Monday, 31 August 2009

DESENTE KA BA

Matagal din akong nawala dito sa sirkulasyon sa hindi
maiiwasang kadahilanan. Bagamat sumisilip parin ako paminsan-minsan. Masyado akong nagugulat sa mga nababasa ko, mga palitan
ng mga salita, mga away na nangyayari na dapat sanay hindi nangyayari dito sa mundo ng pag blo-blogging.

LAHAT TAYO AY MGA DESENTENG TAO
WALA AKONG NAKIKITANG DESENTE SA AWAY
SA SALITA MAN O SA GAWA.

Bakit nagkakaroon ng away?
Bakit ka nagkakaroon ng kaaway?
Bakit nagkakaroon ng samaan ng loob sa bawat isa?

Nagkakaroon ng away o samaan ng loob dahil sa isang tao na nag umpisa ng away. Sa isang tao na pinaiiral ang pagiging sama ng pag uugali. Lumalawak ang away dahil naman sa mga taong mahilig makisawsaw sa away ng iba. Sa araw-araw na pagbabasa ko sa ibat-ibang blogsite dahil sa nais kong makapulot ng mga magaganda pang aral na magagamit ko sa pang araw-araw kong pamumuhay. May mga nababasa ako minsan na hindi kaaya-aya sa aking pananaw, hindi kaaya-aya sa aking panlasa, at hindi kaaya-ayang mga salita para ipabasa sa iba. Pero ang lahat ng iyan ay pinagkikibit ko nalang ng balikat, pinalalampas ko na lang iniisip ko doon siya masaya sa ginagawa niya bakit ko siya hahadlangan, bakit ko siya pupunahin kung hindi naman siya nakakasakit ng damdamin ng iba. Hindi rin naman niya hinahadlangan ang mga ginagawa ko. Iniisip ko hindi naman ako yayaman sa pagpuna sa ginagawa ng iba. Wala namang mawawala kung magiging tahimik na lang ako. Ang pinag iisipan ko kung paano ba ako makapag papasaya sa kapwa ko at kung paano ako hahangaan ng isang tao. Mas masarap ang maging tahimik, mas masarap ang walang kaaway. Nilalagyan ko ng quality ang lahat ng ginagawa ko, lahat ng iniisip kong gawin, at nilalagayan ko ng quality ang bawat salita na binibitiwan ko sa kapwa, sa madaling salita iniisip ko munang mabuti kung makakasakit ba ako ng damdamin ng kapwa bago ko sabihin ang isang salita. Dahil ni minsan hindi ko kinahiligan ang manakit ako ng damdamin ng kapwa ko, dahil ayaw ko ding sasaktan nila ang damdamin ko. Ni minsan hindi ko kinahiligan ang magpahiya ako ng kapwa ko at ni minsan hindi ko pinag iisipan kung paano ba ako makapanakit ng tao.
Ikaw? Sinaktan ba niya damdamin mo?
Bakit mo siya sinasaktan?

Sa buhay natin...
Kailangan ba ng away para yumaman?
Kailangan ba ng away para dumami ang kaibigan?
Kailangan ba ng away para masabing magaling ka?
Masaya ka ba kung meron kang kaaway?
Masaya ka ba kung nasasangkot ka lagi sa away?
Bakit ka nasasangkot sa away?
Aminin man natin o hindi meron ka ring kasalanan o pagkakamali kaya ka nasasangkot sa away. Nadamay ka dahil isa karin sa nakikisawsaw sa away ng iba.
Bakit hindi mo magawang manahimik?
Mahirap bang maging tahimik o mas mahirap yung may kaaway?
Mahirap bang kontrolin ang sarili? o gusto mo lang ipakita ang kagalingan mo?
Yan lang ba ang paraan ng pagpapakita ng kagalingan?
Apektado ba ang buhay mo kung may mabasa kang hindi kaaya-aya sa panlasa mo?

Tanungin mo ang sarili mo, kung bakit ka nasasangkot sa away? Dahil isa karin sa nakikipag away. Paano magkakaroon ng kaaway ang isang tao kung tahimik lang siya sa kanyang ginagawa.
Ilagay mo ang sarili mo sa kaaway mo... kung ikaw ang makarinig o makabasa ng hindi maganda na tungkol sa iyo hindi karin kaya magagalit?
Huwag mong saktan ang damdamin ng kapwa mo
kung ayaw mo ring saktan nila damdamin mo.
Ano ba hanap mo..kaibigan o kaaway?

Hindi ka ba nahihiya sa mga kaibigan mo kung nalalaman nila na lagi kang may kaaway? Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo?
Walang away kung wala ka na nagsimula ng away.

DESENTE KA BANG TAO?

Kung nais mong tumulong para sa katahimikan
Tumahimik ka na lang makakatulong ka pa.

Wala po akong pinapanigan sa bawat isa.

Thursday, 13 August 2009

PAG AARAL


Noong nasa high school pa lang ako, kapag kasama ko
ang mga kaibigan ko, kabarkada nakakalimutan ko ang
lahat dahil minsan ang sarap sa pakiramdam kapag
kasa-kasama mo na ang mga kaibigan mo, kabarkada mo.
Hindi mo na naiisip kung ano ang bukas, basta ang mahalaga
yung ngayon na kasama mo sila.
Madalas yan din ang isang dahilan kaya naliligaw tayo
ng landas. Nawawala ang konsentrasyon natin sa pag-aaral
dulot ng impluwensya ng kabarkada.
!
Noong bata palang ako at kapiling ko pa ang aking ina
madalas niyang sinasabi sa akin.. "Anak mag aral kang mabuti
para pag nakatapos ka madali kang makahanapng trabaho."
"Mawala man kami kaya mong buhayin ang sarili mo
Noon... dahil dala ng ating kabataan hindi
ko masyadong inintindi ang bilin sa akin ng aking ina.
Hangang sa nawala ang aking mga magulang, unti-unti
nakakaramdam ako ng hirap mabuhay, hangang sa bumalik
sa aking ala-ala ang bilin sa akin ng aking ina, Totoo
ang kanyang sinabi, kailangan natin ang may natapos dahil
ito ang magiging sandata natin pagdating ng panahon.
Bagamat maraming hadlang, maraming balakid, maraming
pagsubok ang dadanasin bago mo makamit ang makapagtapos
ng pag-aaral. Dahil dala ng aking determinasyong makapagtapos
lahat ng paraan ginawa ko hangad ko lang na makapagtapos
kahit mababang kurso lamang. Kumuha ako ng
mga mababang kurso na kailangan sa paghahanap buhay.
Kumuha ako ng BASIC SEAMAN COURSE, HEAVY EQUIPMENT
OPERATOR, MACHINE SHOP, AUTO MECHANIC,
AUTO ELECTRICITY, GMAW/SMAW WELDING
BUILDING ELECTRICITY W/ APPLIANCE SERVICING
!
Sa tulong ng aking determinasyon na makapag tapos,
Sa tulong ng pag aalala dulot ng kahirapan,
Sa tulong ng pagdarasal,
At sa tulong ng payo ng aking ina na ang pag aaral
ang siyang gabay natin tungo sa kaginhawaan.
Narating ko ang kinalalagyan ko ngayon
Dalawa sa natapos ko ang nagamit ko sa paghahanap buhay
!
Hindi hadlang ang kahirapan para makamit
mo ang iyong minimithi.
Walang hadlang kung nanaisin mo talagang makamit
ang isang bagay na nais mong marating.
Ikaw din ang makikinabang sa bandang huli.
!
Tandaan mo...
KUNG MAY NATAPOS KA... LAMANG KA SA ILANG
LIBONG APLIKANTE NA HINDI NAKATAPOS.

Sunday, 9 August 2009

KAAWA-AWANG MGA PINOY


Madalas naririnig natin sa radio, napapanood natin sa TV,
nababasa sa mga pahayagan na ang bukang bibig ng
ating pangulo at ng mga nanunungkulan sa ating gobyerno
na "Ang mga OFW's daw ang malaking naitutulong sa ekonomiya
ng pilipinas. Malaki daw ang naitutulong ng mga nagtatrabaho
dito sa ibang bansa. Malaki daw ang perang ipinapasok natin
sa kaban ng bayan. Madalas iyan ang palaging bukang bibig
nila. Kung maririnig mo nga naman iyang sinasabi nilang iyan
matutuwa ka dahil isa ka sa nakakatulong sa pilipinas.
!
Isang kaibigan ko ang nag apply sa POEA.
Pagdating niya ng POEA ni refer siya sa agency, dahil ang
mga agency naraw ang nag aasikaso papunta dito sa abroad.
Tiningnan ng kaibigan ko kung saang agency siya mag aaply
nakita ng kaibigan ko sa labas ng POEA ang sangdamakmak na
agencies. Pumili ng isang agency yung kaibigan ko, pinuntahan niya
yung napili niyang agency, at napag alaman niya na gagastos daw
siya ng mahigit kumulang sa 200,000 pesos bago makaalis.
napakalaking halaga, paano ka nga naman makakaalis upang
makapagtrabaho dito sa ibang bansa kung ganyang kalaki ang
kakailanganin mo, ni pambili nga ng isang kilong bigas hirap ka
yan pa kayang ganyang halaga, 200,000!!
Paano ka lalong makakatulong upang makapagambag ka ng
dolyares para sa ekonomiya ng pilipinas. Ang bukang bibig nila
na ang mga pinoy na nagtatrabaho dito sa ibang bansa ang
nag aahon ng ekonomiya ng pilipinas pero... Parang ayaw nilang
paalisin ang mga tao. pinapahirapan nila ng husto. Sa skuling palang
ng korean language gagastos ka muna ng malaki wala ka pang
kasiguruhang makaalis dahil pag nakapasa ka doon ka palang
mag uumpisang mag apply o doon ka palang pwedeng mag
asikaso ng papel mo. Kung bumagsak ka hindi ka pa pwedeng
mag asikaso ng papel mo. Sa madaling sabi kukuwartahan ka muna
magbabayad ka muna sa skuling mo. Para ka pang sumusuot
sa butas ng karayom. Malaki na ang gagastusin mo wala ka
pang kasiguruhan sa nilalakad mo.
Kung namumulot kalang ng lata sa pilipinas wala ka ng karapatang
magtrabaho sa ibang bansa, samantalang kung makakaalis ka sana
malaki ang maitutulong mo upang makapag pasok karin sana
ng dolyares sa kaban ng bayan.
!
GANYAN BA KAINUTIL ANG MGA NAMUMUNO SA PILIPINAS?
!
Kung ang gagawin sana nila magpaalis sana ng mag paalis ng
mga pilipino para mas lalong malaki ang kikitaing dolyares
ng pilipinas, mas marami pang aasenso na mga kababayan natin
asan kaya ang mga utak ng mga namamahala sa atin.
Ganyan ba sila katalino?
Ang nangyayari sisimutin muna nila ang lahat ng
kabuhayan mo, pag minalas-malas ka pa mapepeke ka pa.
Sa kangkungan ka pa pupulutin. Ni wala pa atang nakukulong
na mga illegal recruiter.
!
Ano kayang klaseng gobyerno meron tayo?
Hindi na nga nila kayang bigyan ng hanapbuhay ang ibang
mga kapatid natin, bakit pinapahirapan pa nilang paalisin
ang mga kaawa-awa nating mga kababayan.
!
TAMAAN SANA KAYO NG KIDLAT
MGA BUWISIT KAYO!!
TOINK!!

Wednesday, 5 August 2009

ANO ANG DAPAT BAGUHIN


Panahon nanaman ng botohan, panahon nanaman ng
bigayan ng mga opinion tungkol sa kalidad ng kani-kanilang
mga paboritong pangulo or senador.
Minsan nag-iisip din ako, pero.. hindi ko iniisip kung
sino nga ba ang iboboto ko.
Kadalasan, aminin man natin o hindi ang nangyayari sa atin
meron tayong kanya-kanyang hinahangaan kung sino ang
nararapat na iboto natin. meron tayong kanya-kanyang
manok. Madalas isinisigaw natin ang pagbabago, isinisigaw
natin ang kahirapan ng ating bansa dahil ayaw na natin
sa mga taong naka upo. Madalas bukang bibig natin ang
kailangan naman ngayon ay ang bagong uupo para mabago
na ang takbo ng buhay natin sa pinas.

Kung para sa akin...
ANO BA ANG TUNAY NA MAKAKATULONG
PARA GUMANDA ANG BUHAY NATIN SA PILIPINAS?
Merong nagsasabi na... hindi magaling ang naka upo.
SINO BA ANG MAGALING?
Yun bang bago uling presedente baka sakali merong pagbabago?
YAN BA ANG TUNAY NA MAKAPAGPAPABAGO
NG BUHAY NATIN SA PILIPINAS?
Kailangan ba yung puro nalang tayo pagbabakasakali?
Kapag nakaupo na yung pinili natin... gaganda na ang buhay natin
sa pilipinas? Sa dami na ng umupo sa ating pamahalaan.. Halos lahat
matatalino, wala paring nangyayari sa ating bansa.
Marami paring naghihirap, at lalo lang tayong naghihirap.
!
Para sa aking pananaw.. hindi ang pagpili ng kandidato
ang ''TUNAY'' na mag papaginhawa sa ating pamumuhay.
Ako sa sarili ko... wala akong pinipiling kandidato.
Wala akong pinapaboritong pulitiko. Dahil hindi ako naniniwala
na ang tunay na mag aahon sa atin sa hirap ay yung mag
palit ng mag palit ng mamumuno. Pare-parehas lahat yan!
Ikumpara natin sa sarili natin..
Paano mo ba mailalagay sa ayos ang sarili mo?
Mailalagay natin sa ayos ang sarili natin pag... Nakita mo ang
kakulangan sa buhay mo, Maisasa ayos natin ang sarili natin
pag nakita mo sa sarili mo ang mga maling ginagawa mo.
!
Tulad ng kaibigan ko.. sinasabihan niya ako...
"Pare dapat ganito ang gawin mo para gumanda ang buhay mo."
"Pare ito pa ang mga kakulangan sa buhay mo."
Sa pamamagitan ng mga turo sa akin ng kaibigan ko
naisaayos ko ang buhay ko.
Dito sa korea halos wala kang makitang pulubi,
halos wala kang makita na namamalimos,
lahat sila may pera.. dahil halos lahat sila may trabaho.
!
TRABAHO ANG KAILANGAN!
HINDI ANG PAGBABAGO!
!
Tulad din yan ng pagkapangulo.. kahit anong talino ng isang
tao hindi parin niya nakikita ang ibang bagay na makakatulong
sa pag unlad ng mamamayan. Kailangan pa rin nila ang tulong
natin. Isigaw natin sa kanila ang kakulangan nila
Isigaw din natin sa kanila ang mga kamalian nila.
Ano ba ang isinisigaw ng damdamin mo?
Ano ba ang kailangan mo sa buhay mo?
Ano ba ang gusto mong mabago?
Ang buong pilipinas ba? o Ang buhay mo?
Gusto mo ba maiahon sa hirap ang pilipinas?
o gusto mong maiahon sa hirap ang buhay mo?
Kadalasan ang isinisigaw mo ang magpalit na ng presedente
Kadalasan isinisigaw natin ang pagbabago ng sistema ng gobyerno
Kadalasan isinisigaw natin iahon sa hirap ang pilipinas
Hindi yan ang hingin natin... "TRABAHO" ANG ISIGAW MO
Huwag tayong humingi ng pagbabago... "TRABAHO" ANG HINGIN MO.
Iyon ang isigaw mo sa pangulo para mamulat sila sa pagkukulang nila.
ANG TAO ANG NAGHIHIRAP, HINDI ANG PILIPINAS!
Kaya ka naghihirap dahil wala kang trabaho
Wala kang pambili ng bigas.
Hindi kailangan ng mga naghihirap ang kahit anong
sistema ng gobyerno, ang kailangan nila trabaho.
!
SINO BA ANG GUSTO MONG BAGUHIN?
!
ANG PRESEDENTE BA O ANG BUHAY MO?
!
SINO BA ANG NAGHIHIRAP?
ANG PILIPINAS BA O ANG TAO?
!
HANGANG NGAYON UMAASA KA PA BA NG PAGBABAGO
HANGANG KAYLAN?
TRABAHO ANG HINGIN MO HINDI ANG PAGBABAGO.

PAGSISISI NASA HULI


Ang sarap ng pakiramdam kapag nakikinita mo kung
ano ang iyong magiging bukas. Lagi kang masaya, laging
may ngiti sa iyong mga labi. Sabi nga ng isang ng isang awit..
!
''Ang sarap ng umaga kung ikaw ay gising
Tanghali maligaya kung ikaw ay may makakain
Ang gabi ay mapayapa kung mga mahal sa buhay ay kapiling,
kay sarap ng buhay lalo nat alam mo kung saan pupunta''
!
Marami akong nakakasalamuha dito sa malayong lugar,
hindi na talaga mai aalis sa atin ang magpakasaya at
mag pakalunod sa ligayang nalalasap ngayon. Walang iniisip kundi
ang maging maligaya siya ngayon. Lahat ng maisip mong gawin
nagagawa mo, malayang-malaya, walang makakapigil
lahat ng kalayaan nilalasap mo, sarap ng buhay noh?
!
Pero... hindi man lang ba sumasagi sa iyong isipan kung
ano ba ang iyong magiging bukas?
Hindi kaya sumasagi sa isipan mo kung hangang saan
aabutin ang kayamanan mo ngayon?
Hindi mo ba tinatanong ang sarili mo kung..
magiging maligaya ka pa kaya uli pagdating ng panahon
kung nandon ka na sa sariling bayan?
Hindi ba sumasagi sa iyong isipan na..
malakas ka pa kaya bukas?
Hindi mo ba iniisip ang iyong sariling pamilya kung...
mapapasaya mo rin ba sila pagdating ng panahon?
Hindi mo ba naiisip kung maligaya ka parin ba hangang sa huli?
Hangang saan, hangang kaylan kaya tatagal ang kaligayahang
nalalasap mo ngayon? o baka hangang dito lang yan
kung saan ka naroroon ngayon?
!
HINDI KA KAYA MAGSISI SA HULI?
!
MAG-ISIP KA KAIBIGAN!

Tuesday, 4 August 2009

MATUTO KANG MAGPASALAMAT


Ipagpasalamat mo dahil nandiyan ka na,
samantalang yung iba papunta pa lang.
Ipagpasalamat mo dahil meron ka ng mga
bagay na ikinasasaya mo, samantalang yung iba
nangangarap magkaroon.
Ipagpasalamat mo kung nakakagawa ka
ng pagkakamali, iyan ang paraan para matuto.
Ipagpasalamat mo kung dumadating ang araw ng
iyong pagkabigo, natututo kang muling tumayo
Ipagpasalamat mo ang mga dumarating na pagsubok
dahil ito ang pagkakataon upang matuto kang lumaban.
Huwag mong iyakan ang nakalipas
ipagpasalamat mo dahil nakalipas na.
!
Huwag kang padadala sa mga bagay na
nagbibigay sa iyo ng kalungkutan
Ang isipin mo mas maligaya ka dahil narating mo
na ang kaligayahang hindi nalalasap ng iba.
!
Matuto ka lang...
!
''MAGPASALAMAT''