WHO AM I
Naniniwala ba kayo na may mga taong hindi nila kilala ang kanilang sarili?
Ang totoo ay wala, walang taong hindi nakakakilala sa kanilang sarili, ang kailangan lang talaga natin ay matuto tayong tumangap ng katotohanan. Likas lang talaga sa tao ang hindi tumatangap ng katotohanan. Kahit alam nilang sinungaling sila pero ayaw nilang tangapin na sinungaling silang tao.
Eto ang resume ng aking pagkatao.
Bilang anak sa aking ama..
Malapit ako sa aking ama, lagi kong ka-kwentuhan ang aking ama, lagi kong kabiruan ang aking ama, hindi ko inaaway ang aking ama at hinding - hindi ko pinagsa-salitaan ng masasakit na salita ang aking ama, mahal ko ang aking ama.
Bilang anak sa aking ina..
Madalas ko kabiruan ang aking ina, hindi ako sumasagot ng pabalang sa aking ina, hindi ko rin pinagsasalitaan ng masasakit na salita ang aking ina, inaamo ko ang aking ina kung siya'y nagagalit o nagtatampo sa akin, mahal ko ang aking ina.
Bilang kapatid sa aking mga kapatid..
Bunso akong kapatid, lima ang mga kapatid kong babae, apat naman kaming mga lalaki. Kasundo ko ang lahat ng kapatid kong babae, ako ang madalas na nagpapatawa sa kanila, kung ako ang nakakaluwag hindi ko sila kayang tiisin at hinding - hindi ko sila kayang pagdamutan, hanggat kaya ko magbigay, nagbibigay ako sa kanila dahil hindi ko rin sila kayang nakikitang umiiyak. Lahat ng naibibigay ko sa iba kong mga kapatid na babae hindi ko na sinisingil sa kanila, dumadating man ang pagkakataon na hindi naiiwasan medyo nagigipit din ako minsan at nakakaramdam ako ng pagtatampo sa kanila pero hindi ko nagagawang magsalita at isumbat sa kanila ang ano mang mga bagay na naibigay ko sa kanila noon. Hindi ko ugali ang humingi ng tulong sa aking mga kapatid, kahit hanggang ngayon kapag bumibisita ako sa kanila gipit man ako hindi ko nagagawang humingi sa kanila kung bigyan ako salamat, kung hindi ok naman, hindi nalang ako umiimik o magsasalita magpapaalam nalang akong uuwi, pero ang hindi nila alam habang ako'y naglalakad papalayo umiiyak ako, tumutulo ang aking mga luha habang akoy naglalakad dahil hindi ko rin maiwasan kaawaan ang aking sarili, inaagapan ko nalang agad na punasan ang aking mga luha upang walang ibang makakita. Kung minsan hindi rin naiiwasan kung nakakaramdam ako ng konting galit sa aking mga kapatid na babae sa hindi rin naiiwasang mga dahilan kahit minsan hindi ko nagagawang sila'y komprontahin, sigawan o awayin, dahil ayokong nagkakaroon kami ng tampuhan. Kahit nasa kanila man ang kasalanan hindi ko parin sila kayang pagalitan o awayin dahil hindi ako ang taong mahilig mang-away ng kapatid. Hanggat kaya kong tumahimik tatahimik ako wag lang kaming magkaroon ng samaan ng loob. Hanggang ngayon ako lang sa mga lalaki ang hindi nagpapakita ng galit sa mga kapatid kong babae. Kahit alam kong may kakayahan at may karapatan din naman akong gawin sa kanila lalo't may kanya-kanya at sarili na kaming buhay, lalo pa't hindi naman sa kanila nangagaling ang aming kinabubuhay kaya kong gawin ang lahat sa kanila pero hindi naman ako katulad ng iba kong kapatid na lalaki.
Sa aking mga kapatid na lalaki, minsan hindi naiiwasang nagkakagalit, nagkakatampuhan at nagkakasagutan din. Pero nararamdaman ko akong bunso ang mas malaki at may malawak na pang uunawa sa kanila, ako ang may malawak na pananaw sa kanila, ako ang mas malalim magsalita sa kanila. Kahit sumasama ang loob ko sa kanila ako ang laging lumalapit para mawala ang aming samaan ng loob, kahit kaya ko rin namang makipagtigasan sa kanila pero nangingibabaw lagi sa akin ang pakikipagkaibigan. Lahat sila malalakas uminom ng alak ako lang ang mahinang uminom.
Bilang ama sa aking mga anak..
Matapang ako sa aking mga anak, mahigpit ako minsan sa aking mga anak, nakakatikim sa akin ang aking mga anak lalo na kung nawawalan sila ng disiplina at pag-galang sa kapatid at sa kanilang ina, sa bawat maling ginagawa binibigyan ko sila ng parusa depende sa kasalanang ginagawa, ngayong malalaki na sila konting salita ko lang takot na sila, tuwing kumakain kami ng agahan, tanghalian o hapunan doon ko isinasabay na pangaralan sila dahil sa aking paniniwala sumasabay ang aking mga pangaral sa mga pagkaing pumapasok sa kanilang katawan at nasisiguro ko na ang mga pangaral ko lang ang tanging naririnig sa oras ng kainan, malayo sa TV o sa alin mang ingay na maaring umagaw sa kanilang attensyon. Madalas kong sinasabi sa kanila ang tama at mali, madalas ko silang pangaralan na may kasamang pakonsyensya pipilitin kong patuluin ang kanilang luha habang nangangaral ako sa kanila. Pilit kong ipakita sa kanila kung anong ugali meron ako upang ako ang magsilbing halimbawa sa kanila.
Awa ng diyos yung bunso ko binata na rin ngayon hindi mapigil sa pagpu - pusoy aba humihingi pa sa akin ng pang taya. (wala narin ako magawa) nakikita kasi sa akin.
Bilang isang asawa..
Mahal ko ang aking asawa, lahat ng parte ng pagmamahal ibinibigay ko sa kanya. Hindi ako nakikipagtaasan ng pride sa kanya, mapagmahal akong asawa, kapag akoy nasa impluwensya ng alak lalo akong nagiging sweet sa kanya, nagpapatugtug ako ng mga mellow music at pilit ko siyang isinasayaw ng sweet. Minsan nagkakagalit man kami pero ako ang laging umuunawa sa kanya may kasalanan man siya o wala ako ang laging sumusuyo sa kanya, hindi - hindi ko siya kayang saktan, sigawan o pagbuhatan ng kamay dahil hindi ko siya kayang nakikitang umiiyak at lalong hindi-hindi ko siya kayang iwan o hiwalayan para lamang sumama sa iba. Minsan hindi man maiwasan dahil lalaki din ako nagkakagusto din ako sa iba pero hanggang doon lang dahil hindi ko siya kayang ipagpalit sa iba. Lahat ng perang kinikita ko sa aking pagtatrabaho iniintriga ko sa kanya (noon iyon), minsan kasi mahigpit humawak ng pera ang aking asawa kaya natuto narin ako magtago ng pang tong - it, isang daan lang naman kung medyo malaki - laki ang naiintriga ko sa kanya malaki na yung dalawang daan iba pa yung legal na pag - hingi ko sa kanya pang laro. he he he
Bilang ako sa mga taong aking nasa paligid..
Pala-kaibigan ako, minsan masaya din akong kausap dahil yan ang alam kong kailangan para mapalapit akong lalo sa aking mga kaibigan. Hindi ako mahilig makipag-away dahil ang laging nasa isipan ko "dapat kaibigan ang hanapin hindi kaaway". Mahalaga sa akin yan dahil walang taong magpa-plano sa iyo ng masama. Mahilig akong magkomento minsan sa mga taong nakikita kong nakakagawa ng mali sa kapwa. Kadalasan may mga nagsasabi sa akin na masakit daw ako magsalita pero sa totoo lang hindi naman talaga ako masakit magsalita ang katotohanan lang ang masakit. Prangka kasi akong tao alam naman natin na minsan masakit tangapin ang katotohanan at masakit makarinig ng katotohanan. Prangka akong magsalita in a nice way, hindi ako mahilig magsalita ng paligoy-ligoy kung nakita kong may nagawa kang mali magsasalita ako ng deretsahan sa tao kung kinakailangan akong magsalita pero kung wala hindi ako nagsasalita dahil alam ko rin naman manahimik, alam ko kung kaylan ako pwedeng magsalita, alam ko rin naman kung saan ako lulugar.
Hindi ako mahilig humingi ng tulong lalo na sa ibang tao, madali akong masaktan kung hindi ako natutulungan kahit alam kong kaya naman akong tulungan pero ni minsan hindi ako marunong magtanim ng sama ng loob sa mga taong hindi ako natutulungan dahil alam ko naman na "HINDI NILA OBLIGASYON NA TULUNGAN AKO". Hindi ako katulad ng iba na kung hindi mo natutulungan ay sila pa ang may ganang magalit.
Hindi ako basta-basta nagtitiwala sa tao, binabasa ko munang mabuti ang pagkatao bago ako tuluyang magtiwala. Mahirap ang madaling magtiwala kahit matagal na natin silang nakakasama dahil darating ang araw sa hindi naiiwasang pagkakataon oras na magkaroon kayo ng hindi magandang pagkakaunawaan "MAGKAKAROON SILA NG SANDATA NA IPANGLALABAN SA SA AKIN".
Sa paniniwala..
Hindi ako ang taong madaling maniwala sa sabi-sabi lang, naniniwalang totoo kahit hindi napapatunayan. Kahit sa religion hindi ako naniniwala, nakasulat lang at sinabi sa bibliya naniniwala ng totoo.
Karamihan sa mga kasabihan hindi ko pinapaniwalaan. Madalas kong binabasag ang paniniwala ng aking mga nakakausap pero hindi ko sinasabihan na mali ang kanilang mga pahayag o paniniwala upang hindi sila makaramdam ng pagkapahiya. Kung malaman ko naman na ako ang may mali sa mga paniniwala o pahayag hindi ko ugali na ipagpilitan ang alam kong mali.
Marunong akong tumangap ng pagkakamali, kapag nalaman kong may mali sa aking mga paliwanag o paniniwala tumatahimik na ako, hindi ko hilig ipagpilitan ang alam kong mali. Kapag nakagawa ako ng hindi maganda sa iba humihingi agad ako ng sorry.
Mahilig akong mapag-isa, likas sa akin ang mag-isip, mababaw lang ang aking kaligayahan, mas nakakaramdam ako ng kasiyahan kung umiinom ng red horse kahit nag iisa kaysa makipag inuman sa labas na puro kayabangan lang ang aking nakikita at naririnig.
Mahilig akong mamasyal lalo na kung nakamotor pagala-gala kahit saan makarating.
Sa pakikipag-usap sa tao..
Mahilig akong makipagbigayan ng mga kuro - kuro o opinion sa mga bagay na pinag-uusapan, mahilig akong makipag-debate. Pero maayos akong magsalita, maayos akong makipag-usap. Alam ko kung paano makipag-usap sa tao na hindi sila makakaramdam ng galit sa aking mga sinasabi. Kaya kong kontrolin ang aking sarili para maka-iwas sa umiinit na diskusyon. Meron akong sistema sa pakikipag-diskusyon, hindi ko pinipilit na maniwala ang aking mga nakakausap sa aking mga sinasabi ang mahalaga naipahayag ko ang aking mga nalalaman, pagkatapos titigil na ako bahala na sila kung maniniwala o hindi.
Kapag naramdaman ko na mababaw magbigay ng opinion ang aking mga nakaka-usap hindi ko na kinakailangan pang magpaliwanag ng lubusan dahil alam ko naman na hindi rin ako mauunawaan.
Marunong akong makinig sa mga sinasabi o kinukuwento ng aking mga nakakausap pero hindi ako madaling maniwala.
Madali kong maramdaman kung malalim o mababaw ang isip o pananaw ng aking nakakausap hindi ako tumatagal makipag-usap. Hindi rin ako tumatagal makipag-usap kapag naramdaman ko na ang kausap ko ay hindi marunong tumangap ng pagkakamali, yun bang ipagpipilitan parin kahit mali mga taong ayaw magpatalo, lalo na yung mga taong hindi marunong makinig sa kausap ang gusto sila nalang lagi ang pinakikingan.
Sa trabaho...
Hindi ako mahilig makipag-paligsahan sa trabaho man o sa personal, gumawa ka at gagawa din ako pero ang tatakbo sa isipan ko ay hihigitan ko ang ginagawa mo. Hindi ako mahilig makialam sa trabaho ng iba, hindi rin ako mahilig magsalita ng mali ang trabaho ng kasama at manisi ng pagkakamali ng iba dahil alam ko naman na hindi siya perpekto at alam ko rin na kahit ako ay nagkakamali din. Ayokong ibabato rin sa akin ang mga salitang ibinabato ko sa kanila. Hahayaan lang kita sa pagtatrabaho mo, kung gusto niyang diskarte niya ang masunod hahayaan lang kita at hindi ko ipagpipilitan ang diskarte ko dahil oras na pumalpak nasa kanila naman ang kredito.
Hindi ako mapagtanim ng sama ng loob, kung may nagawa sila na hindi maganda sa akin hindi ako nagsasalita hahanapin ko kung saan ang kiliti nila dahil yan lang naman ang tanging daan para mapangiti ko sila at mapalagay ang loob nila sa akin. Yan ang kahulugan ng.. "KAPAG BINATO KA NG BATO, BATUHIN MO NG TINAPAY". Hindi naman mahirap gawin yan.
Creative din ako.. mahilig ako mag isip ng mga bagay na maari kong gawin na ikakasiya ng iba.
Mahilig akong magsulat, ginagawa kong libangan ang pagsusulat.
Mababa akong tao, mababa ang kalooban ko, madali akong maawa sa isang tao, dahil naniniwala ako na ang awa ay pagmamahal, kung hindi ka marunong maawa walang puwang para ikaw ay magmahal. Madalas kung may nadadaanan akong pulubi magbibigay at magbibigay ako, ibinabahagi ko rin sa kanila ang sobra kong kaligayahan. Naniniwala ako na ang kabutihang ibinibigay natin sa tao ay ginagawaran ng kaligayahan at ang ginagawa nating kasalanan ay ginagawaran din ng kaparusahan ng ating dakilang lumikha.
Hanggang ngayon patuloy parin akong nag-a-aral, kadalasan pinag-a-ralan ko ang mga taong nakakaharap ko, pinag-a-aralan ko kung saan ang kanilang mga kiliti upang mapalapit akong lalo sa kanila. Pinag-a-aralan ko kung ano ang kanilang pagkatao upang malaman ko kung dapat ba silang pagkatiwalaan. Pinag-a-aralan ko ang mga salitang may mga magagandang kahulugan na magagamit ko sa pakikisalamuha sa iba.
Ang lahat ng bagay na ginagawa ko ngayon ay bunga ito ng mga natutunan ko sa aking pag-a-aral at ang mga bagay na nakakamit ko ngayon ay resulta ng aking mga ginagawa.
Monday, 25 April 2016
ANG MAHIRAP SA PAGSUSULAT
ANG MAHIRAP SA PAGSUSULAT
Depende po iyan sa kung anong tema ang ating isusulat, merong nagsusulat ng tungkol sa mga bali - balitang kanyang nasasagap sa loob at labas ng bansa, merong nagsusulat na ang tema ay tungkol sa kanyang mga nakaraan o karanasan, meron naman ang tungkol sa negosyo at marami pang iba.
Pero kung ang ating isusulat ay ang katulad ng tema ng mga isinusulat ko ang tungkol sa ugali o pagkatao ng isang tao kasama na ang mga alam kong mga maling paniniwala ng tao ay sadya pong mahirap magsulat.
Kadalasan ang mga sinusulat ko ay ang tungkol sa isang tao, sadyang mahirap kahit iniisip ko na may kalayaan naman tayo na gawin ang lahat ng nais nating gawin o sabihin at may kalayaan tayong ipahayag ang ating mga saloobin. Hindi naman talaga mai-iwasan na merong mga nasasagasaan sa mga isinusulat ko dahil ugali naman talaga ang kadalasang isinusulat ko meron at meron naman talagang matatamaan.
Alam ko noong una palang ng aking pagsusulat ay alam ko na talagang may mga tao akong masasagasaan dahil sa totoo lang may mga tao talagang ganyan. Ang iniisip ko nalang parte lang naman ito ng aking kalayaan, kalayaan sa pagsisiwalat ng aking damdamin. Totoo.. kadalasan sa mga sinusulat ko ay meron naman talaga akong pinatutungkulan kungdi yung mga taong gumagawa o nakakagawa ng hindi tama sa kapwa, mga taong mapanglamang, mga taong abusado, mga taong nagbubulag - bulagan kahit alam naman nila na mali ang kanilang ginagawa. Pero kung hindi ka naman gumagawa ng hindi tama sa kapwa hindi para sa iyo ang aking mga sinusulat. Pero kung nagagalit ka dahil natamaan ka sa aking mga sinusulat.. bakit nila alam na para sa kanila ang aking mga sinusulat?
Kung nalalaman ba natin na may mali tayong nagagawa sa kapwa kailangan ba talaga nating magalit sa mga taong tulad ko na nagsusulat? Hindi ba dapat ang kailangan ay tangapin ang ating mga pagkakamali at ituwid ang ano mang nagagawang mali.
Ito ang isang mahirap sa pagsusulat.. Madalas kahit sa pagsusulat nagkakaroon tayo ng kagalit, nagkakaroon ng kaaway, minsan ang mga tulad ko na nagsusulat ang madalas nagiging masama pa sa mga taong natatamaan.
Hindi naman ako nagmamalinis at hindi ako nagmamagaling o nagmamarunong, may lakas lang talaga ako ng loob na magsulat ng ganito at pumuna ng mga maling ginagawa ng tao dahil alam ko at maipagmalaki na ang mga napupuna ko na maling ginagawa ng iba ay hindi mo mapupuna na ginagawa ko sa iba. Malakas ang loob kong magsulat ng ganito dahil alam ko na hindi para sa akin ang mga sinusulat ko at hindi ako ang unang - unang tinatamaan sa mga sinusulat ko.
Kung ako ay magsusulat para lang magmalinis o magmagaling ang unang - unang magre-react sa mga isinusulat ko ay ang aking asawa at mga anak dahil sila naman talaga ang talagang nakakakilala sa ugalit pagkatao ko. Andyan din sa aking paligid ang aking mga kapitbahay at kamag-anak. Sila ang unang magsasalita ng ganito sa akin...
"Wala kang karapatang magsalita o pumuna ng mga maling ginagawa ng iba, kung ikaw mismo ay gumagawa din ng hindi tama sa kapwa".
"Bago mo punahin ang iba, punahin mo muna ang sarili mo".
"Humarap ka muna sa salamin".
Totoo naman talaga ang kasabihang iyan at masakit para sa akin kung pagsasabihan ako ng ganyan ng aking asawa at mga anak, wala akong mukhang ihaharap sa kanila sa umpisa pa lang titigil na ako sa pagsusulat ng tungkol sa tao.
Kaya.. mahirap man magsulat patuloy at patuloy pa rin akong magsusulat hanggat may lapis at papel akong nahahawakan, hanggat may mali akong nakikita sa aking paligid patuloy akong magsusulat, dito ako nakakadama ng kasiyahan.
Hindi mahalaga sa akin kung may mga taong nagagalit sa akin dahil sa aking mga isinisulat, ang mahalaga sa akin sa pamamagitan ng aking mga isinusulat maaring makikilala din ako ng mga tao na nasa aking paligid, dito masasalamin ang aking pagkatao, dito makikita ang lalim ng aking pag-iisip. Ito rin kasi ang aking paraan para ipaalam sa aking mga anak kung ano ang mga tama at mali sa kanilang mga ginagawa, kung paano mag - isip ang kanilang ama, kung malalim o mababaw ba isipan ng kanilang ama. Para sa akin walang masama kung ipahayag ko ang aking mga saloobin.
Ang unang - unang layunin lang naman talaga ng aking pagsusulat ay para maglibang at para mabigyan ko lang din ng kasiyahan ang aking sarili. Walang akong ibang hangad kungdi ang isulat ang lahat ng nais sabihin, ipaalam ang mga nais ipaalam at iparating ang lahat ng mga nais iparating. Isipin lang sana natin na tulad din ninyo ako ng naghahanap ng mapaglilibangan at itong pagsusulat ang napili kong mapaglilibangan.

ELECTION
MATALINONG BOTANTE
Panahon nanaman ng election, botohan nanaman at syempre marami nanaman ang kikita ng pera. Marami nanamang naglalabasang mga salita at mga opinion.
Kapag panahon ng election pangkaraniwan ko ng naririnig ang "bayaran nanaman ng boto", mga pulitikong nagpapakalat ng pera, mga botanteng nag-i-isip nanaman kung saan at sinong pulitiko ang magpapakalat ng pera. Para sa akin tumangap man ng pera ang isang tao hindi ko iisipin na pinagbibili na niya ang kanyang boto, grasya na yan at hindi pwedeng tangihan. Kung tangihan ba ng isang tao ang grsyang lumalapit sa kanya ay masasabi na bang matalino na siyang botante dahil hindi niya ipinagbili ang kanyang boto? Ganyan ako noon pero ang nangyari nakulong ang taong sa pagkakaalam ko na karapat-dapat at may kakayahang mamuno dahil sa taas ng pinag aralan. Palagay ko hindi ako nag iisa sa pagpili sa kanila, katunayan milyon kaming bumoto sa kanila. Lumalabas na naging bobo rin pala kaming lahat.
Paano at ano ba ang batayan para maging matalino sa pag pili ng isang kandidato?
Kaylan lang may narinig nanaman ako sa TV na kailangan maging matalino na tayo sa pagpili ng mga taong ilalagay natin para manungkulan sa ating gobyerno. Maging mapanuri, maging maingat, suriing mabuti ang ating ihahalal.
Alam ko wala namang masama sa ganyang payo. Pero para sa aking pananaw "NON SENSE" ang ganyang payo.
Bakit?
Para sa akin.. Ayon sa mga nakita ko na sa mga nakalipas hindi na kailangan ang talino sa pagpili ng nararapat na kandidato dahil hindi natin saklaw ang isipan ng bawat isa, hindi natin saklaw ang isipan ng mga pulitiko, hindi natin alam kung ano ang takbo ng isipan ng mga kandidato, hindi natin alam kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo o nagsisinungaling lang, hindi natin alam kung ano ang mga binabalak ng isang kandidato kung siya ay naka-upo na. Hindi rin basehan ang taas ng pinag aralan ng isang mahusay na kandidato, hindi rin basehan kung magnanakaw o hindi.
Ang kailangan lang ay ang taong may kakayahang mai-angat ang antas ng ating pamumuhay yan ang hindi natin kayang piliin kung sino sa mga pulitiko ang may taglay ng ganyang kakayahan.
Ang pagpili ng tamang kandidato ay parang isang larong basketball lang o sabong ng manok hindi mo alam kung sino ang pipiliin mong mananalo, ang lahat ng laban ay nakadepende sa isipan ng isang manlalaro kung paano nila pagbubutihin ang kanilang laro. Pagkatapos ng laro doon mo lang malalaman kung tama o mali ka sa pinili mong tao.
Hindi natin kailangan ang kandidatong may mataas na pinag aralan, hindi natin kailangan ang kandidatong mabait, kandidatong magnanakaw, kandidatong maraming alam o walang alam ang kailangan natin ay ang kandidatong kung paano niya paangatin ang bansang pilipinas, kung paano niya paangatin ang antas ng ating pamumuhay kahit hindi na gaanong mayaman makamit lang natin ang matiwasay na pamumuhay madaling makahanap ng hanapbuhay upang may mapagkunan ng makakain sa araw - araw. Yan ang mahirap hanapin at hindi yan nakadepende sa talino.
Hindi natin kailangan o gawing sandata ang talino sa pagpili ng kandidato sa darating na election, ang kailangan nating gawing sandata ay ang magdasal at manalangin na sana ang susunod na mapipiling maging presidente ay yung hahango sa ating kahirapan.
Paano kung ang isang botanteng nakapili ng isang kandidato na nakahango sa ating kahirapan at nagpataas ng antas ng ating pamumuhay ay isang elementary graduate lamang, matatangap ba ng isang engineer graduate na mas matalinong botante sila kaysa sa kanya?