Tuesday, 10 February 2009

SA PAG-IBIG PUSO O ISIP



Ang larawan po na inyong nakikita sa itaas.. wala pong kinalaman dito sa aking kuwento.. inilarawan ko lang po ng sa ganon mabigyan ko ng konting buhay ang aking kuwento.

Kadalasan sa pag-ibig nagiging sarado ang ating isip.. hindi na natin minsan naiisip kung ano nga ba ang tama at kung ano ang mali. Nagiging sarado ang ating isipan dahil nakatuon na lang ang pusot isip natin sa taong tinatangi. Nagiging bulag na tayo sa kaligayahang dulot ng pagmamahal. Kadalasan bago tayo umibig unang-una nating nakikita ang panlabas na kaanyuan ng isang tao. Kung sino ang maganda at kung sino ang guwapo dito mahina ang tao.
Madali kang mapaibig kung may nakita kang kaguwapuhan or kagandahan ng isang tao. Dito natin nararamdaman ang tinatawag nating LOVE AT FIRST SIGHT.

Dito din natin nakikita ang inatawag na '' CRUSH ''. Meron o madalang na ngayon ang mga taong tumitingin sa ugali ng isang tao bago siya mapa ibig. Pero... umiibabaw parin dito ang pagtingin natin sa panlabas na kaanyuan.

Ang ikukuwento ko sa inyo ngayon tungkol ito sa babaing tumingin sa panlabas na kaanyuan.. or matatawag na rin nating puso ang pinairal. Ano nga ba ang dapat sa pag-ibig? Ano nga ba ang dapat paiiralin natin pagdating sa pag-ibig?

Si melissa ay solong anak, nag aaral sa isang eksklusibong paaralan, sunod ang layaw, nakukuha ang lahat ng maibigan dahil nga sa nag iisang anak. Walang alam sa gawaing bahay, dahil na rin sa ganong nakagisnan ni melissa.. maaga siyang nakapag asawa. Ano mang tutol ng kanyang mga magulang walang nagawa. Bata pa si mellisa at kasalukuyan pang nag aaral sa kolehiyo. Dala narin ng ugali ng kabataan ngayon.. naging mapusok si mellisa at ng kanyang kasintahan na si arnel, isa ding sunod sa layaw ng kanyang mga magulang. Wala ding alam na trabaho.. spoiled, Dahil sa angking kagwapuhan napaibig niya si melissa. Hangang sa humantong sila sa isang bagay na magbubuklod sa kanilang dalawa. Kinasal sina melissa at arnel ng hindi nakapagtapos ng pag aaral. Hindi mahalaga sa kanila kung ano ang magiging bukas.. Basta ang mahalaga nagsasama na sila at hindi na magkakalayo kaylan man, hangang magkaroon sila ng isang anak.

Habang tumatagal ang pagsasama nina arnel at melissa, unti-unti nakikilala ng lubusan ni melissa ang ugali ni arnel. Sa hindi inaasahan ni melissa.. nalaman niya na ang kanyang napangasawang si arnel ay isang mamas boy, tamad maghanap buhay, walang alam na trabaho, at higit sa lahat ang napangasawa ni melissa ay hindi pa kayang tumayo sa sarili niyang paa. Kaya ganon na lang ang pakikisama ni melissa sa kanyang mga biyenan. Dahil nakikisukob lang sila sa mga magulang ni arnel hindi magawa ni melissa ang maging masaya. Hangang nagdesisiyon si melissa na siya na lang ang hahanap ng mapapasukan. Mahina man ang kanyang katawan.. pipilitin niyang maghanap buhay alang-alang sa kanyang anak. Wala man siyang alam na trabahong bahay.. gagawin niyang lahat.

Si melissa ay namasukang katulong sa saudi arabia, sa kasamaang palad.. nakatagpo si melissa ng among arabo na masahol pa sa hayup kung ituring si melissa. Sa mahinang katawan ni melissa.. nakatikim siya ng sipa, sampal, tadyak, sabunot sa piling ng kanyang mga amo. tanging iyak lamang ang kanyang nagagawa. Tanging luha sa araw-araw ang kanyang kapiling. Dito niya naiisip ang kanyang anak na naiwan. Paano kung dumating ang araw na hindi na siya makita ng kanyang anak. Dito din niya naiisip ang kanyang ina.. gusto niyang sumigaw, gusto niyang tawagin ang kanyang amat ina, gusto niyang humingi ng tulong sa kanyang ina, gusto niyang sumigaw.. "inay tulungan mo po ako".

Si melissa ay nakauwi na tulala.. si melissa ay hindi na halos nakakausap dahil sa hirap ng kanyang sinapit sa kamay ng kanyang mga amo. Si melissa ang nagtiis sa piling ng iresponsable niyang asawa. Si melissa ang nagtiis na hindi makita ang kanyang anak. Sa isang inang tulad ni melissa.. gaano ba kasakit ang sinapit niyang hirap sa kamay ng kanyang among arabo? gaano ba kasakit ang malayo sa kanyang amat ina? ang lahat ng dinanas ni melissa ay makakaya niyang harapin. Ngunit bilang isang inang tulad ni melissa... ang hindi niya kayang tiisin ay ang iwan niya ang kanyang unang anak.Ang hindi kayang tiisin ni melissa ay ang hindi mayakap ang sangol na nanggaling sa kanyang sinapupunan. Si melissa ay nasa piling na ng kanyang amat ina kasama ang sangol na tanging pinakaiibig niya, ang tangi niyang kayamanan at kaligayahan. Mawala man sa piling niya si arnel.. huwag lang kanyang manika.

Sa aking kuwento... isang bahagi ng pag ibig na ang pinairal ay puso at hindi ang isip. Sa pag ibig maaring kailangan din nating paiiralin ang puso... ngunit mas kailangan dapat na laging naka akibat ang ating isip. Sa pag ibig hindi lang puso ang pagaganahin.. pati narin ang utak sa pag pili ng makakasama sa habang buhay.

Sana po.. nakapulutan natin ng aral ang aking kuwento.. kung hindi man.. sana napangiti ko man lang kayo kahit na sa konting segundo lamang.

Ano man po ang mali o kulang sa aking sinulat... konting unawa lang po bahagi din po ito ng kakarampot kung utak.

SALAMAT PO SA BINAHAGI NINYONG ORAS SA PAGBABASA!

Saturday, 7 February 2009

KARANASANG HINDI MALILIMUTAN

Minsan dumarating sa buhay natin yun bang tinatawag na.. mga pangyayaring hinding hindi natin nalilimutan. Nakakatawa man ito o nakakaiyak, dumarating talaga ito ng hindi natin inaasahan.

Naalala ko nung minsang nagpunta kami sa isang bayan na may piyesta, Alam nyo naman minsan ang mga pinoy.. basta piyesta largaaa.. Maaga pa nakasapatos at nakabihis na kami kasama ko ang dalawa kong kaibigan na basta karne walang pinapalampas. Kasama ko din yung isa rin naming kaibigan na napabayaan ng kanyang mga magulang sa kusina. (lol) Kung ganito kasama mo.. kawawa ang mapupuntahan nito. Hindi na kami kumain sa aming tahanan.. alam mo na he he he kainan din ang pupuntahan. Unang pinuntahan namin yung bahay ng kaibigan nung kasama ko.

Larga na kami sa piyestahan!

Hinanap namin ng hinanap yung bahay na pupuntahan namin, Pinapawisan na kami sa kahahanap.. Nakupo! lumipat na pala ng tirahan, buwisit! Isip kami kung saan na kami pupunta. '' Pare don tayo sa kakilala ko (sabi nung kasama kung mukhang butete ang katawan) Pinatuloy naman kami.. Sabi naman sa amin nung bahay na pinuntahan namin... Naku mga anak.. Wala kaming handa kasi hindi umabot sa sahod ng mister ko. (minamalas talaga ahh) " ok lang po.. pwede pong makikiinom na lang? Maya-maya nagpaalam na kami.. hindi kami pwedeng tumagal don at gutom narin kami. Lakad kami ng lakad hangang nasalubong namin yung klasmeyt ko nung high school,

Klasmeyt! Klasmeyt! (sigaw ko) Kumusta na? wow ang guwapo mo naman ngayon ahh ang laki ng pinagbago mo pare! (sabi ko sa kanya)

Kumain na ba kayo? (tanong sa akin) Hindi pa nga pare eh ( sagot ko sa kanya)

Tara don sa bahay para makakain kayo (aya sa amin ng klasmeyt ko)

Hayyy salamat akala ko talagang mamalasin kami (lol). Hindi naman kalakihan ang bahay nila yari sa kahoy, yung iba naman yari sa kawayan. Sa isip-isip ko... kawawa itong napuntahan namin.. buwelong-buwelo kami nito. Lulubusin ko narin ang pagkain ko.. Babawi ako sa pagod namin kalalakad. Etong dalawa kong kasama hindi na makahinga ha ha ha. Nilantakan ko narin.

Sa madaling sabi.. nakatapos na kami...

Pare..! pwede makagamit ng kubeta ninyo? Medyo naparami ang kain ko eh! don sa likod yung kubeta namin pare.. Kaya lang pagpasensiyahan mo na yero lang ang nakatakip wala pang bubong. Nag punta na ako hangang baywang ko yung dingding na yero, nagmamadali akong nagtangal ng saplot sus! pag upo ko tuloy tuloy ang bulusok (lol). Biglang naghabulan yung dalawang aso.. nahagip yung dingding biglang natumba yung dingding sa harapan ko.. jusko po!

hindi ko malaman kung anong tatakpan ko yung mukha ko o yung buntot ko. May nagbi billyar pa sa harapan ko. Nakita nila may nakasabit pa sa puwet ko. Dali-dali kong itinayo yung yero.. Pag tayo ko nasipa ko naman yung dala kong tabo.. Sus! daming problema walang natirang tubig sa tabo. Hindi ko alam kung paano na ito.. kahit dahon man lang wala pa! sus!
Itutuloy ko pa ba yung kwento?

Eto pa... nakasakay ako ng bus, pag akyat ko hanap ako kaagad ng may makakatabing chicks.. Ayun meron nga! tinabihan ko agad sa upuan. May isang anak na isang taon yung chicks na natabihan ko wow! ang swerte ko naman.. naka miniskirt pa, ang puti, pag sinuswerte nga naman noh. Makalipas ang 10 minuto... biglang tumae yung bata na anak nung chicks na nakatabi ko. Sus! jusko! nakakahiya naman na magtakip ako ng ilong, hindi ako nagpahalata don sa chicks.. pero abot abot ang pagkaka ngiwi ko. hayyy ako yata naka ubos lahat ng amoy!

Eto pa... Nasa mall ako pababa na ako ng eskaletor yun bang hagdanan na umaandar pababa, Galing ako ng second floor.. pag sakay ko ng eskaletor pababa habang nagte-tex ako sa kaibigan ko.... Biglang nag brownout! biglang tigil yung hagdanan.. ooppppssss! mabuti na lang magaling akong magbalanse. Hindi ko alam yung lalaki palang nasa likod ko gumugulong na pababa.. hindi nakabalanse.. nadaanan ako! gulong din ako! kumapit pa sa buhok ko..nakatigil na nga kami sa ibaba naka higa pa kami.. hindi pa binibitiwan ang buhok ko. pag tayo ko.. hinanap ko kaagad yung cellphone ko! ikot ako ng ikot.. nasa kamay ko pala.. sus! Hinarap ko yung lalaki... walangya ka.. ginulungan mo na nga ako.. ginawa mo pang kapitan itong buhok ko bwisit ka! hayyy (lol)

Eto pa... first time kung pumasok bilang security guard. Unang araw ng duty.. iyon din ang araw na natangal ako.. Ang lupit naman ng tadhana hayyy! Unang araw ko sa mall roving guard, paikot-ikot lang ako sa loob. Merong ding namamasyal na lalaki galing ng malayong probinsiya, unang salta din ng maynila... paikot-ikot din sa loob may dalang bag... Eh nag kasalubong kami.. nagkatitigan kami.. tumakbo yung lalaki ang bilis.. hinabol ko kaagad dalawa na kami ikot ng ikot sa loob ng mall.. nagkatumba-tumba narin ang mga stante, ang daming nasira.. sus! ang bilis nung loko.. sa madaling sabi.. nahuli ko din.. Dinala ko ngayon sa headquarters naming mga guwardiya..

Anong kasalanan niyan sarge? (tanong ng kumander namin)

Sir! Tumakbo eh!

Hinabol mo ako eh! (sagot nung lalaking inosente)

Eh.. Tumakbo ka nga... kaya hinabol kita! (sigaw ko sa kanya)

Kung hindi mo ako hinabol.. Hindi ako tatakbo!

Eh.. kung hindi ka tumakbo.. Hindi naman kita hahabulin buwisit ka!

Ikinalulungkot ko pong sabihin.. natangal na po ako doon sa guwardiya.. yung araw ding iyon. Buwisit na inosenteng yon.. Huwag lang mag ku-krus ang landas namin ngayon.. kukutusan ko ng pagkalakas-lakas yung buwisit na yon. siya ang sumira ng buhay ko! ke daming guwardiya.. sa akin pa nagpakita. buwisit! kapapasok ko pa lang! sisante agad (lol)

Sunday, 1 February 2009

REBULTO HINAHALIKAN

Eto nanaman ako sa aking hangout.. para mag bigay muli ng konting paliwanag at maibahagi kong muli sa inyo ang kakarampot kong utak.

Madalas kung nagsisimba tayo.. madalas nating nakikita na may mga taong humahalik sa paniniwala nilang rebolto ng mga santo o rebulto ni kristo. Bakit kaya nila hinahalikan yung bato? At paano kaya nila nasabing iyon nga ang mukha ni kristo or ni mama mary?
Kung tatanungin mo sila... ang isasagot sa iyo.. ganyan talaga ang mukha ni kristo at ni mama mary. Paano kaya nila nasigurado na ganon nga? Nakita na ba nila ng personanl si kristo or ni mama mary? Ikaw... kung tatanungin ka ganyan ba ang mukha ni kristo or ni mama mary? maaring isasagot mo oo. nakita mo na rin ba ng personal at nasabi mong ganon nga? Asan yung pag papatunay? Sa nabubuhay ngayon... wala na ang taong tunay na nakakita sa mukha ni kristo or ni mama mary. Sino pa ang mag papatunay? Ikaw... kung tatanungin ka... basta-basta ka na lang ba maniniwala sa sabi sabi? naniniwala ka ba kaagad kahit hindi mo tuwirang nakita ng dalawa mong mata di bah? Huwag mong sabihin na naniniwala ka kaagad kahit hindi mo pa napatunayan. Kahit hindi mo nakita maniniwala ka ba?

Sino ba gumawa ng mga rebulto? di ba tao din? Bakit natin sinasamba yung gawa ng tao? Madalas ko din nakikita na pinaparada nila sa kalsada ang mga rebulto at nag aagawan silang makahawak man lang sa rebulto. Bakit? Para mabawasan na ba ang kasalanan? Meron ding nagsasabi na yung rebulto ay nagpapahiwatig na meron ngang panginoon. Bakit hangang ngayon ba hindi pa natin alam na meron ngang panginoon?

hayyyyy ang daming katanungan ito. (lol) Alam ko isa sa mga makakabasa nito maaaring mag react. Bakit ka mag re react? Mali ba ang mga katanungan ko? Mali ba ako?

Para sa aking opinion... marami sa atin ang sumusunod sa maling paniniwala.
Marami sa atin ang sumusunod kung ano ang nakagisnan. Tama man o mali... Nakapako na tayo kung ano man ang ating nakagisnan.
Marami sa atin ang naniniwala na.... Iyon ang tama at hindi na maaring maiba dahil iyon ang nakagisnan. Iyon ang iminulat sa atin ng ating mga ninuno.

Wala kaya tayong kakayahang baguhin ang alam nating mali?

Tulad ng sinasabi ko... Ikaw parin ang tama sa sarili mong paniniwala
At ikaw din ang hari ng sarili mong desisyon.

IBA-IBANG RELIHIYON

Eto nanaman ako upang magbigay nanaman ng konting paliwanag tungkol sa usaping.. IBAT-IBANG RELIHIYON. Tulad ng madalas kong sinasabi opinion lang po ito. Hindi ko masasabing tama ako at hindi ko din masasabing mali ako. Basta ang alam ko ibinabahagi ko lang ang kakarampot kong utak sa inyo. (lol)

Hindi kaila sa ating lahat na ang pilipinas ang isa sa pinakamaraming relihiyon. Bakit nga ba tayo may kanya-kanyang relihiyon? Ano ba ang pagkakaiba ng bawat relihiyon? Kung magsimba ka ba sa isang grupo ng relihiyon hindi ka ba nila tatangapin? Bakit ka kaya hindi nila tatangapin? Bakit kaya hindi ka pwedeng magsimba sa kanila? Dahil iba ba ang kanilang diyos? Ang diyos ba kaya ay namimili kung anong relihiyon ka kasanib? Di ba ang dahilan naman talaga nating lahat ay ang magsimba at magsisi at humingi ng kapatawaran kung nakagawa ka man ng kasalanan at magbalik loob sa ating panginoon.

Bakit ang bawat relihiyon ay nag sasabing mali ang turo ng ibang relihiyon? Kailangan ba ng relihiyon upang maging mabait ka? Kung hindi na kailangan.. bakit pa natin mamili ng relihiyon? Dahil iyan ba ang nakamulatan natin? Madalas ko nakikita sa isang istasyon ng tv ang walang humpay na siraan ng bawat isang relihiyon. Bakit kailangan pa nilang magsiraan? ano... agawan ba ng kostomer? Para mas marami ang pumunta sa kanila? Para mas marami ang kikitain dahil sa kontribusyon? Ikaw... kung nakapagsimba ka ba sa kanilang relihiyon.. luluwag na ba ang pakiramdam mo? bakit? Ano ba ang sinabi mo doon? Nagdasal ka ba? humingi ka ba ng tawad? Naglakad ka ba ng paluhod? Umiyak ka ba habang humihingi ng tawad? Di ba ang alam nating lahat na... kahit saan ka mang lugar na naroroon pwede kang manalangin, pwede kang humingi ng tawad, dahil ang panginoon ay nandiyan lang sa ating tabi. Tama po ba?

Hindi po ba natin napapansin ang sinasabi ng mga pastor o pari ay.. magsimba po kayo sa ating simbahan. Bakit? Bakit kailangang pumunta pa tayo doon sa simbahan? diyan lang ba pwedeng manalangin? Bakit diyan tayo laging pinapupunta? dahil.. andiyan po yung tinatawag na ''SALOK'' ng mga barya.

Hindi po kaya natin naiisip na tayo ay ginagawang kasangkapan lamang ng mga grupo ng relihiyon? Dahil kumikita sila sa atin? at ang instrumento o ang paraan nila para kumita ay ang gamitin nila ang panginoon. Sino at anong grupo ba ang sikat? Anong relihiyon ba ang maraming sinasabi nilang kapanalig? yan yung relihiyon na naglalakihang mga tahanan at naglalakihang mga paaralan. Meron na ba kayong nabalitaan na... simbahan nag donate ng pera sa mga mahihirap? Para kasi sa akin wala pa akong nabalitaan na simbahan nagdonate ng pera sa mga nasalanta ng kalamidad.

Kung tama ako o mali... Binahagi ko lang kung ano ang nalalaman ko.

Opinion lang po ito.. kayo parin ang masusunod saan man ninyo naisin. Kayo ang hari ng sarili ninyong desisyon.

Salamat sa pagbabasa.