Sunday, 4 November 2012

ITS MORE FUN IN THE PHILIPPINES

Iyan ang pinagmamalaking salita ngayon ng ating ahensya ng gobyerno sa mga torismo "its more fun in the philippines". Ano nga ba ang tunay na maipagmamalaking kagandahan ng pilipinas? Ang magagandang mga tanawin ba ng pilipinas? Ano ba ang mga magagandang tanawin ng pilipinas? Mga gabundok na basura na pinagkakaguluhan ng mga batang namumulot ng basura? Hindi ko na iisa-isahin ang lahat ng nakapanlulumong paningin sa pilipinas, alam ko na alam na nating lahat kung gaano na kapangit ang katayuan at kalagayan hindi lang ng bansa pati na ng mga pilipino. Kahit libutin mo ang buong pilipinas halos wala kang makitang nakakamanghang kagandahan sa pilipinas na ginawa mismo ng tao or ng gobyerno ang tanging alam ko lang na ipinagmamalaki ng gobyerno natin ay ang mga likas yaman ng kabundukan, mga kwebang ginawa na ng kalikasan. Sa tingin nyo ba sa nabangit ko sa itaas ay mas nakakaakit ang pilipinas kung ikukumpara sa ibang bansa? Mas magaganda di hamak ang mga lugar sa ibang bansa na karamihan pa sa lugar nila ay hindi natin mararanasan dito sa pilipinas na talagang dinevelop na mas kamangha-manghang tingnan ang mga lugar na pang akit nila sa mga turista, mga lugar na talagang ginastusan ng husto ng gobyerno. Ang perang nakokolekta ng gobyerno mula sa mga taxes ng mga tao ay talagang inilalaan nila ng husto sa mga proyektong kung saan masisiyahan ang tao, kung saan ang mga mamamayan ang totoong makikinabang ng pera ng gobyerno hindi ng mga taong nakaupo lang sa pwesto. Ang isang maipagmamalaki lang naman talaga ng pilipinas ay ang pagiging masayahin natin na halos lahat ng mga pilipinong makakasalubong o makakausap ng mga turista ay nakangiti, sa madaling salita magaling tayong makiharap sa bisita magaling tayong makipagbolahan sa mga turista sa sobrang kagalingan natin sa pakikitungo sa mga turista kahit gumagawa na ng illegal hindi pa natin hinuhuli pero ang mga items nahuhuli minsan dinudugas pa ng mga nakakumpiska. Napakasakit sabihin na sa dami ng mga dayuhan dito sa ating bansa parang hindi naman pamamasyal ang ipinupunta nila dito sa ating bansa, ayon sa napapanood ko sa mga balita karamihan sa mga gumagawa ng katiwalian dito sa ating bansa ay ang mga dayuhan turista dahil dito sila nakakapagtago ng malaya, dito sila nakakagawa ng kalokohan ng malaya, dito sila nagpapakalat ng mga droga, dito sila nagkakaroon ng mga kasama na mismong mga pilipino pa ang kanilang ginagawang galamay at mismong mga pilipino pa ang mismong nagtatago sa mga taong tulad nila, kadalasan na kahit mahulihan ng mga ibidensya hindi pa nahuhuli ang mismong dayuhan na may ari ng mga nakulimbat na smuggling dahil alam nila na madaling takpan ng pera ang bibig at utak ng mga pilipino. Sa puntong ito hindi ko masisi ang mga pilipinong nagiging kasabwat o mga pilipinong natatakpan ng pera dahil sa kanilang kahirapan, kahirapang walang maayos na solusyon ang gobyerno. Pero kung ating maalala at bibilangin kung ilan na ang mga dayuhang namintas sa ating bansa, mga turista at mga sikat na tao sa ibang bansa ang hindi napigilang magsalita at maglabas ng kanilang saloobin ukol sa nakita nila dito sa ating bansa. Mga salitang sampal sa pagkatao nating mga pilipino at ng ating mga nanunungkulan sa gobyerno. Pero sa likod ng mga pamimintas ng mga dayuhan natuto na ba ang mga kinauukulan? Tayo pa nga ang matapang at tayo pa ang magaling mangatwiran, dahil ang isang ugali nating mga pilipino ay ang mangatwiran, ugaling ayaw tumangap ng pagkatalo, imbis na solusyonan ang problema nangangatwiran pa, kung ano-anong masasakit na salita pa ang ibabato sa mga turistang nagpahayag ng saloobin tungkol sa kapangitan ng pilipinas. Its more fun in the philippines, More fun dahil masarap manood ng balita na puro nakawan, puro patayan, puro pulis na hinuhuli, puro teacher na kinakasuhan ang napapanood, more fun dahil puro exotic food na ang napapanood na kinakain na ng mga pilipino, aso, buwaya, butiki, itlog ng langam na pula, tipaklong, palaka, ararawan, paniki, buwaya, cobra, daga at maraming-marami pa na sumasalamin sa tunay na istado ng indibidwal na pilipino. Alam ko sasabihin ninyo hindi naman lahat ay kumakain ng exotic food may mga pilipino din kumakain ng tamang pagkain, tama sa oras oo tama kayo pero hindi ninyo maikakaila na dapat sana ay wala ng kumakain ng mga nakakahindik na balahibong kainin kung ang istado sana natin ay nasa katulad ninyo na may yaman at kakayahang hindi mamulat sa mga ganyang nakahihindik na pagkain. Kung hindi sana ganito.. di sana wala ng kakain ng daga, palaka, paniki upang maranasan din namin ang magsawa at mauma sa lasa ng espagheti, mang inasal at jollibee na tunay na masasabi mong its more fun in the philippines. Kung ako na mismong pilipino ang magsasabing... bumisita kayo sa aming bansa ay hindi ko tahasang magawa dahil ayokong nang dagdagan pa ang kahihiyang inabot mula sa katotohanang sinabi ng hindi na mabilang na mga dayuhang nakaranas na tumapak dito sa ating bansa dahil minsan nakakabinging pakingan ang katotohanan na ang pilipinas ay isa at nangungunang pinaka maruming lugar sa buong mundo. Hindi nakakabingi ang mga salitang pamimintas ng mga dayuhan kungdi ang nakakabinging katotohanan na tunay na nararanasan at nakikita natin dito sa ating bansa.

No comments:

Post a Comment