Tuesday, 22 March 2011

PAGANAHIN MO ANG ISIPAN

Paano nga ba mapapatakbo ang ating isipan?
Paano natin maipapakita kung gaano kalawak ang ating isipan?

Importante sa buhay kung paano nga ba natin pinapatakbo ang ating isipan, natural... lahat naman tayo may isip pero kadalasan may isip nga tayo pero nagagamit lang natin sa natural na paraan yun bang parang tubig lang na umaagos lang ng umaagos, basta may makain lang, basta may isip lang. Importanteng sa buhay kung paano ba natin patatakbuhin ang ating isipan na kailangan meron kang bagong likha ng galing mismo sa katas ng ating isipan yung kaya mong paligayahin ang sarili mo sa pamamagitan ng bago mong likha na maipagmamalaki mo na hindi ginamitan ng daya, hindi pekeng kaligayahan.

Sa talas ng isipan mo nakasalalay ang ikaliligaya mo, ikaliligaya ng pamilya mo at sa talas ng isipan mo nakasalalay ang ikagaganda ng buhay ng pamilya mo. Huwag mong isarado ang isipan kung ano lang ang nakikita mo ngayon. Pilitin mong paunahin ng dalawang taon ang isipan mo sa sarili mo para makita mo kung saan ka dadalhin ng isipan mo. Minsan bigyan mo ng halaga ang pag-iisip para maging reality. Mahalagang ikaw muna ang magpatakbo sa utak mo bago ka patakbuhin ng isipan mo.

Tulad sa pag susulat or sa pagba-blogging hindi mai-aalis na nag umpisa tayo sa grade one kung bago pa lang nag susulat hindi maiiwasan na gumamit ng kodigo sa exam or mangopya sa ka-klase pero... habang panahon ka na lang bang grade one?

Kailangan palagi kang may bagong likha na mabibigyan mo ng magandang impact sa isipan ng mga nagbabasa na mag iiwan sa isipan nila kung gaano ka kalawak mag isip. Sa tagal ko ng pagsusulat dito sa blog isang beses lang ako nag ''repost'' ng poste ko yung bang naisulat ko na isusulat ko uli lalagyan lang ng konting rekado para maiba lang ng konti sa dati pero.. hindi na naulit isang pag papatunay na wala ng maisip, pag papatunay na may hangganan ang aking isipan. Sa aking paniniwala na hanggat maari ayokong ipakita na hindi ko kayang patakbuhin ang aking isipan ayokong ulit-ulitin ang nagawa ko na dahil para ko ng inamin na hindi ko na kayang patakbuhin ang aking isipan ayokong panoorin ang pelikulang napanood ko na. Kitang-kita ko sa ganyang paraan na may hangganan ang kanyang isipan. Nakabase na lang ang ating pagsusulat sa kung ano ang nakasulat na balita sa pahayagan, nakasunod nalang isipan natin sa buntot ng isipan ng ibang tao. Kailangan bigyan mo ng malinaw na pahayag ang bawat ginagawa or sinusulat upang maipakita natin ang kagalingan ng isipan na maaring sila ang sumunod sa buntot ng isipan mo.

Minsan... iniiwasan kong magbasa ng ibang kapwa ko blogger hindi dahil ayaw kong basahin ang blog nila, ayaw ko dahil ayokong makita na yung galing mismo sa isipan ko makikita kong nagawa na ng iba nakakaramdam ako ng kalungkutan at panghihina sa sarili ko, hindi ko na magawa ang produkto ng aking isipan. Hanggat maari ayokong maging fake ang kaligayahan ko or fake ang mga ngiti ko yun bang gusto kong patunayan sa sarili ko na hindi na ako grade one, hindi na ako grade two, gusto kong iparamdam sa nagbabasa na may bago uli sa sarili ko. Nais kong iparamdam na kaya kong patakbuhin ang isipan ko na masasabi kong nag-i-improve ang isipan ko. Kung may nakaparehas man ako ng naisulat sa kapwa ko blogger hindi ako makakaramdam sa sarili ko na guilty ako sa mga ginagawa ko. Basta meron akong naisip na isulat ginagawa ko hindi ako nag nag aalala kung may katulad man o wala ok lang basta ginagawa ko yung galing sa akin ayokong isabotahe ako mismo ng sarili kong isipan.

Mahalaga para sa akin kung ano magiging impact sa isipan ng nagbabasa or nakakakita sa akin sa personal man kadalasan lahat ng ginagawa ko, lahat ng sinusulat ko at lahat ng sinasabi ko na nagmumula sa isipan ko nasa mabuti kaysa sa masama.

Katulad ng madalas kong iniisip... ''Kaysa mag-isip ka ng hindi mabuti sa kapwa mo... Mag isip ka na lang ng makabubuti sa sarili mo or sa buhay mo.." (Yayaman ka pa).


No comments:

Post a Comment