Sabi nila masarap ang manirahan sa pilipinas.
Sa panahon ngayon ano kaya ang masarap sa pilipinas?
Ang maka-bonding mo mga kaibigan mo at magpakitang gilas na galing ka ng ibang bansa?
Makita mo mga kamag anak mo na natutuwa sa iyo dahil meron ka ngayon?
Gusto mo ang klima sa pilipinas? Yung klima lang ba ang gusto mo kaya gusto mong manirahan sa pilipinas? o sinasabi mo lang iyan dahil wala ka lang talagang pagkakataon na manirahan sa mga mayayamang bansa tulad ng america.
May mga nagsasabi kung may pera lang ako at may sapat na trabaho maganda manirahan sa pilipinas. Ano kaya maganda sa pilipinas? Kaylan ka pa makakahanap ng malaking sahod kung tulad ko rin na mababa lang ang pinag aralan. Pwede pa siguro kung tumama ka sa lotto.. kaylan pa? Malamang sasabihin mo nanaman habang may buhay may pag asa gasgas na iyan!
Kung may trabaho ka maganda na ba ang mamuhay sa pilipinas kahit alam mong hindi sumasapat ang sweldo mo para maibigay ang kaligayahan ng pamilya mo? kahit nga ang ibang goverment employee nagrereklamo na sa sahod ako pa kaya na halos walang mahanap na trabaho. Sa akala mo ba kung dumating ang araw na nagkapamilya ang mga anak mo sigurado ka kaya na makakahanap ng maayos na trabaho ang mga anak mo sa pilipinas? Paano kung wala silang mahanap na trabaho? Kangino sila lalapit? Paano kung bigla kang matangal sa trabaho sa maraming dahilan? Akala mo ba ganon lang kadali humanap ng trabaho dito sa pilipinas at gusto mong manirahan sa pilipinas? Akala mo ba madali mamuhay sa pilipinas kung wala kang trabaho? Akala mo lang yon!
Ano ang mga bagay na nagagawa mo sa pilipinas na hindi mo magawa dito sa ibang bansa?
Dito sa pilipinas makakabili ka ng mga karneng baboy na double dead, mga karne ng baboy na namatay sa sakit na ibinebenta pa sa palengke, dito ka makakakita sa pilipinas na mga gumagawa ng tocino, langonisa at mga ibat - ibang pagkain na ginagawa sa tabi ng kubeta, tabi ng kanal, tabi ng imburnal, mga pagkaing kinakain na ng daga, mga panindang dinadaanan muna ng ipis , mga panindang luma na hinahalo uli sa bago para maitinda, mga kamatis na winiwisikan ng pampakintab para sariwang tingnan, mga isdang hinahaluan ng pormalin at kung ano - ano pang mga insekto na kung hindi pa makikita ng media hindi pa masasawata o hindi pa maisasarado ang mga ganyang pagawaan. Kung mahirap ka at makabangga mo sa kaso ay mayaman nakakasiguro ka bang kakampihan ka mismo ng abogado mo? pera - pera ang labanan sa kaso, huhuthutan ka na ng abogado mo ipatatalo ka pa ng mismong abogado mo. Mga tindahang nagtitinda ng mga expired na produkto, mga expired na gamot , mga expired na delata, mga expired na gatas, kung hindi mo makikita maipapakain o maipapainom mo sa mga anak mo makasuhan man ang may sala wala na huli na andyan na ang problemang naibigay mo na sa anak mo. Maipasarado man ng mga ilang buwan andiyan at gumagawa uli at nagtitinda uli kahit walang mga kaukulang permit patuloy na gumagawa sila makabenta lang, subukan mong mamili sa bangketa andiyan ang sandamakmak na mga peke.. pekeng cellphone, pekeng mga sterio, pekeng mga speaker at kung ano - ano pang peke na ilang buwan mo lang gagamitin sira na pero nasasawata ba? Hindi lang yan ang mga peke dito pati mga agency na papuntang abroad sandamakmak ang peke kung makaisip ka mang mag abroad andyan at nakanganga ang mga buwayang agency na peke makulong man o makasuhan man wala na limas na ang pera mo pati nautang na five-six nalimas kasama pati lupa at kalabaw mo. Hindi lang yan may mga peke pang agency dito tingnan mo sa mga pader sandamakmak ang mga pekeng agency na nangangalap ng mga taong walang trabaho dito sa pinas pipicturan ka nila na may bayad di mo alam kung may negative yung camera makikita mo mga yan karamihan mga nakadikit sa mga pader at sa clasiffied adds ng dyaryong balita may complete address pa, pati pulis may peke dito, pati mga sundalo may mga peke narin, pati doctor pinepeke narin, pati abogado may peke narin, minsan pati medya peke narin magsabit lang ng ID. Pati mga plate number pake narin, hindi lang yan karaniwan narin dito ang mga pekeng diploma, pekeng birth certificate kung minsan pati tao peke narin bwiset! Ang ibang mga pilipino walang pakialam sa kapwa ang mahalaga kumikita sila. Karamihan din sa mga nakapwesto walang pakialam sa tao ang mahalaga sumusweldo sila. Nasubukan mo narin bang bumili ng bloke-blokeng yelo sa palengke? May hakbang ba ang mga kinauukulan para imbistigahan ba kung saan nanggaling ang tubig na ginagawang yelo? wala di ba? Hanggat hindi nasisilip ng medya hindi yan mapapansin dahil sa katamaran ng mga nanunungkulan, nasubukan mo narin bang bumili ng talbos ng kangkong, talbos ng kamote na hindi mo alam kung saang lubluban ng kalabaw kinukuha. Sa pulis tayo.. sa ibang bansa ang sumbungan nila pulis dito ang sinusumbong pulis. Ilang pulis na ang kinakasuhan dahil sa talamak na lagayan at holdapan na mismong mga alagad ng batas ang karaniwang nasasangkot, mga pulis na nagkukunwaring huhulihin ka pero bubulong lang pala sa iyo ng pera para maareglo ang kaso mo, mga pulitikong magnanakaw pati presedente magnanakaw narin. Wala ka na ngang trabaho, nagtataasan pa mga bilihin, nagtataasan ang mga pamasahe, nagtataasan ang mga electric bill. Paano kung wala kang trabaho kaya mo bang lahat iyan? Mapipilitan bibili ka nalang na mga double dead na baboy makakamura ka. Mga karneng patapon sa ibang bansa dadalhin sa pilipinas para mabili ng mga kaawa-awang mga pilipino. Kung may trabaho ka sa pinas nagagawa mo bang ipasyal sa beach ang pamilya mo na kayo - kayo lang? hindi di ba? kasi wala kayong sevice, makakapag beach lang kayo kung may mga bagong dating na abroad sa lugar nyo makakasabit kayong sumama sa beach. Kung may trabaho ka sa pinas sa araw ng sweldo mo hanggang saan kayo aabutin ang pamilya mo kung gusto mo silang ipasyal? Hanggang mall lang sa bayan swerte na kung makakain sa jollibee kung mga bata pa ang mga anak mo.. paano kung mga teen ager na mas malaki ang gastos. Maghanap ka ng trabaho sandamakmak na requirements muna ang gagastusin mo bago ka makapasok, makapasok ka man after three, four or six months tatangalin ka na dahil ayaw nilang kumuha ng mga regular. Lalo kung may edad ka na sino pa kaya ang tatangap sa iyo palagay ko wala na dahil kahit ang mismo gobyerno nga namimili ng mas bata, swerte mo kung may baker ka pa paano kung wala kawawa ka na.
Kung tumagal pa na wala kang trabaho wala ka ng perang pambayad sa electric bill mo sigurado hindi magtatagal mapuputulan ka na ng koryente nakakahiya sa kapitbahay lalo na kung dati kang ofw na nagpapainom ng libre sa mga tao, nagpapamudmud ng mga sabon, chocolate, kape, at kung ano - ano pa na akala mo millionaryo ka dahil punong - puno ng alahas ang katawan mo, ngayon mapuputulan ka na ng koryente nakakahiya di ba? Pilitin mo nalang mamasukan bilang security guard kayanin mo nalang na maghapon kang nakatayo, magdamag kang nakikipag patentero sa lamok kinabukasan hindi pa makakarating ang kapalitan mo deretso ka uli hanggang gabi pagsahod mo sa pamasahe palang ubos na ang sahod mo, dose oras ka pa araw-araw matatapat pa noche buena at new year naka-duty ka dahil sa guardya walang holi-holiday masubukan mo naman ang new year na new year wala kang hawak na paputok kundi pamaypay sa lamok. Subukan mo nalang pumasok na salesman baka sakali tumatangap sila ng edad thirty five or fourty sigurado sasabihin sa iyo tatawagan ka nalang iyan ang madalas kong matangap nung nag aaply ako. Subukan mo nalang makipasada ng tricykle kahit papaano maka-boundary ka ng isang daan mag hapon.
Makakatulog ka pa kaya kung dalawang buwan na kayong hindi nakakabayad sa koryente malapit na kayong putulan at kung maputulan na kayo ng koryente wala na hindi ka na makakapag-facebook makahanap ka man ng trabaho hindi ka narin makakapag-facebook, pambili nga ng asin wala na facebook - facebook pa! Hindi mo na maipo-post sa wall ninyo yung mga salitang "ang plastik na tao ay..." , "ang taong palahusga ay..." , "sa pag ibig ay..." , "ang tiwala ay..." , at kung ano - ano pang kaartehan at kadramahan sa wall. Diyan mo nalang sa wall ng bahay ninyo isulat o kaya bawiin mo nalang yung mga sabon, sigarilyo na pinamudmod mo noong bagong dating ka at mga alak na pinainom mo.
Hirap pa naman ng walang koryente sa bahay, nung minsan na bumili ako ng yakult sakto nawalan ng nagblack out nasa kubeta ako hindi ko makapa yung tabo.. yakult ang ginamit kong pangtabo hirap pala bwiset!
Tangapin mo nalang uli ang naka-ambang tsismis at panunuya ng mga kapitbahay mo. Ngayon uutusan mo nalang ang anak mo na bumili ng isang kilong bigas dahil nahihiya kang makita nilang bumibili ng isang kilong bigas mabuti kung may maibili pa, napigtas pa yung tsinelas mo (patay) hanap ka nalang muna ng ibang kulay na tsinelas, subukan mo nalang umutang muna sa mga kapitbahay mo, kung hindi ka makautang bawiin mo yung sabon na pinamudmod mo sa kanila yung chocolate ipasuka mo. Yung pasko sa pinas ang masarap kahit wala kang napapasyalang mga naglalakihang palabas sa mga shopping center, naggagandahang mga fireworks, at mga mamahaling hamon na nakakain sa tulad sa ibang bansa. Ganyan kasarap ang mamuhay sa pilipinas noh? Sa tagal mo ng pananatili dito sa pinas bumabalik na ang dati mong kulay umiitim ka na.
Ano naman ang mga bagay na nagagawa mo dito sa ibang bansa na hindi mo magagawa sa pilipinas? Yung mga sinabi ko sa itaas baligtarin mo lahat.
Minsan ang mga pilipino nakabalatkayo nalang sa kanilang mga salita, nagtatago sa tunay na isinisigaw ng damdamin. Pilit na ikinukubli ang hinahanap na kagandahan sa realidad ng buhay dahil ayaw nating aminin at ayaw nating ilabas ang tunay na hinahanap ng ating isipan sa iba. Masyado lang talaga tayong mapagkunwari sa ngiti.
Sir jettro.. ramdam ko to.. Lalo na ngaun na malapit na ang Pasko. Nakakamiss talaga sa Pinas.. There's no place like home talaga :) Ang galing ng post mo na to sir :)
ReplyDeletesalamat kabayan arch god bless
ReplyDelete