Wednesday, 3 December 2008

PINOY ABROAD



Tayung mga ofw... walang pinakamasarap sa ating buhay kundi ang araw ng ating mga bakasyon pauwi ng pinas.Ang sarap di ba? Tulad ko... 2 weeks before ang alis ko pauwi ng pinas.. super dufer ang saya. Walang katumbas na halaga ang mararamdaman mong kaligayahan. Bukod sa makikita mo ang mga mahal natin sa buhay, siyempre pa may dala kang mga pasalubong para sa kanila. Kahit konti ang madalang pera.. makabakasyon lang.

Pag dating mo sa Ninoy International Airport... hindi mo na halos maipaliwanag ang sayang nararamdaman. Para bang nawala ang lahat ng pagod, hirap, gutom ng mga sandaling iyon. Para bang nabunutan ka ng tinik sa lalamunan ha ha ha. ( o di ba ) Sakay ka ng taksi ngayon...
ako kasi hindi na ako nagpapasundo mas gusto ko yung ako na lang ang mag biyahe pauwi. Pagdating ko sa baryo namin... pagbaba ko ng taksi... andiyan na ang artista (LOL) ''-
Ganyan naman talaga ang mga galingng abroad... para kang artista kasi siyempre matagal kang nawala sa paningin nila, ang laki pa ng pinagbago ng kulay mo, medyo gumuwapo ka pa ng konti.( ha ha ha) ''Meron kang maririnig na sigaw '' ay si kuya dumating" Kuyaaaa!! (naks ) sabay yakap... kumustahan to da max. Halos wala ng puwang upang maisarado mo ang iyung bibig sa pagkakangiti. Ang sarap-sarap talaga ng feeling noh.
Pagdating mo sa bahay... hayyyyy ang sarap-sarap talaga! Ang sarap sa pakiramdam..
Ang sarap ng simoy ng hangin..Ang sarap pagmasdan ang nandito ka sa sarili mong tahanan. Parang gusto kong magpakalasing ng todo noong mga araw na iyon. Iniisip ko... wala naman akong pasok kinabukasan pahingang-pahinga itoooo! (may flashback pa kc eh noh)
Unang gabi ko sa bahay... ang oras na isa ding pinakamasaya dahil unang gabi ng kwentuhan... iyakan... tawanan... inuman.habang yung iba mong mga kapatid, pamangkin kanya-kanyang pwesto sa tong-itan kasi may mga pera na ha ha ha. Mga kapatid mong lalaki naka pwesto narin sa mahjong siyempre may mga puhunan narin.. sabay na ang ikot ng baso ng alak. Ikaw naman halos hindi ka na makakain sa sobrang kaligayahan mo. Kung tutuusin ayaw mo ng matapos ang mga sandaling iyon. Kung iisipin mo... kulang na kulang talaga ang isang buwang bakasyon mo sa pinas. Kung ikukumpara sa dalawang taon mo sa malayo, nagiisa.., nalulungkot.., pagod sa araw-araw.Parang ayaw mo ng bumalik ng mga araw na iyon.
Pagmulat ng mata mo... gigisingin ka ng misis mo o ng anak mo.. ng nanay mo. Anak... anong dadalahin mo... maligo ka na at kailangan maaga ka sa airport. (waaaaaa oras na naman) Yung mga gamot na dadalhin mo naka ready ng lahat, huwag mo pababayaan ang sarili mo doon ha! sabay yakap sa kanila... kasabay ng pagpatak ng luha mo. Aalis na po ako inay... yayakap ka narin sa misis mo at mga anak mo.. kakaway ka na rin sa mga kapitbahay mo na nagsasabing...paalam na at akoy babalik na upang humanap muli ng ikabubuhay.
Nakasakay ka na sa eroplano pabalik... nakaupo sa upuan habang nagugunita mo pa sa iyong isipan... ang mga araw na kay sayang mamuhay talaga sa pinas. Mga sandaling kaylan lang kapiling mo silang lahat... ngayon, andito ka... pabalik ng muli... umpisa nanaman ng hirap... umpisa nanaman ng dalawang taong pakikibaka at pakikipag sapalaran sa piling ng kalungkutan.Trabaho nanaman.. ganito talaga ang buhay.. magtrabaho upang mabuhay.
Kung tutuusin... mahirap magtrabaho...
Pero... kailangan mo ng trabaho!!

Umpisa na naman ng trabaho... WAKAS!!!

2 comments: