Wednesday, 29 July 2009

MATUTO KANG LUMAKAD


Habang ako ay nagiisa dito sa kuwarto ko na puno na ng
usok ng sigarilyo, ang layo ng nararating ng aking isipan
madalas.. ito ang ginagawa ko kaysa lumabas
habang akoy nangangarap, sinasariwa ko ang mga
ala-alang ginagawa ko noon at mga bagay na gusto ko
pang gawin. May mga bagay na gusto kong gawin ngunit
parang ang hirap gawin, parang... pinanghihinaan na
ako ng loob, parang ang hirap gawin.
Kung kaylan ako tumanda ng ganito
Kung kaylan mas malawak ang isipan ko
dito pa ako parang susuko.
Samantalang ang isang musmos na bata na nag aaral
pa lamang na tumayo, wala pa sa tamang pag iisip
nandon ang determinasyon niyang matutong tumayo
kahit bumagsak tatayo at tatayo parin kahit nag iisa.
kahit masaktan sa kanyang pagkakabagsak hindi sumusuko
hangat hindi natututong tumayo. Kahit wala ka sa kanyang
tabi hindi siya naghihintay kung kaylan mo siya gagabayan.

Sa bawat pag bagsak masaktan man ng bahagya umiyak
man ngunit hindi sumusuko.
Mapagtagumpayan man niyang tumayo, magsisimula
naman siyang humakbang upang lumakad para sa
panibagong hamon ng buhay. Ang buhay ng isang musmos na bata
ay punong-puno ng pagsubok. Ano mang hirap,
ano mang sakit ng pagkakadapa tanging iyak lang
ang sandata upang mailabas ang sakit na
naramdaman sakanyang pagkakadapa.
They never waited too long
to give it another shot.

Kung ating iisipin, hindi mo mabibilang kung ilang beses
siya bumagsak, kung ilang beses madapa. Pero...
Hindi sumusuko.
Ikaw pa kaya na nasa wastong pag iisip ang madaling sumuko?
Tulad natin kahit madapa tayo sa unang pagsubok
huwag tayo mawalan ng pag-asa
Lahat tayo kahit maka ilang ulit tayong
madapa pilitin nating tumayong muli upang harapin
kahit anong dami ng pag subok. Kahit makailang
beses tayo bumagsak.
!
If you can learn to walk there are many other things
that can be achieved in life.
!
Ang isipin natin...
!
KATULAD DIN ITO NUONG TAYOY NATUTUTONG
LUMAKAD.
WALANG KALIGAYAHANG MAKAKAMIT SA
PAGKAKADAPA,
ANG KALIGAYAHAN AY NASA MULING PAGTAYO

SA BAWAT PATAK NG LUHA
MAY NGITING KATUMBAS.
!
!
DITO MUNA KAYO...
MAG CR MUNA AKO
MAWAWALAN DAW NG TUBIG MAMAYA
LAKING PROBLEMA PAG WALANG TUBIG
MINSAN KASI GUMAMIT AKO NG TISSUE
KASO NABUTAS.
YUNG DALIRI KO TUMUSOK

4 comments:

  1. interesting blog you've got here.

    sulat pa!

    ReplyDelete
  2. Oo nga, kung sino pa yung ay isip at matanda na, siya pa yung takot mag-take nng risks. Buhay nga naman. :)

    ReplyDelete
  3. mas nagiging wise yata kasi pag matanda na... mas madami ng kinoconsider na possible na consequences... pero para saakin, risking is better than regreting something coz u never tried to take a risk... tama, hindi masaya madapa, yung fulfillment eh nasa muli mong pagbangon... apir!

    wahahahaha!!! ininsert yung topic na mawawalan ng tubig.. hehehehe... :)

    ReplyDelete
  4. hi madam siyetehan salamat sa pagbisita.

    @totoo yan jess tayo pa ang madaling panghinaan ng loob
    salamat sa pagbisita.

    @patola haha nabasa mo yung may tubig salamat sa pagbisita miss patola

    ReplyDelete