Sunday, 31 May 2009

Hayden kho binuhusan ng tubig






Isang ex cop ang hindi napigilan ang ngitngit o galit kay hayden kho ang nagbuhos ng tubig sa kanyang ulo, Hindi talaga natin masisi ang mga taong nagtanim ng galit sa katulad ni hayden kho para sa akin sa edad nyang iyon isa siyang hayop ang pag iisip, hayop ang pag uugali ng doktor na ito. Dapat hindi na bigyan ng pagkakataon ang mga ganitong klase ng tao upang hindi pamarisan.

Friday, 29 May 2009

WALANG NAGMAMAHAL



Meron tayong kasabihan... Masarap ang magmahal, lalo na yung may nagmamahal. Itong pangungusap na ito ang laging pumapasok sa aking isipan lalo na kung nasa kubeta ako nagbabawas, kasi nga naman pag nandoon ako marami kang iniisip.

Mahirap din yung ganito, kasalanan ba yung magmahal ka sa taong may nagmamahal ng iba? Sa taong may nag mamay-ari na? Di ba.. Hindi mo kasalanan ang umibig? umibig ka dahil tao ka na nilalang na may pusot damdamin. Ahhhhh! nakakaloko talaga ang pagibig dami mong sinusunod bago mo makamit, ang daming proseso bago mo maisakutaparan, pagdating naman sa huli luluha ka din ganyan ba ang masarap magmahal? Kung dumadating ang ganitong pagkakataon na naiimpluwensiyahan ako ng spiritu ng alak ang dami kong iniisip ng kung anik-anik. Minsan sinisisi ko sarili ko, bakit kung sino pa yung may nagmamay ari na parang... siya pa yung gusto kong mahalin. Ewan ko ba kung bakit ako ganito! pakiramdam ko kasi parang mas masarap mahalin yung taong may nagmamahal na ng iba. Katulad ni... ''ayy ayoko nga mamaya matsismis nanaman ako nito''.

Mabuti pa yung kamatis laging may pumipisil, samantalang sa akin wala!
Mabuti pa yung bubble gum laging may dinidikitan, at pag dumikit ang hiiiirap tangalin nakakabuwisit lalo sa buhok gunting ang katapat. Ano kaya meron yung iba na wala ako? samantalang sila.. dala-dalawa ang minamahal, si gabby conception nga laging kinakasal, samantalang ako wala, mabuti pa nga yung salamin laging tinitingnan minsan tinititigan pa nga eh, samantalang sa akin walang pumapansin. Nakita ko larawan mo bakit... parang ang hirap hirap mong abutin, kahit minsan nagkakausap tayo parang hindi kita kayang abutin, Minsan ko lang nakita ang larawan mo ang hirap mo ng limutin. Naramdaman ko na lang na akoy humahanga sa iyo, hangang ganito lang naman ako, hangang paghanga lang.

Mabuti pa yung galungong noh? may nagmamahal kasi ''mahal'' daw. Sa pag-ibig lagi nalang ako ang naghahabol, kahit alam kong walang pagtingin sa akin, habol parin ako ng habol maramdaman lang niya na crush ko siya. Mabuti pa nga yung snatcher laging hinahabol laging may humahabol.

Sana... mabasa niya ito na kahit meron na siya, iibigin ko parin siya. Kung kasalanan man... handa akong magkasala.
Dalangin ko na lang sa may kapal, ikaw sanay malaya na! Sayang... ngayon lang tayo nagkakilala.

Tuesday, 26 May 2009

PANAGINIP



Nais ko pong ibahagi dito ang isang panaginip na nangyari sa akin habang akoy nasa kasarapan ng tulog. May 23 (sabado) Naks kompleto pati petsa ano po para lumabas na medyo may katotohanan ng konti kung hindi ako nagkakamali, galing ako sa isang kaibigan na kaututan ko din ng dila at habang kami'y nag kukuwentuhan siyempre hindi naman mawawala ang konting alkohol na iniinom, isang sangkap din para gumanda ang usapan.

Naparami na ako ng inom, minabuti ko nang umuwi at magpahinga, humiga at nag isip ng konti.. at habang nakahiga lumalaro sa isipan ko yung pang aaway sa akin nung girlfriend ko este nung kaibigan ko pala. Nakatulog ako... Habang nasa kalagitnaan ako ng tulog, isang panaginip ang naglaro sa aking pagkakahimbing, hindi ko lang mawari kung maganda o pangit ang aking panaginip.

Isang babae sa aking panaginip ang papangalanan kong ''VIOLET'' (sana mabasa ni miss violet ito) Isang babae ang sinubukan kong ligawan sa aking panaginip, at sa aking panaginip lumalabas na ayaw akong sagutin ni violet dahil mas malaki ang nararamdaman niyang pagtingin sa aking karibal na halos matagal ng kaibigan ni violet. Sa madaling sabi... bagsak ako sa exam. Lubha akong nalungkot sa aking panaginip parang gusto ko ng magising para hindi ko na marnig ang sasabihin ni violet na... " kaibigan na lang tayo".

Pero dahil dala ng ispiritu ng alak, lalong napasarap ang aking tulog.. narinig ko nga yung sinabi ni violet na... kaibigan na lang daw kami, Hayyyy! '' hirap naman nito, panaginip na nga lang basted pa '' Itutuloy ko na yung aking panaginip... sa madaling sabi, dahil ayaw ko naring habaan pa itong kuwento ko.. nagpaalam nalang ako kay violet.

Iisa lang ang sinabi ko sa kanya sa aking panaginip... ''Sige, kung yan ang desisyon mo... aalis nalang ako.. pero... pwede ba ako humingi ng isang request isang kahilingan bago ako umalis? pagkatapos lalayo na ako hindi na ako magpapakita kahit kaylan.

Ano yon Ron? (tanong ni violet)

Pwede ba ako ''HUMALIK'' kahit sa pisngi lang.. then aalis na ako lalayo na ako violet. Hindi umimik si violet, dahil ayaw din naman niya akong saktan pumayag siya sa aking kahilingan. Hinalikan ko siya ng malumanay, madiin , matagal. at sa halik kong iyon... Ewan ko kung makalimutan niya ako. Dito na po ako nagising na nabubuwisit, ngayon naman na ayaw ko pang gumising... saka naman kusang dumilat itong mata ko. Sayangggg!!

Monday, 25 May 2009

SULAT KAMAY




Ang aking sulat kamay na parang kinahig ng manok, walang mag tsagang magbasa, mahirap basahin. Pero para sa akin pagnakikita ko ang aking sulat kamay bumabalik sa aking isipan ang mga ala-alang gumagawa ako ng love letter sa babaing unang nag patibok at nag pasaya sa akin.


Natatandaan ko pa ang mga sinasabi ng mga taong nakakabasa ng aking mga liham, kahawig daw ng aking sulat kamay ang mga nakasulat sa isang greeting card, mga love massges sa isang card.. B-day card, Christmass card. Siyempre medyo natutuwa din naman ang inyong lingkod dahil may nakakahawig daw ang aking sulat kamay.

Sunday, 24 May 2009

SINO ANG MAY KASALANAN


Meron akong nais na itanong sa inyo mga kababayan kong blaggero at blaggera o kahit sino po welcome po ang lahat na mag bigay ng opinion dito sa ating topic. Sa bawat paliwanag po ninyo sana makapulutan din namin ng aral.

ETO PO ANG TANONG?

1) SINO BA ANG MAY KASALANAN AT SINO BA ANG DAPAT NA SISIHIN SA HAYDEN KHO SCANDAL?

2) SINO BA ANG MAS MADALING PAGSABIHAN... ANG MGA BATA BA NA HINDI PA HUSTO ANG PAG IISP OR ANG MGA TAONG NASA WASTO NG PAG IISIP?

''-MERON PO KASING NAG SASABI NA ANG MGA BATA AY MAHIRAP PAGSABIHAN DAHIL MATITIGAS ANG MGA ULO-''

''-MAY NASASABI NAMAN NA ANG MGA TAONG NASA WASTONG PAG IISIP ANG MADALING PAGSABIHAN DAHIL NASA WASTO NANG PAG IISIP. NGUNIT MAHIRAP NAMANG UMINTINDI,

KAYO PO ANO SA PALAGAY NYO?

Saturday, 23 May 2009

BAKIT KA IIYAK





Naglalakad ako sa isang park para magpalipas ng oras, nag iisa akong naglalakad mas gusto ko kasi ito yung maglakad ng nagiisa mas komportable ako ng nag iisa. Kung maari lang ayaw kong isama mga kaibigan kong lalaki na magugulo. Maganda na itong nag iisa nakakapag isip ka ng maayos, malayo ang nararating ng aking isipan kung akoy nag iisa. May konting tama ng alak sa utak kontento na ako don.

Sa aking paglalakad.. may nasulyapan akong pinay na nag iisang naka upo, parang malungkot at malayo ang iniisip nilapitan ko ng bahagya nasulyapan ko na parang may luha sa kanyang mga mata.

Nilapitan ko at sinubukan kong kausapin, ''Hi'' (bati ko sa kanya) tumingin lang siya sa akin, pagkatapos yumuko uli. Minarapat ko na lang na umupo sa kanyang tabi, ''May problema ba? Hindi siya sumagot, nagtanong ako uli... Tila umiiyak ka..Bakit? Hindi uli siya sumagot, tinapunan lang ako ng konting tingin saka yumukong muli. ''Nagtanong akong muli..'' Sinong kasama mo? Ikaw lang ba ang nandito? Tumango lang pero hindi nagsalita. ''Ako uli ang nagsalita.." Bakit ka nandito? Saan ka umuuwi? Hindi nanaman sumagot. Sige huling tanong ko na ito... aalis na ako palagay ko ayaw mo lang siguro ng may kausap. Pipi ka ba? Yon! Napansin ko medyo nangiti siya.. kasi lumobo yung sipon niya eh.

Umiiyak ka ba? Nakikita ko kasi sa iyong mga mata ang lungkot na dala-dala ng damdamin mo. Nagsalita siya.. naikwento niya sa akin ang kasintahan pala niya mayron ng iba.

Mahal mo pa ba siya?

Ngayon hindi na, nasaktan lang ako sa ginawa niya.

Pag aralan mo na siyang kalimutan, huwag mo na siyang iiyakan, hindi lang siya ang pwedeng mag mahal sa iyo.. meron pa diyan sa tabi-tabi (he he he) Huwag mong hahayaan na lagi kang iiyak. (Ngumingiti na siya) Marami pa kaming nagpag usapan hangang sa magdilim hinatid ko nalang siya sa sakayan ng bus hangang sa naghiwalay na kami, nakita ko nalang siya na kumakaway nagbaba bye sa akin habang papalayo ang sinasakyan niyang bus.

Iisa ang sumasagi sa isipan ko... ang ganda-ganda niya Hayyy nakaka inlab naman siya. Bigla akong nagulat napatulala ako sabay kamot ko sa ulo, hindi ko pala nakuha yung number ng cellphone niya! pati address nakalimutan kong itanong! Sayanggg! Pangalan lang pala niya ang nakuha ko!

Jusko po! ang tanga-tanga ko naman!

Sana... Isa dito sa mga blagera 'yon!

Thursday, 21 May 2009

TAKBO



Nagkaroon kami ng outing ng mga kaibigan ko sa isang probinsiya.. magkakasama kaming nagtampisaw sa ilog, sama-sama kaming kumain sa gitna ng palayan, ang sarap noh? walang puwang ang kalungkutan sarap ng bonding namin. Hagalpakan ng hagalpakan parang ayaw nyo ng matapos ang araw na iyon dahil minsan lang mangyari ang makapasyal sa malayong lugar. Presko ang hangin, tahimik, nakakawala talaga ng stress sa buhay.

Bandang hapon sama-sama kaming nagkakantahan, may nag gigitara halos lahat kami kumakanta, may umiinom pati mga gurly umiinom narin ng ladies drink. Pagkatapos naming kumain ng hapunan konting kuwentuhan pa uli hangang sa makaramdam na nga kami ng antok. Kanya-kanya na kaming pwesto ng higaan, komo medyo may kaliitan yung bahay na tinutulugan namin.. sala-salabat ang higaan namin. Katabi ko yung lalaki na ngongo, ang hilig pang mag kuwento kung wala lang akong utang dito hindi ako magtsatsagang makinig dito eh. Lasing na nga siya.. ngo ngo pa.. lalong na ngo ngo. jus ko po! galit pa sa akin, hirap ko daw umintindi.

Alam nyo ba? sabi nitong si ngo ngo pag si susan daw ang kumandidato ng pagka presidente ''kantutan daw kami''. Ha!!! Nagulat ako.. kantutan daw kami... yon pala kay susan kami. Sus!!

Sabay-sabay na kaming natulog, dahil nga masikip ang higaan halos magkadikit na yung mukha namin ni ngo ngo. Alas tres ng madaling araw pagtagilid ko humarap ako sa mukha ni ngo ngo nakita kong nakatitig siya sa akin, dilat na dilat siya sa akin. Pumikit ako pagdilat ko nakatitig parin sa akin, ang ginawa ko tinampal ko ng bahagya yung mukha niya.. hindi siya gumalaw.. tinampal ko uli.. pakiramdam ko parang tumigas yung mukha ni ngo ngo.. ginalaw ko mukha niya.. patay na pala yung katabi ko at nakadilat pa! ''Susssss koooooooooo! takboooooooooooooooooo nahawakan ko paaaaaaaaaa!!!!

Biro nyo katabi mo patay pala.. nakdilat pa!

Iinom po muna ako ng tubig..

TRAUMA



Alam nyo ba ang salitang ''TRAUMA''? Eto yung mga pangyayari na sobrang kinatakutan mo na nangyari na at ayaw mo ng mangyari pa uli. Tulad ng aso marami na ang nata-trauma sa aso, masakit nga naman ang kagat ng aso at nakamamatay pa. Sa ahas, sa mga sasakyan, marami pa maaring kahit kayo mismo dumating narin sa inyo iyan. Yung kumpare ko nga sa asawa niya siya nata-trauma (lol). Ako naman nung binatilyo kami nuon kasama ko ang dalawa kong kaibigan isang lalaki at isang babae na mahinhin kung kumilos, naka miniskirt yung kasama kong babae noon. Pumasok kami sa gate nung bahay na pinuntahan namin, pagpasok namin tiwalang tiwala kami na kami lang ang nasa loob ng bakuran dahil tahimik na tahimik. Bigla kaming nakarinig ng tahol ng aso, ang laki pa ng boses nung aso... yahhhhhh! asooooo!!! takbuhan kaming tatlo. Yung kasama kong lalaki sa sobrang takot akalain nyo bang natalon niya yung pader hangang siya'y nakalabas, buwisit na yon! Sinabihan ko na lang yung kasama kong babae na... Umakyat ka sa puno daliii! umakyat nga yung babae sa puno kasunod naman akong umakyat. Pagtingala ko don ako na trauma hindi sa aso, he he he! pag sinuswerte ka nga naman.
Sumigaw yung kasama kong lalaki. ''Pare..! anong nakita mo?
Sumagot naman ako... ''Pare, MAY TAKIP KAYA LANG TABINGI !''

Monday, 18 May 2009

MATIGAS ANG ULO


Maliit pa ako madalas i kuwento ng aking nanay kung paano ako inilabas sa mundong ito.. Kahit ako ay namangha sa mga ikinu kuwento ng aking nanay. Alam nyo ba kung ilang beses ako ipinanganak ng nanay ko? Teka... magsindi muna ako ng sigarilyo he he he. Ganito naman talaga ako habang tumitipa sa bawat dahon ng makinilya ko sumasabay ang hithit-buga ng usok ng sigarilyo''. Tatlong beses po akong lumabas pero... pilit nila akong ibinabalik sa loob.

Sabi ng nanay ko matigas daw ang ulo ko, (ulo po sa itaas ha). Bakit nga kaya...? dahil nga daw kaya matigas ang ulo ko dahil nung oras daw na inilalabas na ako sa mundong ito.. ang unang lumabas daw sa akin ay ang isang kamay ko. Kaya nahirapan ang komadronang ilabas ako ng tuluyan, napilitan silang ibalik ako sa loob saka ako pinaikot uli ng komadrona, sa pagaakala nila na nasa ayos na ako.. itinulak muli akong palabas, eh kaso ang unang lumabas naman ay ang aking isang paa, napilitan nanaman akong ibalik sa loob dahil hirap nga naman ang kalagayan ko.

"Tingnan nyo nga naman itong mga buwisit na ito..! gusto ko na ngang lumabas pilit akong sinasauli sa loob.'' Kung pwede nga lang ako sumigaw sisigawan ko itong komadronang ito eh.
Pag balik ko sa loob pinaikot akong muli ng komadrona hangang sa ulo ko na ang unang lumabas. Pagkalabas ko sa mundong ito na wala pang nagagawang kasalanan.. nakatikim ako agad ng dalawang palo sa puwet kaya doon daw ako umiyak.. tingnan nyo.. wala pa akong ginagawang kasalanan pinalo na ako kaagad. Ngayon.. eto na ang inyong lingkod kasama ninyong nakikipag unahan sa pagtipa ng makinilya at walang palatandaan na may katigasan ang ulo, basta ang alam ko maunawain akong tao yon lang mga folks.

Thursday, 14 May 2009

HUWAG MO AKONG IWAN

Isang kwento nanaman ng pag-ibig ang nais kong ipabasa sa inyo mga kababayan kong mambabasa, isang kwento ng pag-ibig na pagsuway sa mga magulang makasama lang ang lalaking kanyang minamahal.
Papangalanan kong mariefe ang babaing umibig ng todo-todo sa lalaking si ronron, (he he he pangalan ko po iyan, kahit dito man lang sa kwento ko akoy maging bida uli).

Unang pag-ibig ni mariefe si ronron na nakilala niya sa isang paligsahan kung saan player ng basketball si ronron, sa hindi inaasahang pagkakataon nagtagpo si mariefe at si ronron na humantong sa pagmamahalan. Dahil medyo menor de edad pa si mariefe labis ang pagtutol ng mga magulang ni mariefe sa kanilang pagmamahalan. Lumipas ang mga araw, kahit hindi pa gaanong kilala ni mariefe ang tunay na pagkatao ni ronron, nabihag si mariefe ng pag-ibig ni ronron at dahil sa tawag ng pag-ibig at pagmamahal naging magkasintahan ang dalawa hangang sa yayain na ni ronron na magtanan silang dalawa bagay na lalong ikinagalit ng amat-ina ni mariefe. Sumamang magtanan si mariefe kay ronron, Natigil narin ang pag-aaral nilang dalawa. Nagsama si mariefe at ronron, umupa sila ng isang maliit na kuwarto. Dahil nga sa hindi nakapagtapos ng pagaaral si ronron halos wala din siyang mapasukan na maayos na trabaho, pa ekstra-ekstra nalang si ronron sa konstraksiyon. Lumipas ang maraming buwan, naisipan ni mariefe na kumustahin ang kanyang mga magulang, tinawagan niya ang kanyang amat-ina. Krriiinnggg... Hello.. inay kumusta na po kayo? Sumagot ang kabilang linya... '' ay!! huwag ka ng tumawag-tawag dito dahil hindi ka na namin kilala!! (singhal ng ina ni mariefe). ''Inay.. Patawarin na po ninyo ako'' (umiiyak na sagot ni mariefe). ''Hindi ka namin mapapatawad sa ginawa mo!! at mula ngayon wala ka ng uuwian!! magsama kayo ng asawa mo!! (sigaw uli ng kanyang ina) Blaggg!! (sabay bagsak ng telepono) lalong umiyak ng umiyak si mariefe sa mga salitang narinig niya mula sa kanyang ina.. ngunit hindi na niya pinaalam pa kay ronron.
Habang lumilipas ang maraming araw, lalong nakakaramdam ng hirap ng pamumuhay si mariefe at si ronron.. dahil sa walang permanenteng trabaho si ronron. Isang araw habang naglalaba si mariefe ng kanilang mga damit, isinabay narin niya ang pagluluto para pagdating ng kanyang asawa merong ng makain kaagad, kasabay din ng kanyang paglalaba pinapakingan niya ang paborito niya awitin na.. ''DONT CRY OUT LOUD''. Basang-basa na ang kasuotan ni mariefe at sobra narin ang kanyang pagod ng araw na yon, maya-maya dumating si ronron na walang imik, nagtaka si mariefe.. sinundan niya sa loob ang kanyang asawa, at nakita niya si ronron na nagiimpake ng mga damit.. nagulat siya.. tinanong niya si ronron.. ''bakit? saan ka pupunta ron? Aalis na ako... dumating na yung petisyon sa akin ng aking kasintahan na nasa america.. umuwi ka na lang sa inyo.(sagot ni ronron). Nagulat si mariefe, hindi makapaniwala sa sinabing iyon ng kanyang asawa, para siyang mauupos na kandila, wala ng mabigkas na salita, umupo nalang sa isang tabi si mariefe, nakatulala, kasabay ng awit na naririnig niya ang wala ng patid na pag-agos ng kanyang mga luha. ''Iiwan mo na ako ron''? Oo hindi ko narin kaya ang hirap natin dito. Lalong hindi na napigilan ni mariefe ang humagulhol.. Paano na nga naman siya.. gayong itinakwil na siya ng kanyang mga magulang.. saan pa siya uuwi? saan pa siya kukuha ng pangbayad sa bahay? paano siya kukuha ng pagkain niya? saan na siya pupunta? tinakpan nalang ni mariefe ang sarili niyang mukha habang humahagulhol.. ayaw niyang tingnan ang pag-alis ni ronron.. ni wala na siyang lakas na pigilan si ronron. ''Aalis na ako marie'' (sabi ni ronron). nanatiling umiiyak si mariefe. Hangang sa lumabas na si ronron, humakbang palayo.. nanatiling umiiyak si mariefe.. humiga nalang si mariefe sa sahig nawalan na siya ng lakas. Sumapit ang gabi nanatili paring nakahiga si mariefe sa sahig.. ni hindi na nakapagpalit ng damit.. ni hindi na nakakain, inabot ng umaga,tanghali, nanatili paring nakatalukmo sa sahig si mariefe.

Sumapit ang hapon nanatili paring nakahiga si mariefe sa sahig.. isang lalaki ang pumasok ini-upo ang katawan ni mariefe.. ngunit nanatili paring nakapikit si mariefe. ''MARIE'', ''MARIE'', (malambot na tinig ng lalaki). niyakap si marie ng mahigpit, mahigpit na mahigpit, "MARIE", "MARIE",Dumilat si mariefe, sabay yakap, sabay iyak, (si ronron bumalik sa piling niya) Patawarin mo ako... hindi kita kayang iwan.. (bulong ni ronron) nanatili silang magkayakap, ''halika na kakain na tayo'', aya ni ronron. Nanatili paring nakayakap si mariefe, Hindi alam ni ronron.. na kung hindi siya bumalik iyon narin ang huling araw ni mariefe.
Halika na.. kakain na tayo, may dala akong pagkain, at bukas uuwi na tayo sa amin.. pinapauwi na tayo ng mga nanay ko doon naraw tayo titira sa amin. Ngayon masayang masaya na si mariefe dahil isisilang na ang panganay nilang anak. ''WAKAS''

Sa pag-ibig kadalasan babae ang madalas umiyak, madalas masaktan, madalas iwanan at madalas babae ang sumasalo sa lahat ng problemang dapat sanay karamay ang mga taong naging dahilan ng kanilang pag iyak. Bakit kaya may pag-ibig pa kung ang katumbas naman ay ang pag luha.

Mga ate ngiti naman kayo jan!

Friday, 8 May 2009

ANG KAPITBAHAY NAMIN



Eto po nanaman ang inyong lingkod upang ibahagi ko ngayon ang mga pangyayari dito sa aming paligid. Nung nakaraang sabado meron kaming bagong kapitbahay na pamilya ng mga korean nationals, meron silang anak na parang artista ang dating ng mukha parang rica paralejo. Sus mukhang kinikilig nanaman itong kasama ko at kaututan ko ng dila sa araw-araw, eto po yung kasama ko na parang butete ang katawan. Etong mga araw na lumipas nagiging masigla at masayahin itong kaibigan ko dahil nakausap na pala niya itong kapitbahay namin na parang ice cream ang lasa sa sobrang kagandahan. Hay! nakaka-inlove talaga, pero... medyo nauungusan ako nitong kasama ko ahh! mabilis din ang loko.. komo andito nga tayo sa malayong lugar.. siguro sawa na rin sa kamay niya na laging ginagamit. (lol)

Isang araw nakita pala niyang nagsampay ng mga labahin itong dalagang kapitbahay namin.. Komo gustong maka first base uli itong kasama ko nagsampay din pala siya ng mga damit sa tabi ng pinagsampayan ng dalaga. Nang dumating ako ng aming tirahan medyo makulimlim nagbabantang uulan nang mga oras nayon.. Tinawagan ako ng kasama ko na kung uulan ako na kukuha ng mga damit niya sa sampayan at tingnan ko daw yung mga damit dahil pati yung mga sinampay nung dalaga makuha ko din. Sinabi nga ng kasama ko na kaya siya nagsampay ay para sabayan lang yung dalaga at makausap, ang totoo niyan ay tuyo naman talaga yung mga damit, pantalon na sinampay ng kasama ko. Tingnan ninyo may kalokohan talaga. Ang ginawa ko kinuha ko na yung mga sinampay nung kasama ko ang iniwan ko lang ay yung isang brief nung kasama ko sa sampayan.. naisip ko.. meron nga pala akong brief na katulad nang sa kasama ko pati design parehas na parehas. Kinuha ko yung brief ko nilagyan ko ng butas sa mismong saluhan ng buntot ng kasama ko, tapos hinatak ko ng husto yung garter ng brief ko at nilagyan ko pa ng malaking perdible sa mismong garter dahil nga binatak ko ng husto yung garter kaya lumalabas na lawlaw yung brief at kailangang may perdible. Yun ang inilagay ko sa sampayan yung brief ko na may perdible. Eksakto umaambon na, siya namang dating ng kasama ko... nakita kong kinukuha na nung dalaga yung sinampay niya.. habang tinitingnan ko yung dalaga, nakita kong tinitingnan nung dalaga yung brief na inilagay ko tinitingnan niya na baka sa kanila din yung brief.. Biglang humagalpak yung dalaga nahulog yung pustiso nung dalaga sa sahig.. sabay dampot lilingon-lingon kung may nakakita sa kanya.. maya-maya sumigaw sa bahay namin.. ''HOY SA INYO BA ITONG BRIEF.. KASI UULAN NA! sigaw nung dalaga.. sabi ko sa kasama ko... pare.. kung sa iyo daw yung brief sa labas? lumabas yung kasama ko.. ''SA IYO BA ITO?'' tanong nung dalaga sa kasama ko.. (dahil nga parehas) ''oo sa akin yan''! Inabot ng kasama ko yung brief sabay ngiti sa dalaga. Maliwanag inamin niya na kanya yung brief..(KOMPIRMADO) sabay takbo nung babae sa loob na hindi mapigilan ang tawa. Pag pasok ng kasama ko.. tiningnan yung brief bakit naging ganito yung brief ko? tanong niya sa akin. Sabi ko akin yan ayun yung sa iyo nasa dulo ng sampayan. Sa iyo pala iyan eh bakit hindi ikaw ang kumuha sa kanya? Galit na singhal ng kasama ko sa akin. Inamin ko tuloy na sa akin ito! Sigaw pa rin ng kasama ko. Eh bakit mo kasi inamin na sa iyo yan! tanong ko sa kanya. Eh parehas eh! kaya lang ito.. may butas na.. may perdible pa! hayup ka! HA HA HA

TAGUMPAY



Ano nga ba ang tamang pagkakaintindi natin sa salitang "TAGUMPAY"? Maraming bagay ang pwede nating ipaloob dito, tagumpay sa pag-ibig, tagumpay sa pakikipagtalo, tagumpay sa pakikipag-paligsahan ng lakas, tagumpay sa hamon ng buhay, tagumpay dahil nakapagtapos ka na ng pag-aaral at nakamit na natin ang inaasam-asam na diploma sa kolehiyo at marami pang iba na masasabi nating tagumpay tayo. Lahat tayo ay may kanya-kanyang paliwanag dito at lahat tayo ay may kanya-kanyang paniniwala.

Para sa aking paniniwala.. ihahalintulad ko ang mga sinabi ko sa itaas sa isang paligsahan, tulad ng larong basketball.. nagtagumpay ka sa unang laro, tagumpay ka sa pangalawa, pangatlo ngunit itoy bahagi pa lamang ng unang yugto ng tagumpay. Tagumpay pa lamang ng isang elimination round, hindi mo pa lubos na nakakamit ang tunay na tagumpay kung saan kayo ang mananalo sa final. ( championship round ). Diyan mo palang masasabi ang tunay na tagumpay. Kung ikaw ay nakapagtapos na sa iyong pag-aaral masasabi mo na bang tagumpay ka ng lubusan kung hindi ka pa makahanap ng mapapasukan? Masasabi mo rin bang tagumpay ka na kung halimbawang meron ka ng hanapbuhay? at kung may hanapbuhay ka na hindi ka na ba maaring matangal pa sa iyong pinapasukan? Hangang saan nga ba maabot ang tunay na tagumpay? Tagumpay na maari mong mapakinabangan at lubos na magpapaligaya sa atin dahil sa nakamit nating tagumpay. Lagi kong nilalagay sa aking isipan na... Ang bawat isa sa atin ay nakaharap lang tayo lagi sa napakaraming pagsubok, pagsubok sa buhay, pagsubok sa mga kinakaharap na problema. Hindi ko alam kung tama o mali ang aking paniniwala, pero mas umiibabaw sa aking isipan na ang tunay na tagumpay na makakamit ko ay malalaman ko pa lang sa aking pagtanda. Yun bang... nasa huling yugto na ako ng aking buhay, ang pagdating ko sa edad ng aking pagtanda. Doon ko pa lamang malalaman kung naging tagumpay nga ba ako sa lahat ng aking nagawa. Para sa aking paniniwala tagumpay akong masasabi kung makamit ko at ng aking pamilya ang may maayos ng pamumuhay sa bandang huli kahit kami'y matanda na, kahit hindi na ako makapagtrabaho meron na kaming makakain ng aking mga anak, hindi na kami magugutom kahit hindi na ako magtrabaho, tagumpay akong masasabi kung napalaki ko na ang aking mga anak na hindi nakakaranas ng gutom kahit hindi na ako makapagtrabaho. Yun bang naka upo nalang ako sa upuang tumba-tumba na may ngiti sa aking mga labi na nakikita kong masaya ang aking pamilya dahil sa pundasyong itinayo ko nung akoy lumalaban pa lang sa hamon ng buhay. Nalampasan ko at ng aking asawa ang mga hirap na pinagdaanan ko noong akong nagtatrabaho pa lamang.

Ito ang masasabi kong tagumpay ko! ang nakarating ako sa pagtanda na nailagay ko sa ayos ang aking pamilya. Ito ang tagumpay na lubos na magpapaligaya sa akin. Tiniis ko ang lahat ng pasakit, tiniis ko ang lahat ng pangungulila, tiniis ko ang lahat ng paghihirap, tiniis ko ang lahat ng pagtitipid dahil naniniwala ako na... sa huli ko makakamit ang aking tagumpay, ang lahat ng aking isinakripisyo ako at ang aking pamilya ang tunay ding makikinabang. ''ITO ANG TUNAY NA TAGUMPAY PARA SA AKIN''.

Wednesday, 6 May 2009

PRIDE


Ano nga ba ang maitutulong sa atin ang salita na tinatawag nating ''PRIDE''?
Tayong mga pinoy ay kadalasang nakakarinig ng salitang ''MATAAS ANG PRIDE'' o ''MATAAS ANG EGO'' sa salitang pabalbal.
Ano o saan ba dapat gamitin ang salitang ito? Ito ba ay nakakatulong sa isang tao? o ito ba ay nakakasira sa atin? o ito ba ay nakakasira ng isang magandang pagsasamahan?

Ang salitang ito ay madalas nating nakikita o nararamdaman natin sa isang kaibigan, kamag-anak, o kahit na sino. Para sa aking paniniwala ito ay isang ugat ng pagkakasira ng magandang pagtitinginan, At sa aking paniniwala isa rin ito sa masasabi kong pangunahing kasalanan ng isang tao. Isa din ito sa humaharang tungo sa ating tagumpay (''Pride is the single greatest hindrance to our success'').

Ang isang taong ma-pride ay hindi tumatawag ng makakasama or makakatulong kahit kailangan niya ng tulong, ayaw niyang ipakita sa iba na kahit wala siyang kakayahang gawin ang isang bagay.. pinipilit pa rin niyang ipinakikita na kaya niya kahit may mga tao na handang mag bigay ng kanilang nalalaman ayon sa kanilang karanasan upang makatulong tungo sa ating tinatahak na tagumpay. Isaalang-alang natin na.. walang sino man ang magaling sa lahat ng bagay, lahat tayo may kanya-kanyang kahinaan na mangangailangan ng tulong ng iba. Para sa aking paniniwala, ang isang pinaka magandang paraan para makarating ka sa ibabaw ng kanilang karunungan.. pakingan mo at basahin mo sa iyong isipan ano man ang ibig nilang iparating.
Kung ipinapakita natin sa iba na lahat ng bagay ay kaya nating gawin at hindi na kailangan ng tulong ng iba dahil sa pride na pinakikita.. para mo na silang itinulak na lumayo sa atin.

Kung ma pride tayo... kailangan nating mag ingat sa lahat ng bagay, sa lahat ng problemang darating sa atin na hindi natin kayang lutasin. Ang isa pang bagay na masasabi kong makakasama ay tungkol sa mag asawa na nagiging dahilan ng pagkawatak ng kanilang pagsasama, pataasan ng pride ang bawat isa ayaw magpatalo sa bawat isa, ayaw sumuko ng bawat isa, hangang sa dumating ang araw na mawala ang pagmamahalan ng bawat isa. Kapag ang pride ang naghari sa ating katauhan at nag iisip na lagi kang nangingibabaw sa lahat.. ikaw ay para naring isang bulag.

Sana... manatili tayong nakatapak sa lupa.
Wala namang masama kung wala tayong pride, para sa aking pananaw kayabangan lang yan! Wala namang mawawala kung wala tayong pride, wala namang masama kung maging humble tayo sa iba. Give them the green light to confront us when we are are getting out of hand. At maging open tayo at pakingan ano man ang kanilang sasabihin at bigyan natin ng kahalagaan o pagpapahalaga ang mga taong gustong magbigay ng kanilang nalalaman.

Ang isipin natin, kung minsan.. Ang mga bagay na iniambag o ibinahagi nila sa atin ay resulta ng sarili nating tagumpay!

SALAMAT PO SA INYONG PAGBABASA!