Tuesday, 10 February 2009

SA PAG-IBIG PUSO O ISIP



Ang larawan po na inyong nakikita sa itaas.. wala pong kinalaman dito sa aking kuwento.. inilarawan ko lang po ng sa ganon mabigyan ko ng konting buhay ang aking kuwento.

Kadalasan sa pag-ibig nagiging sarado ang ating isip.. hindi na natin minsan naiisip kung ano nga ba ang tama at kung ano ang mali. Nagiging sarado ang ating isipan dahil nakatuon na lang ang pusot isip natin sa taong tinatangi. Nagiging bulag na tayo sa kaligayahang dulot ng pagmamahal. Kadalasan bago tayo umibig unang-una nating nakikita ang panlabas na kaanyuan ng isang tao. Kung sino ang maganda at kung sino ang guwapo dito mahina ang tao.
Madali kang mapaibig kung may nakita kang kaguwapuhan or kagandahan ng isang tao. Dito natin nararamdaman ang tinatawag nating LOVE AT FIRST SIGHT.

Dito din natin nakikita ang inatawag na '' CRUSH ''. Meron o madalang na ngayon ang mga taong tumitingin sa ugali ng isang tao bago siya mapa ibig. Pero... umiibabaw parin dito ang pagtingin natin sa panlabas na kaanyuan.

Ang ikukuwento ko sa inyo ngayon tungkol ito sa babaing tumingin sa panlabas na kaanyuan.. or matatawag na rin nating puso ang pinairal. Ano nga ba ang dapat sa pag-ibig? Ano nga ba ang dapat paiiralin natin pagdating sa pag-ibig?

Si melissa ay solong anak, nag aaral sa isang eksklusibong paaralan, sunod ang layaw, nakukuha ang lahat ng maibigan dahil nga sa nag iisang anak. Walang alam sa gawaing bahay, dahil na rin sa ganong nakagisnan ni melissa.. maaga siyang nakapag asawa. Ano mang tutol ng kanyang mga magulang walang nagawa. Bata pa si mellisa at kasalukuyan pang nag aaral sa kolehiyo. Dala narin ng ugali ng kabataan ngayon.. naging mapusok si mellisa at ng kanyang kasintahan na si arnel, isa ding sunod sa layaw ng kanyang mga magulang. Wala ding alam na trabaho.. spoiled, Dahil sa angking kagwapuhan napaibig niya si melissa. Hangang sa humantong sila sa isang bagay na magbubuklod sa kanilang dalawa. Kinasal sina melissa at arnel ng hindi nakapagtapos ng pag aaral. Hindi mahalaga sa kanila kung ano ang magiging bukas.. Basta ang mahalaga nagsasama na sila at hindi na magkakalayo kaylan man, hangang magkaroon sila ng isang anak.

Habang tumatagal ang pagsasama nina arnel at melissa, unti-unti nakikilala ng lubusan ni melissa ang ugali ni arnel. Sa hindi inaasahan ni melissa.. nalaman niya na ang kanyang napangasawang si arnel ay isang mamas boy, tamad maghanap buhay, walang alam na trabaho, at higit sa lahat ang napangasawa ni melissa ay hindi pa kayang tumayo sa sarili niyang paa. Kaya ganon na lang ang pakikisama ni melissa sa kanyang mga biyenan. Dahil nakikisukob lang sila sa mga magulang ni arnel hindi magawa ni melissa ang maging masaya. Hangang nagdesisiyon si melissa na siya na lang ang hahanap ng mapapasukan. Mahina man ang kanyang katawan.. pipilitin niyang maghanap buhay alang-alang sa kanyang anak. Wala man siyang alam na trabahong bahay.. gagawin niyang lahat.

Si melissa ay namasukang katulong sa saudi arabia, sa kasamaang palad.. nakatagpo si melissa ng among arabo na masahol pa sa hayup kung ituring si melissa. Sa mahinang katawan ni melissa.. nakatikim siya ng sipa, sampal, tadyak, sabunot sa piling ng kanyang mga amo. tanging iyak lamang ang kanyang nagagawa. Tanging luha sa araw-araw ang kanyang kapiling. Dito niya naiisip ang kanyang anak na naiwan. Paano kung dumating ang araw na hindi na siya makita ng kanyang anak. Dito din niya naiisip ang kanyang ina.. gusto niyang sumigaw, gusto niyang tawagin ang kanyang amat ina, gusto niyang humingi ng tulong sa kanyang ina, gusto niyang sumigaw.. "inay tulungan mo po ako".

Si melissa ay nakauwi na tulala.. si melissa ay hindi na halos nakakausap dahil sa hirap ng kanyang sinapit sa kamay ng kanyang mga amo. Si melissa ang nagtiis sa piling ng iresponsable niyang asawa. Si melissa ang nagtiis na hindi makita ang kanyang anak. Sa isang inang tulad ni melissa.. gaano ba kasakit ang sinapit niyang hirap sa kamay ng kanyang among arabo? gaano ba kasakit ang malayo sa kanyang amat ina? ang lahat ng dinanas ni melissa ay makakaya niyang harapin. Ngunit bilang isang inang tulad ni melissa... ang hindi niya kayang tiisin ay ang iwan niya ang kanyang unang anak.Ang hindi kayang tiisin ni melissa ay ang hindi mayakap ang sangol na nanggaling sa kanyang sinapupunan. Si melissa ay nasa piling na ng kanyang amat ina kasama ang sangol na tanging pinakaiibig niya, ang tangi niyang kayamanan at kaligayahan. Mawala man sa piling niya si arnel.. huwag lang kanyang manika.

Sa aking kuwento... isang bahagi ng pag ibig na ang pinairal ay puso at hindi ang isip. Sa pag ibig maaring kailangan din nating paiiralin ang puso... ngunit mas kailangan dapat na laging naka akibat ang ating isip. Sa pag ibig hindi lang puso ang pagaganahin.. pati narin ang utak sa pag pili ng makakasama sa habang buhay.

Sana po.. nakapulutan natin ng aral ang aking kuwento.. kung hindi man.. sana napangiti ko man lang kayo kahit na sa konting segundo lamang.

Ano man po ang mali o kulang sa aking sinulat... konting unawa lang po bahagi din po ito ng kakarampot kung utak.

SALAMAT PO SA BINAHAGI NINYONG ORAS SA PAGBABASA!

No comments:

Post a Comment