Sunday, 4 November 2012
ANG TUNAY NA DAHILAN
Bakit nga ba nag hihiwalay ang dalawang mag asawa?
Ano ang pangunahing dahilan ng pag hihiwalay ng mag asawa?
Maraming dahilan ng paghihiwalay ng dalawang nagsasama hindi ko na iisa-isahin dahil alam na natin ang mga dahilan kung bakit naghihiwalay ang mag asawa at ang isa sa mabigat na dahilan ng paghihiwalay ay ang pagkakaroon ng tinatawag na 3rd party. Pero bakit nga ba nagkakaroon ng 3rd party? Lalaki man o babae umaabot sa ganyang sitwasyon pero ano nga ba ang mabigat na dahilan kung bakit nagagawa ng bawat isa ang pagkakaroon ng ibang minamahal? Marami ang nagsasabi at pangkaraniwang dahilan na ng tao ay ang salitang "love" "nagmahal lang kami", "tao lang kami na marunong din magmahal". Ano naman ang dahilan kung bakit nagmamahal tayong muli? Syempre andyan yung idadahilan natin na iresponsable ang asawa ko, andyan naman yung idadahilan na bungangera ang asawa ko maraming pwedeng idahilan na pwedeng itago ang tunay na dahilan na sa isang banda wala naman tayong panahon para imbistigahan pa natin ang tunay na katotohanan sa kanilang mga dahilan at wala naman sa kahit sino ang aamin ng tunay na dahilan. May mga tao pa ngang kumakaliwa kahit wala naman talagang malalim na dahilan kung bakit pa sila kumakaliwa kahit nga ang ibang nagsasama na walang masamang dahilan nagagawa paring kumaliwa, iisa lang naman lagi ang panakip butas na dahilan ng milyong-milyong tao sa ganitong sitwasyon ang bukang bigbig na.. "nagmahal lang kami". "Pagmamahal" ang palaging dahilan at pagmamahal ang pantakip sa tunay na nararamdamang libog. Sa tingin nyo.. bakit pa nagagawang kumaliwa ang mga taong wala naman talagang masamang dahilan para magawa at pagtaksilan parin nila ang kanilang asawa, kahit nga alam na nila ang problemang idudulot ng gagawin nilang pangangaliwa pero patuloy parin nilang nagagawa.
Bakit nga ba?
Matagal kong pinag aralan ang bagay na iyan tulad ng sinabi ko sa itaas may masamang dahilan man o wala pero nagagawa parin nila ang kumaliwa. Iisa lang naman talaga ang dahilan "sex" o "kalibugan" ito ang tunay na dahilan ito ang katotohanang ikinukubli sa mga pangkaraniwang idinadahilan ng tao ayaw lang kasi nilang pulaan sila ng tao... sex ang pangunahing ugat ng paghihiwalay ng mag asawa. Kung ang asawa mong babae ay nag kulang sa pangangailangan asahan mo hindi ito makakaiwas sa tukso at tawag ng pangangailangan kahit pa sabihin na nating anong bait ng kanyang asawa. Sa panig naman ng lalaki sigurado ito rin ang pangunahing dahilan ng pangangaliwa niya ito ang katotohanang ikinukubli ng kanilang kasinungalingang "nagmahal lang ako", "tao lang akong naghahanap ng tunay na pagmamahal". Alam ko marami ang mag re-react dahil ang tao likas ang kasinungalingan, kahit sang ayon sa sinasabi mo pilit paring mangangatwiran nature na kasi ng tao ang kasinungalingan at nature narin ng tao ang hindi pagtangap sa katotohanan. Sino ba ang taong kayang umiwas sa sex? maari maiiwasan kung hindi niya kursunada yung tao. Kaya nga ang taong nangingibang bansa na nagkakawalay ng maraming taon doon nila malayang nagagawa ang hindi dapat ginagawa at doon natin maririnig ang madalas na dahilan ng tao "umibig lang ako". Kung may pagkakataong gumawa gagawa at gagawa lalot napakaraming pagkakataong pwedeng gawin at malayang gawin.
morning alam u po mali naman ung sinasabi ninyo pag nandito sa ibang bansa malaya n ang nagawawa....OFw din po ako...3 years n ko dito...at bout sa sex..kung satingin mo alang nakakaiwas jan..mali ka po>>>ako po un<<tionkzzzz madaling iwasan kng gusto...mahirap tanggagihan kng gusto din nasa isip lng ng tao yan...pding libangin ang sarili..sa ibng bagay hindi lng jan..we're happy here n sa church namin nilalaan ang holiday namin..minsan mas like ko pang mag kulong sa room at matulog kasya gumala sa labas para sa day off hehehehe cenxa n na kikicomment salamat po
ReplyDeletesalamat kabayan fatima sa pagbisita ok lang kung nag share ka ng opinion mo nakikinig nman din ako ng opinion buhat sa iba.. ayon lang nman iyan sa 16 yrs ko na pagtatrabaho sa ibang bansa ayon din iyan sa mga nkikita ko.. kung sinasabi mo na mali ako sa sinabi kong walang nkakaiwas sa sex maaring nasasabi mo iyan dahil sa 3 yrs mo plang nman dyan sa malayo.. may mga araw k pa at taon na haharapin ang tawag ng pag ibig para makontrol mo na hindi k mkakagawa.. sana nga kabayan heheh
ReplyDeletesalamat kabayan fatima sa pagbisita ok lang kung nag share ka ng opinion mo nakikinig nman din ako ng opinion buhat sa iba.. ayon lang nman iyan sa 16 yrs ko na pagtatrabaho sa ibang bansa ayon din iyan sa mga nkikita ko.. kung sinasabi mo na mali ako sa sinabi kong walang nkakaiwas sa sex maaring nasasabi mo iyan dahil sa 3 yrs mo plang nman dyan sa malayo.. may mga araw k pa at taon na haharapin ang tawag ng pag ibig para makontrol mo na hindi k mkakagawa.. sana nga kabayan heheh
ReplyDeleteHindi ako sang ayon sa dahilang SEX ang pangunahing dahilan ng paghihiwalay ng isang magsing irog.. Kc kung mahal na mahal TALAGA nila ang ISA'T ISA.. hinding hindi sila gagawa ng ikakasama ng loob at ikasisira ng relasyon nila.. May mga point kc sa buhay na nagpapakasal nlang dahil sa bata. Output nun conditional ung love na tinatawag.. Kaya habang lumilipas ang panahon.. Nakakakilala pa rin c boy/girl ng sa tingin nila at pakiramdam nila true love na talaga ung nagiging 3rd party sa kanila.
ReplyDeleteHindi ako sang ayon sa dahilang SEX ang pangunahing dahilan ng paghihiwalay ng isang magsing irog.. Kc kung mahal na mahal TALAGA nila ang ISA'T ISA.. hinding hindi sila gagawa ng ikakasama ng loob at ikasisira ng relasyon nila.. May mga point kc sa buhay na nagpapakasal nlang dahil sa bata. Output nun conditional ung love na tinatawag.. Kaya habang lumilipas ang panahon.. Nakakakilala pa rin c boy/girl ng sa tingin nila at pakiramdam nila true love na talaga ung nagiging 3rd party sa kanila.
ReplyDeletesalamat po miss or mister anonymous sa inyong pagbabasa at sa pagbibigay ng opinion dito sabagay may katotohanan din naman po ang opinion ninyo maaaring ganyan nga kadalasan o maaring ganon din sa mga sinulat ko... minsan kasi may mga nakikita ako o nababalitaan na lalo na ang mga lalaki na tulad ko haha hindi nakakaiwas sa tukso o sa tawag ng pangangailangan lalo na kung may kagandahan hirap kontrolin ang nararamdaman hanggang sa lumalim na ng lumalim ang pagsasama. salamat po miss or mister anonymous hintayin ko pa po kayo sa ibang post ko
ReplyDeleteMinsan kasi kaya nagkakaroon ng third party, dahil hindi makuntento sa partner, or talagang may pagkukulang si partner na hindi maibigay.
ReplyDeletesalamat kaibigang anonymous sa pagbisita at pagbabasa.. maaring tama ka sa iyong paniniwala.. maaring kadalasan na iyan ang pangkaraniwang dahilan na sinasabi ng iba.. yan lang naman talaga ang pwede nilang idahilan.. may mga tao na kapag nakakakita ng maganda ang kadalasang pumapasok sa isip nila ""ang ganda naman niya - ang sarap siguro tikman haha imposible naman na hindi sila gagawa ng hakbang para ligawan. sa babae kaya pag nakakita ng guwapo ano kaya nasa isip ng iba... ""sana ligawan ako nung guwapong lalaki"" hahaha
ReplyDeleteang tukso naman po kasi ay naguugat saan? sa mismo nating kabiyak minsan po kasi dahil sa pagiging malamig ng ating kabiyak at madalas na pagtatalo eh nagdudulot ito ng galit sa ating mga puso upang magbigay sa atin ng lakas ng loob upang humanap ng ibang mababalingan/makakaramay sa ating mga dinadala ..
ReplyDeleteok salamat naman at naii-share din ninyo mga paniniwala ninyo hindi ko naman hinahadlangangan ang paniniwala ng kahit sino alam ko naman na may kanya kanya tayong opinion... para sa akin binabase ko lang naman sa mga nakikita ko na halimbawa kahit anong pagsubok ang dinadanas ng mag asawa o magkasintahan wala talagang makakahadlang sa kanilang pagsasama kung talagang may pagmamahalan... di ba minsan na kadalasan paano kung may naging kaibigan yung lalaki na kasing ganda ni rica paralejo makaya kaya niyang kontrolin ang kanyang sarili na hindi matukso sa ganung kagandang babae? o hindi kaya bumigay yung babae sa ganung ka-guwapong lalake... siguro sasabihin ng ibang nagmamalinis ""oo hindi po ako ganun"". Imposible!
ReplyDeleteHindi ako naniniwala dahil lang sa sex baka cguro sa iba pero hindi sa lahat. Ako naghiwalay kami ng ex live in partner ko noon dahil tamad cxa hindi nagtatagal sa trabaho pano nya kami bubuhayin kung hindi cxa kakayod ako ok lang din nmn ako magtrabaho kaso hindi din cxa mag babantay ng bata dahil puro barkada inaatupag mag inom sa barkada papogi. Kaya hiniwalayan ko cancel din ang wedding namin at umuwi ako samin dinala ko anak ko wala nmn kaming magandang bukas sa kanya kung ganyan. Kaya maraming dahilan kung bakit naghihiwalay ang tao hindi lang sa sex sir promise idagdag mo na yang mga tamad at irresponsbleng tao sa mundo alam lng ang salitang ama tatay pero hindi kayang gampanan nakakabwesit..sorry po
ReplyDeletehaha ung masasabi ko lng po ay tama po sex ang dahilan ng paghihiwalay ng mg asawa...
ReplyDeletesalamat po sa pagbisita at pagbabasa dito madam unknown totoo din po ang sinabi ninyo isa rin talagang dahilan iyan ang pagiging irresponsable ng lalaki sa kanyang pamilya kaya naghihiwalay ang mag asawa isa din ang dahilan ang pananakit ng asawa sanhi din ng paghihiwalay.. pero ang lahat po ng iyan ay tunay na talagang hindi nagtatagal ang pagsasama.. salamat po
ReplyDeletesalamat din po kabayang cel sa pagbabasa