Thursday, 4 December 2008

MAGALING DAW ANG MGA PINOY

MAGALING DAW ANG PINOY!

Maraming nagsasabi magagaling daw tayong mga pinoy. Halos lahat ng bansa ay nagsasabing magagaling tayong mga pilipino.. kahit sa anong bagay. Sa pagtatrabaho subok at kilalang kilala ang mga pinoy hindi maikakaila na maraming bansa ang nakakakilala sa ating kakayahan.

Kaya naman ang bawat bansa na nangangailangan ng mangagawa.. pinoy ang unang-una nilang kinukuha. Halos lahat na yata ng bansa may mga pinoy at pinay na namamasukan sa kanilang bansa. Noong kasalukuyan pa akong namamasukan sa jeddah saudi arabia, halos 100 porsyento ng mga kompanya ay may mga pinoy kang makikita. Ganon din dito sa bansang South Korea, Japan, malaysia at sa ibat-ibang panig ng mundo.

Sabi nga ng amo ko sa J eddah... saludo talaga sila sagaling at talino ng mga pinoy kung ang pagbabasehan ay ang diskarte sa pagtatrabaho at pakikisalamuha o pakikipag kaibigan sa ibang lahi. Tunay nga na magaling ang mga pinoy at pinay. Hindi lang sa pagtatrabaho sa mga kompanya. Isama na natin ang mga kababaihan na naninilbihan bilang mga domestic helper.

Ganon din sa mga hospital.. nakikita ng mga bawat bansa kung paano mag asikaso sa mga pasyente ang ating mga kababayan.
Minsan nabasa ko sa isang pahayagan sa saudi arabia isang manunulat sa pahayagan ang nagsabing... paano ang mundo kung walang mga pilipino workers? (Galing no)
Iniisip ko yung nabasa kong iyon. Isang arabo ang kumikilala sa ating kakayahan. At nag aalala kung paano na nga naman sila kung wala tayo?

Hangang sa mga sandaling ito... ilang taon na ang nakalilipas mula ng mabasa ko ang pahayagang iyon. Hindi pa rin maalis sa aking isipan.

Bakit ang pilipinas?
Hinahayaan nila tayong umalis sa ating bansa gayong mas higit nila tayong mapapakinabangan.

Bakit hinahayaan ng ating bansa.. na ibang bansa pa ang nakikinabang sa ating kakayahan?
Bakit ang ibang bansa pa ang kumikilala ng ating kakayahan?
Kung talagang magaling tayong mga pinoy...
Bakit ang sarili nating bansa hindi natin maiayos?
Bakit ang pilipinas naghihirap?
Bakit ang pilipinas napag iiwanan na ng ibangbansa sa asia?
Bakit ang pilipinas ang sinasabing pinakamaraming basura na nakikita sa lansangan kontra sa ibangbansa lalong lalo na dito sa asia?
Bakit hindi kayang iangat ang pilipinas?
Gayong... puro pilipino ang humahawak?
Bakit tayo naghihirap?

MAGALING NGA BA TALAGA ANG PINOY?

No comments:

Post a Comment