Thursday, 20 September 2012

OPINION

        Ang bawat isa ay may kanya - kanyang opinion, may kanya - kanyang paniniwala ukol sa napapanahong usapin. Sa opinion natin makikita ang talas at lalim ng pag iisip ng isang tao, dito rin nakikita kung nag iisip ang isang tao ayon sa ipapahayag niyang paliwanag sa usapin at ayon sa pagkakaintindi niya sa tunay na kahulugan ng usapin. Sa opinion din natin makikita ang ugali ng isang tao o ng kanyang buong pagkatao, dito rin masasalamin kung may puso ang isang taong nagsasalita sa pamamagitan ng kanyang pagpapahayag.

Kadalasan ang katwiran ng tao "opinion ko ito" at "tama ako sa sarili kong opinion" ito ang karaniwang panangga ng mga taong ayaw kinokontra ang kanilang opinion. Kaya nagkakaroon sila ng lakas ng loob na ipahayag at may paninindigan na tama sila dahil iyon ay sarili nilang opinion.

Ang opinion ba ay hindi na kailangang kontrahin ng ibang tao? Bakit?
Dapat matuwa ka kung may komokontra sa opinion mo dahil iyan ang magiging dahilan para mailabas ang talino mo at maipakita sa iba ang kakayahan mong makipagdebate ng maayos. Daan din iyan para makilala ka ng mga nagbabasa. Isipin natin na lahat tayo ay may kalayaang magpahayag ng sarili nating opinion masagasaan man ang opinion mo iyon ay ayon narin sa kanilang opinion. Sa pamamagitan ng opinion ng bawat isa ay malalaman natin kung alin ang mas makatotohanan pag aralan lang natin ang sinasabi ng bawat isa dahil dito nakasalalay para madagdagan ang kaalaman mo or ng bawat isa at dito rin malalaman ang talino ng bawat isa sa pamamagitan ng pinapahayag nating opinion. Kung marunong kang mag analisa ng bawat pahayag matutunan mo kung paano tumangap ng pagkatalo para hindi ka mapabilang sa mga taong sarado ang isip sa maling paniniwala. Minsa may mga taong nagmamagaling sa kanyang pagpapahayag ng sarili niyang opinion na bukod sa hindi na nila maunawaan ang tunay na kahulugan ng usapin hindi pa nila maunawaan ang sarili nilang pahayag, maaninag mo ito ayon sa daloy ng kanyang mga pinapaliwanag makikita mo sala-salabat ang kanyang mga pahayag. Kaya ang kadalasang nangyayari ay umaabot sa puntong hindi pagkakaunawaan na nagkakaroon ng resultang batuhan ng kamatis. Dito rin makikilala ang taong hindi marunong tumangap ng kamalian at hindi marunong tumangap ng katotohanan mula sa sinasabi ng iba. Mahalaga sa taong nagsi-share ng kanyang opinion ang may malalim na pag iisip upang maunawaan niya ang tamang usapin. Kung ang tao ay hindi nakakaintindi sa tunay na kahulugan ng mga salita or ng usapin kaylan man ay hindi tatama sa paningin ng iba ang opinion mo kahit ilang libong pangungusap pa ang ipahayag mong paliwanag kung hindi mo rin alam ang tunay na kahulugan ng usapin. Mahalaga din sa taong nais magpahayag ng kanyang opinion kung may sapat at may malawak siyang kaalaman upang maunawaan niya ang tunay na kahulugan ng mga salitang pinag uusapan. Mahalaga din sa tao na ilagay muna sa realidad ang usapin bago magbigay ng opinion. Kailangang alamin mo kung paano gagawin sa realidad ng buhay ang isang usapin upang mas malawak at makatotohanan na may kasamang puso ang ipapahayag mong opinion na walang maapektuhang maliliit na tao. Isang halimbawa sa usapin..
"Huwag mo akong husgahan ng ayon sa aking nakaraan".
"Kailangan maging perpekto ka muna bago ka manghusga"
"Ang mga taong nanghuhusga ay madaling makarma"
"Be youself"
"Be true to yourself"

 Ilang porsyento ng mga pilipino ang hindi nakakaalam ng tunay na kahulugan ng salitang "Panghuhusga". Kung ang makakalaban mo sa debate ay ang dami ng bilang ng porsyento na mga pilipinong sarado sa maling paniniwala at mga taong marunong lang makaunawa sa salita pero hindi alam ang tunay na kahulugan sa realidad sayang lang ang oras mo mas maganda pang kausap ang mga bata handang tumangap ng katotohanan kaysa sa matanda na ayaw tumangap ng tama. Mga ilang halimbawa lang iyan sa ninety porsyentong mga pilipino ang hindi nakakaalam ng tunay na kahulugan ng mga salitang iyan, ang mahalaga sa kanila ay ang magbigay ng opinion na nauukol sa mga ganyang usapin. Kaya paano sila tatangap ng tamang opinion buhat sa iba kung ang mismong pinag uusapan ay hindi nila nauunawaan at hindi alam ang tunay na kahulugan sa realidad, kailangan "read before you think", "think before you speak".

Sa opinion mo nakasalalay ang respeto at paghangang matatangap mo na magmumula sa mga nagbabasa, kahit hindi mo derektang marinig ngunit ang pagiging tahimik at pagiging walang kibo ng kabilang panig ay nangangahulugan na tama ka sa pinahayag mong opinion. Dahil kung may mali at malayo ka sa katotohanan sa pinahayag mong opinion ay mag susulputan ang mga taong grasa para magbigay ng sarili naman nilang opinion kontra sa pinahayag mong opinion. Kaya sa paglalahad ng opinion mahalagang alamin mo muna ang tunay na kahulugan ng mga salitang pinag uusapan upang hindi ka lusubin ng mga grupo ng fraternity sa mga unibersidad ng kalakhang maynila.




5 comments:

  1. Napaisip ako sa opinion mo nayan sir.. Tama naman minsan kailangan salungatin ang opinion mo para maipakita mo ang galing mo :)

    ReplyDelete
  2. salamat kabayan arch totoo naman di ba? may mga tao lang kasi na ayaw tumangap ng katotohanan mula sa iba.. ayaw nilang kinokontra opinion nila dahil ayaw nilang makita ang mali sa opinion nila. sa akin kung may komokontra sa opinion ko salamat dahil daan iyan para maipakita ang talino ko para maikumpara nila ako sa iba. thanks arch sa pagbisita

    ReplyDelete
  3. sir pashare po ako nito ok lang pu ba?

    ReplyDelete
  4. sir, pashare po ng opinyon mo.

    ReplyDelete