SA ARAW NG PASKO
Ilang araw na ang nakalilipas nakatangap ako ng isang tawagmula sa pilipinas, isang ginang ang tumawag sa akin upangkumustahin ang kaniyang asawa na halos mag dadalawangbuwan na raw na hindi nakikipag usap sa kanila.Dahil kilala ko yung lalaki, minarapat nung ginang na akoang kausapin upang maiparating nila ang kanilang pag aalala,pangungulila sa asawang nakalimot na sa kanyang responsibilidad.Ayaw ko sanang isulat dito, sinubukan kong kausapin ang lalakingunit hindi ako pinakikingan at hindi na muling nakikipagkitasa akin. Minarapat ko nalang isulat dito, alam kong nababasaniya ito.!Kaibigan para sa iyo ito,Noong nasa pinas ka pa kasalukuyan kayong nakikibaka sa hirapng inyong pamumuhay, kasama mo ang iyong butihing maybahayna sinusuong ang hirap ng inyong pamumuhay. Sa kontingkaligayahan na binibigay mo sa iyong asawat mga anakinuunawa ka nila dahil alam at tangap naman nila kung anolang ang kaya mong ibigay sa kanila. Sa konting kaligayahangibinibigay mo sa kanila hindi ka nila iniiwan dahil alam mo kunggaano ka rin kamahal ng iyong asawat mga anak.Nung nabalitaan mo na isa ka sa mapalad na makaalisdahil narin sa tulong ng pagdarasal ninyong mag asawapinakingan ang inyong panalangin. Alam mo bang ang unang-unang natutuwa ay ang iyong asawat mga anak? Dahil iyan na ang pagkakataon ninyo na makaahon kayo sa hirap, iyan na ang pagkakataon mo na mabibigyan mo narin ng kaligayahan ang iyong asawat mga anak. Tuwang-tuwa ang iyong asawa dahil kahit papaano mabibigyan nyo narinng maayos na kasuutan ang inyong mga anak.!Ngayong andito ka na... abot mo na ang kaligayahangmatagal nyo ng pangarap ngayon mo pa sila iiwan.Ngayong nalalasap mo na ang kasaganaan sa iba mo paibinibigay. Yang bago mong kinakasama ang binibigyan mong kaligayahan kaysa sa sarili mong pamilya? Ipinagkait mo sa mga anak mo ang mga pangarap nila, ipinagkait mosa iyong asawa ang kaligayahang ngayon lang nila matitikman.Hindi ka ba naawa sa asawa mo't mga anak? Alam mo ba kung gaano kasakit ang ibinibigay mo sa kanila ngayong pasko?
Masaya ka sa piling ng bago mong minamahalhabang ang asawa't mga anak mo umiiyak. Iniwan moang sarili mong pamilya sa gitna ng karagatan na walangsagwan, walang makain, walang matakbuhan.!Kumakain ka ng masarap... hindi mo ba naiisipkung kumakain din ba sila ngayon?
!Masaya ka ngayon... hindi mo ba naiisip kung baka umiiyakang pamilya mo ngayon?!Iisa lang ang binangit niya sa akinMERRY CHRISTMASS DAWyan lang... umiiyak na siya.!Ngayong paskong darating nakikita ng asawa't mgaanak mo sa kanilang isipan na masaya ka sa araw ng kapaskuhan.Sana...Sa paskong darating makita mo rin sa iyong isipan anglarawan ng iyong asawa't mga anak.!IKAW ANG KALIGAYAHAN NILASA ARAW NG PASKO!Tawagan mo sila, kumustahin mo pamilya mobaka.. "NAGUGUTOM".
ay.
ReplyDeleteang sad..
=(
it's a blog of realization for all...
nakakalungkot naman ito..
ReplyDeletesana marealized pa rin niya na nalilihis sya ng kasiyahan nya...
aww... diko lam anong sasabihin,kakalungkot naman tsk!
ReplyDeletesana mapaisip ang fren mo na inalayan mo nitong tula..maganda ang contents...
ReplyDeleteanyway, maligayang pasko din sa iyo jett.
ang lungkot naman.. mahal na mahal sya ng asawa nya.. kung anu mang pagkakamali ang nagawa nya, magsisi lang sya, tatanggapin sya ulit ng asawa nya ng buong buo..
ReplyDeleteGod bless sa pamilya nila..
pambihira naman un! nakakainis mga taong ganun! hayst..
ReplyDeleteHindi ako mapanghusgang tao dahil ayoko rin naman ang takalan ng husgang magamit ko eh bumalik sa akin sa ibang araw, alam kong may dahilan kung bakit? kung pano at sapat na para saakin ang mga iyon para msabi kong maaring sa kabila ng lahat ng sakit na alam niang nararamdaman nila at ng kanyang dating pamilya eh nagagawa niang tikisin may malalim na dahilan ang lahat, at walang ibang sinuman ang makakaalam nuon kundi sila lang hindi ko sinasangayunan ang gawi ng lalaki ang sa akin lang maaaring may panahon para sa kanilang paghilo anuman ang dahilan ng lahat sana lang maging maayos ang pasko naman wala sa diwa ng pagsasama at pagbibigayan kundi ang may malinis na kalooban araw-araw pasko....ayan kuya napa emo mo na naman tuloy ako hehehe
ReplyDeleteSana mabasa nya ang koment ko.
ReplyDeletePara Saiyo kung sino kaman,
Napaka i-responsible mo Parekoy! Alam kong mahirap ang buhay at kapag sinumpong na pangangati ay mahirap din pero sana lang, kung may kunsensya ka sabihin mo ng diretso sa asawa mo para naman hindi sya nag e-expect in return. Kausapin mo sya at higit sa lahat meron kang responsibilidad sa mga anak mo. Sana tablan ka!
sino ba yang lalaki na 'yan Jhet?
ReplyDeleteHawakan mo at gugulpihin ko basta wag lang syang lalaban....
Pare, kung sino ka man, paano ka ba magigising sa katotohanan? sa trahedya ba?.....mag-isip ka...
salamat sa mga comment ninyo
ReplyDeletesana makatulong itong mga comment natin para matauhan siya alam ko nag iisip na siya.
minsan ang pagsusulat ang isang mabisang sandata para sa pagbabago.
helow jett...nakakalungkot naman 'to, pinagdaanan din to ng mga pinsan ko...
ReplyDeleteat kahit nagbago na ang tatay nila, hindi pa rin mapawi sa isip ng mga bata ang ginawang pang-iiwan ng ama sa sobrang hirap na naranasan ng kanilang ina para lang maitawid sila noon.
sana maisip pa ng kaibigan mong magbago habang hindi pa huli ang lahat...
nakakaiyak naman...parang nararamdaman ko kung ano nararamdaman ng pamilya nya...sana maisip din ng girl na pinagkakaabalahan nya ngayun na my pamilya na yung lalake...at what if mangyare din sakanya yun...sana sya na ang kusang lumayo sa lalake...siguro makakakita pa naman sya ng lalakeng karadapat dapat sakanya...wag na lang yung my pamilya na...
ReplyDeleteSo touching...!Hope na lang tayo na magbago sana ang friend mo and will be reunited with his family on Christmas.Maligayang Pasko, Jett.Nice to meet you.
ReplyDeleteteka, totoo ba to? parang bigla naman akong naasar dyan sa kakilala mo..
ReplyDeletesobrang nakakawa naman yung mga naiwan nya sa pinas. alam nya ba yung salitang karma? aysus! ingat ingat naman..
Merry xmas jettro, tambayan na pala to ng mga sunog baga ngayon ahehehe, tagal ko ding hindi nakabisita. ingat lagi, gb!