Monday, 18 May 2009

MATIGAS ANG ULO


Maliit pa ako madalas i kuwento ng aking nanay kung paano ako inilabas sa mundong ito.. Kahit ako ay namangha sa mga ikinu kuwento ng aking nanay. Alam nyo ba kung ilang beses ako ipinanganak ng nanay ko? Teka... magsindi muna ako ng sigarilyo he he he. Ganito naman talaga ako habang tumitipa sa bawat dahon ng makinilya ko sumasabay ang hithit-buga ng usok ng sigarilyo''. Tatlong beses po akong lumabas pero... pilit nila akong ibinabalik sa loob.

Sabi ng nanay ko matigas daw ang ulo ko, (ulo po sa itaas ha). Bakit nga kaya...? dahil nga daw kaya matigas ang ulo ko dahil nung oras daw na inilalabas na ako sa mundong ito.. ang unang lumabas daw sa akin ay ang isang kamay ko. Kaya nahirapan ang komadronang ilabas ako ng tuluyan, napilitan silang ibalik ako sa loob saka ako pinaikot uli ng komadrona, sa pagaakala nila na nasa ayos na ako.. itinulak muli akong palabas, eh kaso ang unang lumabas naman ay ang aking isang paa, napilitan nanaman akong ibalik sa loob dahil hirap nga naman ang kalagayan ko.

"Tingnan nyo nga naman itong mga buwisit na ito..! gusto ko na ngang lumabas pilit akong sinasauli sa loob.'' Kung pwede nga lang ako sumigaw sisigawan ko itong komadronang ito eh.
Pag balik ko sa loob pinaikot akong muli ng komadrona hangang sa ulo ko na ang unang lumabas. Pagkalabas ko sa mundong ito na wala pang nagagawang kasalanan.. nakatikim ako agad ng dalawang palo sa puwet kaya doon daw ako umiyak.. tingnan nyo.. wala pa akong ginagawang kasalanan pinalo na ako kaagad. Ngayon.. eto na ang inyong lingkod kasama ninyong nakikipag unahan sa pagtipa ng makinilya at walang palatandaan na may katigasan ang ulo, basta ang alam ko maunawain akong tao yon lang mga folks.

6 comments:

  1. oo nga noh... palabas ka pa lang sa mudong itoh eh matigas na ulo moh... tsk!... lolz.. pero thanks sa nagpaanak sau at kahit nakailang ikot kah at ilang beses kah nilabas pasok eh nailabas kah nang maayos sa mundong itoh... parang ngetzpah pakinggan noh nilabas pasok... lolz... salamat sa pagbisitah sa page koh... ingatz... Godbless! -di

    ReplyDelete
  2. Ron nakakatuwa naman ang kwento mo kung paano ka ipinanganak.. sana pag ako nagka-baby wag maging kasing tigas ng ulo mo..LOLZ.. para di ako masyadong mahirapan..

    buti na lang pala di mo dinala hanngang sa paglaki mo ang katigasan ng iyong ulo dahil lumaki kang super bait at understanding na tao kaya saludo ako sayo idol!

    ReplyDelete
  3. ahahaha...natawa naman ako dun, hangkulet, ang kumadrona talaga ang may kasalanan diyan eh, buti hindi ka nahilo sa kakapaikot sayo..nyahahah

    ReplyDelete
  4. hahaha..aga mong naging kulit ha!

    ReplyDelete
  5. Maraming salamat po sa mga komento ninyo nakakataba ng puso.

    Salamat Dhianz, Anonymous ikaw si jhen noh? thanks ha!

    Salamat din kay Deth at Bingkay
    God bless po sa inyo lagi.

    ReplyDelete
  6. alam ko kung bakit di ka agad umiyak manong... kasi nahilo ka sa kakaikot! hahahaha!!!

    ReplyDelete