Sunday, 4 May 2014

ANO BA ANG PINAGTATALUNAN

Hindi na kaila sa atin ang madalas na pinagtatalunan ay tungkol sa paniniwala. Hindi ko rin tinututulan ang paniniwala ng bawat isa dahil alam kong may kanya - kanya tayong basehan ng katotohanan. (Meron nga ba talagang basehan).

Madalas nating naririnig o napapanood na ang bawat myembro o grupo ng mga religion ay nagtatalo sa mga usaping kanilang pinaglalaban. Mga pinaglalabang katotohanan ayon sa kanilang paniniwala.

Ano nga bang mga usapin? At ano nga ba ang katotohang alam nila?

Mga usaping nauukol na nakasulat sa bibliya?
Mga usaping nauukol sa kung ano ang tunay na katotohanan at kung sino ang tunay na totoo sa kanilang paniniwal?.. na ang bawat isa ay nag aakusa ng hindi daw makatotohanan ang paniniwala ng kabilang panig. Mga taong handang ipaglaban ang alam nilang katotohanan gayung sila mismo ay hindi napatunayan o mapatunayang sila nga ang tunay na may alam ng katotohanang ipinaglalaban nila. Mga pinaglalabang katotohanan na nakabase lang sa sabi - sabi.

Kung purpose ng magkabilang panig ay para akayin sa kabutihan ang iba.. Ano pa ang dapat pagtalunan?

Ano nga ba ang dapat pagtalunan?
Kailangan bang sumapi ako sa inyong samahan o grupo para maakay ninyo ako sa kabutihan?
Kailangan ba na maniwala ako sa inyong paniniwala para maakit ninyo o maakay ninyo ako sa kabutihan?
Kailangan ba magbasa ako ng bibliya para maging mabuti?
Kailangan ba kabisaduhin ko pa ang bawat talata ng bibliya para lang masabing mabuti na akong tao?
Kailangan ba magsimba ako sa inyong simbahan para lang masabing mabuti na akong tao?
Kailangan ba ang bibliya para maging mabuti ang tao?
Kailangan ba ng simbahan para maging mabuti ang tao?

Kung ang paniniwala nating lahat ay ang kasabihang "iisa ang diyos" at "kahit saan ka naroroon pwede kang manalangin".. ano pa ang dapat nating pagtalunan? Ang pagtalunang.. kayo ang totoo? Paano mo patutunayang ikaw ang totoo at hindi sila? Kung ikaw ang totoo paano mo patutunayan na hindi ka babase sa "sabi - sabi" lang.

Tulad sa nauna kong sinulat dito sa mga nakaraan kong post... "Kung ang bibliya nga ay totoong salita ng diyos.. bakit may old testament at new testament at bakit iba - iba ang bersyon ng inyong mga bibliya?

Bakit hindi natin tanungin muna ang ating mga sarili.. "Bakit nga ba ako naniwala na totoo ang lahat ng aking paniniwala kung hindi ko naman talaga napapatunayang totoo?"

Bakit hindi muna natin tanungin ang ating sarili kung "bakit nga ba ako nakikipagtalo sa iba?"

Bakit hindi nating tanungin ang ating sarili na "kailangan nga ba ang lahat ng ito para maging mabuti ako?"

Kung hindi na kailangan.. Bakit pa ako makikipagtalo?

Alam ko at tahasang sinasabi ko sa lahat na nabibilang na ang karamihan sa inyo ng mga sarado ang isip sa mga maling paniniwala. Mga taong takot tumangap ng tunay na katotohan mula sa sinasabi ng iba, mga taong nakabilango sa paniniwala ng mga sinusunod na tao.

Para sa akin..
Ang pag gawa ng kabutihan ay nakadepende sa takbo ng iyong pag - i - isip hindi sa bibliya o sa simbahan o sa mga pari, pastor, o mga kulto o pag sapi sa kahit na anong religion. Kung nagkasala kaman noon sa dati mong kinasasaniban at ngayon ka lang naging mabuti sa bago mong kinasaniban.. Ayaw mo lang tangapin sa iyong sarili na "hindi ka lang nagkaisip ng tama noon at ngayon ka lang nagkaisip na gumawa ng mabuti. Huwag mong ibunton o ipasa sa dati mong relihiyon ang mga kasalanang nagawa mo noon. Ikaw ang gumawa ng kasalanan.. ikaw ang nag desisyon kung bakit nagawa mo ang mga kasalanan mo noon at ikaw din ang nag desisyon ng mga kabutihang nagagawa mo ngayon at ang mga desisyong ginagawa mo ay nakabase lahat sa iyong isip.

Ang paraan ng pagiging mabuti sa mata ng diyos o malapit sa diyos ay hindi nakadepende sa pagbabasa ng mga talata sa bibliya kungdi sa paraang kung paano mo tratuhin ang iyong kapwa at hindi sa paraang kung paano ka makipagtalo sa kapwa.

Anong saysay ang pagbabasa mo ng bibliya kung salbahe ka naman sa kapwa mo tao.
Anong saysay ng iyong madalas na pagsisimba kung salbahe ka naman sa iyong kapwa tao.

Iisa ang layunin nating lahat
Layuning maging mabuti sa kapwa tao

At ang kabutihan... ay hindi nadadaan sa pakikipagtalo.



No comments:

Post a Comment