Wednesday, 9 September 2009

PAGPAPATAWAD

Isang parte ng buhay natin ang pagpapatawad
Isang parte rin ito ng pagpapakita ng pagmamahal
hindi lang para sa kapwa, para narin sa ating sarili.
Marami akong naririnig minsan na mahirap magpatawad
dahil sa sakit na naramdaman. Ayaw mong magpatawad
para maipakita mo sa tao ang nararamdaman mong galit.
Mahirap nga ba ang magpatawad?
Kung hindi mo magawang magpatawad hindi ka makakawala
sa anino ng iyong galit, kung hindi ka magpapatawad
hindi ka makakawala sa parusa ng sarili mong galit,
ang galit na nararamdaman ay isang malaking bagay na
hadlang sa iyong kaligayahan, malaking hadlang para
sa plano mong magmahal.
kung hindi mo magawang magpatawad habang panahon kang
hindi makakaramdam ng kapayapaan sa iyong isipan.
Hindi ka makakaramdam ng kasiyahan dahil nakakulong ka
sa galit na iyong nararamdaman, ikaw ang hindi malaya,
Ikaw ang magsa-suffer hindi siya.
sarili mo lang ang pinaparusahan mo. Ayaw mong mong
magpatawad dahil inaakala mo sa iyong isipan na kung
magpapatawad ka nangangahulugan ang kanyang pagkapanalo.
Subukan mong magpatawad, ikaw ang lubos na makakaramdam
ng kalayaan dulot ng galit para makontrol ang iyong sarili.
Kasiyahang regalo mo hindi lang don sa tao pati narin sa iyong sarili.
Marami ang nagsasabi na ''FORGIVE AND FORGET THE PAST''
Para sa akin
Magpatawad ka, pero.. huwag kang lumimot sa nakaraan.
YUNG TAO ANG KALIMUTAN MO
HINDI YUNG MEMORIES
Huwag mong kalimutan ang nakaraan para alam mo na
ang mga mali para bukas. Bigyan mo lang ng kalayaan ang
isipan mo sa galit hindi sa memories para alam mo kung
saan ka nasaktan noon at alam mo kung saan ka muling
magsisimula para maprotektahan ka from future bitterness.
Kung kakalimutan mo ang nakaraan, makakalimutan mo rin
kung paano ka nagpatawad, kung paano ka nakaramdam
ng kasiyahan, paano mo magagawa uli sa susunod.
Ang pagpapatawad ay nangangahulugan ng panibagong
bukas muli para makapagsimula.
MAGPATAWAD KA... PASKO NA

11 comments:

  1. mahirap laging may galit sa sarili..
    magre-reflect sa mukha..dadami wrinkles...

    Madadala mo pa ang galit sa inuman, maba-bad trip ka..then tamang-away na..then presinto ka na..

    Pag nagpatawad na, kasunod dapat yung "kalimutan na natin yun"...

    ReplyDelete
  2. PASKO na kuya jet.. pahingi regalo.. O_O hehehehe... onga, dapat forgive and forget para everybody happy.. hehehe

    ReplyDelete
  3. ako mabilis akong magpatawad kaya pinapatawad na kita parekoy patawarin mo din sana ako,haha ang gulo eh noh

    penge nalang ng aginaldo magpapasko na nga,

    ReplyDelete
  4. a person who cannot forgive has forgotten the weight of the sin God has forgiven him. Desisyon natin ang pagpapatawad, once naman nagpatawad na tayo the actions will follow. It may not be as fast be time heals all wounds naman e. Pag naghintay pa tayo ng "right time" bago magpatawad it'll never come. ayun lang..

    nakiusyoso :)

    ReplyDelete
  5. hi po!napadaan lang...nakarelate po ako sa post nio eh...tama nga po yung mga sinabi nyo.... proven and tested na rin...kasi nangyari na rin po sakin yon.. at naniniwala rin po ako na hindi mahahanap ng isang tao ang tunay na kaligayahan kung poot at galit ang laman ng kanyang puso't isipan...

    ReplyDelete
  6. wow! nice piece jet;) Na touch ako,hehe.

    ber na nga! yahoo!!!

    Good day my friend!

    ReplyDelete
  7. Well said indeed.

    "To err is human; to forgive, divine." - Alexander Pope

    ReplyDelete
  8. mas masarap kumilos, mangarap at magbago nang walang galit sa kapwa. kasi for sure nde driven ng anger bitterness ang decisions mo. kung may galit at ito ang in-allow ng tao na magbigay ng direksyon sa lahat ng mga nais niyang gawin, paano kung walang mangyari? nakaka-frustrate yun.

    salamat sa pagbisita sa blog ko. sana balik ka po. ^_^ maaari bang ma-link kita?

    ReplyDelete
  9. Maraming salamat sa pagbisita at sa mga magaganda ninyong comment
    merry x-mass mga kaibigan.

    ReplyDelete
  10. Nice one, Jettro. Pero ang hirap magpatawad sa taong paulit ulit kang niyuyurakan. Hindi ka naman makalayo dahil siya ay kasamahan....

    ReplyDelete
  11. salamat sa pagbisita miss MS IGNORE mo nlang lahat ng ginagawa nya ikaw ang matatalo dahil nakakulong ka sa galit. salamat sa comment ha tc/gb lagi.

    ReplyDelete