Thursday, 14 May 2009

HUWAG MO AKONG IWAN

Isang kwento nanaman ng pag-ibig ang nais kong ipabasa sa inyo mga kababayan kong mambabasa, isang kwento ng pag-ibig na pagsuway sa mga magulang makasama lang ang lalaking kanyang minamahal.
Papangalanan kong mariefe ang babaing umibig ng todo-todo sa lalaking si ronron, (he he he pangalan ko po iyan, kahit dito man lang sa kwento ko akoy maging bida uli).

Unang pag-ibig ni mariefe si ronron na nakilala niya sa isang paligsahan kung saan player ng basketball si ronron, sa hindi inaasahang pagkakataon nagtagpo si mariefe at si ronron na humantong sa pagmamahalan. Dahil medyo menor de edad pa si mariefe labis ang pagtutol ng mga magulang ni mariefe sa kanilang pagmamahalan. Lumipas ang mga araw, kahit hindi pa gaanong kilala ni mariefe ang tunay na pagkatao ni ronron, nabihag si mariefe ng pag-ibig ni ronron at dahil sa tawag ng pag-ibig at pagmamahal naging magkasintahan ang dalawa hangang sa yayain na ni ronron na magtanan silang dalawa bagay na lalong ikinagalit ng amat-ina ni mariefe. Sumamang magtanan si mariefe kay ronron, Natigil narin ang pag-aaral nilang dalawa. Nagsama si mariefe at ronron, umupa sila ng isang maliit na kuwarto. Dahil nga sa hindi nakapagtapos ng pagaaral si ronron halos wala din siyang mapasukan na maayos na trabaho, pa ekstra-ekstra nalang si ronron sa konstraksiyon. Lumipas ang maraming buwan, naisipan ni mariefe na kumustahin ang kanyang mga magulang, tinawagan niya ang kanyang amat-ina. Krriiinnggg... Hello.. inay kumusta na po kayo? Sumagot ang kabilang linya... '' ay!! huwag ka ng tumawag-tawag dito dahil hindi ka na namin kilala!! (singhal ng ina ni mariefe). ''Inay.. Patawarin na po ninyo ako'' (umiiyak na sagot ni mariefe). ''Hindi ka namin mapapatawad sa ginawa mo!! at mula ngayon wala ka ng uuwian!! magsama kayo ng asawa mo!! (sigaw uli ng kanyang ina) Blaggg!! (sabay bagsak ng telepono) lalong umiyak ng umiyak si mariefe sa mga salitang narinig niya mula sa kanyang ina.. ngunit hindi na niya pinaalam pa kay ronron.
Habang lumilipas ang maraming araw, lalong nakakaramdam ng hirap ng pamumuhay si mariefe at si ronron.. dahil sa walang permanenteng trabaho si ronron. Isang araw habang naglalaba si mariefe ng kanilang mga damit, isinabay narin niya ang pagluluto para pagdating ng kanyang asawa merong ng makain kaagad, kasabay din ng kanyang paglalaba pinapakingan niya ang paborito niya awitin na.. ''DONT CRY OUT LOUD''. Basang-basa na ang kasuotan ni mariefe at sobra narin ang kanyang pagod ng araw na yon, maya-maya dumating si ronron na walang imik, nagtaka si mariefe.. sinundan niya sa loob ang kanyang asawa, at nakita niya si ronron na nagiimpake ng mga damit.. nagulat siya.. tinanong niya si ronron.. ''bakit? saan ka pupunta ron? Aalis na ako... dumating na yung petisyon sa akin ng aking kasintahan na nasa america.. umuwi ka na lang sa inyo.(sagot ni ronron). Nagulat si mariefe, hindi makapaniwala sa sinabing iyon ng kanyang asawa, para siyang mauupos na kandila, wala ng mabigkas na salita, umupo nalang sa isang tabi si mariefe, nakatulala, kasabay ng awit na naririnig niya ang wala ng patid na pag-agos ng kanyang mga luha. ''Iiwan mo na ako ron''? Oo hindi ko narin kaya ang hirap natin dito. Lalong hindi na napigilan ni mariefe ang humagulhol.. Paano na nga naman siya.. gayong itinakwil na siya ng kanyang mga magulang.. saan pa siya uuwi? saan pa siya kukuha ng pangbayad sa bahay? paano siya kukuha ng pagkain niya? saan na siya pupunta? tinakpan nalang ni mariefe ang sarili niyang mukha habang humahagulhol.. ayaw niyang tingnan ang pag-alis ni ronron.. ni wala na siyang lakas na pigilan si ronron. ''Aalis na ako marie'' (sabi ni ronron). nanatiling umiiyak si mariefe. Hangang sa lumabas na si ronron, humakbang palayo.. nanatiling umiiyak si mariefe.. humiga nalang si mariefe sa sahig nawalan na siya ng lakas. Sumapit ang gabi nanatili paring nakahiga si mariefe sa sahig.. ni hindi na nakapagpalit ng damit.. ni hindi na nakakain, inabot ng umaga,tanghali, nanatili paring nakatalukmo sa sahig si mariefe.

Sumapit ang hapon nanatili paring nakahiga si mariefe sa sahig.. isang lalaki ang pumasok ini-upo ang katawan ni mariefe.. ngunit nanatili paring nakapikit si mariefe. ''MARIE'', ''MARIE'', (malambot na tinig ng lalaki). niyakap si marie ng mahigpit, mahigpit na mahigpit, "MARIE", "MARIE",Dumilat si mariefe, sabay yakap, sabay iyak, (si ronron bumalik sa piling niya) Patawarin mo ako... hindi kita kayang iwan.. (bulong ni ronron) nanatili silang magkayakap, ''halika na kakain na tayo'', aya ni ronron. Nanatili paring nakayakap si mariefe, Hindi alam ni ronron.. na kung hindi siya bumalik iyon narin ang huling araw ni mariefe.
Halika na.. kakain na tayo, may dala akong pagkain, at bukas uuwi na tayo sa amin.. pinapauwi na tayo ng mga nanay ko doon naraw tayo titira sa amin. Ngayon masayang masaya na si mariefe dahil isisilang na ang panganay nilang anak. ''WAKAS''

Sa pag-ibig kadalasan babae ang madalas umiyak, madalas masaktan, madalas iwanan at madalas babae ang sumasalo sa lahat ng problemang dapat sanay karamay ang mga taong naging dahilan ng kanilang pag iyak. Bakit kaya may pag-ibig pa kung ang katumbas naman ay ang pag luha.

Mga ate ngiti naman kayo jan!

4 comments:

  1. Hi Jettro! Aba, ang ganda nung ending ng storya. Ang sakit naman nung una, pero ok yung ending.

    Uu nga pala, parehas po pala tayong nominado sa Chorva blog awards. Gudluck po sa atin! :D

    ReplyDelete
  2. hi chaze, oo nga ikaw pala kasabay ko sa botohan. good luck sa iyo ha sana ikaw manalo.

    ReplyDelete
  3. I did enjoy reading post, and have decided to share you my tag award, kindly collect it from my site.

    Life is beautiful, keep on blogging.

    ReplyDelete
  4. Thanks pope god bless you always

    ReplyDelete