Naglalakad ako sa isang park para magpalipas ng oras, nag iisa akong naglalakad mas gusto ko kasi ito yung maglakad ng nagiisa mas komportable ako ng nag iisa. Kung maari lang ayaw kong isama mga kaibigan kong lalaki na magugulo. Maganda na itong nag iisa nakakapag isip ka ng maayos, malayo ang nararating ng aking isipan kung akoy nag iisa. May konting tama ng alak sa utak kontento na ako don.
Sa aking paglalakad.. may nasulyapan akong pinay na nag iisang naka upo, parang malungkot at malayo ang iniisip nilapitan ko ng bahagya nasulyapan ko na parang may luha sa kanyang mga mata.
Nilapitan ko at sinubukan kong kausapin, ''Hi'' (bati ko sa kanya) tumingin lang siya sa akin, pagkatapos yumuko uli. Minarapat ko na lang na umupo sa kanyang tabi, ''May problema ba? Hindi siya sumagot, nagtanong ako uli... Tila umiiyak ka..Bakit? Hindi uli siya sumagot, tinapunan lang ako ng konting tingin saka yumukong muli. ''Nagtanong akong muli..'' Sinong kasama mo? Ikaw lang ba ang nandito? Tumango lang pero hindi nagsalita. ''Ako uli ang nagsalita.." Bakit ka nandito? Saan ka umuuwi? Hindi nanaman sumagot. Sige huling tanong ko na ito... aalis na ako palagay ko ayaw mo lang siguro ng may kausap. Pipi ka ba? Yon! Napansin ko medyo nangiti siya.. kasi lumobo yung sipon niya eh.
Umiiyak ka ba? Nakikita ko kasi sa iyong mga mata ang lungkot na dala-dala ng damdamin mo. Nagsalita siya.. naikwento niya sa akin ang kasintahan pala niya mayron ng iba.
Mahal mo pa ba siya?
Ngayon hindi na, nasaktan lang ako sa ginawa niya.
Pag aralan mo na siyang kalimutan, huwag mo na siyang iiyakan, hindi lang siya ang pwedeng mag mahal sa iyo.. meron pa diyan sa tabi-tabi (he he he) Huwag mong hahayaan na lagi kang iiyak. (Ngumingiti na siya) Marami pa kaming nagpag usapan hangang sa magdilim hinatid ko nalang siya sa sakayan ng bus hangang sa naghiwalay na kami, nakita ko nalang siya na kumakaway nagbaba bye sa akin habang papalayo ang sinasakyan niyang bus.
Iisa ang sumasagi sa isipan ko... ang ganda-ganda niya Hayyy nakaka inlab naman siya. Bigla akong nagulat napatulala ako sabay kamot ko sa ulo, hindi ko pala nakuha yung number ng cellphone niya! pati address nakalimutan kong itanong! Sayanggg! Pangalan lang pala niya ang nakuha ko!
Jusko po! ang tanga-tanga ko naman!
Sana... Isa dito sa mga blagera 'yon!
tsk! sayang nga... well kung destined sya sau magkikita at magkikita kayong muli... ingatz. Godbless! -di
ReplyDeleteHahaha! kwento ka kasi ng kwento nakalimutan mo tuloy.
ReplyDeleteBalik ka nalang dun sa place baka makita mo siya ulit..
Hi dhianz, sana nga bumalik don uli thanks
ReplyDeleteHi binks oo nga dami kong naitanong yun pang importante ang nakalimutan ko, nakakatulala din kasi kagandahan niya eh thanks binks.
sayang! sana mag krus muli landas nyo. :)
ReplyDeleteHi miss guided, oo nga di bale sana isa sa inyo nina miss dhianz, miss bingkay at ikaw ang makilala ko balang araw. thanks sa comment ninyo ha.
ReplyDeleteKung kayo talaga ang nakalaan para sa isa't isa, mangyayari 'yun.
ReplyDeletewag ka mag alala nandito lang sa tabi tabi yung tao na yun..hehehe
ReplyDeleteHi Jet..hahaha bak ikaw si papampam sa isang entry ko hahaha bashin mo un..
ReplyDelete