Monday, 28 February 2011

DECISION

Marami sa atin ang hindi nagpapahalaga sa bawat desisyong kanilang ginagawa, hindi masyadong pinag iisipan kung tama o mali nga ba ang ginagawang desisyon. Maliit man o malaking bagay na dapat pagdesisyunan isang daan na magdadala sa atin kung saan tayo dadalhin ng ating mga paa. Sa desisyon nakasalalay ang ating kinabukasan, lahat ng bagay ng iyong nakaraan ay bunga ng iyong desisyon kung ano man ang kinahinatnat ng buhay mo ngayon yan ang bunga ng mga ginawa mong desisyon sa mga nakalipas. Ang maliit man o malaking bagay na ginawa mo ayon sa iyong desisyon na maaring maging dahilan kaya nabago ang iyong buhay. Kahit sa pag gamit ng salapi mag iiba ang takbo ng buhay mo depende sa paghawak mo ng salapi kung saan mo ba pwedeng gamitin ang kayamanan mo, mula sa trabaho at pang araw-araw mong pamumuhay nakasalalay din sa simpleng desisyon mo na inaakala mong walang magiging epekto sa darating na bukas. Ang lahat ng bagay na pinagdedesisyunan mali man o tama ikaw ang makakatangap ng reward o resulta sa hinaharap. Ang buhay ng tao ay punong-puno ng hamon ng buhay. Maraming pagpipilian kung saan ka dapat lumugar, kung ano ba ang nararapat gawin, kung ano ang tama at maling gawin sa araw-araw at marami pang iba na kailangang mag desisyon. Ang lahat ng bukas ay nakabase sa resulta ng mga desisyon at sa bawat maling desisyon maling daan ang patutunguhan na magiging dahilan ng paglayo sa iyong mga pangarap. Mas madali mapahamak ang taong nagdedesisyon ng hindi nag iisip, kaysa sa taong nag iisip muna bago magdesisyon kung ano ang dapat at hindi dapat at kung ano ang tama at mali mula sa kanyang mga ginagawa or sinasabi.

Ang isipan ko ay laging nakatuon sa aking mga pangarap, laging nakatuon sa kaligayahan ng aking pamilya, laging nakatuon sa aking kaligayahan kaya sa tuwing dumarating ang oras para mag desisyon nakakapag desisyon ako ng tama dahil ang lahat ng nagiging desisyon ko ay nakabase lahat sa daan ng kaligayan namin ng aking pamilya.

Sa desisyon mo nakasalalay ang iyong buhay, kaligayahan at kinabukasan kasama ng mga mahal mo sa buhay.




No comments:

Post a Comment