Wednesday, 6 May 2009

PRIDE


Ano nga ba ang maitutulong sa atin ang salita na tinatawag nating ''PRIDE''?
Tayong mga pinoy ay kadalasang nakakarinig ng salitang ''MATAAS ANG PRIDE'' o ''MATAAS ANG EGO'' sa salitang pabalbal.
Ano o saan ba dapat gamitin ang salitang ito? Ito ba ay nakakatulong sa isang tao? o ito ba ay nakakasira sa atin? o ito ba ay nakakasira ng isang magandang pagsasamahan?

Ang salitang ito ay madalas nating nakikita o nararamdaman natin sa isang kaibigan, kamag-anak, o kahit na sino. Para sa aking paniniwala ito ay isang ugat ng pagkakasira ng magandang pagtitinginan, At sa aking paniniwala isa rin ito sa masasabi kong pangunahing kasalanan ng isang tao. Isa din ito sa humaharang tungo sa ating tagumpay (''Pride is the single greatest hindrance to our success'').

Ang isang taong ma-pride ay hindi tumatawag ng makakasama or makakatulong kahit kailangan niya ng tulong, ayaw niyang ipakita sa iba na kahit wala siyang kakayahang gawin ang isang bagay.. pinipilit pa rin niyang ipinakikita na kaya niya kahit may mga tao na handang mag bigay ng kanilang nalalaman ayon sa kanilang karanasan upang makatulong tungo sa ating tinatahak na tagumpay. Isaalang-alang natin na.. walang sino man ang magaling sa lahat ng bagay, lahat tayo may kanya-kanyang kahinaan na mangangailangan ng tulong ng iba. Para sa aking paniniwala, ang isang pinaka magandang paraan para makarating ka sa ibabaw ng kanilang karunungan.. pakingan mo at basahin mo sa iyong isipan ano man ang ibig nilang iparating.
Kung ipinapakita natin sa iba na lahat ng bagay ay kaya nating gawin at hindi na kailangan ng tulong ng iba dahil sa pride na pinakikita.. para mo na silang itinulak na lumayo sa atin.

Kung ma pride tayo... kailangan nating mag ingat sa lahat ng bagay, sa lahat ng problemang darating sa atin na hindi natin kayang lutasin. Ang isa pang bagay na masasabi kong makakasama ay tungkol sa mag asawa na nagiging dahilan ng pagkawatak ng kanilang pagsasama, pataasan ng pride ang bawat isa ayaw magpatalo sa bawat isa, ayaw sumuko ng bawat isa, hangang sa dumating ang araw na mawala ang pagmamahalan ng bawat isa. Kapag ang pride ang naghari sa ating katauhan at nag iisip na lagi kang nangingibabaw sa lahat.. ikaw ay para naring isang bulag.

Sana... manatili tayong nakatapak sa lupa.
Wala namang masama kung wala tayong pride, para sa aking pananaw kayabangan lang yan! Wala namang mawawala kung wala tayong pride, wala namang masama kung maging humble tayo sa iba. Give them the green light to confront us when we are are getting out of hand. At maging open tayo at pakingan ano man ang kanilang sasabihin at bigyan natin ng kahalagaan o pagpapahalaga ang mga taong gustong magbigay ng kanilang nalalaman.

Ang isipin natin, kung minsan.. Ang mga bagay na iniambag o ibinahagi nila sa atin ay resulta ng sarili nating tagumpay!

SALAMAT PO SA INYONG PAGBABASA!

No comments:

Post a Comment