SINO ANG DAPAT
Nakatangap ako ng tawag mula dito sa katabing kuwarto koPare! labas tayo mamaya (sabi sa akin ng kasama ko)Asan ka ba? (tanong ko sa kanya}Andito lang ako sa kuwarto koBuwisit ka! andiyan kalang pala patawag-tawag ka pa!!Kumain kami sa labas, siyempre medyo tumagay-tagaynarin kami ng konti. Habang tumatagal gumaganda angkuwentuhan namin ng kasama ko, marami kamingnapag usapan hangang nai kuwento niya sa akin natumawag daw sa kanya yung isang teacher na kumpare niyana.. nakikiusap na kung pwede mag donate daw siya ng mgaupuan na gagamitin sa mga pagtitipon sa paaralan.Nagpadala itong kasama ko ng halagang 7000 pesosdoon sa kaibigan niyang teacher. Sa dating ng kanyangpag kukuwento sa akin medyo pinagmamalaki niya saakin na nakatulong daw siya sa mga guro.Sabi ko naman... ok din yang ginawa mo at least nakatulong ka(sabi ko sa kanya). nasa ganon kaming pag uusapmaya-maya nag ring ang kanyang cellphone tawag galing ng pilipinas. Sinagot niya yung tumawag, ang narinig kosa sinabi niya sa kabilang linya, "-Wala akong pera ateang dami ko pang utang dito na binabayaranpag nakaluwag nalang ako ha''. cge tatawag nalang ako sa inyopag nakaluwag na ako. bye!Pagkatapos nilang nag usap tinanong ko kung sino yungtumawag, sabi niya kapatid daw niyang babae, wala dawtrabaho yung bayaw niya konstraksyon lang dawang trabaho ng kanyang bayaw sa pilipinas, may limanganak. wala na daw silang pangbili ng bigas.!Nang akoy andito na sa kuwarto ko nakahiga iniisipko yung narinig kong pag uusap ng kasama ko at nung kapatid niyang babae at yung kinuwento sa akin ng kasama ko tungkol sa pag bigay niya ng halagang7000 pesos sa taong hindi niya kaano-ano.!Masyado akong napapailing, sino ba ang dapat na tulungan?Yun bang mga taong may kakayahang bumili ng sarilinggamit o yung mga taong mas nangangailangan ng iyongtulong. Dapat bang unahin yung mga taong naging kaibiganmo lang o yung mga taong karugtong ng iyong laman at dugo.Alam naman natin ang mga taong nasa paligid natin ang totoongnaghihirap. Totoo kaya ang pagbibigay mo ng tulong ay nangga-galing sa iyong puso?Sino ba ang dapat na tulungan?!Ayaw kong pangunahan ang bawat isa,ayaw kong husgahan ang aking kapwapero sana... bago ka tumulong unahin muna natinang mga taong naghihintay ng iyong tulong.Unahin muna natin ang mga taong mas higit nating tulungan.!Sino ba ang tutulong sa iyong mga kapatid?Sino ba ang pwedeng lapitan ng iyong mga kapatid?Nagsasaya na ang mga taong binigyan niya ng tulongpero.. ang sarili niyang kapatid umiiyak dahilwala ng makain.!SINO BA ANG DAPAT NATING TULUNGAN?
Depende yan pre sa sitwasyon, tulad ng kwento mo may asawa ang kapatid nyang babae na may limang anak...
ReplyDeleteSa tingin ko lang ha, parang mali na mag anak ka ng lima kung wala ka namang kinikita...Tama ang tumulong sa kahit sino, pero ang umasa na lang lage sa tulong ng iba ay mali na...
Baka may dahilan ang kasama mo pre kaya tumanggi syang tumulong sa kanyang kapatid na babae na may asawang construction worker at limang anak..
ay ang bad naman..dapat tumutulong siya muna sa kapatid o kadugo niya bago sa ibang tao..no doubt tama yun ginawa niyang pagtul;ong sa mga guro..kasi mga estudyante naman ang makikinabang ng mga un..pero dapat talaga unahin ang kadugo..
ReplyDeletetotoo pre maaring mali yung mag anak ng marami kung walang sapat na kinikita. Pero andiyan nayan sabi nga nkagawa na tayo ng mali harapin nlang dahil nandiyan na.
ReplyDeleteminsan kasi pag nagmamahalan ang mag asawa minsan hindi na naiisip kung ano ang bukas.
Ang tao naman hangat makakatiis magtitiis hangat kaya. cguro nagbabakasakali din sila kung mabibigyan ng tulong tutal kpatid nman nila. kangino nga nman sila lalapit.
Kung minsan kung para sa akin dahil alam ko nman na nagkamali sila dahil nag anak ng marami kailangan pa bang sumbatan nalang sila dahil nag anak sila ng marami. kung para sa akin kung nagkamali ang isang tao gabayan nlang para makaahon. Andiyan na yan tulungan nlang. cguro kung para sa akin makakaramdam ako ng tunay na kligayahan kung mga mahal ko sa buhay ang makikinabang.
tama yung sabi mo mali yung lagi nalang umaasa sa tulong ng iba.
sabi ko nga.. kangino naman kaya sila pwedeng lumapit ng lumapit sa ibang tao kaya? o sa kapatid nlang na handang umunawa sa sariling kapatid. kahit ilang libong beses pa tayo lumapit ng lumapit sa ating kapatid mas maganda pa kaysa lumapit pa tayo sa ibang tao.
maari nga cgurong may dahilan yung kasama ko kaya tumanging magbigay ng tulong. maari ding may dahilan yung kapatid niya kaya din lumapit at humingi ng tulong.
ang lahat naman talaga ay may dahilan.
salamat parekoy lord sa pagbisita
maganda ito para ang lahat ay makakuha ng mga magagandang paliwanag. salamat muli parekoy.
Well, wala siguro tayo sa posisyon para pangunahan sila kasi wala naman tayo sa sitwasyon at hindi natin alam kung ano talaga ang pangyayari at kung ano ano ang dahilan ng magkapatid...
ReplyDeletePero tama ka, kamag anak muna bago ang iba, yun nga lang mayroong limitasyon ang bawat bagay...
korek ka jan parekoy minsan kailangan din maghigpit para hindi rin umabuso tama minsan may limitasyon din ang pagtulong.
ReplyDeletesalamat parekoy god bless parekoy lord
kung sa mismong lagay na yun papipiliin ako, pipiliin kong tulungan ang aking kadugo,
ReplyDeletemaraming panahon naman para tumulong sa ibang nangangailangan, pero pag kadugo mo ang lalapit lalo na damay pati mga pamangkin mo mahirap atang tnggihan yun,pero di ntin lam bka wala nga tlgang pera kaibigan mo,pinahiram mo nalang sana,haha
nga pala pre wala naman akong ndadatnan dun sa tambayan ng mga pinoy,hehe
tama ka parekong hari nakakaawa lalo yung mga pamangkin natin sana don sa iba bago magbitaw ng pera isipin muna kung saan ba talaga makakatulong yung 7000 pesos ang daming bigas sana para sa mga bata. halos 5 sakong bigas na yon.
ReplyDeleteparekong hari ala din akong pela naibili na ng ice cream haha
doon ka sana sa loob ng tahanan nagparamdam parekoy try mo sumagot ng mga topic ni seaquest haha sasagutin ka ni miss seaquest doon parekong hari i reto kita kay miss mitch nasa pinas din yon.
siyanga pala salamat din kay ate superjaid sa pagbisita uli dito.
ate jaid salamat take care always
Para sa akin walng pinipili ang pagtulong kamaganak man yan o hindi as long as tumutulong ka, di dahil gusto mo lang magyabang o masabing mong nakatulong ka, para kasi sa akin ang pagtulong sa kapwa ay di ko kailangan na ipagmalaki na sa akin mismo magmumula alam na ng bawat tinulungan mo yun, kung may tintanggihan man tayo minsan iyon ay may malalim na dahilan minsan kasi kailngan mo ring ipaunawa sa iba na mas mabuti ng kusa kang tulungan kesa pamalagiin mong hingin ito...iba ang abuso sa minsan lang, iba ang pagmamalaki sa pagtulong na bukal....
ReplyDeleteIto naman ang akong two cents.
ReplyDeleteSince hindi naman nya talagang obligasyon na tustusan ang kanyang kadugo or ang Guro na talaga namang concern lang sa students nya pwede namang hatiin ang 7K into 50/50 or 60/40 or kung anu pang division. Siguro nag kataon lang na nauna na nya kasing naipadala ung 7K na savings nya sana doon sa Guro, pero I'm sure maantig din ang damdamin nya. Kung nag kataon na sabay humingi ang kadugo at Guro na concern sa students pwede namang hatiin nalang kasi nga we can only do so much, Hindi tayo si Papa Jesus para matulungan ang boong mundo.
Yun lang po ang aking two cents!
totoo yan miss seaquest ang pagtulong ay walang pinipili kamag anak man o hindi
ReplyDeletedepende sa tao iyon, kung gusto niyang tumulong sa iba nasa kanya iyon walang masama as long as nakakatulong ka.
minsan tama din yung sinabi mo na... maaring may malalim na dahilan
sabihin na natin may malalim na dahilan kaya hindi niya natulungan ang kanyang kapatid,
sabihin na nating may malaking kasalanan sa kanya ang kanyang kapatid kaya hindi niya tinutulungan ang kanyang kapatid.
sabihin na nating lahat ng dahilan
kahit anong dahilan
para sa akin... dapat mo bang ibigay sa iba yung halagang 7000 pesos dahil lang sa may kasalanan sa iyo ang mga kapatid mo?
komo ba may kasalanan sa iyo ang kapatid mo iba na ang paliligayahin mo?
kahit ba may malaking kasalanan sa iyo ang kapatid mong naghihirap
mamatamisin mo pang ibigay sa iba yung napakalaking halaga dahil lang sa may kasalanan sa iyo ang kapatid mong naghihirap?
ano ba ang pwede ninyong masabing dahilan para matiis ninyong ibigay sa iba ang nasabing halaga. kaysa ibigay ninyo sa mga kapatid ninyo.
totoo yung sinabi ninyo na... mas maganda yung kusa na lang ninyo hintayin yung ibibigay na tulong sa inyo kaysa pamalagian ninyong hingin
kaylan pa!!
hangang kaylan ka maghihintay?
hangang kaylan ka maghihintay ng kusang loob na tulong ng iyong kapatid?
kapag natulungan na niya ang lahat ng kaibigan niya?
Ako! sa aking sarili!
sa simulat-mula pa,
alam ko na naghihirap ang kapatid ko, bakit pa ako tutulong sa iba gayong may mga kapatid akong naghihirap.
anong dahilan para tumulong ako sa iba?
para magyabang?
para masabi ng iba na nakatulong ako sa barangay?
ano kaya ang iisipin ng kapatid ko kung malaman niya na nagbigay ako ng malaking halaga sa iba gayong sila na kapatid niya na walang makain na naghihintay na maambunan ng konting halaga.
totoo walang pinipili ang pagtulong
depende kung anong klase na tulong ang ibibigay natin.
Pero kung tungkol sa pera
dapat lang ba na ibigay mo sa iba ang tulong mo na pera/
gayong may mga kapatid tayo na nanganga ilangan ng pera?
itong mga pinapaliwanag ko ayon lang po ito sa inyong mga sinasabi.
para sa akin... walang ibang dahilan para tumulong ka sa iba
kaysa tumulong ka sa sarili mong kapatid.
hindi natin pwedeng sabihin na... nagkamali ka
hindi mo alam na nangangailangan ang iyong kapatid.
sa simulat-simula pa alam mo na
na naghihirap ang iyong kapatid
bakit ka pa magbibigay ng ganong halaga sa iba
ibigay mo nalang sa mga kapatid mo kaysa ibigay mo sa iba.
salamat seaquest sa pagbisita mo
nagppaliwanag lang naman ako ayon sa mga sinasabi ninyo.
totoo yan parekoy jep
ReplyDeletemaaring sabihin na natin na naunang
humingi yung mga guro kaysa sa mga kapatid. maaring pwede rin nating sabihin na 50/50 para parehas na matulungan. depende sa tao talaga yan.
pero para sa akin jep
itoy opinyon ko lang hindi ko naman tinututulan ang mga opinion ng bawat isa.
tama yung 50/50 or kahit ano pa man.
isipin natin ha..
sa simulat-mula pa alam na natin na meron tayong mga kapatid na naghihirap
sa simulat-simula pa bago tayo pumunta dito sa malayo alam na natin ang kalagayan ng lahat ng ating mga kapatid
alam na natin kung sino sa mga kapatid natin ang naghihirap
alam na natin kung sino sa mga kapatid natin ang nanganga ilangan talaga ng tulong.
sabihin na natin na 50/50 yung kalahati ibigay natin sa hindi natin kaano-ano at yung kalahati sa kapatid natin
ok yan walang masama diyan
pero... kung atin talagang iisipin
tanungin mo ang sarili mo
dapat mo nga bang ibigay yung kalahati sa ibang tao?
o
ibigay mo na lang kaya lahat sa kapatid mo lahat para yung iba pang bili ng bigas at yung iba pangbili ng gamit sa school ng mga pamangkin mo at yung iba pang ulam.
sabagay itoy para sa akin lang naman
depende lang naman kc sa tao kung ano ang gusto niya
kaya nga ang titulo ng entry ko..
SINO NGA BA TALAGA ANG DAPAT NA TULUNGAN.
salamat jep sa pagbisita
hinihintay ka na doon sa tahanan
Hehehe :D Haba ng mga comment...
ReplyDeleteSayo na rin nanggaling pre, ikaw ang mas nakakaalam kung ano ang pinagdadaanan ng iniwan mo sa Pinas, alam mo kung kelangan silang tulungan o hindi..
Yun nga lang pre, ung side mo lang ang alam mo, ang kilala mo...hindi natin alam ang pinagdaanan ng kasamahan mo, di natin alam ang dahilan nya kung bakit mas pinili nyang tulungan ang iba kaysa sa sariling dugo...
Tingnan natin ang sitwasyon ng bawat isa, ang dahilan ng bawat isa...mali talaga kung iisipin mo, pero natanong ba natin ang kasamahan mo kung BAKIT?
Kung malaman natin ang dahilan nya then siguro mas maliliwanagan tayo, duon pwede na tayong mag conclude kung may mali nga ba sa ginawa nya...
Maski naman ako uunahin ko ang kapakanan ng pamilya ko bukod sa ibang tao...pero kung pinang iinom at pinang susugal lang lahat ng tulong na binibigay ko habang ang mga anak nila'y namamatay na sa gutom, mas mabuti sigurong bigyan sila ng aral imbes na habang buhay umasa sayo...
Sabi nga nila, turuan mong mangisda ang nagugutom dahil kung bibigyan mo sila ng isda, patuloy silang aasa na may magbibigay sa kanila...paano na lang kung nakasanayan nila to? hindi sila natuto? paano pag wala ka na?
Hahaba ang usaping ito hanggat may sarili tayong paniniwala, may sarili tayong karanasan, pero ang pinag uusapan kasi ay yung ginawa ng kasamahan mo, mas okey kung alamin natin ang dahilan nya bago pag usapan..
hmmm... para saakin, mali nga naman mag anak ng lima lalo na kapag kapos sa buhay pero wala naman tayong magagawa kasi ganun yata talaga pag nagmamahal.. ayeeeee... hihihi
ReplyDeletekung darating yata ako sa sitwasyon na ganun, uunahin kong tulungan yung kapatid ko kasi nga diba walang trabaho yung asawa niya tz nagugutom na yung pamilya niya.. wala ng makain yung mga pamangkin ko.. huhuhu.. tae naman.. ang manhid ko naman siguro para wag makialam.. affected na affected eh noh? hihihi.. sobra sobra kasi yung 7k para sa kaibigan.. tapos kahit 2k di niya maibigay dun sa kapatid niya...
pero anyways, di naman natin alam ang buong kwento.. di natin alam ang buong pangangailangan nung kaibigan.. hihihi... cheers :)
sabagay hindi nga natin alam ang dahilan ng bawat isa maari ngang may mlalim n dahilan. thanks parekoy lord
ReplyDeletethanks din sa iyo miss patola sa pagbisita mo.
para sa akin..kun sakali naman ni di umaabuso un kapatid at un asawa nya...baket di tulungan..pero kun sumosobra na sa pangungutang at di nagtatrabaho un kapatid nya o asawa ng kapatid nya at umaasa lang sa kanya palage eh..dapat magsumikap naman sila...para matuto..di palaging umaasa na lang diba. dapat panindigan nila ang paggawa ng anak at dapat kumayod sila para sa kinabukasan ng mga bata...
ReplyDeletedumalaw poh ulit... hehehehe.... kuya, try mong humiram ng 7k sa friend mo, baka sakaling bigyan ka rin... ahihihihihi... keep safe poh... =)
ReplyDelete