Friday, 9 July 2010

MASAYA AKO KUNG......

Matagal na akong nagtatrabaho dito sa malayo alam nyo ba halos sa loob ng dalawang buwan o higit pa halos isang beses lang ako nanonood sa tv ng mga palabas. Kahit dito mismo sa aking computer hindi ko magawang manood ng kahit na anong palabas. Hindi ako masaya sa panonood mas binibigyan ko ng atensyon ang pagbabasa. Wala akong hilig manood ng kahit ano mahilig akong magbasa, makinig ng mellow music, magsulat, uminom ng konting alak hate ko naman ang maglasing. Masaya ako kung mild lang ang tama ko, Kung nakainom na ako ng konti saka ako nakakaramdam ng kasiyahan gumaganda ang mood ko, gumagaan ang pakiramdam ko sasabayan ko ng pag-iisip, sasabayan ko ng pakikinig ng music, sasabayan ko ng pagsusulat at pagbabasa masayang masaya na ako niyan. Yayain mo akong makipag party mabibigo ka, yayain mo akong mag swiming mabibigo ka hanggat maari mas komportable ako dito sa kuwarto ko na nag iisa hanggat maari ayaw ko ng may ibang tao akong kasama bukod sa pamilya ko wala ng iba akong gustong kasama. Mahilig lang akong mamasyal kung nag iisa ako o kaya kasama ko mga mahal ko. Pero kung ibang tao bukod sa matalik kong kaibigan wala na akong gustong kasama. Kung mamamasyal ako mahilig akong mag lakad ng nag iisa walking trip ako minsan, pero kadalasan namamasyal ako ng naka motor gusto kong makita ang lahat ng hindi ko napapasyalan noon araw.

Dito sa ibayong dagat malaya tayo, lahat pwede nating gawin walang makapipigil sa lahat ng nais mong gawin. Pero sa akin hindi ko magawa isipan ko mismo ang pumipigil sa aking sarili upang lumabas. Gusto ng katawan kong mag relaks sa labas ngunit pinipigilan ako ng isipan ko. Para bang mas mahalaga sa sarili ko ang mag isip kaysa ang mata hahaha ang gulo ko noh. Totoo yan minsan nag tatalo ang mata ko at isipan ko dahil minsan gusto ng katawan ko ang makakita naman ng ibang tanawin pero ayaw naman ng isipan ko dahil sa pag iisip ko napapangiti din akong mag isa mas malayo ang nararating mas maraming nakikita at mas maraming magagandang bagay ang nagagawa ko sa imahinasyon ko. Minsan bumabalik sa aking alaala mga hindi magagandang bagay na nagawa ko noong araw.

Masaya din ako kung gumagawa akong mag-isa ginagawa ko ang mga bagay na ayaw kong humingi ng tulong sa iba. Kung nakaharap ako dito sa computer ko nagsusulat ako minsan photoshop kadalasan nagbabasa ako yan ang umuubos ng oras ko. Mahilig din akong tumingin sa pananamit ng ibang tao kung anong style ang mapupulot ko sa pananamit. Mahilig akong kumanta hindi ko pinapansin ano man ang isipin ng ibang tao sa boses ko or sa ginagawa ko. Dalawa lang naman ang klase ng tao dito sa mundo ang maging maligaya at maging malungkot. Minsan may mga taong madaling kumuha ng kaligayahan ayaw humanap ng kalungkutan. Ang isa naman ay madaling humanap ng kalungkutan pero mahirap humanap ng kaligayahan.






Photobucket

3 comments:

  1. sana mahanap mo ang tunay na kaligayan...

    :-)

    ReplyDelete
  2. Peace is priceless as long na self fulfilled ka sa ginagawa mo it doesn't matter kung mababaw man or may kalaliman ang ginagagawa mo sa paningin ng iba may katuturan man sila or wala , as long na wala kang tinatapakan or sinasakatan .. magiging masaya ka... life is short para isipin pa ang sasabihin ng iba just enjoy the ride Bok..lol

    ReplyDelete
  3. Salamat abou sa pagbabasa sana nga mahanap pa natin ang tunay na kaligayahan ganon din sa iyo.

    salamat bok tunay yang sinabi mo kahit anong babaw ng kaligayahan basta wala tayong sinasaktang tao sapat ng kaligayahan natin yan thanks sa pagbisita magluto pa ako ng pusiiiittttt.

    ReplyDelete