Paano nga ba ang magsulat?
Noong nakahiligan kung magsulat marami akong naririnig, nababasa sa mga kaibigan kung paano ang paraan ng pagsusulat na kung ating iisipin sasakit talaga ang ulo mo kung susundin nating lahat ang paraan ng kanilang pagsusulat. Lagi kong tinatanong ang aking sarili kung bakit ba nahihirapang magsulat samantalang susulat ka lang naman. Isusulat mo lang naman kung ano ang laman ng iyong isipan, kung anong laman ng iyong imahinasyon. Para sa akin mahirap mag sulat kung susundin mo lahat kung paano magsulat, hindi mahirap ang magsulat kailangan lang ay may teknik ka sa pagsusulat, ang mahirap ay kung ano ang isusulat mo na maaring makaakit sa nagbabasa. Sa pagsusulat importante din kung paano ka magdeliber ng mga salita na magiging dahilan para makuha mo ang damdamin ng nagbabasa, kung paano mo mapapahalakhak ang nagbabasa, kung paano mo mapapagabog ang dibdib sa galit ang nagbabasa at kung paano mo mapapaiyak ang nagbabasa sa panahon ng kanilang pagbabasa, kailangang makuha mo ang damdamin ng nagbabasa. Sa pagsusulat mahalagang matutunan mo kung paano mo aakitin ang nagbabasa na ituloy niya ang kanyang pagbabasa. Importante din na mailagay mo ang iyong sarili sa iyong sinusulat.
Paano mo ba ilalagay ang iyong sarili sa iyong sinusulat?
Subukan mo sa iyong sarili na ikaw mismo ang magbasa kung paano mo magustuhang ituloy ang iyong binabasa, iyon ang gawin mong paraan sa iyong pagsusulat. Ihalimbawa mo ang iyong sarili sa pagbabasa at pagsusulat mahalagang makuha mo mismo ang damdamin mo sa iyong sinusulat.
Isang mabisang paraan iyan para makuha mo damdamin ng nagbabasa, kung paano mo mapatawa o mapa-iyak ang iyong sarili sa iyong sinusulat. Dahil kung ikaw mismo sa sarili mo hindi mo makuhang tumawa sa mga sinusulat mo paano mo mapapatawa o mapapa iyak ang nagbabasa sa panahon ng kanyang pagbabasa. Mahalaga din ang pag gamit mo ng mga salita kung paano mo mapanatili ang damdamin ng nagbabasa kailangan kung sumisiklab na ang apoy gatungan mo ng gatungan upang tuluyang umapoy depende din iyan sa daloy ng iyong mga salita. Pag aralan mo ang daloy ng iyong mga salita sa iyong mga sinusulat. Huwag mong hayaang patay-buhay ang damdamin ng nagbabasa isang paraan iyan para tuluyang tumulo ang luha pati sipon ng nagbabasa huwag mong hayaang tumigil sa pagtulo ng sipon ang nagbabasa sa panahon ng kanyang pagbabasa.
Mahalaga din sa pagsusulat ang may matutunan ang iyong mambabasa sa iyong sinusulat. Importante din ang pagkatao ng nagsusulat dahil kung anong pagkatao meron ang nagsusulat iyon ang kadalasan makikita sa iyong sinusulat. Importante minsan ang may magandang aral na matutunan ang nagbabasa upang magamit din niya sa kanyang sarili. Hindi ka man sumikat bilang writer masasabi mong may mga bagay ka na iniwan sa isipan ng mga nagbabasa galing sa katas ng iyong isipan.
Noon... wala din akong hilig magsulat natuto nalang akong magsulat nung nakita ko ang unang naging crush ko na nagpatibok ng aking puso, nag umpisa akong gumawa ng love letter na kadalasan sa basurahan ko nakikita tinatapon ng crush ko dahil walang gusto sa akin. After 15 yrs nagkita kami kinalabit niya ako pero siya hindi ko nakilala dahil yung mukha niya para ng syopaw.
Para sakin... nasasalamin sa iyong naisulat ang nilalaman ng iyong puso.
ReplyDeletenapadaan :)
oy elay siyensya na ngayon ko lang naalala magreply ha salamat sa pagbisita totoo yang sinabi mo. tc/gb
ReplyDeleteako madalas .. kung ano ano lang mga pinaglalagay ko iih.. basta my mai post lang .. ahahahahha
ReplyDeletehttp://belenrichard.blogspot.com
hi richardbelen salamat sa pagbisita.. ok lang yan basta sulat lang ng sulat para pagdating ng araw makikita mo rin kung saan ang mali or kung anong kulang at kung ano ang dapat. kadalasan diyan nakikita ang pagkatao natin tulad yung sabi ni kasamang elay importante yan kc diyan minsan magre-react ang mga nagbabasa. tnx
ReplyDelete