Matagal din akong nawala dito sa sirkulasyon sa hindi
maiiwasang kadahilanan. Bagamat sumisilip parin ako paminsan-minsan. Masyado akong nagugulat sa mga nababasa ko, mga palitan
ng mga salita, mga away na nangyayari na dapat sanay hindi nangyayari dito sa mundo ng pag blo-blogging.
LAHAT TAYO AY MGA DESENTENG TAO
WALA AKONG NAKIKITANG DESENTE SA AWAY
SA SALITA MAN O SA GAWA.
Bakit nagkakaroon ng away?
Bakit ka nagkakaroon ng kaaway?
Bakit nagkakaroon ng samaan ng loob sa bawat isa?
Nagkakaroon ng away o samaan ng loob dahil sa isang tao na nag umpisa ng away. Sa isang tao na pinaiiral ang pagiging sama ng pag uugali. Lumalawak ang away dahil naman sa mga taong mahilig makisawsaw sa away ng iba. Sa araw-araw na pagbabasa ko sa ibat-ibang blogsite dahil sa nais kong makapulot ng mga magaganda pang aral na magagamit ko sa pang araw-araw kong pamumuhay. May mga nababasa ako minsan na hindi kaaya-aya sa aking pananaw, hindi kaaya-aya sa aking panlasa, at hindi kaaya-ayang mga salita para ipabasa sa iba. Pero ang lahat ng iyan ay pinagkikibit ko nalang ng balikat, pinalalampas ko na lang iniisip ko doon siya masaya sa ginagawa niya bakit ko siya hahadlangan, bakit ko siya pupunahin kung hindi naman siya nakakasakit ng damdamin ng iba. Hindi rin naman niya hinahadlangan ang mga ginagawa ko. Iniisip ko hindi naman ako yayaman sa pagpuna sa ginagawa ng iba. Wala namang mawawala kung magiging tahimik na lang ako. Ang pinag iisipan ko kung paano ba ako makapag papasaya sa kapwa ko at kung paano ako hahangaan ng isang tao. Mas masarap ang maging tahimik, mas masarap ang walang kaaway. Nilalagyan ko ng quality ang lahat ng ginagawa ko, lahat ng iniisip kong gawin, at nilalagayan ko ng quality ang bawat salita na binibitiwan ko sa kapwa, sa madaling salita iniisip ko munang mabuti kung makakasakit ba ako ng damdamin ng kapwa bago ko sabihin ang isang salita. Dahil ni minsan hindi ko kinahiligan ang manakit ako ng damdamin ng kapwa ko, dahil ayaw ko ding sasaktan nila ang damdamin ko. Ni minsan hindi ko kinahiligan ang magpahiya ako ng kapwa ko at ni minsan hindi ko pinag iisipan kung paano ba ako makapanakit ng tao.
Ikaw? Sinaktan ba niya damdamin mo?
Bakit mo siya sinasaktan?
Sa buhay natin...
Kailangan ba ng away para yumaman?
Kailangan ba ng away para dumami ang kaibigan?
Kailangan ba ng away para masabing magaling ka?
Masaya ka ba kung meron kang kaaway?
Masaya ka ba kung nasasangkot ka lagi sa away?
Bakit ka nasasangkot sa away?
Aminin man natin o hindi meron ka ring kasalanan o pagkakamali kaya ka nasasangkot sa away. Nadamay ka dahil isa karin sa nakikisawsaw sa away ng iba.
Bakit hindi mo magawang manahimik?
Mahirap bang maging tahimik o mas mahirap yung may kaaway?
Mahirap bang kontrolin ang sarili? o gusto mo lang ipakita ang kagalingan mo?
Yan lang ba ang paraan ng pagpapakita ng kagalingan?
Apektado ba ang buhay mo kung may mabasa kang hindi kaaya-aya sa panlasa mo?
Tanungin mo ang sarili mo, kung bakit ka nasasangkot sa away? Dahil isa karin sa nakikipag away. Paano magkakaroon ng kaaway ang isang tao kung tahimik lang siya sa kanyang ginagawa.
Ilagay mo ang sarili mo sa kaaway mo... kung ikaw ang makarinig o makabasa ng hindi maganda na tungkol sa iyo hindi karin kaya magagalit?
Huwag mong saktan ang damdamin ng kapwa mo
kung ayaw mo ring saktan nila damdamin mo.
Ano ba hanap mo..kaibigan o kaaway?
Hindi ka ba nahihiya sa mga kaibigan mo kung nalalaman nila na lagi kang may kaaway? Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo?
Walang away kung wala ka na nagsimula ng away.
DESENTE KA BANG TAO?
Kung nais mong tumulong para sa katahimikan
Tumahimik ka na lang makakatulong ka pa.
Wala po akong pinapanigan sa bawat isa.
kuya jettro,
ReplyDeletehindi ko man po alam ang istorya sa likod ng mga pangyayari, nalulungkot po ako. maiiwasan sana ang lahat... kung pinost nyu 'to bago yun mangyari.
joke lang!
:P
pero siguro po ang dahilan kaya nangyari yun ay para maipost nyu ito.. at maibahagi sa lahat ang mga limitasyon ng isang taong may layang magbigay ng pananaw.
minsan ang pananahimik ang pinaka magandang tugon para sa isang bagay.
:P
salamat gege sa pagbisita
ReplyDeletetama ka ang pananahimik ang dapat, para maiwasan ang mga ganyang bagay.
mali man o tama ang nagawa or ginagawa ng isang tao huwag tayong gumawa ng hakbang na ikapapahiya ng tao tumahimik na lang tayo para walang away. di ba?
salamat gege take care always
TAMA TAMA MABUHAY SI KUYA JETTRO
ReplyDeletepare tama ka, kaya ako nanahimik eh,hehe
ReplyDeletemahirap talagang iwasan ang di-pagkakaunawaan,kahit saan meron away,dahil nga siguro may nang-aaway at may pumapatol na din.masyado kasi tayong balat-sibuyas minsan,na parang mga batang naghahagisan ng tsinelas na ayaw magpatalo,nakakalimutan na rin natin ang sinabi ng Diyos na "kapag binato ka ng bato,batuhin mo ng tinapay".
lam ko wala akong maipagmamalaki sa mundo pero kung dumating man ang araw ng paghuhukom,isa lang gusto kong bitbitin kung maari,ang pagiging "MAPAGKUMBABA".
salamat elay sa pagbisita
ReplyDelete@pareng sablay galing naman ng iyong tinuran MAPAGKUMBABA.
totoo yan kaya nga isa ka sa hinahangaan ko dito sa blogsphere
mas masarap ang maraming kaibigan.
salamat uli parekoy
Tama dapat kasi kapag binato ka ng bato batuhin mo ng tinapay, pero may iba ang ibinabato eh granada,wahaha pero bilib ako dun sa mga inaaway dahil tinapay na ang ibinabato nila ngayon, di na granada, minsan lang sila nambato ng granada, etong si mangaaway na lang talaga ang makulit, nweiz, ok naman na daw, tahimik na ulit dito sa blogsphere, sana for good na to..Ü
ReplyDeletengapala may award ako for you kuya pakikuha na lang,Ü karapatdapat ka talagang iclap clap..Ü
Tama kayo Sir
ReplyDelete"Kailangan ba ng away para masabing magaling ka?"
ReplyDeleteAng sumagot ng YES, Hindi Desente... lolz!
ako man nagulat din sa mga nabasa ko na awayan sa ibang nating ka blogero...
ReplyDelete"let there be peace on earth"
nga pala malapit na ang pasko....Merry Christmas L.O.L!
silence is one of the hardest argument to refute....
ReplyDeletenice blog .. AND WELCOME BACK !!!
tatahimik na lang ako.. hindi nalang ako magkokomento sa post mo na ito.. oo talaga promise hindi ako magkokomento.. mahirap na baka awayin ako ng mga balat sibuyas jan.. magpapaka disente ako sa pamamagitan ng pananahimik ko.. talaga... ahihihi
ReplyDeletegusto ko lang din pala tanungin si Anonymous.. napakaganda ng sinabi nya:
silence is one of the hardest argument to refute....
ask ko lang po, ano po yung refute.. ? ahihihi - peace!!
Kelangan ba manahimik para walang gulo? Pano magkakaliwanagan ang magkabilang party kung di mo i explain ang side mo? hehe wla lang naisip ko lang.
ReplyDeletePero minsan sa madalas yan ang malimit kung marinig na advice sa tabi tabi," Yaan mo na lang sya" para wlang gulo. Hay lyf! sarap mabuhay.
salamat po sa mga bumisita at nag komento.
ReplyDeleteYen kailangan bang paabutin pa sa paliwanagan?sa umpisa pa lang dapat manahimik na lang. Don sa nag umpisa ng usapang yan dapat hindi nalang gumawa ng hakbang para sa ikapapahiya ng isa.
jan nag uumpisa ang hindi pagkakaunawaan sabi ko nga kung meron tayong mabasa na hindi natin nagustuhan wala namang mawawala kung tatahimik nalang.
yen kinokontra mo ako ha umayos ka nga jan.
Hays. TAMA ka Sir Jettro!
ReplyDeletePero ako, DISENTE ako. Mahilig lang maghubad. :)
kuya!!!!!!! HALOW!!!!!
ReplyDeleteehehehehe... sana magkaayos na po yung may mga away para wala ng away... hehehehe... dapat po siguro, kailangan nating intindihin hindi lang yung sarili natin kundi pati narin ang ibang tao para naman magkaunawaan tayong lahat... hehehehe.. =)
I saw your comment on MyTalambuhay's Bedridden post; I thought is was cute and amusing:)
ReplyDeleteIt's nice to see that decency, courtesy, and consideration are alive and well on your blog. I salute you for that. That is very big of you as a person - to be able to read something online na para sa 'yo ay di kanais-nais and be able to let it go, instead of jumping in an instant to fire mga di kanais-nais din na mga comments or participate in some completely useless fights.
You know how to choose your battles - you know when to speak and when to be quiet, and you are considerate - and that, truly is, admirable.
"Really big people are, above everything else, courteous, considerate, and generous - not just to some people in some circumstances, but to everyone all the time." - Thomas J Watson Sr
Take care and God bless!
salamat po sa mga bumisita at nag comment mam acrylique, ate patz
ReplyDeleteat kay anonymous salamat din po sa mga sinabi ninyo, nakakataba naman ng puso, god bless din po sa inyo.
natatandaan ko na po anonymous
ReplyDeletekung saan yung post na yon haha naku nabasa nyo pala yon biniro ko lang po don si hari ng sablay.
pero salamat at bumisita kayo dito
sana makapasyal din me sa blog ninyo. take care
What's up Jettro?
ReplyDeleteItigil na ang away , mahal ang tinapay..
tama ka, "Do not unto others what you don't want others do unto you".. luma na pero epektib!
H'wag kang manga-ngano para di ka anuhin!
Hwag na lang sakyan ang trip ng iba na makipag away..para di lumaki.
Mag inumann na lang tayo..sa ngalan ng kapayapaan..
You're very welcome - it's my pleasure to visit yours and MyTalambuhay's blogs. When I have more free time, I'll try and visit your other friends' blogs too.
ReplyDeleteUnfortunately, wala akong blog at the moment. Pero gumawa ako ng blog address para hindi naman masyadong anonymous, even if the blog is still empty:)
May request lang ako. We are two equals. Please don't use "po" to me:)
Take care and God bless always!