Sunday, 1 February 2009

REBULTO HINAHALIKAN

Eto nanaman ako sa aking hangout.. para mag bigay muli ng konting paliwanag at maibahagi kong muli sa inyo ang kakarampot kong utak.

Madalas kung nagsisimba tayo.. madalas nating nakikita na may mga taong humahalik sa paniniwala nilang rebolto ng mga santo o rebulto ni kristo. Bakit kaya nila hinahalikan yung bato? At paano kaya nila nasabing iyon nga ang mukha ni kristo or ni mama mary?
Kung tatanungin mo sila... ang isasagot sa iyo.. ganyan talaga ang mukha ni kristo at ni mama mary. Paano kaya nila nasigurado na ganon nga? Nakita na ba nila ng personanl si kristo or ni mama mary? Ikaw... kung tatanungin ka ganyan ba ang mukha ni kristo or ni mama mary? maaring isasagot mo oo. nakita mo na rin ba ng personal at nasabi mong ganon nga? Asan yung pag papatunay? Sa nabubuhay ngayon... wala na ang taong tunay na nakakita sa mukha ni kristo or ni mama mary. Sino pa ang mag papatunay? Ikaw... kung tatanungin ka... basta-basta ka na lang ba maniniwala sa sabi sabi? naniniwala ka ba kaagad kahit hindi mo tuwirang nakita ng dalawa mong mata di bah? Huwag mong sabihin na naniniwala ka kaagad kahit hindi mo pa napatunayan. Kahit hindi mo nakita maniniwala ka ba?

Sino ba gumawa ng mga rebulto? di ba tao din? Bakit natin sinasamba yung gawa ng tao? Madalas ko din nakikita na pinaparada nila sa kalsada ang mga rebulto at nag aagawan silang makahawak man lang sa rebulto. Bakit? Para mabawasan na ba ang kasalanan? Meron ding nagsasabi na yung rebulto ay nagpapahiwatig na meron ngang panginoon. Bakit hangang ngayon ba hindi pa natin alam na meron ngang panginoon?

hayyyyy ang daming katanungan ito. (lol) Alam ko isa sa mga makakabasa nito maaaring mag react. Bakit ka mag re react? Mali ba ang mga katanungan ko? Mali ba ako?

Para sa aking opinion... marami sa atin ang sumusunod sa maling paniniwala.
Marami sa atin ang sumusunod kung ano ang nakagisnan. Tama man o mali... Nakapako na tayo kung ano man ang ating nakagisnan.
Marami sa atin ang naniniwala na.... Iyon ang tama at hindi na maaring maiba dahil iyon ang nakagisnan. Iyon ang iminulat sa atin ng ating mga ninuno.

Wala kaya tayong kakayahang baguhin ang alam nating mali?

Tulad ng sinasabi ko... Ikaw parin ang tama sa sarili mong paniniwala
At ikaw din ang hari ng sarili mong desisyon.

9 comments:

  1. tol dati rin akong deboto katoliko, SANTA na nga ang tawag sakin ng mga kasamahan ko sa work noon kc gumigising pako ng madaling araw para lng magsimba kada miyerkules nagsisimba ako sa Baclaran, hwebes sa St.jude nman sa Mendiola, katabi ng Malacanang, biyernes nman nkikipagsiksikan ako sa Quiapo.Pero kakaiba ako sa mga karaniwang katoliko kc hindi ako naniniwala dun sa mga imahe at rebulto kc batid kong isang napakalaking kasalanan sa Diyos ang sumamba sa mga diyos-diyosan.Maliwanag na nasusulat un sa bibliya at nakasaad din sa sampung utos. Ewan ko nga ba kung bakit ayaw buksan ng ating mga kababayan ang knilang isipan sa maling paniniwala nila. Maaari nman tyong sumamba at manampalataya ng buong puso sa Panginoon ng hindi na kinakailangan pang gumamit ng mga larawan at rebulto na tanging tao lamang ang lumikha..

    ReplyDelete
  2. Salamat jheng sa comment.. kahit ako relihoso din akong tao.. pero minsan iniisip ko kung tama ba na sumunod tayo sa maling nakagisnan kung mali. Anyway salamat jheng more power to you and god bless you

    ReplyDelete
  3. sa akin pananaw heto ay ginagamit lamang nila na isang simbolo to represent of god and maybe when they are kissing the rebulto they are thinking of god that represent to that ...like when we are kissing a picture of our love one we are kissing it but in our mind it is the person behind that pic that we are really adored... hinde naman siguro un ang sinasamba niya ..its just a piece of my opinion ..

    ReplyDelete
  4. Tol,react lang ako ng kunti,kasi sa nakikita ko sa mga kababayan natin ay nananatiling pikit ang kaisipan sa katotohanan.Makabago na ang panahon.Panahon na ng computer,Nakita na ang mga labi nina jesus,Joseph,Mary,and MaryMagdalene,Pero ang mga kababayan natin ay nananatili sa paniniwalang ginamit ng mga kastila para maging sunod sunuran tayo sa kanila.Ang hindi alam ng mga indiyo[native]pinagtatawanan tayo ng mga kastila sa mga pang uuto nila.Kung tutuusin naman kasi tama ang paraan ng pagsamba ng tunay nating mga ninuno.Bago pa dumating ang mga dayuhan ay nananampalataya na tayo kay Bathala.Ang pinakamapangyarihan na lumikha ng sanlibutan.Ginulo lang ng mga kastila para wag mag isip ang mga indiyo na mag rebelde sa kanilang pananakop sa atin.Halimbawa Tol,Yung tinatawag natin na kumpisal,naglagay sila ng kumpisal para malaman nila ang mga prebadong buhay ng mga endiyo at para kung may alam ka sa katipunero ay sasabihin mo sa kanila.Very effective naman kasi madaling nauto ang mga endiyo,pwera si Rizal na sumulat ng mga aklat na nagbubulgar ng kabulukan ng mga kastila.Pati ang kaibigan nya na si Del Pilar o Plaredel ng La Solidaridad.Saka kung mapupuna mo kapag catholic school ayaw gamitin ang Noli at Fili ni Rizal.Sa sarili ko namang pananaw ay yun talagang mga nakalagay sa bible ang dapat nating maging daan patungo sa Kanya.Hindi talaga mapapasubalian ang katotohanan ng bible lalo na yung old testament na talagang may kamangha manghang mga hula na ngayon pa lang nangyayari.Nakakapanghihilakbot ang naging epekto ng mga maling pagtuturo ng mga kastila sa ating mahal na kababayan.Napakasakit sa akin na nakikita ko silang hindi magkamayaw sa pag aagawan at pagsisiksikan para lang makalapit sa black nazarene.Isang napakalaking pag lapastangan sa tunay na Lumikha.Kaylan at may pag asa pa kaya silang magising?
    Kung maaalala mo Tol si Diego Silang,Kung hindi ako nagkakamali ay ilokano,Ang pumatay sa kanya ay kaibigan din nya na mestiso na nasilaw sa perang iniupa ng paring kastila.Saan ba galing yung pera na yun?Diba sa abuloy ng mga endiyong uto uto.

    ReplyDelete
  5. wOW NAMA SALAMAT NG MARAMI KAY MR/MISS ANONIMOUS AT SA IYO TOL SABS SA INYONG PAGBISITA AT PAG SHARE NG MGA OPINION.. TUNAY NA MAKAHULUGAN ANG MGA SINABI NINYO. KAY MR/MISS ANONIMOUS MERON KA DIN KATWIRAN HUMAHALIK SILA DAHIL IYON ANG ISANG PARAAN PARA MAIPAABOT NATIN ANG ATING PANANALIG SA ITAAS. KATULAD NG PAGHALIK SA PICTURE. OO NGA NAMAN THANKS PO.

    AT KAY TOL SABS SALAMAT DIN SA MAGANDA MONG PALIWANAG. AT SA SALAMAT SA PAGBISITA NINYO.

    NADADAGDAGAN DIN ANG AKING NALALAMAN. KLAP KLAP KLAP.

    ReplyDelete
  6. Paghalik sa rebulto? ito ang sinasabi ng mga ibang relihiyon tungkol sa mga katoliko. Katoliko ako at ipinagmamalaki ko, dahil sa paraang pagiging katoliko kami pinalaki ng magulang namin at masasabi ko hindi man kami ganon kabuting pamilya ay masasabi ko namn na pamilya kami na may takot sa Diyos.
    tungkol sa paghalik sa rebulto, sa sarili ko paghalik ko sa mga rebulto ay hindi ibig sabihin ay sumasamba na ako sa rebulto. Ginagawa ko yon gaya ng kung pano ko alalahanin ang mahal ko sa buhay na kinuha na ni Lord, mga picture niya na hinalikan ko,kinakausap, sinasabihan ko ng mga problema, niyayakap at iniiyakan na kung at kung kaya pa ng pera ko papagawa ko pa ng Painting (charcoal paint para mas mahal o kahit rebulto pa).ginagawa ko ito bilang pag aalala sa aking ina, dahil kapag nakikita ko ang picture niya patuloy kong naaalala kung pano niya kami minahal at inalagaan. Nagagawa ko ito sa aking ina, bakit sa larawan o rebulto ni Jesus Christ at sa mga taong ginawang santo dahil sa kanilang pagkilala at pagbibigay ng boung buhay nila sa Diyos, mali ba na gawin ko din ito, ang alalahanin sila sa kanilang larawan
    hindi man iksakto sa hitsura nila ang nasa rebulto hindi yon ang importante, ang importante kung ano ang tunay na nasa puso mo at isipan...Pagsamba ba ang ginagawa kong paghalik sa mga rebulto? hindi respeto at pagkilala sa KADAKILAAN NA GINAWA NILA gaya ng ginagawa ko sa mga larawan at rebulto ng mga mahal ko sa buhay na sa ganon paraan ko na lang sila naaalala ang tingnan sila sa kanilang mga imahe REBULTO MAN O LITRATO gaya ng rebulto ng ating mga bayani na binabantayan pa ng mga sundalo...

    (hindi rin natin masisi yung ibang pastor na ikalat nila ang mga ganitong pananaw dahil nasusulat din namn talaga sa BIBLIA : OLD TESTAMENT: "23'(AE)You shall not make other gods besides Me; (AF)gods of silver or gods of gold, you shall not make for yourselves.

    24'You shall make (AG)an altar of earth for Me, and you shall sacrifice on it your (AH)burnt offerings and your (AI)peace offerings, (AJ)your sheep and your oxen; in every place (AK)where I cause My name to be remembered, I will come to you and bless you.

    25'If you make an altar of stone for Me, (AL)you shall not build it of cut stones, for if you wield your tool on it, you will profane it.")SALITA HO ITO NG DIYOS AMA, WALA RIN NAMN KAMING MGA KATOLIKO NA REBULTO NG DIYOS AMA,KAHIT NA HUMAHALIK KAMI AT NAGBIBIGAY RESPETO SA MGA REBULTO IISA PA RIN ANG KINIKILALA NAMIN NA MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT ANG "DIYOS AMA"...

    ReplyDelete
  7. salamat tol reymal parehas pala tayong katoliko hehe totoo yang mga sinabi mo tol kaya lang minsan meron ding mga katanungang pilit kong hinahanapan ng kasagutan sa sarili ko. nasa tao naman talaga ang laya sa bawat nais nating gawin ang mahalaga tulad mo tol na may mabuting kalooban para sa kapwa alam ko rin ang pananaw mo sa buhay tol mabuhay ka god bless always tol.

    ReplyDelete
  8. Pre about sa image ni jesus, ibinase yan sa "Shroud of turin" kung saan ang mukha ni jesus ay nagmarka sa isang tela ng ito ay itinakip sa kanya on his death. If im not mistaken.

    ReplyDelete
  9. salamat po madam or sir anonymous sa pag bisita at sa pagbabasa... msa sinabi mo na ang imahe ni jesus ay ibinase sa "Shroud of turin" na nagmarka sa tela ang kanyang mukha... maari nga siguro madam/sir anonymous... mag bigay lang ako ng konti pananaw ha... siguro para sa aking pananaw maaring tama ka sa sinabi mo pero para sa akin kung ano man siguro ang pinangalingan ng ating paniniwala kung ito ba ay ating napanood or ating nabasa para sa akin napakahirap kong paniwalaan kung yan nga ba ang totoo o tunay na katotohanan hehe maaring hindi po ninyo ako makuha... kung pagbabatayan ko lang po kung ano ang aking napanood o nabasa para ako ay maniwala siguro mahirap po para sa akin ang maniwala na iyan ang katotohanan... kaya nga po para sa aking sarili pag religion po ang pag uusapan marami po akong mga katanungan na maari ko pong hanapan ng kasagutan... mga kasagutang may katotohanan na may kaakibat na pagpapatunay na hindi babase sa mga nababasa o napapanood lamang hehe salamat po anonymous sa pagbisita at sa comment ninyo tambay lang po tayo dito... open po ako lagi sa inyong mga comments

    ReplyDelete