Saturday, 27 October 2012

DAPAT BA MAKONTENTO

Marami ang nagsasabi sa buhay daw ng tao ay kailangan marunong kang makontento sa kung anong meron ka, kailangan marunong kang makontento sa kung ano ka ngayon at kailangan makontento ka sa mga bagay-bagay na meron ka na wala sa iba. Ilang porsyento ng mga pilipino ang naniniwala at bumibilib sa salitang "kontento". Alam ko hindi masama ang makontento sa mga bagay na meron ka pero.. alam mo ba kung paano mo nagagawa sa reyalidad ang pagiging kontento? Paano ba ang pagiging kontento? Sapat na ba ang meron ka kahit hindi ka na nasisiyahan sa mga bagay na nasa iyo?

Kadalasan kong nababasa at naririnig na sumasang-ayon sila sa mga salita na nababasa nila gayong sa reyalidad ng buhay ay hindi naman nila nagagawa,  andyan pa yung makikipagtalo sila ng nauukol sa usaping pagiging kontento gayong sa reyalidad ng buhay ay hindi naman nila magawa ang ipinaglalaban nila, isa siyang ofw na dating may hanapbuhay sa pilipinas ngunit nagawa pang mangibang bansa upang humanap ng mas malaking sahod. Kung tunay na siya ay ang taong marunong makontento bakit pa siya naghangad ng mas malaking sahod sa ibang bansa gayong meron na siyang hanapbuhay sa pilipinas di ba dapat makontento na siya ng kung anong meron siya dati, dapat nakontento na siya sa kanyang trabaho. Isa pang maihahalimbawa ko ang mga taong mayayaman sa america or kahit dito sa pilipinas sa kabila ng kanilang tinatagong mga yaman ay patuloy at patuloy parin silang nagtatrabaho para madagdagan pa ng madagdagan ang kanilang yaman sa malinis na paraan, sa kabila ng dami nilang itinayong mga kompanya ay patuloy at patuloy parin silang nagpaparami ng kompanya dahil iyon ang alam nila na lalong magpapasaya sa kanila ng husto, walang ipinagkaiba sa atin or ng kahit na kanginong tao kung may kakayahan karin lang abutin pa ang mga bagay na magpapasaya sa iyo bakit mo hindi gagawin, gawin mo lahat hanggat may pagkakataon, hindi mo kailangang tumigil hanggat kaya mong gawin sa malinis na paraan gawin mo, abutin mo.

Paano mo sasabihan ang isang taong wala kang kontento, wala kang kasiyahan na may kaakibat na reaction at may kasamang galit at panunumbat sa isang tao? Ginagamit lang natin ang salitang... "wala kang kontento sa buhay" kung galit ka sa isang tao or kung pinapangaralan mo ang isang tao na tumigil sa kanyang ginagawa, dito lumalabas ang salitang "wala kang kontento" or "hindi ka na nakontento". Pero... kung wala siyang ginagawang masama para abutin ang mga bagay na gusto niyang abutin or gusto niyang makamit sa malinis na paraan dapat ba nating sabihan ang isang tao ng.. "wala kang kontento sa buhay mo" bakit?
Bakit natin sasabihan ang isang tao ng ganyang salita? gayong wala naman siyang ginagawang masama? Masama bang gawin niya ang lahat ng bagay na magpapasaya sa kanya? Pipigilan mo ba ang isang tao sa kanyang tinatahak gayong wala naman siyang ginagawang masama?

Maaring may kanya-kanya tayong paniniwala ngunit tahasang sinasabi ko na kulang tayo sa tunay na pang unawa sa tunay na katotohanan at tunay na kahulugan ng mga bagay-bagay dito sa mundo.  Ayon sa aking pag aanalisa sa mga bagay-bagay na aking nalalaman na.. ang tunay na pagiging kontento at ang tunay na paraan para magawa mo ang kahulugan ng pagiging kontento ay kung "-wala ka ng kakayahang abutin o kunin ang mga bagay-bagay na magpapasiya sa sarili mo-" mga "bagay na kinukuha mo sa masama or sa hindi malinis na paraan makamit mo lang ang mga bagay na magpapasaya sa sarili mo"  dito natin pwedeng gamitin ang salitang "kontento", dito natin pwedeng sabihan ang isang tao na "wala kang kontento" dito ka dapat makontento sa mga bagay na meron ka, ang mga bagay na sumisira sa pagiging kontento ng isang tao ay ang bagay na meron ka ngunit kailangan mo pang dagdagan o palitan ang mga bagay na nasa iyo sa masamang paraan, gagawa ka ng masama upang makamit mo ang mga bagay na magpapasiya sa iyo. Ang pagiging kontento ay binibigyan mo na ng halaga ang mga bagay na meron ka or kung anong meron ka, huwag ka ng maghangad ng labis pa kung wala ka na rin lang kakayahang abutin ang mga bagay na higit pang magpapasaya sa iyo kaysa gumawa ka ng masama maabot o makuha mo lang ang mga ninanais mong abutin, diyan ka dapat makontento. Huwag mong abutin ang isang bagay kung wala ka ng kakayahang kunin sa malinis na paraan diyan mo makikita ang salitang pagiging kontento natin, sa ganyang paraan din natin magagamit sa reyalidad ang pagiging kontento.

Normal lang sa isang tao ang hanapin or kunin niya ang alam niyang the best para sa kanyang sarili, alam ko naman na lahat tayo kahit nasa atin na ang lahat pero patuloy at patuloy parin tayong naghahanap ng mga bagay na alam nating the best na nagpapasiya talaga sa atin.

Be thankful kung anong meron ka ngayon pero.. not be contented hanggat may kakayahan kang kunin or abutin ang mga bagay na the best para sa sarili mo basta sa malinis na paraan mo kukunin.

Isang aral...
Huwag kang makikipagtalo kung sa reyalidad ng buhay ay hindi mo rin magawa sa sarili ang mga bagay na ipinaglalaban mo.

1 comment: