Kadalasan ito ang karaniwang naririnig natin sa ating mga kababayang namamasukan sa ibayong dagat (ofw). Libo-libo o milyon-milyong pilipino na ang nakipagsapalaran dito sa ibayong dagat at milyon-milyon pa ang nagbabalak o nangangarap maging ofw. Hindi maikakaila o hindi na lingid sa ating kaalaman kung ano ang kalagayan natin dito sa ibang bansa. Karamihan sa ating mga pilipino ay nangangarap na palaring makaalis kahit abot na ng ating kaalaman na mahirap maging ofw pero sa kabila ng paniniwalang iyan hindi parin mapigilan ang daming mga pilipino ang nagbabakasakaling maka-alis at nangangarap na maging ofw.
Maaring sabihin na nating 95 porsiyento na nagtatrabaho bilang ofw ay ang kapos ang pamumuhay sa ating bansa, karamihan pa sa mga nagtatrabaho sa ibang bansa walang hanap buhay o walang trabaho sa pilipinas. May mga kababayan man tayong ofw na kahit may trabaho na sa pilipinas halos hindi ka pa makabili ng isang sakong bigas sa tuwing dumarating ang sahod, sa pamasahe palang wala na halos matira sa sinusuweldo mo may trabaho ka pa niyan paano pa kaya kung wala kang trabaho sa pilipinas? Bumibili ka ng bigas na pakilo-kilo lang o kaya makapasok ka man ng kompanya after six months or 3 months tanggal ka nanaman saan ka na kukuha ng ipapakain mo sa pamilya mo? Hirap di ba? Pero kung ofw ka kahit hindi mo gaanong nakikita pamilya mo pero nakakausap mo naman sila sa cellphone at may sigurado ka namang may pera dahil ofw ka mas mahirap kaya yan? Ilang porsiyento ba na nagtatrabaho sa ibang bansa bilang ofw ang nagsasabing mahirap maging ofw at ilang porsiyento naman kaya na mga kababayan natin na kasalukuyang nasa ibang bansa na ngayon ang nagsasabing mas mahirap ang buhay sa pilipinas?
Maaring sabihin na nating 95 porsiyento na nagtatrabaho bilang ofw ay ang kapos ang pamumuhay sa ating bansa, karamihan pa sa mga nagtatrabaho sa ibang bansa walang hanap buhay o walang trabaho sa pilipinas. May mga kababayan man tayong ofw na kahit may trabaho na sa pilipinas halos hindi ka pa makabili ng isang sakong bigas sa tuwing dumarating ang sahod, sa pamasahe palang wala na halos matira sa sinusuweldo mo may trabaho ka pa niyan paano pa kaya kung wala kang trabaho sa pilipinas? Bumibili ka ng bigas na pakilo-kilo lang o kaya makapasok ka man ng kompanya after six months or 3 months tanggal ka nanaman saan ka na kukuha ng ipapakain mo sa pamilya mo? Hirap di ba? Pero kung ofw ka kahit hindi mo gaanong nakikita pamilya mo pero nakakausap mo naman sila sa cellphone at may sigurado ka namang may pera dahil ofw ka mas mahirap kaya yan? Ilang porsiyento ba na nagtatrabaho sa ibang bansa bilang ofw ang nagsasabing mahirap maging ofw at ilang porsiyento naman kaya na mga kababayan natin na kasalukuyang nasa ibang bansa na ngayon ang nagsasabing mas mahirap ang buhay sa pilipinas?
Ikaw... tanungin mo ang sarili mo kung alin ang mas mahirap?
Karamihan sa nakakausap ko kahit nuong nasa Jeddah Saudi Arabia pa ako noon na mas mababa di hamak ang kinikita ko sa saudi arabia pero sa bawat pilipinong nakaka-usap ko mas malaki ang porsiyentong ayaw umuwi ng pilipinas at sa bawat isa sa kanila ang nagsasabing mas mahirap ang buhay sa pilipinas. Tanungin natin ang isang nagsasabing mahirap maging ofw... Bakit ayaw mo pang umuwi sa pilipinas kung mahirap maging ofw? Ano ba ang naging mahirap sa pagpunta mo sa ibang bansa? Gaano ba karami ang naramdaman mong hirap bilang ofw? Kung ikukumpara mo sa dami ng hirap ang naramdaman sa pilipinas?
Sa labin limang taon kong pagtatrabaho dito sa ibang bansa lahat ng nararamdaman at lahat ng nararanasan ng isang ofw ay napagdaan ko nang lahat. Kung noong dati tanging sulat lang ang tanging pinakang tulay naming mag asawa napagtiisan namin dahil alam kong mas mahirap ang buhay sa pilipinas di hamak na mas lalong maganda ngayon dahil may internet ng namamagitan sa inyo ng inyong mga mahal sa buhay. Pagmasdan natin ang ating mga kababayan dito sa ibang bansa ngayon, pagmasdan natin ang mga kasama natin diyan mismo sa inyong kinalalagyan kung mababanaag mo ba sa kanilang pangangatawan ang naghihirap na kalagayan? Pag masdan mo narin ang mga kababayan nating nasa pilipinas kung sino ang makikita mong mas naghihirap na kalagayan sa kanilang pangangatawan. Alam ko at alam nating lahat na mahirap ang hindi mo makita ang iyong pamilya kung nahihirapan ka bilang ofw at kung papipiliin ka uuwi ka ba o hindi? Ano kaya isasagot mo?
Mahirap ang ofw... marahil nga, mahirap dahil ang hirap magluto sa umaga para baunin mo sa iyong trabaho, ang hirap magluto lalo't may hang over ka pa at masakit ang ulo. Lahat ng klase ng gutom dadanasin mo kung ofw ka dahil... tamad kang magluto kaya ginugutom ka. Nagugutom ka dahil naubosan ka na nang hawak mong alawans dahil sa kaiinom mo, dahil sa kasusugal mo, dahil sa kapapasyal mo kasama ng mga barkada at kaibigan mo, dahil sa kabibili mo ng kung ano-anong maisip mo at pag naubusan ka na ng hawak na pera saka ka lang makakaramdam ng homesick dahil hindi ka na makagala, hindi ka na makapag sugal, hindi ka na maka-inom hindi ka narin halos makaluto saka mo maiisip ang pamilya mo, saka ka palang makakaramdam ng kalungkutan dahil wala ka ng hawak na pera dito na maririnig sa iyong mga labi na... ''MAHIRAP MAGING OFW''. Pero kung may hawak ka nanamang pera dahil naka-utang ka nanaman kung kangi-kangino wala nanaman ang nararamdaman mong kalungkutan, wala nanaman ang nararamdaman mong homesick at wala naring maririnig sa iyong mga labi na ''mahirap maging ofw'' maaring ang marinig na mula sa iyo... ''Ang sarap ng buhay dito sa abroad'' Masarap dahil may hawak ka nanamang pera, masarap na dahil may pang date ka nanaman, may pang-magdamagan na namang sugal at inom, may pang pasyal nanaman, pang gudtaym na dating hindi mo nagagawa nuong nasa pilipinas ka pa at katabi mo ang pamilya mo.
Kadalasan na naririnig natin... ''DUGO AT PAWIS ANG PINUHUNAN NATIN DITO SA MALAYONG LUGAR''. Wala namang pinagkaiba nuong nasa pilipinas tayo, parehas na trabaho lang, parehas na pagod din sa pagtatrabaho dugo at pawis din. Aminin man natin o hindi... masyado lang siguro tayong madrama sa buhay, masyado lang siguro tayong madrama sa salita pero kung papipiliin ka.. "UUWI KA BA O HINDI?
ANO BA ANG MAS MAHIRAP?
MAGING OFW SA IBANG BANSA OR MAGING OFW SA SARILING BANSA? ( Kung saan alipin ka ng dayuhan sa sariling bansa ) Para sa akin... hindi mahirap ang maging ofw Ikaw lang ang nagpapahirap sa sarili mo. Nalulungkot lang ako lalo sa mga kababayan nating sinawing palad dito sa ibang bansa ng dahil narin sa kapabayaan ng mga opisyales ng ating gobyerno.
Ang buhay at kapalaran hindi natin kayang hadlangan saan man dako tayo naroroon.
Para sayo pre hindi mahirap dahil siguro sa labinlimang taon mo nang nagtatrabaho sa ibang bansa ay nasanay ka nang malayo sa pamilya...
ReplyDeleteAng sinasabi nilang "Mahirap ang maging OFW" ay hindi nangangahulugan na kapos ka financially, nahihirapan ang isang OFW dahil hindi sya sanay na malayo sa kanyang mga mahal sa buhay di tulad ng iba na nasanay na.pero ano magagawa nya? kailangan lumayo sa pamilya para sa kinabukasan ng mga to, sakripisyo ika nga nila...
Mahirap ang maging OFW in a way na hindi sila sanay malayo sa mahal sa buhay at hindi dahil kinakapos sila sa pera...
Bakit pa ako andito kung mahirap maging OFW? simple lang, kailangan ko pakainin ang pamilya ko at mabigyan ng magandang kinabukasan.Kung nasa Pinas ako malamang hindi ko maibigay yan.
"Eh nahihirapan ka na nga eh"
Ok lang ako mahirapan dahil malayo ako sa kanila, pero ung malapit ako sa kanila at wala kaming makain at pati sila nahihirapan, hindi ko siguro papayagan
Intindihin din natin ung mga OFW na nagsasabing mahirap maging OFW dahil di natin alam kung ano ang nararamdaman nila...dahil alam ko merong mga OFW na kahit maraming pera ay nahihirapan pa rin, nahihirapan dahil sa pagkasabik na makasama ang pamilya...
Nice parekoy nakukuha ko ibig mong ipahiwatig salamat parekoy sa pagbisita at sa maganda mong pinaliwanag. tc/gb parekoy lord cm
ReplyDeleteagree, Lord CM.
ReplyDeleteako, wala akong balak (dati) ang umalis ng bansa para sa trabaho... gusto ko bakasyon lang.. pero ewan ko, malay ko... hehe.
SALAMAT kuya jettro!
isang post na iiwan kang nagtatanong...
'gugustuhin ko bang maging OFW?'
yan kasi natanong ko e, haha!
HELLO! :P
mahirap kung mahirap, okay lang kung okay. kung nag iisa ka, mahirap talaga, wala kang karamay. maganda ang trabahong iniwan ko sa pinas,tama lang ang sahod at may bonus pa. pero pinili kong mangibang bansa sa dahilang ako ang magpapaaral sa kapatid ko at isa sa mga paborito kong pamangkin. pero hindi pare-pareho ang kapalaran ng mga nangingibang bansa.
ReplyDeletesa dati kong trabaho sa pinas, nakakapagpadala pa ako ng allowance ng nanay at tatay ko bwan buwan.. pero nung nangibang bansa ako, sa loob ng isang taon, nung pasko lang ako nakapagpadala, kulang kulang pa. sa pinas pag sinugod sa hospi ang nanay ko, nakakauwi ako agad-agad at sasamahan siya sa lahat ng pagsubok sa hospital na un..nung nangibang bansa ako, kahit gustuhin ko mang umuwi, hindi pwede. minsan, hindi financially ang dahilan kung bakit nasasabi ng iba na mahirap maging ofw.
wala akong asawa, wala akong anak. nung nangibang bansa ako, iniwan ako ng bf ko.. pero mas gugustuhin ko pa rin umuwi ng pinas, para sa nanay at tatay ko...marami naman pwedeng gawin sa pinas na pagkakitaan, depende na lang sa tao kung pano un idedevelop.... :)
matagal ka na rin palang ofw parekoy...saludo para sa u sa tagal ng pagtitiis mong malayo sa mga mahal mo sa buhay..:)
ay may gusto lang pala akong ishare -- may katrabaho ako sa dati kong pinagtatrabahuhan, nagpuntang amerika at nakipagsapalaran ng ilang buwan para makalayas sa bahay ng byenan niya.. habang andun siya, nakaratay na sa hospi ang tatay niya. pinilit niyang umuwi ng pinas, pag uwi niya, wala ng buhay ang tatay niya. eto ang isa sa mga rason kung bakit mas gugustuhin ko pang umuwi ng pinas. masuklian ko man lang ng emosyonal na pangangailangan at pag aalaga ang mga magulang ko bago nila ako iwan, kesa ung andito naman ako at hindi ko pinaramdam ang gusto kong iparating sa kanila...
salamat sa pagbasa ng reply ko. paxenxahan mo na at napahaba.. :)
hi leng salamat sa pag bisita at sa comment at sa ibinahagi mong damdamin tungkol sa mga parents mo at sa dati mong co-worker sa pinas.
ReplyDeleteTulad ng sabi ko sa entry ko ''kung uuwi ka ba o hindi'' kung nahihirapan ka bilang ofw malamang na uuwi ka dahil hirap ka. pero kung hindi ka uuwi hindi ka hirap di ba?
Tulad ng sabi mo na wala ka pang pamilya anak o asawa at nung nasa pinas ka nakakapagbigay ka ng allowances ng mga parents mo pero ngayong nasa abroad ka isang taon nung pasko ka lang nakapagbigay. gayong wala ka pa palang pamilya na pinagkakagastusan. Ayaw ko sanang manghimasok sa buhay mo lang ask ko lang may work ka ba diyan sa kinalalagyan mo ngayon? kung may work ka siguro naman may suweldo karin para mabahaginan mo ng kinikita ang mga parents mo, kung wala kang sahod maari ngang hindi ka makapagpadala sa kanila pero kung sumusuweldo ka naman hindi ko na alam kung anong dahilan at sa loob ng isang taon nung pasko ka lang nakapagbigay sa kanila. Minsan ang pangungulila sa mga parents o sa mga mahal sa buhay ay napapalitan ng kaligayahan at natatakpan ng kaligayahan dahil napupunuan naman ng perang pinapadala natin sa kanila. Ibig kong sabihin masaya narin tayo kung nakakapagbigay tayo sa kanila at ganon din sila. at kung tunay na nakakapagbigay tayo sa mga parents natin hindi tayo guilty kahit hindi natin sila makita pansamantala.
At don sa co-worker mo na nagpunta ng america dahil lang sa gusto niyang iwasan ang biyenan niya ang pagpunta lalo sa america ay isang napakagandang apotunity nating mga pilipino. Dalawa lang yan maaring immigrant ang pagpunta niya doon or tourist hindi bilang ofw. Ibig sabihin sa tagal ng proseso ng papers papunta doon maaring alam na niya kung anong kalagayan ng father niya. Maliban lang kung biglaan ang pagkamatay na kahit naman nasa maynila ka lang hindi rin maabutang buhay ganon din di ba? Sabihin na nating ofw siya sa america mas lalong hindi siya makakaranas ng hirap doon.
OO leng matagal na ako dito sa abroad dahil sa hirap ng buhay dito sa pinas. Kung hirap ako bilang ofw at hirap ako sa nararamdaman kong pangungulila uuwi nalang ako dahil hirap ako. Tumagal ako dito dahil nawawala yung hirap at pangungulila ko dahil sa kaligayahan kong makitang masaya ang aking pamilya.
Minsan lahat ng halimbawa pwede nating isulat kahit malayo sa tunay na nararamdaman.
Bilang ofw alam kong pangungulila lang sa mga mahal sa buhay ang mahirap sa isang ofw at alam nating lahat na mawawala lang iyang pangungulila lalot nakakapagpadala ka ng para sa kanilang kaligayahan kahit hindi natin sila nakikita basta wala tayong guilt na nararamdam ok lang.
Thanks leng tc/gb
Napahaba itong paliwanag ko binibigyan ko lang ng katarungan ang entry ko hahaha.
okay lang parekoy... may work naman ako dito, pero gaya nga ng sabi ko, iba iba ang kapalaran ng mga nangingibang bansa. may trabaho ako pero ung kinikita ko ay hindi sapat para makapagpadala ako. mahigit isang taon na ako dito at mahigit isang taon na rin na pare pareho ang sistema ng pagbibigay ng sahod dito sa kompanyang pinasukan ko. late ang sahuran, minsan dalawang buwan, pero madalas, isang buwan. sa ngayon, katapusan na ng may pero hindi pa namin nakukuha ang sahod namin for april. ilang installments pa yan. pagdating ng a-dos, bayaran na ng bahay, ung installments na inipon mo, mahihila yun pambayad ng bahay, kaya madalas, nadadale ang ipon mo... sabi mo, nagsaudi ka dati.. alam mo naman siguro kung gaano kamahal ang pamumuhay dito sa middle east. dito ako sa dubai nakadestino, kung saan lahat ng mga bibilhin, mahal.
ReplyDeletekaya nasabi kong mahirap kasi alam mo naman ang notion ng mga tao sa pinas, pag nasa abroad ka, paniniwala nila, maganda na ang buhay mo, marami ka ng pera..(sad to say, ganun din paniniwala ng mga magulang ko).. kaya mahirap ung andito ka sa malayo, nangungulila sa kanila, tapos hindi ka pa nakakapagpadala... (pero kung siguro minsanan ang bagsak ng sahod namin at on time, malamang, may maipapadala kahit konti sa pinas - mahirap magbudget na hindi mo alam kung kailan ibibigay ang next na installment).
at sa co-worker ko naman, matagal na siyang nabigyan ng multiple entry visa, pangalawang punta na nya nun dun at hindi niya alm ang kalagayan ng tatay nya nung umalis siya.. at ganun pa rin..gaya ng sabi ko, iba iba ang kapalaran, meron ung makakuha ka agad ng trabaho at kumita, meron din ung matagal bago ka makakuha ng trabaho..
kaya kahit saang sulok ng mundo, kahit sa mga mayayamang bansa, hindi pa rin natin masasabi na may kagandahan ang buhay.. :)
salamat sa mga opinyon.. hope to read more entries from u.. :) tc.. :)
Ganon ba leng naku hirap nga kung ganyan ang sahod ninyo, sa dubai ka pala, try mo humanap ng ibang kompanya leng magpareleas ka nalang diyan hindi pwede sa atin yang ganyang sahod. punta ka ng canada embassy leng madaling makapasok ng canada try mo lang baka swertehen ka kung kailangan mo ng site ibigay ko sa iyo yung link ng website nila pati agency para makapag apply ka online ok mag send ka sa kanila ng resme leng god bless & take care leng.
ReplyDeleteleng hindi kita mabisita sa blog mo mag iwan ka ng link ng blog mo pasyal ako sa iyo.
ReplyDeleteaawww... mas mahal ang babayaran ko kung magparelease ako... pipiliin ko na lang umuwi ng pinas at ipunin ung pambayad ko sa kompanya, breach of contract kasi dating ko nun...
ReplyDeleteya, kung ok lang, pasend naman ako ng link kung saan....
eto blog ko... : http://imwalkingaroundsolo.blogspot.com
ung una kong blog na nabugbog sa kaemohan ko eto: http://arnz.i.ph
thanx.. :)