiwalay namin ni lolo, nagpaalam na ako sa kanya. Pinag isipan kong mabuti ang mga ikinumpisal niya sa akin. Nauunawaan ko ang ibig niyang iparating sa akin. Sa isang banda may katwiran din ang mga hinaing ni lolo sa akin. Parang ibig niyang iparating sa akin na.. bakit nga naman niya hindi ginawa yung mga bagay na magpapasaya sa kanya nung siya ay bata pa. Bakit nga naman hindi niya nilasap ang sarap ng mabuhay, bakit nga naman niya isinarado ang puso niya gayong ito lang ang tamang panahon o pagkakataon para pag bigyan mo ang puso mong magmahal. Kaya nga tayo binigyan ng puso para makaramdam ng pagmamahal. Bakit mo nga naman pipigilin ang puso mong magmahal gayong pwede ka naman magmahal ng magmahal . Di meron sana siyang iniisip ngayon. Meron sanang gumigitgit sa sulok ng kanyang isipan na masasayang ala-ala niya. Ngayong matanda na siya hindi na niya malalasap ang sarap ng mabuhay. Kahit gustuhin nga naman niyang magmahal muli hindi na niya magagawa dahil mahina na siya. Hindi na siya makaka-dalawa, kamay nga hindi na umubra, makadalawa pa kaya.

Ang huling sinabi sa akin ni lolo
Anak, Hanggat kaya mong gawin ang mga bagay na magpapasaya sa iyo ngayon gawin mo, dahil sa huli sa isip mo nalang sila pwedeng magawa.
Sa pagtanda mo.. meron kang iisiping mag papangiti sa iyo.

Hindi tulad ko
KULANG ANG NAKARAAN KO

Thursday, 19 November 2009

IKAW SANA

Inaamin ko, muntik narin kitang mahalin, ngunit ayaw kong balang araw isa sa inyo ang luluha. Naging special karin sa aking buhay, nabuhay akong muli ng dahil sa iyong mga ngiti. Perpekto ka sa aking paningin, perpekto ka sa lahat ng iyong ginagawa. Hindi ako makapaniwala na darating ka sa buhay ko. Ang isang tulad mo.. anghel lang ang pwedeng magpadala sa isang tao para maging kaibigan ng sino man.
Ang isang bagay na kinukubli kong pangamba ay isa nang riyalidad, magkakalayo tayo kahit alam kong magiging kainip-inip na ang bawat sandali. Kung hindi ko gagawin ito paano naman ang isa na aking pinaasa sa isang pangako na siya lang ang tangi kong mamahalin, sasambahin.

Sinabi mo sa aking ikaw na sana.
Sinabi ko sa iyo ang dahilan kaya pinakilala ko sa iyo ang isa sa matalik kong kaibigan na alam kong may kakayahang paligayahin ka.
Masaya narin ako dahil may magmamahal na sa iyo, may yumayakap, may humahalik at may taong sasandalan ka sa tuwing makakaramdan ka ng kalungkutan. Naniniwala ako na kung malapit na kayo sa isat-isa makakabuo na kayo ng plano para sa inyong kinabukasan.

Pero ngayon.. andito kang muli sa aking harapan, umiiyak.
Ayaw kong isiping nakaramdam ka ng kalungkutan sa piling ng aking kaibigan. Hindi ko mabanaag sa iyong mga mukha ngayon kung.. sa likod ba ng mga luha mong iyan ang pagsisisi o luha ng kalungkutan o luha ng kaligayahan. Sa pinapakita mo sa akin ngayon hindi ko malaman kung umiiyak ka ba o tumatawa? May luha ka sa iyong mga mata ngunit nakangiti naman ang iyong mga labi.

Tinanong kita kung bakit?

Kuya... hindi siya tule.

Ganon ba?
Eh.. bakit mo alam?
o.. bakit ayaw mo akong sagutin?

Sige.. nauunawaan ko ang kalagayan mo.. alam kong hindi ka satispayd sa ganon. Hindi mo siguro matangap yon. Bakit kasi nauso pa yon, di hindi ka sana lumuluha ngayon. Ang maipapayo ko nalang sa iyo sabihin mo sa kanya huwag siyang magkakain ng kamatchili,

Bakit kuya?

Para hindi dumami yung lumot.

Wednesday, 11 November 2009

DONATION NYO ASAN NA?

Nakakapanlumo, nakakagalit pag meron kang nababalitaan na mga ganito sa ating
gobyerno. Mga suwapang na ahensiya ng gobyerno ng dahil sa bulok na mga
namumuno sa ating bayan ng dahil sa talamak na nakawan sa ating bayan, ng dahil
sa sakim sa mga bagay na mapapa kinabangan, ng dahil sa mga pansariling interes
pati tulong ng para sa mga namatayan, tulong sa mga nasalanta nating mga kababayan,
tulong sa mga naiwan ng mga yumao, tulong sa mgamahihirap nating mga
kababayan pinag iinteresan ng mga HAYOP na namumuno sa mga
ahensiya ng ating gobyerno.
WALA KAYONG AWA MGA HAYOP KAYO!
BANGUNGUTIN SANA KAYO!
!
IBIGAY NINYO ANG HINDI PARA SA INYO!
!
Mga kababayan ko na nakakabasa nito hinihingi ko ang inyong suporta tulad ng
pagsuporta ko dito upang sa pamamagitan po nating lahat makalampag natin ang
mga walang awang mga ahensiya ng ating gobyerno at sa iba pang mga samahan,
media na nag sasamantala na ginagawang paraan ang mga nasalanta ng mga
sakuna sa ating bayan upang makalikom ng tulong para sa mga
pansariling interes.
!
Hinihikayat ko ang lahat ng blagero at blagera na isulat ninyo sa inyong blog ito
Kahit sa ganitong paraan man lang maipakita natin ang pagtutulungan, pagkakaisa
nating mga pilipino.
IPAKITA NATIN ANG LAKAS NG ATING PAGSUSULAT
LABAN SA MGA ABUSADO AT MAGNANAKAW SA ATING BANSA
ANG DAPAT NA TULONG SANA PARA SA MGA NAMATAYAN
ILALAAN NANAMAN PARA IPAMODMOD PARA SA HALALAN.
TULONG MO ISULAT MO KABAYAN.
!
BASAHIN PO NATIN
MULA ITO SA ISANG KAPATID NATIN DITO SA BLOGOSPHERE

PARA KAY DSWD SECRETARY
ESPERANZA CABRAL
MAHIYA KA SA MGA PILIPINO!
!
AANHIN PA ANG DAMO KUNG PATAY NA ANG KABAYO
just me.. just elj..
ellaganda's blog
&
stella arnaldo's blog

ella
Dear friends,
I’m asking your help to spread the word. Tulungan po ninyo akong ikalat ito.
Beyond this, we should also demand action. I disabled a plugin so you can
copy the photos of relief goods rotting in DSWD warehouses.
You can link this post to your blogs, facebook, websites etc.
You can also email the photos.
Philippine News (US based Philippine newspaper) will use this as its
front page story this week. Every Filipino has the right to know where
the tons of donations from the UN and other counties go.
Kahit po nakakahiya sa mga nag-donate. Kung sa ganitong paraan,
matutulungan natin ang mga nasalanta, then by all means, let’s do it.
For those who have the time, please try to volunteer sa DSWD warehouses.
Getting in was not easy. A friend had to put in a word for us.
Let’s see kung madali nang makapasok sa DSWD warehouse ang mga volunteers.
Please read on and good luck to us.
Ella
Kahapon, tinanong ng Philippine News si DSWD Secretary Esperanza Cabral:
Editor of Philippine News: Why are the relief goods in DSWD warehouses not
moving?
DSWD Secretary Esperanza Cabral: Wala kasing volunteers.
This short interview was done over the phone. Philippine News wanted to
hear her side pero ayaw niyang makipag-usap sa press. After four tries,
pinasabi na lang niya ang maikling sagot na ito sa secretary niya -
“Walang volunteers”.
I don’t want to accuse her of corruption but at the very least she is showing
signs of being totally incompetent. We are in a state of calamity
where every second counts. May namamatay araw-araw dahil sa sakit.
In my opinion, these deaths could have been prevented if
Secretary Cabral had tried a little harder to do her job.
Deaths from Philippine storms nears 1,000
“Tropical Storm Ketsana left 420 dead and 37 missing when it flooded
80 percent of Manila on September 26, a disaster the government said
affected 4.35 million people.
Some areas are still flooded three weeks later and 189,000 people remain in
evacuation centres,Typhoon Parma hit the northern Philippines on October 3
and lingered as a tropical storm for a week, triggering landslides that killed
438 people and leaving 51 missing mostly in mountain communities.
The government agency said Parma affected 4.16 million people,
including more than 32,000 who remain at evacuation centres.”
During the first week after the storm, lumabas ang “bayanihan spirit”
ng mga Pinoy. “Makatulong lang kahi’t konti,” katwiran nila.
kung walang volunteers, ano ‘to, komiks?
From Stella Arnaldo’s blog:
“At the offices of many civic groups and private organizations, hundreds
of people showed up to volunteer in packing relief goods.
At the Tulong Bayan center at the Expo Centro in Cubao, Most of the
volunteers were adolescents as young as 10 years old, along with their
kuya or ate in high school and college.
They came in huge numbers, many of them barkadas, classmates or siblings,
dressed just in their tees and shorts, wearing their Havaianas.
All were just enthusiastic to do their share!
Photos by Leah Navarro





Makikita ninyo sa larawan ang mga kababayan natin na matsagang nirerepak
ang mga tulong na galing sa puso ng ating mga kababayan dito sa ibang
bansa na kahit mga bata ay buong pusong nagpakapagod maibigay
lang at maipakita niya ang kanyang awa sa
pamamagitan ng kanyang pinapakitang pagod.
!
GMA asked world for donations
!
Our government begged the world for more donations. Sumagot ang
buong mundo sa ating panawagan. In less than three weeks, dumaong
ang mga barko, ibinaba mula sa mga cargo planes, i-diniliver ng mga trak
at container vans ang sandamakmak na relief goods. Cash donations were
in the millions of dollars. But these donations must be coursed through DSWD
Nagpalabas ng directive ang pangulo. Individuals, private companies and other
nations were ENCOURAGED to send their donations to DSWD. I blogged about
it here and the video of her announcement here.

This PGMA directive sounded suspicious to me then. Now I know why.
Here’s the story.

A group of eight people, your ate Ella included, went to one of DSWD warehouses
to help in repacking relief goods. We know they need volunteers pero hindi
namin akalaing WALANG TAO TALAGA SA LOOB NG WAREHOUSE!

As in sa isang humongous warehouse (1000++ sq.m)
NA PUNONG-PUNO NG RELIEF GOODS HANGGANG BUBONG, ISANG DSWD
employee lang at ISANG SECURITY GUARD ang tao!!
Kailangang magpa-register at i-schedule ang volunteering
!
1) UNICEF Registration (as a volunteer)
!
The warehouse can only take as much as 50 volunteers at a time or per shift.
Here you will find that there is a 4-hour shift, and an option for a 6-hour shift
for the volunteers to indicate their availability.
What “volunteers”? Nasaan?
Aside from the 8 of us? Nope, there was nobody there. Bakit kailangan ang
scheduling? Feeling hindi ba magkamayaw at nagu-unahan ang mga volunteers?

I know somebody who wanted to volunteer many times.
She was always bumped off, laging nirere-schedule kasi
“there were too many volunteers” daw.
At tuwing Sunday lang daw puwede. What the hell is going on here?

Nakatambak ang donations ng UNICEF sa warehouse, local and international

Mga banig na dapat ay nahihigaan ng mga nasalanta. Mga imported camp beds
na hindi na yata masisilayan ng mga biktima. Mga kumot na hindi naman
nakabalot sa katawan nila. At mga pagkaing hindi sumasayad sa sikmura nila.

The relief goods are not going anywhere

We arrived at about 8 am and left by midafternoon and yes, you guessed it right.
Kami pa rin ang tao bukod sa isang DSWD employee sa loob ng
warehouse maghapon. Walang ibang dumating.

The relief goods are not moving. By the way things look,
they are not going anywhere. Hindi maglalakad mag-isa ang mga
donations na ito papunta sa mga evacuation centers.

LET THE PICTURES DO THE TALKING

Note: Pinagbawalan kaming kumuha ng pictures sa loob ng warehouse. I wonder why.
Halos matakpan na ang mga bintana sa dami ng kahon

Mga kaldero na daig pa ang mga tindahan sa dami

Sandamakmak na kaldero pa uli

Mga galon na sanay paglagyan ng mga inumin

Nilulumot na!


Hinihintay na lang itong mapanis o masira, Kung.. hindi mabibili agad


Eto pa ilang araw na lang mga daga na makikinabang dito, From japan aid
ito ready na sanang ipamigay

Mga kahong wala ng paglagyan sa loob hindi pa
maisipang ipamodmod nag hihintay ng buyer

Mga yari pa sa US nag hihintay rin ng buyer na hahakot

Mga banig na dapat sanay higaan ng mga batang dinapuan ng sakit

“The first of two of the largest high-energy food shipments from the
United Nations World Food Program (WFP) arrived in the country
two days ago for victims of storm “Ondoy” and typhoon “Pepeng.”
The biscuits were fortified with essential vitamins and minerals for
supplementary feeding to children, pregnant women and the elderly in
evacuation camps. Another 100 tons of biscuits will arrive on Oct. 24,
in a continuing effort to provide food assistance to flood victims.
Sige, ideretso ‘nyo ulit ‘yan sa DSWD warehouse. Para AMAG naman ang
abutin ng biskwit… at sapot ng gagamba.


Look, sampung lata ng sardinas! How generous! Kaldero ang unang ilalagay
sa sako. Sabong panglaba (bar soap) at sampung sardinas sa ilalim.
Siyam na sabon sa gilid ng kaldero. Local goods lahat syempre

Tapos papatungan ng isang tuwalya at isang pack ng sanitary napkin.

Sisiksikan ng tatlong rolyo ng kumot(?) ang blue water jug tapos
ipapatong sa kaldero sa loob ng sako.

Ano kaya ang laman nito? Hindi rin pinabuksan. Pang-special victim
din kaya ito? (teka, dito nga pala galing ‘yung mga kumot)

(close up ng mahiwagang kahon) Hindi rin ito kasali, of course.
Hindi namin alam kung ano ang laman nito. “Imported” are not included,
we have concluded.


Halos umabot na sa kisame sa dami ng kahon

Naaah! “Imported” pork and beans from Spain po ito. Sorry, hindi pa rin included

Mga banig

PORK AND BEANS? Yup, you’d think kasama ito sa relief bag. Pork and beans
lang ‘to, puwede na sigurong ipamigay, Pero naka tago parin.

Marami ito, mga laruang kasinlaki ng tao. Hindi nakunan ng pic kasi
nasa tabi ng sikyo.



Sabay tatahiin na ang sako. O di ba, parang asong tinapunan ng buto ang
mga nasalanta? Eniwey, busog naman sila sa SAMPUNG lata ng Mega sardinas
!
Do not delay
YOU THINK??
WTF is the matter with these people? Mag-iisang buwan na mula nang
masalanta ang mga kababayan natin. ISANG BUWAN!! Do you mean
do not delay ang dati nang delayed”?? Shet.
Anong ginagawa ng mga donations na ito sa warehouse??
APAT na warehouse ang nasa loob ng compound na ‘yon!
APAT na warehouse na punong-puno ng inaalikabok na relief goods!
Relief goods na ayaw yata ibigay sa mga nasalanta. Halatang-halata.
Conclusion
Sa maghapon namin sa warehouse,nakagawa kami ng 150 sacks of relief goods.
150 bags of relief goods lang ang lumabas sa warehouse na ‘yon that day.
At nandoon pa rin sa loob ang mga imported relief goods, safe, sound and
packed as the day they arrived. Nakisakay kami palabas sa isang DSWD
delivery van. Gusto sana kaming ihatid ng driver hanggang Makati
pero wala raw siyang sobrang gasolina. Ibinaba na lang niya kami sa
gitna ng EDSA. Millions of dollars in donations, walang extrang
pang-gasolina. Susulpot din siguro ang laman ng mga mahiwagang kahon
at mapapasakamay din ng mga tao…sa ARAW NG ELEKSYON.
O mabibili na nila ang mga imported goods na ‘yon sa mga puwesto
sa Quiapo at Divisoria.
Suggestions lang po sa DSWD:
Alam ‘nyo palang walang mag-volunteer sa inyo,
bakit hindi kayo mag-hire ng mga tao? Bayaran ‘nyo ng arawan para
mag-repack. Ang daming walang trabaho, makakatulong pa kayo.
Hindi naman malaking kabawasan ‘yon sa bilyong pisong donasyon
na natanggap ninyo. Isa pa, gaano ba karami ang mga sundalo natin?
Hindi ba puwedeng ipagawa sa kanila ‘yan?
Baka isang araw lang, tapos na ang problema ‘nyo
Bakit hindi ‘nyo ibigay ang trabaho sa mga NGO,
churches, private charities, TV stations?
I’m sure they are more than willing to help.
Time is of the essence. Huwag kayong suwapang. Obvious ba, hindi
‘nyo naman kaya. Kung talagang gugustuhin ninyong makarating agad
sa mga kawawang biktima ang mga donasyong ‘yon, nagawa ‘nyo na ‘yan.
Maraming paraan…kung talagang gusto ‘nyo lang.
You are the government.
You have the power,
the resources and the money.
You just have to really care.
!
ANG ENTRY NA ITO AY EDITED KO NA PO DAHIL NAGLAGAY
AT NAGDAGDAG AKO NG MGA SARILI KONG PANANAW UKOL DITO
MAKABUBUTI PO NA SILIPIN NA LANG NINYO KUNG SAAN KO
NABASA ITO.
KAYONG MGA NASA DSWD ANO PANG HINIHINTAY NINYO BAKIT
AYAW PA NINYONG IPAMODMOD SA TAO YAN!
!
NAWAY MAGKAISA TAYONG LAHAT LABAN SA SAKIT NG ATING
BAYAN.
!
LINK....
http://justelj.blogspot.com/2009/10/alam-nyo-ba-kung-nasan-na-yung.html

Monday, 9 November 2009

SULAT NG ISANG INA

SULAT NG ISANG INA SA KANYANG ANAK NA
NASA ABROAD


Munting mensahe ng isang ina, punong-puno ng pagmamahal, punong-puno ng pag-aalala, Punong-puno ng pagmamakaawa. Sulat ng isang ina sa anak na nasisilaw sa kaligayahan nasisilaw sa karangyaan nakalimot sa pagmamahal sa kaligayahang nalalasap mo, nakalimutang mong may isang inang naghihintay ng iyong kalinga, isang inang naghihintay ng iyong pagmamahal. Makalipas ang dalawang araw matapos na matangap niya ang sulat ng kanyang ina. Pumanaw na ang kanyang ina nakitang nakahiga sa sahig sa labas ng paaralan walang sapin sa paa. Sa kaliwang kamay hawak ang isang bungkos na labahin at sa kabilang kamay hawak ang isang pirasong tinapay na pangtawid sa nararamdamang gutom habang ang kanyang anak nagpapakalunod sa kaligayahan. Sa gitna ng iyong kaligayahan.. Hindi mo man lang ba inisip ang iyong ina? Ngayong wala na ang iyong ina, paano mo pa ibibigay ang kaligayahang hinihintay ng iyong ina? Paano mo pa ipaparamdam ang iyong pagmamahal sa iyong ina? Nagsasaya ka, habang si inay nag-iisa, umiiyak. Sa konting tinapay pinilit niyang sagipin ang sarili niyang buhay kahit alam niyang may anak siyang tatakbuhan. Sa kabila ng kanyang hirap, pilit niyang iparating sa iyo ang kanyang pag-aalala, ang kanyang pagmamahal. Sa konting halagang hawak niya, pinilit niyang iparating sa iyo ang kanyang kalagayan, nagugutom ang iyong ina. Ngayong mahina na ang iyong ina, kangino siya lalapit? Sino ang inaakala niya tutulong sa kanya? Ikaw lang na kanyang anak ang tanging makakatulong sa iyong ina.Ikaw lang ang tanging makakaintindi sa kanyang kalagayan.Ikaw lang ang tanging alam niya na mag-aaruga sa kanya tulad ng pag-aaruga niya sa atin nuong tayoy musmus pa lamang buong buhay niya inilaan sa pag aaruga sa iyo.

Ngayon.. Pababayaan mo na lang mag-isa pababayaan mo na lang na umiiyak. pababayaan mo na lang magutom. Si inay.. Hindi na niya hinahangad ang anumang bagay na nasa iyo ang tanging hangad niya maalala mo siya, makumusta at mabati mo ng.. MALIGAYANG PASKO INAY

Ngayong malaki ka na.. Huwag naman sana nating pabayaan si inay. Sana.. Mamulat tayo na meron pa tayong ina na naghihintay ng ating kalinga.

ANG KALIGAYAHANG TINATAMASA NATIN NGAYON BUHAT SA PAGMAMAHAL NA DULOT SA ATIN NG AMANG MAY LIKHA IBAHAGI MO RIN ITO SA MGA TAONG NAG HIHINTAY NG IYONG PAGMAMAHAL


''Repost ko lang po ito para sa nalalapit na kapaskuhan''
Photobucket