Monday, 22 October 2012

RESULTA NG KABOBOHAN

         Sa loob ng labing anim na taon kong pagtatrabaho sa ibang bansa kitang - kita ko ang kabulukan ng mga pilipino hindi ng ating bansa ha. Nadadamay lang ang lugar sa kabobohan ng tao, kabobohan sa solusyon ng mga pulitiko. Ang kagandahan ng isang lugar ay ayon sa kagalingan ng tao at ang kapangitan din ng isang lugar ay nakadepende rin sa kabobohan ng tao. Tulad ng mga bansang singapore, malaysia, japan, korea at marami pang ibang karatig bansa kitang - kita ang kalinisan at kagandahan ng kanilang kapaligiran na talagang mapapamangha ka dahil ibang - iba sa pilipinas, kung makakakita ka ng mga lugar na makikita mo lang sa ibang bansa hindi mo maiiwasang maisip ang pilipinas, mapapailing ka, manlulumo ka kitang - kita ang kabobohan at klase ng tao at pulitiko dito sa pilipinas, ang lahat ng iyan ay resulta ng kanilang kagalingan, kagalingan ng tao, kagalingan ng kanilang gobyerno, kagalingan ng isip ng kanilang mga pulitiko. Ang pilipinas ay may mga kasabihan na nananatili nalang kasabihan na.. ang bawat katanungan ay may nakalaang kasagutan, kasagutan na ayaw nating tugunan dahil sa kabobohan. Mga problemang may solusyong katapat na ayaw namang solusyunan dahil sa katamaran.

Ang katayuan ng ng pilipinas at katayuan ng pamumuhay ng mga pilipino ay resulta ng kabobohan at katamaran ng mga pulitiko, masakit lang isipin na lahat sila ay mga pilipino sa kanila nakikita ang tunay na ugali ng mga pilipino, bangayan, siraan, kampihan, mga mahihilig lang sa umpisa, payabangan, papormahan, magagaling lang sa salita, ngayon kitang - kita na ang resulta. Ang mga pilipino ay namulat na sa hirap ng pamumuhay, mga pilipinong bilango ng kahirapan, mga pilipinong nakatanikala na hindi lang sa kabobohan ng pamamahala kundi sa uri ng pag uugali natin bilang pilipino. Hindi naman mahirap ungkatin ang tunay na dahilan kung bakit hirap na tayong bumili ng isang stick ng sigarilyo, pisong asukal ayaw lang talaga nilang magtrabaho ng tama o bobo lang talaga na kaiba sa ibang bansa na wala kang mabibiling isang stick na sigarilyo, isang supot ng ice candy na mantika, isang tasang suka katumbas ng isang dakot na yaman ng mga pilipino, kumpara sa ibang bansa na kahit na pake-paketeng sigarilyo magaang bilhin, galon - galong mantika na kayang bilhin ng bulsa patunay na ang laki ng agwat sa ating mga pilipino. Hindi ko na sisisihin dito ang mga mamamayang botante dahil hindi naman talaga dapat tapunan ng sisi ang mga mamamayan sa pagpili ng kanilang mga iboboto, mayaman man o mahirap, matalino man o bobo ang mga botante pare-parehas lang tayong biktima ng kabobohan, kawalan ng disiplina at kawalan ng malasakit, lahat tayo ay biktima ng klase ng pagiisip at ugali ng ating mga opisyal ng gobyerno.

Ang hirap ungkatin ang tunay na dahilan kung bakit tayo naging ganito, ang hirap ungkatin kung bakit naging ganito ang ating bansa. Makatotohanan man ang sinasabi mo kung ang kausap mo ay isang makitid din ang utak walang maniniwala sa iyo. Hindi ko tinutukoy dito ang ikonomiya ng pilipinas, ang tinutukoy ko dito ay ang kapaligiran ng bansang pilipinas kung saan masisilayan mo ang resulta kung paano gumawa at mag isip ang mga pulitiko at hindi lang mismo ang mga pulitiko ang may pagpapabaya kasama narin ang mga humahawak at mga tauhan ng mga ahensya ng gobyerno lahat sila ay mga pilipinong salamin ng tunay na ugali nating mga pilipino. Pagmasdan mo sa TV ang ating mga pulitiko, mababakas mo ang angking talino daw nila pero heto at tayo ang nagdurusa, kakaunting talino nila tayo ang pumapasan pagmasdan mo ang kanilang mga mukha idikit mo sa iyong imahinasyon ang larawan ng kanilang mga mukha at larawan ng lahat ng mga kabulukan na nakikita natin sa paligid mapapailing ka dahil ang maaninag mo sa kapaligiran ay larawan ng kabobohan hindi ng talino. Pagmasdan ninyo mga kalsadang lubak - lubak, kalsadang nabubulok na tubig baha, mga tubig baha sa mga estero, mabahong kapaligiran, mga basurang nagkalat, gabundok na basura mga batang walang makain, mga batang walang pinag aralan, mga batang lumaki sa lansangan, mga batang nagiging isnatser, magnanakaw, rapist, addik, mga pamilyang walang tahanan, mga pamilyang sa bangketa natutulog, mga pamilyang walang hanap buhay angat lang ng konti ang may hanapbuhay pero parehas lang na nahihirapan, mga kapulisan na talamak ang kotongan, mga kapulisan na kanyang-kanyang raket sa pangongotong, mga pulis na magnanakaw, mga pulis utak ng sindikato, utak ng sugalan, utak ng mga druglord, mga guro sa public school na rapist, magnanakaw, sadista, rapist, nambubugbog ng mga mag aaral, mga gurong nagpapakain ng plastik sa mga bata, mga gurong tiwali, mga ghost employee sa gobyerno yan ang mga maipagmamalaking ugali ng mga pilipino, mga senador na bangayan, mga senador na nag aaway - away, kanya-kanyang siraan, kanya - kanayng pagalingan sa harap ng kamera, mga pulitikong nagpapatayan, agawan sa yaman, agawan sa kapangyarihan na nagdudulot ng madugong pagtatagpo, mga conngressmen na walang maisip na batas kundi palitan ang pangalan ng airport, palitan ang pangalan ng edsa, pilipinas pa ang nangungunang pinakapangit na airport sa buong mundo, ilan lang yan sa resulta ng kabobohan ng pamamahala ng gobyerno at ng mga pulitiko, iyan ang tunay na ugali nating mga pilipino, ilan lang yan sa ugat ng mga problemang hindi kayang solusyunan.

Ang sakit isipin na ganito na tayo ngayon, ganito na kalala ang nangyayari sa ating bansa, ganito na ang kalakaran upang mabuhay dito sa ating bansa. Hindi ko masisisi ang mga botante ng election dahil lahat tayo ay walang alam sa klase ng pag iisip ng tao lahat tayo ay biktima ng ugaling sa sarili rin natin mismo nakikita. Ngayong nalalapit nanaman ang election.. mas lalo kong nakikita ang magiging kahihinatnan lalo ng ating bansa. Nakikinita ko na lalong dumadami ang angkan ng mga pulitikong nais na muling magpayaman at magpapahirap sa mga mamamayan ng pilipinas. Nakikinita ko na... dahil madadagdagan ang kabobohan na mas nakakapanlumong resulta ang matutunghayan nating lahat.

Kung anong hirap hanapin ang solusyon ng pangit na kapaligiran ng pilipinas at hirap na kalagayan ng mga mamamayan... ganon din kahirap solusyunan ang kabobohan ng utak ng mga opisyales ng pamahalaan.

Pagmasdan mo ang kalagayan ng mga pilipino ngayon... yan ang resulta ng kanilang kabobohan.

1 comment:

  1. hindi po maikakaila na lahat po ng inyong sinabi ay totoo. Isa rin po akong pilipino at ako rin po ay kitang kita ko ang kalagayan ng ating bansa, kung gano kalaki ang pagkakaiba sa mga kapitbahay bansa nito. Pero sa totoo lang po kahit na mag-bago ang mga tao sa gobyerno kung hindi naman nakikiisa at hindi willing magbago ang mga tao sa atin ay wala ring silbi. Walang saysay ang pag-kakaisa kung wala ring kwenta ang individual na ugali. Meron sisira at sisira nito.

    ReplyDelete