Wednesday, 5 August 2009

PAGSISISI NASA HULI


Ang sarap ng pakiramdam kapag nakikinita mo kung
ano ang iyong magiging bukas. Lagi kang masaya, laging
may ngiti sa iyong mga labi. Sabi nga ng isang ng isang awit..
!
''Ang sarap ng umaga kung ikaw ay gising
Tanghali maligaya kung ikaw ay may makakain
Ang gabi ay mapayapa kung mga mahal sa buhay ay kapiling,
kay sarap ng buhay lalo nat alam mo kung saan pupunta''
!
Marami akong nakakasalamuha dito sa malayong lugar,
hindi na talaga mai aalis sa atin ang magpakasaya at
mag pakalunod sa ligayang nalalasap ngayon. Walang iniisip kundi
ang maging maligaya siya ngayon. Lahat ng maisip mong gawin
nagagawa mo, malayang-malaya, walang makakapigil
lahat ng kalayaan nilalasap mo, sarap ng buhay noh?
!
Pero... hindi man lang ba sumasagi sa iyong isipan kung
ano ba ang iyong magiging bukas?
Hindi kaya sumasagi sa isipan mo kung hangang saan
aabutin ang kayamanan mo ngayon?
Hindi mo ba tinatanong ang sarili mo kung..
magiging maligaya ka pa kaya uli pagdating ng panahon
kung nandon ka na sa sariling bayan?
Hindi ba sumasagi sa iyong isipan na..
malakas ka pa kaya bukas?
Hindi mo ba iniisip ang iyong sariling pamilya kung...
mapapasaya mo rin ba sila pagdating ng panahon?
Hindi mo ba naiisip kung maligaya ka parin ba hangang sa huli?
Hangang saan, hangang kaylan kaya tatagal ang kaligayahang
nalalasap mo ngayon? o baka hangang dito lang yan
kung saan ka naroroon ngayon?
!
HINDI KA KAYA MAGSISI SA HULI?
!
MAG-ISIP KA KAIBIGAN!

5 comments:

  1. ako ang unang nagcomment kuya... wahahahahah!!!!

    hmmm... oo nga.. minsan kasi kaya hindi nagiging masaya talaga ang mga tao (tao rin kaya ako) dahil sa paiba iba nating gusto. di natin alam kung ano ang mangyayari saatin bukas kuya... siguro dapat gawin nalang nating meaningful ang bawat araw at oras... hehehe.. :)

    ReplyDelete
  2. Di ko namuna binasa kuya baka kasi magsisi ako....lols

    ReplyDelete
  3. live life without regrets. naks! may ganun?

    ReplyDelete
  4. i think to make your life the best that it can, is to make yourself fullfiled and happy each day but make sure that today is as happy as yesterday..coz if we would always worry for tomorrow we would make all of our todays dull and unsatisfying..edi kapag ganun ang nangyari, buong buhay natin, di tayo naging masaya..

    ReplyDelete
  5. salamat sa pagbisita ninyo mga pretty babes korek yang mga sinabi ninyo.

    alam nyo nman minsan ang mga pinoy lalo na mga boyletz kung ano-anong bisyo or happenings ang gingawa dito sa mlayo pero pagdating sa huli balik uli sa hirap saka sila mag sisi. marami ang ganyan.

    ReplyDelete