Sunday, 28 December 2008

PAG-IBIG NA MAKAPANGYARIHAN

Sa pag-ibig... napakaraming bagay ang maari mong maisp at magawa. Minsan dahil dito... nakakagawa tayo minsan ng pagkakasala, kung minsan nakakagawa din tayo ng kabutihan.
Sa pag-ibig merong ibat-ibang paraan kung saan mo ito gagamitin. Sa pag ibig, kaakibat diyan ang pagmamahal, pag-uunawa, malasakit at awa. Kung minsan ang pag-ibig sa isang tao o sa isang kasintahan ang kadalasang nagbibigay sa atin ng kalungkutan, kasiyahan, kasalanan, kabutihan kung minsan pa nagdudulot sa atin ng kamatayan. Sa pag-ibig nababago ang pananaw ng isang tao at nababago ang buhay ng isang tao.
Sa pag-ibig marami ang nabubuwang at marami din ang lumiligaya ng dahil sa pag-ibig.
Sabi nga ng iba.. Mahirap umasa sa salitang '' mahal ''. Walang kasiguruhan at walang katiyakan. Hindi mo alam kung galing sa puso. Pero minsan.. kailangan mong paniwalaan para hindi ka masaktan.

Sa pag-ibig nagagawa mong magdasal kung minsan sa pag-ibig nakaka usap mo pati ang buwan. Tulad ko, minsan tumitingala ako sa langit at nagtatanong sa buwan... " IKAW BA BUWAN KUNG NASASAKTAN KA... KAYA MO BANG IWAN ANG LANGIT ?" (LOL)
Noon, nagmahal ako ng sabay, naranasan ko kung paano mamili sa kanila at iwan ang isa. Ikaw kaya? Paano kung nag kamali ka ng pag pili sa dalawang mahal mo... BABALIKAN MO BA ANG INIWAN MO? OR PIPILITIN MO NA LANG MAGING MASAYA SA PILING NG PINILI MO?

Minsan dumarating sa buhay natin ang pagsuko.. Tangapin ang pagkatalo kahit gaano mo man siya kamahal.. Kung magpaalam sa iyo ang taong alam mong nagmamahal sa iyo.. pipigilin mo kaya? Pero ang taong nagmamahal sa iyo umalis man.. sinusubukan parin niyang pigilan ang sarili niyang umalis.

Kung umibig ka at iwan.. tinatanong mo rin ba ang iyong sarili?

Pa'no kaya ang puso ko kapag kapiling mo na siya?

Pa'no mo kaya matatangap sa buhay mo kung wala na siya?

Paano kaya ang bawat sandali kapag naaalala mo siya?

Paano kaya kung tuluyan siyang mawala na? ( hirap noh?)

Pra sa akin tatlong bagay lang masaya na ako sa iyo- Yung UNA- buhay ko.... PANGALAWA - friends ko - PANGATLO. oy oy oyyy Tampo ka na kaagad! Basahin mo uli... ikaw yung una..

Sana... sa akin ka nalang para hindi ka na iiyak.Sana...

Sa akin ka na lang para hindi na muling masaktan.

Sana...sa akin ka na lang, para lagi kang masaya.

Pero sana... ako na lang siya na minahal mo ng sobra.

Mahirap din mag mahal minsan, ang akala mo ''SIYA NA '', Namalayan mo na lang.. Para palang kalsada..dumaan lang pala siya sa buhay mo para saktan ka!
Masyadong makapayarihan ang pag ibig.. Ibibigay mo ang lahat para sa kanya. Ipag tatangol mo kahit kangino, Mamahalin mo hangang makakaya mo... kahit hindi tayo!
Hindi baleng sabihan kang martir.. Ibibigay mong lahat.. mamahalin mo siya ng sobra..Para kung sakaling iwan ka... Masasabi mo sa kanya... Hindi ako ang nag kulang..! Hindi ka lang nakuntento! ( buwisit ka! )

Madalas na mimiss mo siya.. hindi ka naman niya na mimiss. Minahal mo siya... Hindi ka naman minahal. Kahit sinasaktan ka.. okay lang sa iyo. Ang tanga mo noh? Parang ako! Punyetang pag-ibig yan nauso pa!

Ayoko ng umibig.. Ayoko ng maging baliw.. Takot na akong mag mahal.. Ayoko ng masaktan pa! Sapat na sa akin ang lahat.. Masaya na ako sa aking pag iisa! Tama na sa akin ang iyong ala ala!

Pero bilib ako sa iyo.. Binago mo buhay ko. Pero... lalo pa akong humanga sa iyo!

BIRUIN MO... SA TIGAS KONG ITO.. NAGAWA MO PA AKONG PAIYAKIN!!

NAKAKA BALIW KANG TALAGA

CHRISTINE REYES


Wow.. suwabe naman.. Sobra!

Di mo ba alam..
Akoy nababaliw sa iyo.
Akoy nangigigil sa iyong labi..
Sa hita mong kay puti.

Di ko na alam kung ano ang aking gagawin..
Kapag nakikita ang mukha mong kay ganda..
Sumasaya ang tanawin. Wooooo!

Alam mo bang..

Nakakabaliw ka..
Nakakaaliw.
Nakaka kilig..
Nakaka gigil..
Nakaka gutom ang isang tulad mo.

Nakaka uhaw ka..
Nakakadala..
Nakaka hibang..
Nakaka sabik..
Nakaka kaba..
Nakaka pagod ang isipin ka.

Di ko alam.. Kung bakit ka ganyan.
Sa tuwing lumalapit bigla kang sumusungit
o baka naiinis ka lang.
Inlove ka ba?
o iniwan ka ng boyfriend mo?

Akoy humahanga at hindi
magsasawang itoy sabihin sa iyo.

Nakaka gigil ka..
Nakakahibang
nakaka gutom ang isang tulad mo..

Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin..
kapag nakikita ang mapupula mong mga labi
at sa hita mong nakaka baliw.
Hayyyy!
Nakaka pagod ang isipin ka.

Siguro... Mahal lang talaga kita!

Tuesday, 23 December 2008

PINOY ABROAD

Tayung mga ofw... walang pinakamasarap sa ating buhay kundi ang araw ng ating bakasyon pauwi ng pinas. Ang sarap di ba? Tulad ko... 2 weeks before ang alis ko pauwi ng pinas.. super dufer ang saya. Walang katumbas na halaga ang mararamdaman mong kaligayahan. Bukod sa makikita mo na ang mga mahal natin sa buhay, siyempre pa may dala ka pang mga pasalubong para sa kanila. Kahit konti ang madalang pera.. basta makabakasyon lang masaya na tayo don.

Pag dating mo sa Ninoy International Airport... hindi mo na halos maipaliwanag ang sayang nararamdaman, pakiramdam ko.. parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Para bang nawala ang lahat ng pagod, hirap, gutom ng mga sandaling iyon. ha ha ha. ( o di ba )

Sakay ka ng taksi ngayon... Ako kasi hindi na ako nagpapasundo mas gusto ko yung ako na lang ang mag biyahe pauwi. Siyempre habang nasa taksi medyo umiinom na ng konting red horse.. Pagdating ko sa baryo namin... pagbaba ko ng taksi... andiyan na ang artista (LOL) ''- ganyan naman talaga ang mga galing ng abroad... para kang artista kasi siyempre matagal kang nawala sa paningin nila, ang laki pa ng pinagbago ng kulay mo, medyo gumuwapo ka pa ng konti.( ha ha ha) Meron kang maririnig na sigaw '' ay si kuya dumating" Kuyaaaa!! naks sabay yakap... kumustahan to da max. Halos wala ng puwang upang maisarado mo yung bibig mo sa pagkakangiti. Ang sarap-sarap talaga ng feeling noh.

Pagdating mo sa bahay... hayyyyy ang sarap-sarap talaga! ang sarap sa pakiramdam.. ang sarap ng simoy ng hangin.. ang sarap ng pakiramdam ang nandito ka sa sarili mong tahanan. Parang gusto kong magpakalasing ng todo noong mga araw na iyon. Iniisip ko... wala naman akong pasok kinabukasan pahingang-pahinga itoooo! (may flashback pa kc eh noh) Unang gabi ko sa bahay... ang araw na isa ding pinakamasayang oras dahil unang gabi ng kwentuhan... iyakan... tawanan... inuman, habang yung iba mong mga kapatid, pamangkin kanya-kanya ng pwesto sa tong-itan kasi may mga pera na ha ha ha. Mga kapatid mong lalaki naka pwesto narin sa mahjong siyempre may mga puhunan narin.. sabay narin ang ikot ng baso ng alak. Ikaw naman halos hindi ka na makakain sa sobrang kaligayahan mo. Kung tutuusin ayaw mo ng matapos ang mga sandaling iyon. Kung iisipin mo talaga.. kulang na kulang talaga ang isang buwang bakasyon mo sa pinas. Kung ikukumpara sa dalawang taon mo sa malayo, nagiisa, nalulungkot, pagod sa araw-araw.Parang ayaw mo ng bumalik ng mga araw na iyon.

Pagmulat ng mata mo... gigisingin ka ng misis mo o ng anak mo o ng nanay mo. Anak... anong dadalahin mo... maligo ka na at kailangan maaga ka sa airport. (waaaaaa oras na naman) Eto naman ang pinaka-mahirap sa isang ofw.. ang pagbabalik.

Yung mga gamot na dadalhin mo naka ready ng lahat, huwag mo pababayaan ang sarili mo doon ha! sabay yakap sa kanila... kasabay ng pagpatak ng luha mo. Aalis na po ako inay... yayakap ka narin sa misis mo at mga anak mo.. kakaway ka na rin sa mga kapitbahay mo na nagsasabing...paalam na at akoy babalik na upang humanap muli ng ikabubuhay.
Nakasakay ka na sa eroplano pabalik... nakaupo sa upuan habang ginugunita mo sa iyong isipan... ang mga araw na kay sayang mamuhay talaga sa pinas. Mga sandaling kaylan lang kapiling mo ang mga mahal mo sa buhay. Ngayon, andito ka... pabalik ng muli... umpisa nanaman ng hirap... umpisa nanaman ng dalawang taong pakikibaka at pakikipag sapalaran sa piling ng kalungkutan.Trabaho nanaman.. ganito talaga ang buhay.. magtrabaho upang mabuhay.

Umpisa na naman ng trabaho... Dating gawi nanaman tsk tsk tsk

Mag kita - kita na lang tayo uli! ba bye!

Monday, 22 December 2008

SENATORS CONTACT INFO

Senator Panfilo M. Lacson Senate Office:Rm. 525 5th Flr., GSIS Bldg., Financial Center, Roxas Blvd., Pasay CityTrunk Lines: (632) 552-6601 to 80 loc. 5534 / 5535Direct Line: (632) 552-6786Fax No.: (632) 834-6590Email: ospml@yahoo.comWebsite: http://www.pinglacson.com.ph/

Senator Edgardo J. AngaraSenate Office:Rm. 504 5th Flr., GSIS Bldg., Financial Center, Roxas Blvd., Pasay CityTrunk Lines: (632) 552-6601 to 80 loc. 5571 / 5593 Direct Lines: (632) 552-6779 / (632) 552-6852Telefax: No.: (632) 552-6601 loc. 5572Email: edgardo_angara@hotmail.comWebsite: http://www.edangara.com/

Senator Benigno S. Aquino IIISenate Office:Rm. 526 5th Flr., GSIS Bldg., Financial Center, Roxas Blvd., Pasay CityTrunk Lines: (632) 552-6601 to 80 loc. 5541 Direct Lines: (632) 552-6685 / (632) 833-6382Email: benigno_aquino_iii@yahoo.comWebsite: http://www.noynoy.ph/

Senator Joker P. ArroyoSenate Office:Rm 511 5th Flr., GSIS Bldg., Financial Center, Roxas Blvd., Pasay CityTrunk Lines: (632) 552-6601 to 80 loc. 5567Direct Lines: (632) 552-6730 / (632) 833-2291Fax No.: (632) 552-6790Email:office_sen_jokerarroyo@yahoo.com

Senator Rodolfo G. Biazon Senate Office:Rm. 527 5th Flr., GSIS Bldg., Financial Center, Roxas Blvd., Pasay CityTrunk Lines: (632) 552-6601 to 80 loc. 5528 / 5529Direct Line: (632) 552-6772 / (632) 551-7344 / (632) 551-7353Telefax No.: (632) 552-6772Email: pongbiazon@yahoo.comWebsite: http://www.biazon.net/

Senator Alan Peter "CompaƱero" S. CayetanoSenate Office:Rm. 518 5th Flr., GSIS Bldg., Financial Center, Roxas Blvd., Pasay CityTrunk Lines: (632) 552-6601 to 80 loc. 5518 / 5519 / 5520 Email: alancayetano@yahoo.com

Senator Pia S. Cayetano Senate Office:Rm. 505 5th Flr., GSIS Bldg., Financial Center, Roxas Blvd., Pasay CityTrunk Lines: (632) 552-6601 to 80 loc. 5556 / 5557 / 5588Direct Lines: (632) 552-6683 / (632) 552-9003Fax No.: (632) 552-6684Email: pia@senatorpiacayetano.comWebsite: http://www.senatorpiacayetano.com/

Senator Miriam Defensor Santiago Senate Office:Rm. 521-A 5th Flr., GSIS Bldg., Financial Center, Roxas Blvd., Pasay CityTrunk Lines: (632) 552-6601 to 80 loc. 5561 / 5562 / 5563Direct Lines: (632) 552-6693Telefax No.: (632) 552-6692Email: miriam@miriam.com.ph, senmds@yahoo.comWebsite:www.miriam.com.phQuezon City Office (Main Office):4/F Narsan Bldg., 3 West Fourth St., West Triangle, 1104 Quezon CityDirect Lines: (632) 411-4380 / (632) 371-9156 / (632)372-4573Telefax No.: (632) 374-3059

Senator Juan Ponce Enrile Senate Office:Rm. 503 5th Flr., GSIS Bldg., Financial Center, Roxas Blvd., Pasay CityTrunk Lines: (632) 552-6601 to 80 loc. 5552 / 5553 / 5554Direct Lines: (632) 552-6690 / (632) 552-6691Email: senator_enrile@senate.gov.phWebsite: http://www.jpenrile.com/

Senator Jinggoy Ejercito Estrada Senate Office:Rm. 602 6th Flr., GSIS Bldg., Financial Center, Roxas Blvd., Pasay CityTrunk Lines: (632) 552-6601 to 80 loc. 2521 / 2523 / 2525Telefax Nos.: (632) 552-6686 / (632) 552-6685Email: senjinggoyestrada@senate.gov.ph

Senator Francis Joseph “Chiz” Guevara EscuderoSenate Office:Rm. 517 5th Flr., GSIS Bldg., Financial Center, Roxas Blvd., Pasay CityTrunk Lines: (632) 552-6601 to 80 loc. 6537 / 6539 / 6540 / 6541Direct Lines: (632) 833-5034 / (632) 833-8765Email: sen.escudero@gmail.com, reachus@chizescudero.com, mediagroup@chizescudero.comWebsite: http://www.chizescudero.com/

Senator Gregorio Ballesteros Honasan Senate Office:Rm. 507 5th Flr., GSIS Bldg., Financial Center, Roxas Blvd., Pasay CityTrunk Lines: (632) 552-6601 to 80 loc. 5531 / 5532 / 5533Telefax No.: (632) 551-0525Email: gringo_chq@yahoo.comWebsite: http://www.greghonasan.com/

Senator Manuel "Lito" M. Lapid Senate Office:Rm. 516 5th Flr., GSIS Bldg., Financial Center, Roxas Blvd., Pasay CityTrunkline: (632) 552-6601 to 80 loc. 5573 / 5575Direct Line: (632) 552-6694Telefax No.: (632) 552-6695Email: sen.litolapid@senate.gov.ph

Senator Loren B. LegardaSenate Office:Rm. 209 2nd Flr., GSIS Bldg., Financial Center, Roxas Blvd., Pasay CityTrunk Lines: (632) 552-6601 to 80 loc. 5537 / 5538 / 5539 Email: loren_b_legarda@yahoo.comWebsite: http://www.lorenlegarda.com.ph/

Senator M.A. Madrigal Senate Office:Rm. 510 5th flr., GSIS Bldg., Financial Center, Roxas Blvd., Pasay CityTrunk Lines: (632) 552-6601 to 80 loc. 5565 / 5566 / 5591Direct Line: (632) 552-6703Fax No.: (632) 552-6687Email: mam@senate.gov.phWebsite: http://www.jambymadrigal.com/

Senator Kiko Pangilinan Senate Office:Rm. 603 6th Flr., GSIS Bldg., Financial Center, Roxas Blvd., Pasay CityTrunk Lines: (632) 552-6601 to 80 loc. 6512 / 6514 / 6515 / 2526Direct Lines: (632) 552-6732 / (632) 552-6748Fax No.: (632) 552-6747Email: kikopangilinan@kiko.phWebsite: http://www.kiko.ph/

Senator Aquilino Q. Pimentel, Jr. Senate Office:Rm. 601 6th Flr., GSIS Bldg., Financial Center, Roxas Blvd., Pasay CityTrunk Lines: (632) 552-6601 to 80 loc. 6501 / 6505 Direct Lines: (632) 552-6733 / (632) 552-6745Fax Nos.: (632) 552-6713 / (632) 552-6731Email: aqp@senate.gov.phWebsite: http://www.nenepimentel.org/

Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr. Senate Office:Rm. 506 5th Flr., GSIS Bldg., Financial Center, Roxas Blvd., Pasay CityTrunk Lines: (632) 552-6601 to 80 loc. 5521 / 5523 / 5577Direct Line: (632) 552-6776Telefax No.: (632) 552-6698Email: senbongrevilla@senate.gov.ph

Senator Mar A. Roxas Senate Office:Rm. 523 5th Flr., GSIS Bldg., Financial Center, Roxas Blvd., Pasay CityTrunk Lines: (632) 552-6601 to 80 loc. 5524 / 5525 / 5594Direct Line: (632) 552-6688 / (632) 832-8280Fax No.: (632) 552-6689Email: mar@marroxas.comWebsite: http://www.marroxas.com/

Senator Antonio "Sonny" F. Trillanes Senate Office:Rm. 519 5th Flr., GSIS Bldg., Financial Center, Roxas Blvd., Pasay CityTrunk Lines: (632) 552-6601 to 80 loc. 5559 / 5560 / 5666 Email: senatortrillanes@gmail.com

Senator Manny Villar Senate Office:Rm. 606 6th Flr., GSIS Bldg., Financial Center, Roxas Blvd., Pasay CityTrunk Lines: (632) 552-6601 to 80 loc. 6508 - 6511Direct Lines: (632) 552-6876 / (632) 552-6715Fax No.: (632) 552-6734Email:

Sunday, 21 December 2008

PORMULA TUNGO SA TAGUMPAY


Ano kayang pormula ng tagumpay para makaahon sa kahirapan?

Matalino at may pananaw sa hinaharap ang mga Aleman at Hapones sa kanilang pagpapagamit sa kanilang paaralan ng mga aklat na ginamitan ng sarili nilang wika, upang mas madaling maunawaan ng mga bata sa elementarya. Ang aklat na isinalin sa sarili nilang wika ay ang

PUSHING TO THE FRONT.

Nag sasaad at nagtuturo ng kung paano ang pag disiplina sa sarili.
Ito kaya ang dahilan kung bakit sila ay may sariling disiplina?

Nakasaad din sa aklat na yan ang... SELF-CONFIDENCE, POSITIVE CREATIVE THINGKING, HARD WORK, CONCENTRATED SINGLENESS OF PURPOSE, CLEAN LIFE EQUALS SUCCESSFUL LIVING. Ang aklat na yan ang binasa ko nung panahon na kasalukuyang lumalaban ako sa kahirapan ng buhay. Kung para sa akin maaring isa din iyang sandata upang malunasan ang ating kasalukuyang paghihirap. Ang mga katagang aking nabangit sa itaas ay siyang ginagamit at hindi ko kinakalimutan hangang sa ngayon.

Ang buhay ko na tigib sa pakikipagsapalaran, binuhay ko ang aking sarili sa pamamagitan ng sariling pagsisikap. At ni minsan hindi ako umaasa sa tulong ng iba, na kung aking iisipin may mga taong pilit nila akong gustong tulungan. Para sa akin unang tagumpay na aking nakamit... Ang makita kang mapagkumbaba sa kapwa.. pilit din silang bababa para sa iyo.
Madalas na sumasagi sa aking isipan ang salitang... NOTHING IS IMPOSSIBLE TO THE MAN WHO CAN WILL.

Ulila na akong lubos, naging working student ako sa mulat-mula pa.
Namasukan ako na wala akong ibang hininging kapalit kundi ang madugtungan ko lang ang aking buhay.. ang meron lang magpakain sa akin sa araw-araw. Kadalasan luha ang aking kapiling sa araw-araw, lalo na sa tuwing naririnig ko ang awiting ANG MAGING ULILA.
Tunay na umiiyak ako hindi dahil sa hirap ng buhay.. kundi ang makita ko ang sarili ko na nagiisa, walang amat inang maiiyakan, walang inang magpapainom ng gamot sa akin sa tuwing akoy nilalagnat, walang inang kapiling sa tuwing sumasapit ang kapaskuhan.

Ngayon... narating ko na ang kinalalagyan ko ng may ngiti sa labi,
ang tanging sandata ay ang pagbabasa at pagunawa sa binabasa, piliting tumayong mag isa at kung paano lumaban sa hamon ng buhay. upang makamit ko ang aking tagumpay.

Gawing puhunan tungo sa tagumpay ang sunod-sunod na hamon ng buhay.

Ang panginoon ay nasa iyo.

Monday, 8 December 2008

KWENTONG HOME SICK

Kung ikaw ay wala pang dc ocho di mo pwedeng basahin ito.. Kung ikaw ay sensitibo di mo pwedeng basahin ito.. Kung istrikto ang perents mo di mo pwedeng basahin ito. Usap-usapan ng homesick lang ito. hirap talaga dito sa malayo kung ano-ano pumapasok sa utak mo.
Dito sa Korea may traffic din. Kaya kita mo lahat ng klase ng sasakyan. Pero nakatawag pansin sa’min itong TATA. Meron dumaang bus na TATA, may pick-up na TATA. Di naman sila kagandahan pero makikita mo talaga ang letter TATA.. bold letter sya sa likod ng mga sasakyan.
“Alam nyo bang galing ng India ‘yan?” “oo naman!.. anggaling nila no?“nakapagproduce sila ng sasakyan, export quality pa”.. “Meron naman tayo noon kaya lang hindi nag-click ‘yung DMG? Kung di ako nagkakamali ‘yung Pinoy jeepney at saka ‘ata Cimaron” . “Asa ka pa, alam mo naman ang mentalidad ng pinoy istedsayd! lagi na lang ‘yung imported ang magaling, ‘yung local product dedma... ”oo nga! kaya walang nangyari sa ‘tin eh!“ Sayang talaga mga talent ng pinoy ibang lahi lang nakikinabang, dapat sa atin magsimula ang pagtangkilik sa sariling atin.. “Pero teka.., hindi pa naman huli ang lahat… pwede nating buhayin yung DMG na sinasabi mo palitan lang natin ng magandang pangalan.. ‘yung may dating.. Ano naman ipapangalan mo, TOTO?”.. “ Pwede..! “Hindi na unique ‘yon ‘dre, kasi mero ng TOTO lechong manok, TOTO barber shop, TOTO vulcanizing shop… dami nang TOTO sa atin“Eh, pero... Kung TITI kaya? Ha?...
“o! meron ka na bang nakitang TITI lechong manok? TITI Barber shop? TITI Vulcanizing shop? E di wala… ‘yan ang unique”… hehehe…

“So yung tatak ng car mo TITI, ganun ba? oo!! sabi nyo kailangan unique, di ba unique naman? “Cge, yan ang brand ng car mo… isipin mo na lang ‘tong ganitong dialog...Pagnakakita ka ng ganung car sasabihin mo, “Pare bibili ako ng TITI ang ganda eh!”... (ibig sabihin wala kang car!)
Pagkalipas ng ilang buwan nakita mo uli yung Pare mo, ganito bungad nya sa’yo,
“Pare may TITI ka na ba? ”(dati pala wala kang titi e ano meron ka na?)

Eto pa sabi ng misis mo...
Oy! Mare, bumisita saken si Mareng Beth pumurada sa tapat ng bahay naka-brand new Civic. Bigtime na talaga si Mareng Beth noh!” ..sagot ng misis mo.. “Hmp!.. wa la ‘yon sa TITI ng mister ko..!
ha! malaki ba?

Nagkita kayo ng Pare mo;
“Pare pahiram naman ng TITI mo may date kami ng syota ko eh!” Eh, ayaw mo ipahiram, sasabihin mo..., “Hindi pwede Pare gagamitin ni misis TITI ko eh”...( sagwa talaga pakinggan mga letra ng pinoy)(LOL)

Maporma ka pagnaka wheels, sabay parada sa mga tsika -babes, gulat sila lahat. “Wow!... ang ganda naman ng TITI mo, pwede pasakay!!
Pagsakay ng mga babes..; “Wow!, ang laki naman ng TITI mo kasya lahat kami...?
( nya ha ha ha)

May nagtanong pa, “mabilis ba itong TITI mo?”.. ( sus!! todo na ito!!!)
May isa pa nagtanong, “Pogi..., pagamit naman ng TITI mo, sige na plsss!”jusko po!!

Ang sasagwa ng napag-uusapan dito. Kelan ba kami makakahanap ng matinong trabaho sa ‘Pinas para hindi puro TITI napag-uusapan. “BALIK NYO KAMI SA PILIPINAS !”

JOKE TIME ULI

MASARAP NA PRUTAS

SI BERTING , SI OMENG , AT SI JUAN... NABIHAG SILA NG BRUHA SA KAGUBATAN.. NAKIUSAP ANG TATLO NA... PAKAWALAN NA PO NINYO KAMI LOLA.

BRUHA: HINDI PWEDE! IPAPAKAIN KO KAYO SA ALAGA KONG LEON!

3 BUGOK: KUKUHA PO KAMI NG MASASARAP NA PRUTAS IBIBIGAY PO NAMIN SA INYO PAKAWALAN LANG PO NINYO KAMI HU HU HU!

BRUHA: CGE! PAG NAIKUHA NINYO AKO.. MAKAKA UWI NA KAYO! LUMARGA ANG TATLO.. NAGMAMADALI.... UNANG NAKARATING SI BERTING MAY DALANG ISANG BASKET NA UBAS..

BERTING: LOLA ETO PO YUNG UBAS.

BRUHA: CGE.. IPASOK MO SA PUWET MO LAHAT YAN. PARA MAKA UWI KA!
DAHIL GUSTONG MAKA UWI.., PINILIT NA IPASOK NI BERTING YUNG UBAS SA PUWET. KAHIT NAGKANDA NGIWI NGIWI TINIIS NIYA MAKAUWI LANG.

BERTING: LOLA NAIPASOK KO NA PO LAHAT.

BRUHA: CGE MAKAKAUWI KA NA.

DUMATING NAMAN SI OMENG, MAY DALANG MANSANAS.

BRUHA: IPASOK MO LAHAT SA PUWET MO IYAN!

DAHIL GUSTO NARING MAKAUWI PINILIT NA IPASOK NI OMENG YUNG MANSANAS SA PUWET NIYA. '' HABANG PINAPASOK NI OMENG YUNG MANSANAS..''
NATATAWA SIYA...! (LOL)

NAKIKITA NIYANG DUMARATING SI JUAN.. MAY DALANG LANGKA.
NYAA HA HA HAAA!!

INSIDE OF ME


KUNG BIBIGYAN KA NG PAGKAKATAONG MAMUHAY SA LOOB NGAKING ISIPAN...

MALALAMAN MO KUNG SINO ANG AKING INIISIP...

MAKIKITA MO KUNG ANO ANG AKING NAKIKITA...

MARARAMDAMAN MO KUNG ANO ANG AKING NARARAMDAMAN...

MAKIKITA MO... ANG AKING MUNDO,PUNONG PUNO NG LAYUNIN PARA SA IYO.

MAKIKITA MO... ANG KALIGAYAHANG IBINIGAY MO SA AKING BUHAY.

MAKIKITA MO... KUNG GAANO KA KAHALAGA SA AKIN.

MAKIKITA MO... KUNG BAKIT AKO NAGKAROON NG KAKAYAHANG NGUMITI , TUMAWA , AT MAGMAHAL...

MAKIKITA MO... KUNG ANONG PAGMAMAHAL ANG NARARAMDAMAN KO PARA SA'YO..

MAKIKITA MO... KUNG SINO ANG PINAKA-MAHALAGA SA BUHAY KO...
AT MAKIKITA MO... NA IKAW ANG LAHAT NG DAHILAN NG BAWAT NAISIN KONG GAWIN.

AT KUNG.. WALA MAN AKONG KAKAYAHANG SABIHIN.. KUNG ANO ANG ISINISIGAW NG AKING ISIPAN..

ANG MAHALAGA...ANDITO KA..

INSIDE OF ME.

Sunday, 7 December 2008

NAAALALA MO PA BA ANG IYONG NAKARAAN

Ang sarap gunitain ang mga araw na lumipas. Ang mga araw na.. unang pasok palang natin sa paaralan. Ang mga araw na naliligo tayo sa ulan... naglalaro ng taguan.., tumbang preso... Mga araw na... walang ibang problema kundi ang pera. (nay...! pengeng pera). kukurutin ka naman ng piiiinong-pino. At sino naman kaya ang makakalimot sa larong bahay-bahayan.

Ang pilyo-pilyo ko noon (Lol) ngayon naman... ang torpe-torpe ko naman. Halos araw-araw... walang oras na nasa loob kami ng aming tahanan... Puro laro, laro, laro... (Pak!) sabay palo ni nanay sa puwet.. ha ha ha takbo ka naman kamot-kamot ka pa sa puwet dahil masakit-sakit din yong palo ha! Natatandaan ko pa.. nuong kumukuha kami ng duhat.. unahan kami sa pag akyat... nauna sa aking umakyat yung kalaro naming si gina... ako naman ang kasunod na umakyat.. sus! kitang kita ko yung panty niya nakatabingi yung sa puwitan ha ha ha. tawa kami ng tawa noon.Iniisip ko nga sana... maulit yon ngayon kahit malaki na kami.. ang sarap eh!

Sino naman ang makakalimot nuong panahong nasa high school tayo... oyyyyy!!!Eto ang mahirap talaga makalimutan yung high school life natin. Dahil dito na tayo nag uumpisang tubuan ng bigote ha ha ha.. ( o masama naman yang nasa isip mo). Dito rin tayo nag umpisang umibig, dito din tayo nag umpisang uminom, dito din tayo natutong manigarilyo. At sa mga gurly naman... dito rin unang nagkakaroon ng boyfriend di ba? Wooooo! Dito na rin tayo unang tinutubuan ng taghiyawat. Yung iba naman... sa sobrang dami ng taghiyawat... parang tagyawat na tinubuan ng mukha (LOL).

Kung naiisip ko yung mga araw na yan... hindi ko talaga mapigilan ang ngumiti. Ikaw din noh? Ang saya-saya natin nuon. Walang iniisip na problema, ngayon... daming problema.. sus! hindi natin naiisip kung ano kaya ang magiging buhay natin kung may pamilya na tayo. Hindi natin naiisip kung anong magiging kapalaran natin, kung anong magiging bukas.
Pero ngayon... andito na tayo.., malapit na sa dulo... Maaaring alam na natin kung anong buhay meron tayo. Alam na natin kung anong kapalaran meron tayo... at alam na rin natin kung ano pa ang kaya nating gawin.Minsan... iniisip ko kung ano kaya ang mga bagay na hindi ko nagawa noon?Ano kayang mga bagay ang hindi ko ginawa na pinagsisisihan ko.. na gusto kong ibalik para hindi sana ganito ang buhay ko.


Maaari pa kayang ibalik ang kahapon?

Thursday, 4 December 2008

IKAW ANG MAHAL KO... HINDI SIYA!


IKAW ANG MAHAL KO... HINDI SIYA!

Nakatayo ako sa harap ng aking pinapasukang kumpanya. Ilang sandali ng aking pagkakatayo doon... may napadaan sa harapan ko na isang lalaki at isang babae na nagtatalo. maaring mag asawa o magkasintahan. Pero sa tema ng pag aaway nila napag isip-isip ko na maaring mag asawa itong dalawa na nag aaway.

Habang akoy nakatayo... pinagmamasdan ko ang dalawa. Nakita kong umiiyak na ang babae, para bang...meron siyang pilit na hinihingi sa asawang lalaki, na itinatangi namang ibigay nung lalaki. ( kung ano iyon.. hindi ko na alam ) (lol)
Umiinit ng umiinit ang kanilang sagutan.. ng biglang sinampal nung lalaki yung asawa niyang babae. ( '' gulat na gulat ako nung oras na yon'' )

Tingin ko masyadong malakas yung pag kakasampal nung lalake sa misis niya. Kahit yung mismong babae nagulat sa lakas ng pagkakasampal, hindi na nakuhang magsalita nung babae, yumuko na lang at nakita kong tumutulo ang luha nung babae. ( ''Hindi na rin siguro mapigilang tumulo ang kanyang luha... sa sakit na naramdaman buhat sa kamay ng isang lalaki''. )


Umiyak na lang ng umiyak yung babae. Dahil sa nakita kong kalagayan nung babae... minabuti ko nang nilapitan yung babae, ngunit... tumalikod yung babae at lumakad palayo sa akin. Habang papalayo... hatid ng akingtanaw yung babae, pinagmamasdan ko habang siyay papalayo.
Naiwan ako sa kinatatayuan ko.. pakiramdam ko bwisit na bwisit ako don sa lalaki. Nagawa niyang saktan ang walang kalaban laban na babae.Walang kalakas lakas na lumaban kundi ang umiyak.
Nasa ganon parin akong pagkakatayo... ng biglang nakita ko yung lalaki... bumalik at nagtanong sa akin, kung nakita ko daw ba yung babae kung saan na nagpunta? sagot ko... nakita kong umalis na umiiyak. sinubukan kong kausapin pero... hindi niya makuhang magsalita dahil sa sakit ng pagkakasampal mo.(medyo matalim ang tinig ko sa lalaki )


Kinuwento sa akin ang dahilan ng kanilang pag tatalo.( hindi ko na maibabahagi dito.. baka makarating sa kanila sabihan pa nila akong masyadong tsismoso )
Tinanong ko yung lalaki.. maari ba akong magtanong pare? cge.. sagot sa akin.
Bakit mo sinampal yung misis mo? Kasi napuno na ako eh. ( sagot niya sa akin )

Anong naramdaman mo nung pagkatapos mo siyang sampalin?( hindi sumagot yung lalaki)Sinong may pagkakamali sa inyo? kung bakit kayo nag away?( hindi sumagot yung lalaki )Nagagalit ba yung misis mo kung... wala kang kasalanan? Hindi ( sagot sa akin )

Bakit siya nagagalit? dahil... may kasalanan ka?( hindi umiimik yung lalaki ) Ikaw na ang may kasalanan... ikaw pa ang nanampal. Hindi ka ba naawa sa asawa mo?

Ibinuhos niya ang buhay sa iyo... dahil sa pagmamahal niya sa iyo, tapos sasaktan mo lang. Natatandaan mo ba nung nanliligaw ka sa kanya?

Ilan kayong nanliligaw sa kanya nuong araw? Ikaw ang sinagot, dahil... ikaw ang mahal niya. Sa pag aakala niyang sa iyo siya liligaya. Anong ginawa mo...? Sinampal mo.., hindi mo ba naiisip na maaring nagsisisi na ang misis mo... kung bakit ikaw pa ang pinili niyang sagutin.

Isipin mo...,
Anong sabi sa iyo nuong sinagot ka?
IKAW ANG MAHAL KO... HINDI SILA!

NGAYON.... SINASAKTAN MO LANG!

MAHIWAGANG LAWAY NI KULAS

ANG MAHIWAGANG LAWAY NI KULAS

Matagal ng minimithi ni kulas na matikman ang kagandahan ng anak ng mayor.
Nakiusap si kulas kay pedro na tulungan siya.. kung paano niya maangkin yung anak ni mayor.
PEDRO: Sige tutulungan kita.. pero.. isang kondisyon.
KULAS: Anong kondisyon pare?
PEDRO: bibigyan mo ako ng 20,000 Pesos.
KULAS: Ok cge pangako bibigyan kita..
PEDRO: maglagay ka ng laway sa tasa at ihahalo ko sa lotion nung anak ni mayor

DINALA NA NI PEDRO ANG TASA AT HINALO SA GINAGAMIT NA LOTION NUNG ANAK NI MAYOR.
KINAGABIHAN HINDI NGA NAKATULOG YUNG BABAE SA SOBRANG KATI NG KANYANG BOOBS.. HANGANG KINABUKASAN MAKATI PA RIN!!
NAG ALALA NA SI MAYOR, TINAWAG SI PEDRO.

PEDRO: Bakit po mayor?
MAYOR: May alam ka ba na marunong gumamot sa kati?
PEDRO: Si kulas po mayor! laway lang po ni kulas.. mawawala na ang kati ng anak ninyo!

TINAWAG NI PEDRO SI KULAS..

MAYOR: Sige doon kayo sa kwarto!

NAGKANDA DULING SI KULAS SA ALINDOG NUNG ANAK NI MAYOR..
HALA..! TAAS BABA..! KAHIT MABITAY NA.. ( SA ISIP NI KULAS. )
DINILAAN LAHAT NI KULAS YUNG KATAWAN NUNG DALAGA..
KINAGABIHAN. HIMALA!! NAWALA NGA !! ANG KATI NUNG DALAGA.. NAKATULOG NA NG MAHIMBING.

SINISINGIL NGAYON NI PEDRO SI KULAS TUNGKOL SA NAPAGKASUNDUAN.
TUSO PLA SI KULAS!

KULAS: WALA AKONG PERA!

NAG NGITNGIT SA GALIT SI PEDRO. GAGANTI SIYA KAY KULAS.
KINAGABIHAN KINUHA NI PEDRO YUNG '' BRIEF '' MISMO NI MAYOR.
AT NILAGYAN NG PANG KATI YUNG BRIEF MISMO NI MAYOR.. SA BANDANG HARAP NG BRIEF AT SA LIKOD NG BRIEF SA TAPAT NG BUTAS NG PUWET NI MAYOR.

SINUOT NGAYON NI MAYOR YUNG BRIEF.. KUMATI YUNG KAY MAYOR..
ASAN SI KULAS..!! NYAHAHAHA!

ITUTULOY KO PA BA YUNG KUWENTO......................................?

UNANG PAG-IBIG



UNANG PAG-IBIG

Sa aking pagiisa.. puro na lang buntong hininga ang nagagawa ko.. kadalasan nanghuhuli ng lamok at nagbibilang kung ilan na ang napapabagsak ko "hayyy hirap talaga ang nagiisa ka lang noh? Ang daming pumapasok ng kung anik-anik sa iyong isipan. naisipan ko tuloy magbasa ng mga diary..
hmmmm... medyo interesting pala magbasa.. na-Inspired tuloy akong magbasa ng mga diary ng ibat-ibang tao.
Sa bawat araw na lumilipas.. nagkakaroon ng konting ngiti sa aking mga labi..
dahil unti-unti bumabalik sa aking isipan ang araw na nakaramdam din ako ng pag-ibig.
Napakahirap pala magsulat pag maramdaman mong may kirot parin
habang nirerefresh ko sa memory ko yun mga araw na iyon...

ANG UNANG PAGIBIG KO

Unang buwan ko sa pinapasukan kong paaralan.. isang klasmeyt ko ang nakapagsabi sa akin na.. crush daw ako ng isa sa mga studyante sa pangbabaeng paaralan. Wow naman.. medyo pumapalakpak ang tenga ko ng marinig ko ang balitang iyon. Civil Engineer ang kurso na sinasabing may crush sa akin. Si Grace, Mary grace Matawaran ang pangalan niya.
Sa araw-araw na nagdadaan.. syempre, nagdudulot din sa akin ng konting kasiyahan, dahil ngayon lang din ako nakakadama ng ganito.Sarap pala ng ganitong pakiramdam noh.
Minsan.. nakakaramdamdin ako ng kalungkutan lalo na kung naiisip ko ang stado ng buhay ko... madalas iniisip ko...
Paano kaya kung dumating ang araw na magtagpo ang landas namin?
Ano kaya sasabihin ko sa kanya?
Pakakainin ko kaya sa isang restawran?
Saan kayang restawran?
Ano kayang pwede kong ibigay sa kanya kung magkita kami?

"( Haayyy Bubwelo muna ako ng konti para maituloy ko ang kwento ng unang pag-ibig ko dito sa sinusulat ko... Habang pinapakingan ko itong awit ni Martin Nievera na... "Kahit isang saglit")"

Di nga pala ganun kasimple maghayag lalo kung totoong buhay ang isinasalarawan mo.
If this is just a simple love story na produkto lang ng imahinasyon ko.
baka mas madadalian akong maghayag. Lalo pa alam ko na maraming posibleng makabasa nito. Pero.. I don't care naman kung ano kahinatnan nito.
Maaring may dahilan kaya ginagawa ko ito...nung una para lamang maglabas ng kalungkutan...pero ngayon ko nalaman na possible nga pala ang first love never dies...

Habang lumilipas ang araw.. naisip ko na parang ayaw ko ng makita ang babaing iyon.. pero minsan hinahanap ko siya.. "Sino kaya iyon"?
Lunch break namin.. habang nanonood ako sa mga studyante na naglalaro ng basketball.. may umupo sa bandang harapan ko na dalawang studyante na babae.. nakauniporme, malilinis ang mga kasuotan. Mapapansin mong mga studyante sa mga class na paaralan. Parang lumalakas ang kabog ng dibdib ko na para bang akoy naiihi.(Lol)
Nagdadasal ako.. abot-abot ang dasal ko na sana hindi siya yon. Patay malisya nalang ako.. unang una hindi ko naman kaya ang makipagusap sa mga babae noon. Nagkatinginan kami nung isang babae..hindi ko malaman kung ngingiti ako o hindi. Hindi na lang ako ngumiti.. bahala sila kung anong isipin nila..hindi ko naman sila kilala. Mabuti nga iyon.. mas gusto ko na lang yung wala akong kilala. Pero... parang ang lakas ng kutob ko na siya nayung babae na sinasabi sa akin.

Ang ganda-ganda niya, ang puti niya.
Lalong nagkakulay ang bawat araw ko.. ganito pala ang pakiramdam ng unang pag-ibig. Talo pa ang kahit anong vitamin na iniinom. Samantalang iyon.. isang sulyap lang.. gagana ang lahat ng dugo mo sa katawan.
Isang araw sa paglalakad ko pauwi.. sumabay sa akin yung dalawang babae na nakita ko nung minsan. tumigil ako, na kunwaring maghihintay ng sasakyan pauwi, tumigil din sila sa aking tabi.

Ikaw ba si Ron Ron?
Opo este oo.. nagpakilala yung dalawang babae iyon na si Mary grace Matawaran.
(Parang ayaw ko ng ituloy ang kwento ko)
Parang ayaw kong sirain ang araw ko ngayon.
Ngunit.. kailangang ituloy ko ito naumpisahan ko na.
Ayaw kong malaman na ang taong crush nila.. naglalakad lang pauwi. Nauna silang sumakay.. gustuhin ko mang sumabay sa kanila. Wala akong magawa.. sarili ko nga hindi ko mailibre (lol)
Dumalas ang pagkikita namin ni grace tuwing lunchbreak namin. naguusap kaming madalas, pero.. ni minsan hindi ako nakisabay sa kanila sa pagkain at sa uwian.
Umiiwas akong makasabay siya sa lunch or sa paguwi. Wala naman kasi akong kaya.. walang akong ibabayad.

Nais ko na siyang iwasan, ngunit.. ganito pala ang first love lagi ko na siyang hinahanap. Parang.. sa kanya na umiikot ang mundo ko... parang sa kanya nabuhay ang lahat ng pangarap ko.
Isang araw.. hindi ko namalayan sinundan pala nila ako kung saan ako umuuwi. Nakita ko silang bumaba sa harap ng bahay na tinutuluyan ko, shock ako ng husto.. hindi ko malaman kung anong gagawin ko. Ayoko silang patuluyin, pero.. nagpilit sila na makita ang bahay ko. Kasubuan na.. pinatuloy ko sila sa isang maliit na kwarto ko alam ko shock din sila sa nakitang kalagayan ko.. Ang taong gusto niya isang katulong lang at walang sahod.. nalaman niya na working student lang ako. Alam ko.. kung anong iniisip nila nung nagpaalam na silang umuwi. Nung gabing iyon.. hindi ako nakatulog. Alam ko iyon na ang huling pag uusap namin.
Napakasakit pala ng ganito.. kung kaylan ka unang umibig.. iyon din ang unang kabiguan mo.

Dito din ako natutong magdasal.. na sana bilisan na ang takbo ng mga araw.. upang malampasan ko na ang ganitong buhay ko..
Gusto ko.. sana sa susunod na iibig ako, wala na ako sa ganitong kalagayan ng hindi ko na muling maranasan ang kaawaan ko ang sarili ko.Nalaman ni grace na ulila na akong lubos, nabubuhay ng mag isa, walang maipagmamalaki, nalaman din niya na naglalakad lang ako pauwi at papasok sa aking paaralan. Sinabi ko sa kanya na kaya hindi ko siya masabayan sa tuwing niyayaya niya akong kumain wala akong ibabayad..

(Hirap naman nito... nag uumpisa nanaman akong lumuha)"pang unawa sa diary.. huhugot muna ako ng isang malalim na paghinga"
Madalas na akong..nagiisa, nalulungkot, ganito na nga ang buhay ko nadagdagan
pa ng hirap ng kalooban.

Ron...
(May tumawag sa akin)
Lumingon ako.. si grace.. tumabi sa aking upuan.. isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat. Lumuluha na ako. Sinabi ko sa kanya... Grace.. ayaw ko man ang ganito kahirap na buhay wala naman akong magagawa, ni wala nga akong matatakbuhan na tutulong sa akin.
Kahit ako.. gusto kong mamuhay ng tulad mo.. gusto din kitang pasayahin sa araw-araw.
Sarili ko nga grace hindi ko makuhang maging masaya.
Si grace.. umiiyak ng mga oras na iyon.. ang sinabi niya sa akin..
Ron... kung makatapos ako.. ikaw ang gusto kong pakasalan.
Sa paglipas ng mga araw.. ako na ang kusang lumayo kay grace. Alam ko.. ayaw man niyang mawala ako sa kanya. pero..mas kailangan siguro niya ang isang tulad niya.

Dala na rin ng kahihiyan ko sa kanya dahil sa kalagayan ko.. humanap na lang ako ng ibang paaralan yung malayo sa kanilang paaralan. Ayoko ng dagdagan pa ang paghihirap ng kalooban ko sa tuwing ako ang kasama niya.
Siguro.. makakahanap na rin siya ng para sa kanya. Kahit wala na kami.. alam ko hindi niya ako makakalimutan. At kung mababasa niya ito. Nais kong malaman niya na hindi ko siya nakakalimutan.
Ang aking unang pag-ibig.
sana.. nagustuhan ninyo ang munti kong karanasan sa pag-ibig. Kung minsan... masakit ang lumayo ng kusa.. ngunit naisip ko hindi ako ang taong nababagay sa tulad niya.
Isarado ko na ang aking diary.

BUHAY OFW



Yesss!! Its friday again Oras nanaman para ituloy ko itong ginagawa kong blog. Kahit may hang over pa deadma lang.. ang mahalaga naibahagi ko sa inyo ang mga bagay na nasaksihan ko kung anong buhay meron ang isang ofw sa ibang bansa.


BUHAY OFW


Noong araw.. pag may nakikita akong dumarating galing ng ibang bansa na namamasukan bilang ofw, talagang maiingit ka. Bakit kamo...biro mo, ang dami kong nakikitang pasalubong sa mga anak, asawa, at kung kangino-kangino pa.. basta mahal sa buhay may pasalubong. Ang sarap noh!


Ang madalas na makatawag ng pansin sa akin yung tao na nagbalikbayan. Ang laki ng alahas sa leeg, ang laki ng singsing, inom dito inom doon. Parang hindi nauubos yung pera nila. Sabi ko sa sarili ko.. sana.. ako din. Sana.. makaalis din ako balang araw.. at makapagtrabaho sa ibang bansa. Tinupad ng nasa itaas ang matagal ko ng minimithi. Ang maging OFW ding matatawag.


Unang destino ko...


JEDDAH , KINGDOM OF SAUDI ARABIA


Ganito pala ang pakiramdam.. " May yabang ng konti ". (lol) Paalis pa lang ako, talagang hindi mo maunawaan ang nararamdaman ko noon. May halong kaba at saya dahil masusubukan ko din ang maging OFW. Pagdating ko sa JEDDAH, may mga pilipino na akong nakikita iniisip ko.. " mayayaman na siguro itong mga pinoy dito ".Nakatawag ng pansin sa akin.. isang pinay nakita kong umiiyak sa isang tabi ng upuan. Hindi ko alam kung lalapitan ko siya o hindi, wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kasama kong pinoy na sumundo sa akin sa King abdulassis International Airport.


Makalipas ang isang buwan.. muling sumagi sa isip ko.. yung pinay na nakita kong umiiyak. Awang-awa ako sa kanya. Iniisip ko.. paano na kaya siya? Ano kaya ang problema niya? Sa konting panahon na nilalagi ko sa aking pinapasukan.. talagang matatawa ka na maiiyak. " Ganito pala ang buhay dito sa abroad".


Lahat ng pagtitiis dadanasin mo.., titiisin mo lahat ng hirap kakayanin mo, lahat ng kalungkutan dadanasin mo ang gutom, tibay ng sikmura, tibay ng isip, tibay ng katawan, lahat na! sus! " hirap din pala.


Pero... masaya din minsan, dahil, makakain mo ang mga hindi mo natitikman sa pinas. Tsk! tsk! tsk! ( Ang pinas talaga.. ) Ang buong akala ko noon.. Maraming pera ang mga ofw. Pagkasahod, ipapadala ko sa mga mahal sa buhay.. pagkatapos.. wala nanaman akong pera. Utang dito, utang doon. Minsan.. nagtsa-tsaga nalang sa mga ukay-ukay sa haraj, mga second hand na damit, sapatos, pantalon, at kung ano-ano pa. Para lang makatipid. Kung minsan sa breaktime namin.. kung nais mong humiga, karton ang higaan at dos por kuatro ang tanging unan. Makapahinga man lang kahit konti.


Kung tinatamad kang magluto.. kakalam talaga sikmura mo... hindi naman lahat ng araw maganda ang pakiramdam mo. Kung oras ng sahod.. mae enganyo kang sumama sa mga kasama mo na mag shopping din ng konti. Kokonti nanaman ang matitira sa sahod mo. Wala ka nanamang alawans sa isang buwan. Minsan.. pinipilit kong mag tipid.. pero.. tinatalo ang isipan ko ng mga nag gagandahang damit,sapatos, bukod pa yung para sa mga mahal ko sa buhay.('' bakit ka nga naman magtitipid.. ngayon mo lang mabibili ang bagay na pinapangarap mo noon. )


Yung isang kasamahan ko... makapal ang buhok niya.. nung umuwi kalbo na (ha ha ha).
Sa tuwing magbabakasyon ang mga kasama ko... isang buwan pa lang, nangungutang na sa kapitbahay. Ang alam ng mga nasa pinas... namumulot ka lang ng pera dito sa ibang bansa. Pabili dito.. pabili doon ''hayyy kung alam nyo lang kung gaano kahirap ang kumita ng pera sa abraod.


Oo may pera sa abroad.. may pera dahil may trabaho ka. Ang katumbas ng lahat ng perang ginagastos ninyo dito sa pinas ay ang kalungkutan at pangungulila namin sa inyo. Dugo at pawis ng mga ofw ang tanging puhunan namin upang mabigyan lang kayo ng kaligayahan.


Ngayon.. nakabalik na ako ng pinas.Tumanda ng konti, walang hanap buhay, wala narin yung kade-kadenang nakasabit sa katawan, wala na rin yung araw-araw na inuman, wala narin yung mga kaibigan na madalas kong pinapainom, naisanla na rin ang mga alahas hangang ngayon.. hindi na makayang tubusin, naiwasan na rin ang araw-araw na pagsasabong, wala na rin ang hiram na kaputian, wala na ang mga ngiti sa labi, sa madaling sabi... wala ng lahat! ang naiwan na lang sa akin... ay ang mga ala-alang minsan namuhay din kaming maginhawa.


Ngayon... nagising na lang ang aking mga mata, andito sa ilalim ng araw naglalakad, naghahanap ng mapapasukan. Sino pa kaya ang tatangap sa akin?


Sa mga makakabasa nito... salamat!


Wala lang pong magawa!


Kung may pagkakamali akong naisulat...


I accept corrections and insults!

MAGALING DAW ANG MGA PINOY

MAGALING DAW ANG PINOY!

Maraming nagsasabi magagaling daw tayong mga pinoy. Halos lahat ng bansa ay nagsasabing magagaling tayong mga pilipino.. kahit sa anong bagay. Sa pagtatrabaho subok at kilalang kilala ang mga pinoy hindi maikakaila na maraming bansa ang nakakakilala sa ating kakayahan.

Kaya naman ang bawat bansa na nangangailangan ng mangagawa.. pinoy ang unang-una nilang kinukuha. Halos lahat na yata ng bansa may mga pinoy at pinay na namamasukan sa kanilang bansa. Noong kasalukuyan pa akong namamasukan sa jeddah saudi arabia, halos 100 porsyento ng mga kompanya ay may mga pinoy kang makikita. Ganon din dito sa bansang South Korea, Japan, malaysia at sa ibat-ibang panig ng mundo.

Sabi nga ng amo ko sa J eddah... saludo talaga sila sagaling at talino ng mga pinoy kung ang pagbabasehan ay ang diskarte sa pagtatrabaho at pakikisalamuha o pakikipag kaibigan sa ibang lahi. Tunay nga na magaling ang mga pinoy at pinay. Hindi lang sa pagtatrabaho sa mga kompanya. Isama na natin ang mga kababaihan na naninilbihan bilang mga domestic helper.

Ganon din sa mga hospital.. nakikita ng mga bawat bansa kung paano mag asikaso sa mga pasyente ang ating mga kababayan.
Minsan nabasa ko sa isang pahayagan sa saudi arabia isang manunulat sa pahayagan ang nagsabing... paano ang mundo kung walang mga pilipino workers? (Galing no)
Iniisip ko yung nabasa kong iyon. Isang arabo ang kumikilala sa ating kakayahan. At nag aalala kung paano na nga naman sila kung wala tayo?

Hangang sa mga sandaling ito... ilang taon na ang nakalilipas mula ng mabasa ko ang pahayagang iyon. Hindi pa rin maalis sa aking isipan.

Bakit ang pilipinas?
Hinahayaan nila tayong umalis sa ating bansa gayong mas higit nila tayong mapapakinabangan.

Bakit hinahayaan ng ating bansa.. na ibang bansa pa ang nakikinabang sa ating kakayahan?
Bakit ang ibang bansa pa ang kumikilala ng ating kakayahan?
Kung talagang magaling tayong mga pinoy...
Bakit ang sarili nating bansa hindi natin maiayos?
Bakit ang pilipinas naghihirap?
Bakit ang pilipinas napag iiwanan na ng ibangbansa sa asia?
Bakit ang pilipinas ang sinasabing pinakamaraming basura na nakikita sa lansangan kontra sa ibangbansa lalong lalo na dito sa asia?
Bakit hindi kayang iangat ang pilipinas?
Gayong... puro pilipino ang humahawak?
Bakit tayo naghihirap?

MAGALING NGA BA TALAGA ANG PINOY?

Wednesday, 3 December 2008

GULONG NG PALAD

GULONG NG PALAD

Nung araw ng kabataan namin.. wala kaming inatupag kundi ang maglaro ng maglaro.. umaga, tanghali buong araw na ginawa ngdiyos hindi kami napapagod sa kalalaro. Hindi namin naiisip kung ano ba ang magiging buhay namin kung kami ay may kanya-kanyang pamilya na.
Sabi ng iba... hindi mo pa nakikita ang kinabukasan mo habang bata ka pa. Isa sa madalas na kasama ko sa paglalaro ang kababata kong si marisa. Ang kanyang ama ay isang janitor lamang, kasama ng aking ama na isang welder mechanic sa pagawaan ng simento nuong araw.

Dahil sa maliit na kita ng ama ni marisa.. madalas api ang turing sa kanila ng iba naming mga kapitbahay. Kadalasan.. tinutukso si marisa nuong araw na '' taong kuto '' at ang ibang kapatid ni marisa ay binabatok-batukan lang nuong araw. Dahil dala ng aming kamusmusan hindi sila nakakaramdam ng ano mang sama ng loob sa mga taong umaalipusta sa kanila. Ngunit.. sa aking palagay hindi mabubura ng panahon ang mga sakit na ala-ala ng kanilang pamilya. Natatandaan ko pa.. noong naglalaro kami ng isang kapatid na lalaki ni marisa.. nakita naming umiiyak ang isa nilang kapatid dahil binatukan ng isang istambay sa amin.

Dahil dala ng hirap ng kanilang pamumuhay, napipilitang sumama si marisa sa kanyang ina na tumangap ng mga labada sa mga bisitang hapon ng kompanya. Ang mga japanese national ang siyang mga may ari ng pabrika ng simento kung saan namamasukan ang aming mga ama.

Isang araw... dumating ang isang hapon na designer mismo ng mitsubishi sa japan. isangbinatang designer ng mitsubishi. Christmass party ng kumpanya.. imbitado ang lahat ng pamilya ng mga empleyado sa nasabing christmass party ng kumpanya. ( siyempre kasama din ako noon.. dahil empleyado din ang aking ama) Noon ay nasa edad 18 na kami. Busog tuta nga ako noon sa dami ng aking kinain.(LOL) Andon din ang mga matataas na opisyales ng kumpanya. At siyempre andon din ang mga bisitang hapon kasama ang binatang designer ng mitsubishi.
Sa hindi inaasahang pangyayari.. nakarinig ako ng bulong-bulungan, aking nakita... ang kalaro ko na si marisa nuong bata pa kami, nakita kong isinayaw ng binatang hapon na designer ng mitsubishi. Halos lumuwa ang mata ng lahat. Hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan. Ako mismo.. namangha sa nakita kong iyon. Sa simpleng ayos ni marisa siya ang napusuan ng binatang hapon. Anak ng isang labandera mismo ng mga bisitang hapon at amang janitorng kompanya.
Ngayon... ang dating pamilyang inaapi-api nuong araw at mga kapatid na binabatok-batukan at utusan nuong araw ay naninirahan na sa bansang hapon.Kasama ng kapatid nilang milyonarya na si marisa.

Isang pamilyang salat sa yaman noon...
Sobra naman sa yaman ngayon...

Isang bahagi ng buhay na sumasalamin sa buhay nating lahat.
Ang bawat pag ikot ng mundo, sumasabaysa pag ikot ng...
GULONG NG PALAD.

WALA KA BANG KASALANAN



IKAW... WALA KA BANG KASALANAN?

Isang babae ang galit na galit sa kapwa niya babae. Igapos at pagbabatuhin ang babaing iyan!!
Isa siyang makasalanan!!
Hindi siya nararapat na mabuhay!!
Isa siyang mang aagaw ng may asawa ng may asawa!!
Dapat lang na siyay pag babatuhin!!
Upang hindi pamarisan!!
Sumagot ang isang tinig ng lalaki... malakas at buong-buo ang kanyang tinig.
Babae... tinanong mo ba ang iyong sarili?
Tanungin mo ang iyong sarili,
kung ikaw ba ay walang nagagawang kasalanan?
Kung wala ka ni isang kasalanan...
sige, eto ang bato batuhin mo siya!
Kung naisip mo na... ikaw mismo ay nagkakasala ding tulad niya...
bakit ka babato sa kanya?

Minsan ganyan tayo madalas nakikita natin ang mali at kasalanan ng iba kaysa sa sarili nating kasalanan. Madalas nakikita natin ang pagkakamali at pagkukulang ng iba kaysa sa sarili nating kamalian at pagkukulang. Hindi ba madaling pumuna at humusga sa isang tao at mahirap naman na umamin o tanggapin ang ating mga kasalanan.
Mas bukas at malinaw ang mata natin sa ibang tao kaysa sa sarili natin.


SALAMAT SA PAGBABASA KAIBIGAN!

ANG PULUBI AT ANG MGA SENADOR










ANG PULUBI AT ANG SENADOR
Nabasa ko sa isang pahayagan ang mga isiniwalatni sen. miriam defenzor santiago.. ayon sa kanyaAng sarap maging senador
Maganda rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam Defensor-Santiago. Ayon kay Santiago, marami ang tumatakbong Senador dahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.
Lumalabas na P35,000 suweldo nila kada buwan ay pakitang-tao lang sa milyun-milyong budget ng bawat senador. Kada buwan ay may Fixed Monthly Budget ang bawat Senador ng humigit-kumulang P2 Milyon.
Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang P500,000 and budget nila sa Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at Domestic Travels) at P500,000 para sa Staff at Personal expenses. Kaya para makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Nagtataka ka pa kung bakit mayroong mga Ghost Employee?
Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa Foreign Travel. At ang masakit pa nito, hindi na kailangan i-liquidate ang mga resibo ng mga gastusin 'yan kundi Certification lang ang Requirement.
Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mg Komite sa Senado. Ang Committee Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga Senador na humigit-kumulang P1 Milyon din! Hindi sila mawawalan ng Komite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado. There's food for everybody 'ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.
Sa P200 milyon na Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon, awtomatikong may 10% na S.O.P. o kita ng Senador na P20 milyon. Ito ang porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.
Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng P100 milyon sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10% kundi 20 - 30% ang komisyon hinihingi sa mga kontratista.
Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang kanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision, maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.
Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na! `
At sa mga congressman naman..70 million ea/congressman a year.240 ang lahat ng congressmanbale lumalabas na 583,000/month=ea/congressman
Ang laking pera ang inuubos ng mga buwaya sa ating gobyerno.Bukod pa diyan... mahina ang 200,000 na bonuses ng mga congressmanBukod pa diyan mahigit kumulang sa 200,000 php ang ibinibigayna suhol sa mga congressman huwag lang sila kokontra sa pangulo.Hindi kaya nila nakikita ang iba nating mga kapatid na patuloy na naghihirap o talagang nagbubulag-bulagan na sila dahil sa laking perang nakukuha nila.
Pagmasdan natin ang mga larawan na nasa itaas. ilang mga bata ang namumulot ng basura upang may makain.Ilang pulubi ba ang katulad nila? Ilang mga bata pa kaya ang natutulog sa lansangan?Ilang pamilya ang nangangarap magkaroon ng masisilungan?Ilang bata ang patuloy na humihingi ng konting awa sa mga lansangan?Ilang pilipino ang wala ng halos makain?Ilang pamilya ang walang makain?
Sa konting halaga... hindi ba nila maisipang ibigay sa mgakapatid nating nabubuhay sa lansangan?Sa konting halaga... Ilang pulubi ang mabibigyan ng tamangedukasyon?Sa konting halaga... ilang tahanan ang maibibigay nila sa bawatpamilyang natutulog sa lansangan?
Ano ba ang kaya nilang ibigay sa mga pulubi?
ISANG SUPOT NG BIGAS?ISANG SUPOT NA DELATA?5 PIRASONG NOTEBOOK?ISANG SCHOOL BAG?
YAN LANG BA?

OPISYALES NG MGA EMBAHADA

Pagpaparusa sa opisyal na magpapabaya sa OFW suportado ng Migrante

Soliman A. Santos
Suportado ng Migrante Middle East ang isang panukalang batas na naglalayong maparusahan ang mga opisyal ng embahada, paggawa at serbisyong pangkalingan na tumanggi o hindi nakatulong sa mga (overseas Filipino workers).
Ang House Bill No. 5461 ay inihain ni Rep. Cynthia Villar sa Kamara dahil sa patuloy umanong pang-aabuso sa mga OFW dahil na rin sa kapabayaan ng mga opisyal.
Ayon kay John Leonard Monterona, coordinator ng Migrante-ME, suportado nila ang panukalang batas dahil para ito sa kagalingan ng mga OFW.
“Nanawagan kami sa mga kapwa-OFW na suportahan ang pagsasabatas ng HB-5461,” ani Monterona.
Nagpahayag naman ng tuwa si Monterona dahil kinikilala ni Villar ang lumalalang kalagayan ng mga OFW lalo na ang mga domestic helper at construction worker na patuloy na nagdurusa sa kamay ng mga abusadong employer, di makataong kalagayan sa paggawa at iba’t ibang paglabag sa kanilang karapatang pantao.
Sinabi pa ni Monterona na lalo lamang nakakainsulto sa mga OFW ang mga kapabayaan ng mga opsiyal ng embahada na dapat sanang tumutulong sa mga nagdurusang migrante.
Tinatayang mahigit sa isang libo nang mga kaso ng OFW ang nakarating sa tanggapan ng migrante sa taong ito.
Ayon pa kay Monterona, hihikayatin nila ang kanilang mga miyembro na sumulat sa mga kongresista para sa agarang pagpasa ng HB No. 5461.

CREDIT: PINOY WEEKLY ONLINE

PINOY ABROAD



Tayung mga ofw... walang pinakamasarap sa ating buhay kundi ang araw ng ating mga bakasyon pauwi ng pinas.Ang sarap di ba? Tulad ko... 2 weeks before ang alis ko pauwi ng pinas.. super dufer ang saya. Walang katumbas na halaga ang mararamdaman mong kaligayahan. Bukod sa makikita mo ang mga mahal natin sa buhay, siyempre pa may dala kang mga pasalubong para sa kanila. Kahit konti ang madalang pera.. makabakasyon lang.

Pag dating mo sa Ninoy International Airport... hindi mo na halos maipaliwanag ang sayang nararamdaman. Para bang nawala ang lahat ng pagod, hirap, gutom ng mga sandaling iyon. Para bang nabunutan ka ng tinik sa lalamunan ha ha ha. ( o di ba ) Sakay ka ng taksi ngayon...
ako kasi hindi na ako nagpapasundo mas gusto ko yung ako na lang ang mag biyahe pauwi. Pagdating ko sa baryo namin... pagbaba ko ng taksi... andiyan na ang artista (LOL) ''-
Ganyan naman talaga ang mga galingng abroad... para kang artista kasi siyempre matagal kang nawala sa paningin nila, ang laki pa ng pinagbago ng kulay mo, medyo gumuwapo ka pa ng konti.( ha ha ha) ''Meron kang maririnig na sigaw '' ay si kuya dumating" Kuyaaaa!! (naks ) sabay yakap... kumustahan to da max. Halos wala ng puwang upang maisarado mo ang iyung bibig sa pagkakangiti. Ang sarap-sarap talaga ng feeling noh.
Pagdating mo sa bahay... hayyyyy ang sarap-sarap talaga! Ang sarap sa pakiramdam..
Ang sarap ng simoy ng hangin..Ang sarap pagmasdan ang nandito ka sa sarili mong tahanan. Parang gusto kong magpakalasing ng todo noong mga araw na iyon. Iniisip ko... wala naman akong pasok kinabukasan pahingang-pahinga itoooo! (may flashback pa kc eh noh)
Unang gabi ko sa bahay... ang oras na isa ding pinakamasaya dahil unang gabi ng kwentuhan... iyakan... tawanan... inuman.habang yung iba mong mga kapatid, pamangkin kanya-kanyang pwesto sa tong-itan kasi may mga pera na ha ha ha. Mga kapatid mong lalaki naka pwesto narin sa mahjong siyempre may mga puhunan narin.. sabay na ang ikot ng baso ng alak. Ikaw naman halos hindi ka na makakain sa sobrang kaligayahan mo. Kung tutuusin ayaw mo ng matapos ang mga sandaling iyon. Kung iisipin mo... kulang na kulang talaga ang isang buwang bakasyon mo sa pinas. Kung ikukumpara sa dalawang taon mo sa malayo, nagiisa.., nalulungkot.., pagod sa araw-araw.Parang ayaw mo ng bumalik ng mga araw na iyon.
Pagmulat ng mata mo... gigisingin ka ng misis mo o ng anak mo.. ng nanay mo. Anak... anong dadalahin mo... maligo ka na at kailangan maaga ka sa airport. (waaaaaa oras na naman) Yung mga gamot na dadalhin mo naka ready ng lahat, huwag mo pababayaan ang sarili mo doon ha! sabay yakap sa kanila... kasabay ng pagpatak ng luha mo. Aalis na po ako inay... yayakap ka narin sa misis mo at mga anak mo.. kakaway ka na rin sa mga kapitbahay mo na nagsasabing...paalam na at akoy babalik na upang humanap muli ng ikabubuhay.
Nakasakay ka na sa eroplano pabalik... nakaupo sa upuan habang nagugunita mo pa sa iyong isipan... ang mga araw na kay sayang mamuhay talaga sa pinas. Mga sandaling kaylan lang kapiling mo silang lahat... ngayon, andito ka... pabalik ng muli... umpisa nanaman ng hirap... umpisa nanaman ng dalawang taong pakikibaka at pakikipag sapalaran sa piling ng kalungkutan.Trabaho nanaman.. ganito talaga ang buhay.. magtrabaho upang mabuhay.
Kung tutuusin... mahirap magtrabaho...
Pero... kailangan mo ng trabaho!!

Umpisa na naman ng trabaho... WAKAS!!!