ONDOY Ang isang mapinsalang kalamidad na tumama sa ating bayan nanagpahirap at puminsala sa ating mga kababayan huwag ka nasanang bumalik sa aming bayan, hindi ka namin kailanganmarami kang pinaluhang mga kababayan namin masyado kangmapaminsala, masyadong nakakaiyak ang ginawa mo sa naghihirapnaming bansa, masyado mong pinaluha ang mga kapatid namingnaghihirap, huwag ka ng babalik sa aming bansa.!Sa mga kababayan ko masyadong nakakaiyak ang sinapit ng mgakapatid natin, masyado akong nanlumo at napaluha sa aking mganapanood, halos hindi ko makuhang panoorin ang mga batangnag iiyakan, mga magulang na nagiiyakan halos madurog angdamdamin ko sa sinapit ng ating mga kababayan, masyado akongnapaluha kung bakit sa naghihirap pa nating kababayan nangyari ito.Dalangin ko sa maykapal at ng iba pa nating mga kapatid dito sa malayo ang kaligtasan ninyong lahat, sana gabayan kayong lahat na nasapilipinas, ilayo sana ang pilipinas sa mga ganyang pangyayarisa susunod pang mga taon.!Tanging lakas ng ating panalangin ang magliligatas sa ating mgakapatid, sana.. sa mga ganitong pangyayari sama sama tayonglahat, magbuklod ang ating mga kamay at panalangin para saating mga kapatid at mga mahal sa buhay na nasa pilipinas.Sa mga ganitong pangyayari maging bukas sana ang ating mgapuso sa pagtulong sa mga nangangailangan ng tulong.Sa mga kapatid nating nakakaluwag sana... sa pagkakataong ganitobuksan ninyo ang inyong puso, palawakin ninyo ang inyong awamga kapatid natin sila na humihingi ng ating awa, huwag natingipagkait ang ating awa sa mga kaawa-awa nating mga kababayan.Buksan po natin ang ating mga puso sa mga mahihirap.!Dalangin ko sa maykapal ang agaran ninyong kaligtasansa mga pamilyang naapektuhan at lalong-lalo na sa mgabatang naging biktima ng kalamidad na ito, at sa mga taongnagpakita ng katapatan na nagliligtas ng mga buhaydalangin ko na sana pagpalain kayo ng poong maykapalkasama ng inyong mga mahal sa buhay at sana...umasenso ang inyong pamumuhay.!GOD BLESS PHILIPPINES
Sa isang relasyon, mahalaga ang respeto, unawamalasakit at awa. Mga importanteng bahagi ng pagmamahal.Hindi narin siguro lingid sa atin ang mga bagay na yan, alamkong alam na nating lahat, basta sinabing pagmamahal andiyanna ang lahat ng sangkap, ngunit... bakit marami parin anghindi nakakagawa ng mga bagay na yan? Alam lang ba nating sabihin pero hindi natin kayang gawin?!Paano nga ba titibay ang isang relasyon?!Sa tagal na ng pagsasama namin ng aking may bahay ni minsanhindi pa kami nag away, ni minsan hindi pa kami nagsigawanat ni minsan hindi pa kami nagkasakitan, sa salita man o sa gawa.Pero yung tampuhan hindi maiiwasan natural na sa bawat tao yan.Unang lingo o buwan naming nagsama ng aking may bahay tinanong akong aking may bahay kung paano ba titibay ang aming pagsasamayun bang hindi kami magkakagalit o mag aaway. Alam naman natinna ang isang ugat ng paghihiwalay ay ang "KASALANAN". Iyan angdahilan ng pag aaway ng magkasintahan o ng mag asawa. Iyan din angmagiging dahilan para mawala ang tiwala, paggalang, hanggang mawalana ng lubusan ang pagmamahalan.!Isang bagay lang ang sinabi ko sa kanya para tumibay ang pagmamahal ko sa kanya at titibay din ang pagmamahal niyasa akin. "LAHAT NG AYAW KO HUWAG MONG GAGAWIN""LAHAT NG AYAW MO HINDI KO GAGAWIN"Hangang ngayon, sa tagal ng aming pagsasamasa bawat naisin naming gawin ipapaalam namin sa isat-isa.!Sa pagmamahal...Huwag mong gawin ang isang bagay na ikagagalit niya.Ikaw ang unang rumespeto sa kanyaIkaw ang unang umunawa sa kanyaIkaw ang unang magmalasakit sa kanyaIkaw ang unang mag pakita ng awa sa kanyaHuwag mong hintaying ibigay niya ang mga bagay na kaya mong ibigay sa kanya. Yang mga bagay na yan ang mahirapniyang makita sa iba asahan mo hindi ka niya ipagpapalit.Minsan nagtampo siya sa akin, sinabi ko lang sa kanya naayaw ko ng nagtatampuhan tayo ng matagal, yon lang hindina muling naulit.!Isang bagay lang ang kahit ayaw ko pero wala akongmagawa, pag kumalabit, kahit ayaw ko wala akong magawa.Sigurado wala akong almusal, walang sinangag, ''MAGSANGAG KA MAG ISA MO!!''!Pero.. pag napagbigyan mo naman pati mga manok maagapa krooookotokotok may almusal agad.!Yan din ang kabilin-bilinan ko sa tatlo kong anakdala-dala nila sa kanilang isipan ang mga bagay na ayaw kokaya lumaki silang dala nila kung anong pagkatao meron kaming mag asawa.!Ang panganay kong anak na babae na ngayoy Assistant Manager sa isang pwesto sa aming bayan,at ang pangalawa kong anak na lalaki na magtataposna sa darating na marso ng kursong Criminologyat ang bunso kong anak na nagmana sa akin ng mga katarantaduhan at nasa kanya na lahat ng katigasan ng ulo at kapilyuhan buwisit!
Ayaw ko sanang mag kuwento dito ng mga bagay napumupukaw sa mga malalambot nyong damdamin,hangat maari ayaw kong sirain ang masasaya ninyongmga oras, ngunit lagi akong hinihikayat ng imahinasyonko na magsulat, stresstab kasi para sa akin ito.!Naalala ko nung minsan nanonood ako ng isang singingcontest sa television ang hinding hindi ko nakakalimutanhangang sa ngayon. Isang batang nasa edad katorse angsumali sa isang patimpalak, Ang amature singing contest.Bagamat may kaliitan at nasa edad pa na kung titingnan mo ang kanyang mga katungali masasabi mong walangkalaban-laban ang batang babae na ito.!Habang pinapanood ko ang mga naunang kontestanthumanga ako sa mga galing nilang kumanta, sa gandang kanilang mga kasuotan lamang na sa puntos isamapa ang kanilang kumikinang na kagandahan.Matapos ang ilang mga kontestant sumunod ay angdalaginding na nasa edad katorse ang umakyat saintablado. Simpleng kasuotan, simpleng ayos ng mukha,nag iisang sumali wala nino mang kasama kundiang lakas ng loob at determinasyon niyang sumali ano man ang kahihinatnan ng kanyang pagsali.!Tumugtug ang mga instrumento, umpisa ng kanyang pag awit, isang awit na may pamagat na!''OPEN ARMS'' Isang awit na tumatama sa klase ng kanilang pamumuhay, isang awit na humihingi ng kalinga ng mga taong nakakalimot sa kanila, isang awitna nangangailangan ng atensyon.!Nag umpisa na siyang umawitWala pa sa kalahati ang kanyang inaawit,nag umpisa na siyang lumuha, hindi na niya mapigilanang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata, ayaw nyang sirain ang kanyang awit, ngunit...hindi na niya mapigilan ang kanyang pag iyak.Habang patuloy na tumutugtug ang mga instrumentolalong ayaw papigil ang mga luhang dumadaloy sa kanyang mga mata, habang nakatayo patuloy na ang kanyang pagiyak na tinakpan nalang niya ng dalawa niyang palad ang kanyang mga mukha na tanging hagulhol nalang ang naririnig sa mayk na kanyang hawak. Hindi na niya makuhang umawit, ngunit nanatiling nakatayo, umiiyak.!Minarapat na ng mga emsi na lapitan nalang siya upangmapawi ang kanyang pag iyak. May nagtanong sa dalagitabakit ka umiiyak ineng? Bakit hindi mo itinuloy ang iyongpagkanta? Sumagot yung dalagita, "Hindi ko po makuhang tapusinang kinakanta ko"!Bakit? ( tanong ng isa pang emsi )!Naalala ko po nanay ko.!Asan ang nanay mo ineng?(tanong ng isa pang emsi)!"Nakaburol po ngayon nanay ko"Iniwan na po kami.Sabay upo ng kaawa-awang bata na lalonghindi mapigilan ang pagiyak sa sakit nanararamdaman, sabay takip sa mukha upangkahit papaano ayaw niyang ipakita sa tao angkanyang pag iyak. Isang batang babae na gustongsumabay sa kasiyahang nagaganap,ngunit sa murangedad hindi siya makawala sa sakit na nararamdamanang pagkawala ng kanyang ina.!Bakit andito ka?Gusto ko pong magkapera para sa mga kapatidko kahit consolation prize lang po malakingbagay napo sa amin, kahit hindi na po akomanalo gusto ko ng umuwi wala pongkasama mga kapatid ko ngayon sa amin.!Labis akong humanga sa ginawa ng batangbabae, sa murang edad taglay niya angdeterminasyon at lakas ng loob alang-alangsa kanyang mga kapatid. Hindi alintana ang kahihiyan.Alam ko, sa bawat batang katulad nilamay pasko ng kaligayahan ang naghihintay sa kanila.!Lahat silang magkakapatid kinalinga at pinag-aral ng isang sponsor ng patimpalak.Ang NATIONAL BOOKSTORE.
Ilang araw na ang nakalilipas nakatangap ako ng isang tawagmula sa pilipinas, isang ginang ang tumawag sa akin upangkumustahin ang kaniyang asawa na halos mag dadalawangbuwan na raw na hindi nakikipag usap sa kanila.Dahil kilala ko yung lalaki, minarapat nung ginang na akoang kausapin upang maiparating nila ang kanilang pag aalala,pangungulila sa asawang nakalimot na sa kanyang responsibilidad.Ayaw ko sanang isulat dito, sinubukan kong kausapin ang lalakingunit hindi ako pinakikingan at hindi na muling nakikipagkitasa akin. Minarapat ko nalang isulat dito, alam kong nababasaniya ito.!Kaibigan para sa iyo ito,Noong nasa pinas ka pa kasalukuyan kayong nakikibaka sa hirapng inyong pamumuhay, kasama mo ang iyong butihing maybahayna sinusuong ang hirap ng inyong pamumuhay. Sa kontingkaligayahan na binibigay mo sa iyong asawat mga anakinuunawa ka nila dahil alam at tangap naman nila kung anolang ang kaya mong ibigay sa kanila. Sa konting kaligayahangibinibigay mo sa kanila hindi ka nila iniiwan dahil alam mo kunggaano ka rin kamahal ng iyong asawat mga anak.Nung nabalitaan mo na isa ka sa mapalad na makaalisdahil narin sa tulong ng pagdarasal ninyong mag asawapinakingan ang inyong panalangin. Alam mo bang ang unang-unang natutuwa ay ang iyong asawat mga anak? Dahil iyan na ang pagkakataon ninyo na makaahon kayo sa hirap, iyan na ang pagkakataon mo na mabibigyan mo narin ng kaligayahan ang iyong asawat mga anak. Tuwang-tuwa ang iyong asawa dahil kahit papaano mabibigyan nyo narinng maayos na kasuutan ang inyong mga anak.!Ngayong andito ka na... abot mo na ang kaligayahangmatagal nyo ng pangarap ngayon mo pa sila iiwan.Ngayong nalalasap mo na ang kasaganaan sa iba mo paibinibigay. Yang bago mong kinakasama ang binibigyan mong kaligayahan kaysa sa sarili mong pamilya? Ipinagkait mo sa mga anak mo ang mga pangarap nila, ipinagkait mosa iyong asawa ang kaligayahang ngayon lang nila matitikman.Hindi ka ba naawa sa asawa mo't mga anak? Alam mo ba kung gaano kasakit ang ibinibigay mo sa kanila ngayong pasko?
Masaya ka sa piling ng bago mong minamahalhabang ang asawa't mga anak mo umiiyak. Iniwan moang sarili mong pamilya sa gitna ng karagatan na walangsagwan, walang makain, walang matakbuhan.!Kumakain ka ng masarap... hindi mo ba naiisipkung kumakain din ba sila ngayon?
!Masaya ka ngayon... hindi mo ba naiisip kung baka umiiyakang pamilya mo ngayon?!Iisa lang ang binangit niya sa akinMERRY CHRISTMASS DAWyan lang... umiiyak na siya.!Ngayong paskong darating nakikita ng asawa't mgaanak mo sa kanilang isipan na masaya ka sa araw ng kapaskuhan.Sana...Sa paskong darating makita mo rin sa iyong isipan anglarawan ng iyong asawa't mga anak.!IKAW ANG KALIGAYAHAN NILASA ARAW NG PASKO!Tawagan mo sila, kumustahin mo pamilya mobaka.. "NAGUGUTOM".
Madalas nating naririnig sa mga kaibigan,kakilala, o kung minsan sa mga mahal natin sa buhayKadalasan ang tao pag nakakagawa ng isang bagayna makakasakit ng damdamin o nakakagawang kasalanan, ang madalas nating naririnig sakanya.. "IM SORRY, PATAWARIN MO AKO
SA AKING PAGKAKAMALI"Minsan naman.."WALA NA BANG PANGALAWANG PAGKAKATAON
ANG NAGAWA KONG PAGKAKAMALI?"Ang kasalanan nga ba ay isang pagkakamali?Paano mo kaya nasabi na ang nagawa mongkasalanan ay isang pagkakamali?
Naniniwala ako na ang pagkakamali ay hindi kasalanan.Pero ang kasalanan ay hindi pagkakamali.Isang kaibigan ko ang nagbigay sa akin ng isang halimbawana nauukol sa kasalanan na sinasabi nilang isang pagkakamali.Halimbawa daw na ang isang gurly na nagmahal sa isang lalaki na meron ng nagmamay-ari or kasal na sa isang babae ang minahal niya ng hindi niya alam namay asawa na yung lalaki. Maituturing daw na kasalanan iyondahil ang minahal niya ay lalaking may pananagutan na. Para sa akin.. Hindi kasalanan nung gurly ang kanyang nagawa. Iyon ang masasabi kong.. "pagkakamaling hindisinasadya". "Pagkakamaling hindi ko masasabing kasalanandahil hindi niya alam na may asawa na yung lalaki.Pero kung alam nung gurlY na may asawa na yung lalakipatuloy parin niyang inibig yan ang masasabi kongkasalanan. Kasalanang hindi pagkakamali.Kadalasan ang tao pagnakagawa ng kasalananmadalas na sinasabi nilaIM SORRY NAGKAMALI AKOPATAWARIN MO AKO SA AKING PAGKAKAMALI.Tayong lahat alam naman natin kung ano ang mgakasalanan, sa mata ng tao at sa mata ng diyosmaliit man o malaking kasalanan alam nating kasalananbakit pa natin ginagawa tapos sa huli sasabihingnagkamali. Ikaw.. naniniwala ka ba na ang kasalanan ay isang pagkakamali?
Isang parte ng buhay natin ang pagpapatawad Isang parte rin ito ng pagpapakita ng pagmamahalhindi lang para sa kapwa, para narin sa ating sarili.Marami akong naririnig minsan na mahirap magpatawaddahil sa sakit na naramdaman. Ayaw mong magpatawadpara maipakita mo sa tao ang nararamdaman mong galit.Mahirap nga ba ang magpatawad?Kung hindi mo magawang magpatawad hindi ka makakawalasa anino ng iyong galit, kung hindi ka magpapatawadhindi ka makakawala sa parusa ng sarili mong galit,ang galit na nararamdaman ay isang malaking bagay nahadlang sa iyong kaligayahan, malaking hadlang parasa plano mong magmahal.kung hindi mo magawang magpatawad habang panahon kanghindi makakaramdam ng kapayapaan sa iyong isipan.Hindi ka makakaramdam ng kasiyahan dahil nakakulong kasa galit na iyong nararamdaman, ikaw ang hindi malaya,Ikaw ang magsa-suffer hindi siya.sarili mo lang ang pinaparusahan mo. Ayaw mong mongmagpatawad dahil inaakala mo sa iyong isipan na kung magpapatawad ka nangangahulugan ang kanyang pagkapanalo.Subukan mong magpatawad, ikaw ang lubos na makakaramdamng kalayaan dulot ng galit para makontrol ang iyong sarili. Kasiyahang regalo mo hindi lang don sa tao pati narin sa iyong sarili.Marami ang nagsasabi na ''FORGIVE AND FORGET THE PAST''Para sa akin
Magpatawad ka, pero.. huwag kang lumimot sa nakaraan.YUNG TAO ANG KALIMUTAN MOHINDI YUNG MEMORIESHuwag mong kalimutan ang nakaraan para alam mo naang mga mali para bukas. Bigyan mo lang ng kalayaan angisipan mo sa galit hindi sa memories para alam mo kungsaan ka nasaktan noon at alam mo kung saan ka mulingmagsisimula para maprotektahan ka from future bitterness.Kung kakalimutan mo ang nakaraan, makakalimutan mo rin kung paano ka nagpatawad, kung paano ka nakaramdamng kasiyahan, paano mo magagawa uli sa susunod.Ang pagpapatawad ay nangangahulugan ng panibagong bukas muli para makapagsimula. MAGPATAWAD KA... PASKO NA