Sa buhay natin marami ang pwede nating pag gamitan ng salitang silence or pagiging tahimik. May mga taong likas ang pagiging tahimik at tahimik lang sa isang tabi, tahimik lang na nakikinig sa usapan ng kanyang mga kasamahan, pangiti-ngiti, patawa-tawa lang halos hindi mo nakikitang nakikipag agawan ng kwento sa kanyang mga kasamahan, hindi nakikipag unahan sa kayabangan. Likas akong humahanga sa mga ganitong tao kaya kung minsan nagagawa ko sa aking sarili.
Napakalaking bagay sa isang tao ang pagiging tahimik sa lahat ng bagay, maari kong sabihin na sa pagiging tahimik nagagawa niyang kontrolin ang kanyang sarili sa mga bagay na nakikita niya sa kanyang mga nakakaharap o nakakasama, nagagawa niyang kontrolin ang kanyang reaction sa mga bagay na nakikita niya o naririnig niya na mahirap gawin ng isang tao, lalo na ang reaction ng isang tao na kung makakarinig ng mga bagay na hindi pasado sa kanyang panlasa ay nakakapagsalita kaagad sa iba, andyan yung madalas nagagawa natin na hindi mo man deretsang masabi ang reaction mo sa kaharap makalipas ang ilang oras o araw nagagawa na niyang ilabas ang itinatagong reaction niya sa ibang tao.
Karamihan sa atin hindi nating magawang manahimik sa mga bagay na nakikita natin sa iba, kadalasan kung may nalalaman tayong negative na sinasabi ng ibang tao tungkol sa atin nakakapagsalita na tayo kaagad kung minsan pa sa galit natin minsan lumalampas narin tayo sa katotohanan para lang sirain o gantihan natin ang taong nagsasalita ng negative sa atin. Pero kung ating iisiping mabuti dahil sa wala tayong kakayahang maging tahimik sa lahat ng bagay bumabalik sa atin ang reaction ng ibang tao or bumabalik sa atin ang mga negative nilang nakikita sa ating pagkatao dahil likas na talaga sa atin ang pagiging maingay sa lahat ng bagay. Pero kung magagawa lang talaga natin ang pagiging tahimik walang negative na nakikita sa ating pagkatao at sa pagiging tahimik natin hindi tayo nakakagawa ng mali sa ating mga sinasabi.
Meron akong nakasama sa trabaho, isang taong napakatahimik, pinag-aralan ko ang kanyang pagkatao nung una naisip ko para siyang nag iisa sa mundo, walang kausap, walang kaibigan pero.. nagkamali ako dahil marunong din pala siya tumawa, marunong din pala makipag-kwentuhan sa kapwa at marunong din pala makisama, iba pala ang pagiging tahimik niya.. Hindi siya marunong mag ingay, hindi siya marunong mag-salita ng negative sa kanyang kapwa na kahit meron na siyang nakikitang hindi maganda sa kanyang mga kasama hindi mo makikitang nagsasalita siya laban sa kanyang kapwa, hindi siya mahilig makikisawsaw sa galit ng ibang tao, sa madaling salita hindi siya ang tipo ng tao na nang-uuri ng pagkatao ng kanyang kapwa, hindi niya hilig ang manira ng kanyang kapwa, tahimik siya kung ang pag - uusapan na ang pagkatao ng isang tao.
Ang pagiging tahimik ang kadalasang hinahangan natin sa isang tao hindi ka makakagawa ng hindi maganda sa iyong kapwa at malaya kang nakakagalaw dahil wala kang naapakang tao masama man sila o mabuti hindi sila makakapagtanim ng sama ng loob sa iyo dahil tahimik ka lang na nabubuhay dito sa mundo at malayo sa ingay ng kapaligiran.
Alam kong mahirap gawin ang pagiging tahimik dahil karamihan sa atin ay hindi kayang kontrolin ang ating sarili sa mga nakikita at naririnig.
Kung magagawa lang sana natin ang maging tahimik hindi malayong makuha mo ang resulta ng pagiging tahimik ang pag-hanga at respeto ng ibang tao sa iyo.
nice post...
ReplyDeletenice
ReplyDeletepwede po ba makahingi ng permiso sapag postko nito sa fb accountko?
ReplyDeletepwede po ba makahingi ng permiso sapag postko nito sa fb accountko?
ReplyDeletecge lang po kabayang ged karangalan ko po salamat sa pagbabasa
ReplyDeleteNaransan q na mging tahimik pero naging madaldal din aq want ko ulit mging thimik na tao nagiisip aq kng paano q ulit ssimulan
ReplyDeleteDti aq thimik pero natutong mging madaldal .Narealize q na tama ung pgging tahimik dhil malayo sa gulo o sa salitang ndi nkkasakit ng kapwa. Gsto q ulit mging thimik whick is kaya q kaya uumpisahan q na ang pgging thimik
ReplyDeleteAng pagiging tahimik mahirap hulihin kung anu ang niloloob nya at meron din tahimik pero sukdulan pala mapanira sa kapwa
ReplyDeleteAng pagiging tahimik mahirap hulihin kung anu ang niloloob nya at meron din tahimik pero sukdulan pala mapanira sa kapwa
ReplyDeletesalamat po kabayan carmela de leon madali lang po maging tahimik iwasan lang natin ang mga bagay na alam nating makakasira sa atin halimbawa makisawsaw tayo sa away ng iba, iwasan natin ang mag kwento tungkol sa ibang tao lalo nat puro negative ang sinasabi natin sa ibang tao.. ngitian nalang natin kung may ibang nagsasalita laban sa kapwa ang mahalaga hindi sa atin nanggagaling ang mga salita.
ReplyDeletekabayan lyn salamat din po sa pagbisita
ReplyDeleteHindi ki alam kong bakit sko maingay s fb pero pag may pag galit s totoong buhay problema o masama ang loob tamad akong mkipag usap kahit kanino.gusto kong mag isa at ayokong may kausap.tama ka ang hnd pag pangingialam s kapwA ay da best!.....wag namannyung kj ka.....i mean u can be a naughty amd funny na wlang inaapakang tao.yung wlang pake s buhay ng may buhay.
ReplyDeleteSalamat ateng cha maganda na mabait pa sa pagbisita at sa makatulong luha sa comment mo alam ko naman naman na kwela ka at magaling makibagay at mag annalyse sa mga nagcocomment salamat sa pagbabasa madam na maganda
ReplyDeleteWow nakakatuwa naman at napasyal ang maganda kong co-admin sa facebook salamat madam cha sa pagbisita nakita ko rin yung blog mo magcomment ako pag gamit ko na yung lappy ko hirap dito sa celphone ah
ReplyDelete