MATALINONG BOTANTE
Panahon nanaman ng election, botohan nanaman at syempre marami nanaman ang kikita ng pera. Marami nanamang naglalabasang mga salita at mga opinion.
Kapag panahon ng election pangkaraniwan ko ng naririnig ang "bayaran nanaman ng boto", mga pulitikong nagpapakalat ng pera, mga botanteng nag-i-isip nanaman kung saan at sinong pulitiko ang magpapakalat ng pera. Para sa akin tumangap man ng pera ang isang tao hindi ko iisipin na pinagbibili na niya ang kanyang boto, grasya na yan at hindi pwedeng tangihan. Kung tangihan ba ng isang tao ang grsyang lumalapit sa kanya ay masasabi na bang matalino na siyang botante dahil hindi niya ipinagbili ang kanyang boto? Ganyan ako noon pero ang nangyari nakulong ang taong sa pagkakaalam ko na karapat-dapat at may kakayahang mamuno dahil sa taas ng pinag aralan. Palagay ko hindi ako nag iisa sa pagpili sa kanila, katunayan milyon kaming bumoto sa kanila. Lumalabas na naging bobo rin pala kaming lahat.
Paano at ano ba ang batayan para maging matalino sa pag pili ng isang kandidato?
Kaylan lang may narinig nanaman ako sa TV na kailangan maging matalino na tayo sa pagpili ng mga taong ilalagay natin para manungkulan sa ating gobyerno. Maging mapanuri, maging maingat, suriing mabuti ang ating ihahalal.
Alam ko wala namang masama sa ganyang payo. Pero para sa aking pananaw "NON SENSE" ang ganyang payo.
Bakit?
Para sa akin.. Ayon sa mga nakita ko na sa mga nakalipas hindi na kailangan ang talino sa pagpili ng nararapat na kandidato dahil hindi natin saklaw ang isipan ng bawat isa, hindi natin saklaw ang isipan ng mga pulitiko, hindi natin alam kung ano ang takbo ng isipan ng mga kandidato, hindi natin alam kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo o nagsisinungaling lang, hindi natin alam kung ano ang mga binabalak ng isang kandidato kung siya ay naka-upo na. Hindi rin basehan ang taas ng pinag aralan ng isang mahusay na kandidato, hindi rin basehan kung magnanakaw o hindi.
Ang kailangan lang ay ang taong may kakayahang mai-angat ang antas ng ating pamumuhay yan ang hindi natin kayang piliin kung sino sa mga pulitiko ang may taglay ng ganyang kakayahan.
Ang pagpili ng tamang kandidato ay parang isang larong basketball lang o sabong ng manok hindi mo alam kung sino ang pipiliin mong mananalo, ang lahat ng laban ay nakadepende sa isipan ng isang manlalaro kung paano nila pagbubutihin ang kanilang laro. Pagkatapos ng laro doon mo lang malalaman kung tama o mali ka sa pinili mong tao.
Hindi natin kailangan ang kandidatong may mataas na pinag aralan, hindi natin kailangan ang kandidatong mabait, kandidatong magnanakaw, kandidatong maraming alam o walang alam ang kailangan natin ay ang kandidatong kung paano niya paangatin ang bansang pilipinas, kung paano niya paangatin ang antas ng ating pamumuhay kahit hindi na gaanong mayaman makamit lang natin ang matiwasay na pamumuhay madaling makahanap ng hanapbuhay upang may mapagkunan ng makakain sa araw - araw. Yan ang mahirap hanapin at hindi yan nakadepende sa talino.
Hindi natin kailangan o gawing sandata ang talino sa pagpili ng kandidato sa darating na election, ang kailangan nating gawing sandata ay ang magdasal at manalangin na sana ang susunod na mapipiling maging presidente ay yung hahango sa ating kahirapan.
Paano kung ang isang botanteng nakapili ng isang kandidato na nakahango sa ating kahirapan at nagpataas ng antas ng ating pamumuhay ay isang elementary graduate lamang, matatangap ba ng isang engineer graduate na mas matalinong botante sila kaysa sa kanya?
No comments:
Post a Comment