Kadalasan ang tinatawag natin sa mga taong hindi nagbibitaw ng pera ay kuripot minsan nawawala na sa isipan ng tao kung nagtitipid ba ang isang tao basta ang paniniwala na lang natin kuripot na agad ang isang tao.
Alam ba ninyo kung kangino nakikita ang mga taong kuripot?
Alam ba ninyo kung kangino makikita ang mga taong nagtitipid?
Hindi!
Dahil madalang lang ang mga taong nakakaalam kung sino ba ang mga taong tunay na kuripot at kung sino ang mga taong tunay na nagtitipid. Sa dami ng taong nakaka usap ko at sa dami na ng mga forums ang napuntahan ko halos ninty nine porsyento na mga pilipino ang hindi nakakaalam kung sino ba ang mga taong dapat na tawaging kuripot at kung sino ang mga taong nagtitipid. Ikaw alam mo ba kung sino ang mga kuripot na tao? (Alam ko ang isasagot mo.. pwes mali ka sa iyong pagkakaalam) Kung hindi mo alam kung sino talaga ang mga taong kuripot at nagtitipid, isa ka sa ninety nine porsyento na hindi nakakaalam ng mga taong kuripot.
Ang mga taong mayayaman sila ang mga taong kuripot, sila ang mga taong dapat na tawaging kuripot, mayaman na nga hindi pa gumagastos or hindi pa namimigay ng yaman. Hindi nila pwedeng ikatwiran na nagtitipid lang sila gayong sobra - sobra na ang yaman nila. Mayaman na nga nagtitipid pa imposible di ba?
Ang nagtitipid ay nasa mahirap, sa mahirap natin makikita ang mga taong nagtitipid hindi sa mayaman, kung halimbawang hindi sila makapagbitaw ng pera hindi natin sila pwedeng sabihan na kuripot. Sila ang mga tunay na nagtitipid dahil wala silang sobrang yaman para magbitaw. Ang mga mahihirap ay may sapat lang na pera para sa pang araw - araw nilang pangangailangan, inilalaan nila ang konting sobra nilang pera para sa mga darating pang mga araw. Kaya kung may mga oras o araw na sila ay hindi nakakapagbigay ng pera or madalang silang gumastos tinitipid lang talaga nila ang kanilang pera pero hindi nangangahulugan na sila ay kuripot.
Nasa mahirap ang nagtitipid wala sa mayaman at nasa mayaman ang kuripot wala sa mahirap.
Thursday, 20 September 2012
OPINION
Ang bawat isa ay may kanya - kanyang opinion, may kanya - kanyang paniniwala ukol sa napapanahong usapin. Sa opinion natin makikita ang talas at lalim ng pag iisip ng isang tao, dito rin nakikita kung nag iisip ang isang tao ayon sa ipapahayag niyang paliwanag sa usapin at ayon sa pagkakaintindi niya sa tunay na kahulugan ng usapin. Sa opinion din natin makikita ang ugali ng isang tao o ng kanyang buong pagkatao, dito rin masasalamin kung may puso ang isang taong nagsasalita sa pamamagitan ng kanyang pagpapahayag.
Kadalasan ang katwiran ng tao "opinion ko ito" at "tama ako sa sarili kong opinion" ito ang karaniwang panangga ng mga taong ayaw kinokontra ang kanilang opinion. Kaya nagkakaroon sila ng lakas ng loob na ipahayag at may paninindigan na tama sila dahil iyon ay sarili nilang opinion.
Ang opinion ba ay hindi na kailangang kontrahin ng ibang tao? Bakit?
Dapat matuwa ka kung may komokontra sa opinion mo dahil iyan ang magiging dahilan para mailabas ang talino mo at maipakita sa iba ang kakayahan mong makipagdebate ng maayos. Daan din iyan para makilala ka ng mga nagbabasa. Isipin natin na lahat tayo ay may kalayaang magpahayag ng sarili nating opinion masagasaan man ang opinion mo iyon ay ayon narin sa kanilang opinion. Sa pamamagitan ng opinion ng bawat isa ay malalaman natin kung alin ang mas makatotohanan pag aralan lang natin ang sinasabi ng bawat isa dahil dito nakasalalay para madagdagan ang kaalaman mo or ng bawat isa at dito rin malalaman ang talino ng bawat isa sa pamamagitan ng pinapahayag nating opinion. Kung marunong kang mag analisa ng bawat pahayag matutunan mo kung paano tumangap ng pagkatalo para hindi ka mapabilang sa mga taong sarado ang isip sa maling paniniwala. Minsa may mga taong nagmamagaling sa kanyang pagpapahayag ng sarili niyang opinion na bukod sa hindi na nila maunawaan ang tunay na kahulugan ng usapin hindi pa nila maunawaan ang sarili nilang pahayag, maaninag mo ito ayon sa daloy ng kanyang mga pinapaliwanag makikita mo sala-salabat ang kanyang mga pahayag. Kaya ang kadalasang nangyayari ay umaabot sa puntong hindi pagkakaunawaan na nagkakaroon ng resultang batuhan ng kamatis. Dito rin makikilala ang taong hindi marunong tumangap ng kamalian at hindi marunong tumangap ng katotohanan mula sa sinasabi ng iba. Mahalaga sa taong nagsi-share ng kanyang opinion ang may malalim na pag iisip upang maunawaan niya ang tamang usapin. Kung ang tao ay hindi nakakaintindi sa tunay na kahulugan ng mga salita or ng usapin kaylan man ay hindi tatama sa paningin ng iba ang opinion mo kahit ilang libong pangungusap pa ang ipahayag mong paliwanag kung hindi mo rin alam ang tunay na kahulugan ng usapin. Mahalaga din sa taong nais magpahayag ng kanyang opinion kung may sapat at may malawak siyang kaalaman upang maunawaan niya ang tunay na kahulugan ng mga salitang pinag uusapan. Mahalaga din sa tao na ilagay muna sa realidad ang usapin bago magbigay ng opinion. Kailangang alamin mo kung paano gagawin sa realidad ng buhay ang isang usapin upang mas malawak at makatotohanan na may kasamang puso ang ipapahayag mong opinion na walang maapektuhang maliliit na tao. Isang halimbawa sa usapin..
"Huwag mo akong husgahan ng ayon sa aking nakaraan".
"Kailangan maging perpekto ka muna bago ka manghusga"
"Ang mga taong nanghuhusga ay madaling makarma"
"Be youself"
"Be true to yourself"
Ilang porsyento ng mga pilipino ang hindi nakakaalam ng tunay na kahulugan ng salitang "Panghuhusga". Kung ang makakalaban mo sa debate ay ang dami ng bilang ng porsyento na mga pilipinong sarado sa maling paniniwala at mga taong marunong lang makaunawa sa salita pero hindi alam ang tunay na kahulugan sa realidad sayang lang ang oras mo mas maganda pang kausap ang mga bata handang tumangap ng katotohanan kaysa sa matanda na ayaw tumangap ng tama. Mga ilang halimbawa lang iyan sa ninety porsyentong mga pilipino ang hindi nakakaalam ng tunay na kahulugan ng mga salitang iyan, ang mahalaga sa kanila ay ang magbigay ng opinion na nauukol sa mga ganyang usapin. Kaya paano sila tatangap ng tamang opinion buhat sa iba kung ang mismong pinag uusapan ay hindi nila nauunawaan at hindi alam ang tunay na kahulugan sa realidad, kailangan "read before you think", "think before you speak".
Sa opinion mo nakasalalay ang respeto at paghangang matatangap mo na magmumula sa mga nagbabasa, kahit hindi mo derektang marinig ngunit ang pagiging tahimik at pagiging walang kibo ng kabilang panig ay nangangahulugan na tama ka sa pinahayag mong opinion. Dahil kung may mali at malayo ka sa katotohanan sa pinahayag mong opinion ay mag susulputan ang mga taong grasa para magbigay ng sarili naman nilang opinion kontra sa pinahayag mong opinion. Kaya sa paglalahad ng opinion mahalagang alamin mo muna ang tunay na kahulugan ng mga salitang pinag uusapan upang hindi ka lusubin ng mga grupo ng fraternity sa mga unibersidad ng kalakhang maynila.

Wednesday, 19 September 2012
PAGANAHIN MO ANG ISIPAN
Paano nga ba mapapatakbo ang ating isipan?
Paano mo maipapakita or maipaparamdam na malawak ang isipan mo?
Importante sa buhay ng isang tao kung paano nga ba natin pinapatakbo ang ating isipan, natural... lahat naman tayo may isip pero kadalasan may isip nga tayo pero
nagagamit lang natin sa natural na paraan yun bang parang kontento ka na basta may makain lang, basta may isip lang. Importante sa buhay kung paano ba patatakbuhin ang ating isipan na kailangan meron bagong likha ng galing mismo sa katas ng iyong isipan yung kaya mong paligayahin ang sarili mo sa pamamagitan ng bago mong likha na ikaw mismo ang naka-isip, yung kaya mong maipagmalaki sa iba na hindi ginamitan ng daya, kaligayahang hindi peke. Isang pag papatunay ng kagalingan sa buhay man or sa pamilya kailangan patakbuhin mo ang isipan kung paano mo sila bibigyan ng kaginhawaan or ng kaligayahan. Mahalaga ang kagalingan mo sa pag iisip sa lahat ng bagay dahil nauuna ang isipan bago gawa, nauuna ang mangarap bago maging reality.
Tulad sa pag susulat or sa pagba-blogging hindi mai-aalis na nag umpisa tayo sa grade one kung bago ka pa lang nag susulat hindi maiiwasan na gumamit ng kodigo sa exam or mangopya sa ka-klase pero... habang panahon ka na lang bang grade one? Kailangan palagi kang may bagong likha na mabibigyan mo ng magandang impact sa isipan ng mga nagbabasa yung bang meron kang laging bago. Sa tagal ko ng pagsusulat dito sa blog ko isang beses lang ako nag ''repost'' ng poste ko yung bang naisulat ko na isusulat ko uli lalagyan ko lang ng konting rekado para maiba lang ng konti sa dati, naisip ko.. isang pag amin na wala ng itakbo ang aking isipan. Sa aking paniniwala na hanggat maari ayokong ipakita na hindi ko kayang patakbuhin ang aking isipan ayokong ulit-ulitin ang nagawa ko na dahil para ko ng inamin na hindi ko na kayang patakbuhin ang isipan ko ayokong panoorin ang pelikulang napanood ko na. Kitang-kita ko sa ganyang paraan ang isipan ng isang tao na may hangganan ang kanyang isipan. Nakabase na lang ang ating pagsusulat sa kung ano ang nakasulat na balita sa pahayagan dahil hindi ka na makagawa na nagmula sa kagalingan mo, nakasunod nalang ang isipan natin sa buntot ng isipan ng ibang tao. Kailangan may sarili kang likha na bibigyan mo ng malinaw na pahayag ang bawat likha or ang bawat sinusulat mo upang maipakita natin ang kagalingan ng isipan na maaring sila ang sumunod sa buntot ng isipan mo.
Minsan... iniiwasan kong magbasa sa kapwa ko blogger hindi dahil ayaw kong basahin ang blog nila, ayaw ko dahil ang gusto ko ang lahat ng sinusulat ko galing mismo sa katas ng isipan ko yung ako talaga ang nag isip ng isusulat ko dahil diyan ako nakakaramdam ng kasiyahan ayokong maging fake ang kaligayahan ko or fake ang mga ngiti ko yun bang gusto kong patunayan sa sarili ko na hindi na ako grade one, hindi na ako grade two, gusto kong iparamdam sa nagbabasa na kaya kong patakbuhin ang isipan ko na masasabi kong nag-i-improve ang isipan ko. Kung may nakaparehas man ako ng naisulat sa kapwa ko blogger hindi ako makakaramdam sa sarili ko na guilty ako sa mga ginagawa ko. Basta meron akong naisip na isulat ginagawa ko hindi ako nag nag aalala kung may katulad man o wala ok lang basta ginagawa ko ayokong isabotahe ako mismo ng sarili kong isipan.
Mahalaga para sa akin kung ano magiging impact sa isipan ng tao kung ano ang nakikita nila sa akin sa personal man o kahit dito sa pagsusulat or kahit sa pagsasalita kadalasan nasa mabuti kaysa sa masama katulad ng madalas kong iniisip... ''Kaysa mag-isip ka ng hindi mabuti sa kapwa mo... Mag isip ka na lang ng makabubuti sa sarili mo or sa buhay mo.." (Yayaman ka pa).
MASARAP DAW MANIRAHAN SA PINAS
Babalik ka pa ba?
Sabi nila masarap ang manirahan sa pilipinas.
Sa panahon ngayon ano kaya ang masarap sa pilipinas?
Ang maka-bonding mo mga kaibigan mo at magpakitang gilas na galing ka ng ibang bansa?
Makita mo mga kamag anak mo na natutuwa sa iyo dahil meron ka ngayon?
Gusto mo ang klima sa pilipinas? Yung klima lang ba ang gusto mo kaya gusto mong manirahan sa pilipinas? o sinasabi mo lang iyan dahil wala ka lang talagang pagkakataon na manirahan sa mga mayayamang bansa tulad ng america.
May mga nagsasabi kung may pera lang ako at may sapat na trabaho maganda manirahan sa pilipinas. Ano kaya maganda sa pilipinas? Kaylan ka pa makakahanap ng malaking sahod kung tulad ko rin na mababa lang ang pinag aralan. Pwede pa siguro kung tumama ka sa lotto.. kaylan pa? Malamang sasabihin mo nanaman habang may buhay may pag asa gasgas na iyan!
Kung may trabaho ka maganda na ba ang mamuhay sa pilipinas kahit alam mong hindi sumasapat ang sweldo mo para maibigay ang kaligayahan ng pamilya mo? kahit nga ang ibang goverment employee nagrereklamo na sa sahod ako pa kaya na halos walang mahanap na trabaho. Sa akala mo ba kung dumating ang araw na nagkapamilya ang mga anak mo sigurado ka kaya na makakahanap ng maayos na trabaho ang mga anak mo sa pilipinas? Paano kung wala silang mahanap na trabaho? Kangino sila lalapit? Paano kung bigla kang matangal sa trabaho sa maraming dahilan? Akala mo ba ganon lang kadali humanap ng trabaho dito sa pilipinas at gusto mong manirahan sa pilipinas? Akala mo ba madali mamuhay sa pilipinas kung wala kang trabaho? Akala mo lang yon!
Ano ang mga bagay na nagagawa mo sa pilipinas na hindi mo magawa dito sa ibang bansa?
Dito sa pilipinas makakabili ka ng mga karneng baboy na double dead, mga karne ng baboy na namatay sa sakit na ibinebenta pa sa palengke, dito ka makakakita sa pilipinas na mga gumagawa ng tocino, langonisa at mga ibat - ibang pagkain na ginagawa sa tabi ng kubeta, tabi ng kanal, tabi ng imburnal, mga pagkaing kinakain na ng daga, mga panindang dinadaanan muna ng ipis , mga panindang luma na hinahalo uli sa bago para maitinda, mga kamatis na winiwisikan ng pampakintab para sariwang tingnan, mga isdang hinahaluan ng pormalin at kung ano - ano pang mga insekto na kung hindi pa makikita ng media hindi pa masasawata o hindi pa maisasarado ang mga ganyang pagawaan. Kung mahirap ka at makabangga mo sa kaso ay mayaman nakakasiguro ka bang kakampihan ka mismo ng abogado mo? pera - pera ang labanan sa kaso, huhuthutan ka na ng abogado mo ipatatalo ka pa ng mismong abogado mo. Mga tindahang nagtitinda ng mga expired na produkto, mga expired na gamot , mga expired na delata, mga expired na gatas, kung hindi mo makikita maipapakain o maipapainom mo sa mga anak mo makasuhan man ang may sala wala na huli na andyan na ang problemang naibigay mo na sa anak mo. Maipasarado man ng mga ilang buwan andiyan at gumagawa uli at nagtitinda uli kahit walang mga kaukulang permit patuloy na gumagawa sila makabenta lang, subukan mong mamili sa bangketa andiyan ang sandamakmak na mga peke.. pekeng cellphone, pekeng mga sterio, pekeng mga speaker at kung ano - ano pang peke na ilang buwan mo lang gagamitin sira na pero nasasawata ba? Hindi lang yan ang mga peke dito pati mga agency na papuntang abroad sandamakmak ang peke kung makaisip ka mang mag abroad andyan at nakanganga ang mga buwayang agency na peke makulong man o makasuhan man wala na limas na ang pera mo pati nautang na five-six nalimas kasama pati lupa at kalabaw mo. Hindi lang yan may mga peke pang agency dito tingnan mo sa mga pader sandamakmak ang mga pekeng agency na nangangalap ng mga taong walang trabaho dito sa pinas pipicturan ka nila na may bayad di mo alam kung may negative yung camera makikita mo mga yan karamihan mga nakadikit sa mga pader at sa clasiffied adds ng dyaryong balita may complete address pa, pati pulis may peke dito, pati mga sundalo may mga peke narin, pati doctor pinepeke narin, pati abogado may peke narin, minsan pati medya peke narin magsabit lang ng ID. Pati mga plate number pake narin, hindi lang yan karaniwan narin dito ang mga pekeng diploma, pekeng birth certificate kung minsan pati tao peke narin bwiset! Ang ibang mga pilipino walang pakialam sa kapwa ang mahalaga kumikita sila. Karamihan din sa mga nakapwesto walang pakialam sa tao ang mahalaga sumusweldo sila. Nasubukan mo narin bang bumili ng bloke-blokeng yelo sa palengke? May hakbang ba ang mga kinauukulan para imbistigahan ba kung saan nanggaling ang tubig na ginagawang yelo? wala di ba? Hanggat hindi nasisilip ng medya hindi yan mapapansin dahil sa katamaran ng mga nanunungkulan, nasubukan mo narin bang bumili ng talbos ng kangkong, talbos ng kamote na hindi mo alam kung saang lubluban ng kalabaw kinukuha. Sa pulis tayo.. sa ibang bansa ang sumbungan nila pulis dito ang sinusumbong pulis. Ilang pulis na ang kinakasuhan dahil sa talamak na lagayan at holdapan na mismong mga alagad ng batas ang karaniwang nasasangkot, mga pulis na nagkukunwaring huhulihin ka pero bubulong lang pala sa iyo ng pera para maareglo ang kaso mo, mga pulitikong magnanakaw pati presedente magnanakaw narin. Wala ka na ngang trabaho, nagtataasan pa mga bilihin, nagtataasan ang mga pamasahe, nagtataasan ang mga electric bill. Paano kung wala kang trabaho kaya mo bang lahat iyan? Mapipilitan bibili ka nalang na mga double dead na baboy makakamura ka. Mga karneng patapon sa ibang bansa dadalhin sa pilipinas para mabili ng mga kaawa-awang mga pilipino. Kung may trabaho ka sa pinas nagagawa mo bang ipasyal sa beach ang pamilya mo na kayo - kayo lang? hindi di ba? kasi wala kayong sevice, makakapag beach lang kayo kung may mga bagong dating na abroad sa lugar nyo makakasabit kayong sumama sa beach. Kung may trabaho ka sa pinas sa araw ng sweldo mo hanggang saan kayo aabutin ang pamilya mo kung gusto mo silang ipasyal? Hanggang mall lang sa bayan swerte na kung makakain sa jollibee kung mga bata pa ang mga anak mo.. paano kung mga teen ager na mas malaki ang gastos. Maghanap ka ng trabaho sandamakmak na requirements muna ang gagastusin mo bago ka makapasok, makapasok ka man after three, four or six months tatangalin ka na dahil ayaw nilang kumuha ng mga regular. Lalo kung may edad ka na sino pa kaya ang tatangap sa iyo palagay ko wala na dahil kahit ang mismo gobyerno nga namimili ng mas bata, swerte mo kung may baker ka pa paano kung wala kawawa ka na.
Kung tumagal pa na wala kang trabaho wala ka ng perang pambayad sa electric bill mo sigurado hindi magtatagal mapuputulan ka na ng koryente nakakahiya sa kapitbahay lalo na kung dati kang ofw na nagpapainom ng libre sa mga tao, nagpapamudmud ng mga sabon, chocolate, kape, at kung ano - ano pa na akala mo millionaryo ka dahil punong - puno ng alahas ang katawan mo, ngayon mapuputulan ka na ng koryente nakakahiya di ba? Pilitin mo nalang mamasukan bilang security guard kayanin mo nalang na maghapon kang nakatayo, magdamag kang nakikipag patentero sa lamok kinabukasan hindi pa makakarating ang kapalitan mo deretso ka uli hanggang gabi pagsahod mo sa pamasahe palang ubos na ang sahod mo, dose oras ka pa araw-araw matatapat pa noche buena at new year naka-duty ka dahil sa guardya walang holi-holiday masubukan mo naman ang new year na new year wala kang hawak na paputok kundi pamaypay sa lamok. Subukan mo nalang pumasok na salesman baka sakali tumatangap sila ng edad thirty five or fourty sigurado sasabihin sa iyo tatawagan ka nalang iyan ang madalas kong matangap nung nag aaply ako. Subukan mo nalang makipasada ng tricykle kahit papaano maka-boundary ka ng isang daan mag hapon.
Makakatulog ka pa kaya kung dalawang buwan na kayong hindi nakakabayad sa koryente malapit na kayong putulan at kung maputulan na kayo ng koryente wala na hindi ka na makakapag-facebook makahanap ka man ng trabaho hindi ka narin makakapag-facebook, pambili nga ng asin wala na facebook - facebook pa! Hindi mo na maipo-post sa wall ninyo yung mga salitang "ang plastik na tao ay..." , "ang taong palahusga ay..." , "sa pag ibig ay..." , "ang tiwala ay..." , at kung ano - ano pang kaartehan at kadramahan sa wall. Diyan mo nalang sa wall ng bahay ninyo isulat o kaya bawiin mo nalang yung mga sabon, sigarilyo na pinamudmod mo noong bagong dating ka at mga alak na pinainom mo.
Hirap pa naman ng walang koryente sa bahay, nung minsan na bumili ako ng yakult sakto nawalan ng nagblack out nasa kubeta ako hindi ko makapa yung tabo.. yakult ang ginamit kong pangtabo hirap pala bwiset!
Tangapin mo nalang uli ang naka-ambang tsismis at panunuya ng mga kapitbahay mo. Ngayon uutusan mo nalang ang anak mo na bumili ng isang kilong bigas dahil nahihiya kang makita nilang bumibili ng isang kilong bigas mabuti kung may maibili pa, napigtas pa yung tsinelas mo (patay) hanap ka nalang muna ng ibang kulay na tsinelas, subukan mo nalang umutang muna sa mga kapitbahay mo, kung hindi ka makautang bawiin mo yung sabon na pinamudmod mo sa kanila yung chocolate ipasuka mo. Yung pasko sa pinas ang masarap kahit wala kang napapasyalang mga naglalakihang palabas sa mga shopping center, naggagandahang mga fireworks, at mga mamahaling hamon na nakakain sa tulad sa ibang bansa. Ganyan kasarap ang mamuhay sa pilipinas noh? Sa tagal mo ng pananatili dito sa pinas bumabalik na ang dati mong kulay umiitim ka na.
Ano naman ang mga bagay na nagagawa mo dito sa ibang bansa na hindi mo magagawa sa pilipinas? Yung mga sinabi ko sa itaas baligtarin mo lahat.
Minsan ang mga pilipino nakabalatkayo nalang sa kanilang mga salita, nagtatago sa tunay na isinisigaw ng damdamin. Pilit na ikinukubli ang hinahanap na kagandahan sa realidad ng buhay dahil ayaw nating aminin at ayaw nating ilabas ang tunay na hinahanap ng ating isipan sa iba. Masyado lang talaga tayong mapagkunwari sa ngiti.

Wednesday, 5 September 2012
NAUUPOS NA KANDILA
May pamilya ako may apat na anak na nag aaral sa elementarya, sa high school at sa colledge. High school lang natapos ko, isa rin akong katulad ninyong may pangarap.. pangarap sa sarili, pangarap sa pamilya, pangarap sa mga anak, pangarap sa asawa, pangarap sa mga magulang at mga kapatid. Isa rin akong pilipino na naninirahan at nagmamahal sa ating bayan.
Naka upo ako sa harap ng aming barong - barong nag iisip nangangarap. Bilang ama nangangarap din ako ng maayos na pamumuhay, nangangarap din ako ng maayos na hanapbuhay. Sa paghahanap ko ng mapapasukan kailangan ko ng sedula, barangay clearance, police clearance, NBI clearance, sss number at hinanapan ako ng birth certificate doon pa sa NSO kukunin. Nagkatinginan lang kami ng asawa ko, pamasahe palang wala ng maiaabot sa akin ang aking asawa paano pa kaya yung mga babayaran sa requirements. Sinubukan ko rin maging kargador, sinubukan ko ring mamulot ng basura, lata.. oo maraming mapapasukan kung kaya din lang ng katawan ko papasukan ko ngunit hindi ganon kadali na pilitin mong kayanin ang hindi kaya ng katawan mo lalo kung ako nalang inaasahan ng pamilya ko. Habang lumilipas ang araw lalong sumisikip ang mundo ko at mundo ng aking pamilya dahil sa edad kong ito sino pa ang lalong tatangap sa akin. Paano na ang aking pamilya, ang aking asawa, ang aking mga anak, ang aking mga magulang, paano na ang aking mga pangarap, paano na ang mga pangarap ng aking mga anak, paano na ang kanilang pag aaral.
Ang buhay dito sa ating bayan ay punong-puno ng problema, punong-puno ng pasakit, punong - puno ng hirap, punong - puno ng luha. Tumayo ako sa aking pagkakaupo, humakbang ng isa, dalawa, tatlo at muli akong napa upo hindi ko na kaya.. wala na akong lakas upang lumakad, wala na akong lakas para buhayin ang aking pamilya, ang aking mga anak, wala na akong lakas para ipagpatuloy ang aming pamumuhay at wala na rin akong lakas para lumaban sa gutom na nararanasan wala na rin akong lakas na lumaban sa mga taong nais na muling sumakop sa ating inang bayan. Tulad ninyo pilipino rin ako na nagmamalasakit at lubos na nagmamahal sa ating inang bayan.
Pilipino rin ako na nagmamalaki at taas noo na nagsasabing "im proud to be a pilipino". Pero sa pagiging pilipino ko.. para akong nauupos na kandila unti-unting hinahatak ng lupa.
Sa aming mahal na pangulo sana.. mawala na ang lahat ng gastusin na isang bumabalakid at nagpapahirap sa mga abang mangagawa.