Sa loob ng labing anim na taon kong pagtatrabaho sa ibang bansa kitang - kita ko ang kabulukan ng mga pilipino hindi ng ating bansa ha. Nadadamay lang ang lugar sa kabobohan ng tao, kabobohan sa solusyon ng mga pulitiko. Ang kagandahan ng isang lugar ay ayon sa kagalingan ng tao at ang kapangitan din ng isang lugar ay nakadepende rin sa kabobohan ng tao. Tulad ng mga bansang singapore, malaysia, japan, korea at marami pang ibang karatig bansa kitang - kita ang kalinisan at kagandahan ng kanilang kapaligiran na talagang mapapamangha ka dahil ibang - iba sa pilipinas, kung makakakita ka ng mga lugar na makikita mo lang sa ibang bansa hindi mo maiiwasang maisip ang pilipinas, mapapailing ka, manlulumo ka kitang - kita ang kabobohan at klase ng tao at pulitiko dito sa pilipinas, ang lahat ng iyan ay resulta ng kanilang kagalingan, kagalingan ng tao, kagalingan ng kanilang gobyerno, kagalingan ng isip ng kanilang mga pulitiko.
Ang pilipinas ay may mga kasabihan na nananatili nalang kasabihan na.. ang bawat katanungan ay may nakalaang kasagutan, kasagutan na ayaw nating tugunan dahil sa kabobohan. Mga problemang may solusyong katapat na ayaw namang solusyunan dahil sa katamaran.
Ang katayuan ng ng pilipinas at katayuan ng pamumuhay ng mga pilipino ay resulta ng kabobohan at katamaran ng mga pulitiko, masakit lang isipin na lahat sila ay mga pilipino sa kanila nakikita ang tunay na ugali ng mga pilipino, bangayan, siraan, kampihan, mga mahihilig lang sa umpisa, payabangan, papormahan, magagaling lang sa salita, ngayon kitang - kita na ang resulta.
Ang mga pilipino ay namulat na sa hirap ng pamumuhay, mga pilipinong bilango ng kahirapan, mga pilipinong nakatanikala na hindi lang sa kabobohan ng pamamahala kundi sa uri ng pag uugali natin bilang pilipino. Hindi naman mahirap ungkatin ang tunay na dahilan kung bakit hirap na tayong bumili ng isang stick ng sigarilyo, pisong asukal ayaw lang talaga nilang magtrabaho ng tama o bobo lang talaga na kaiba sa ibang bansa na wala kang mabibiling isang stick na sigarilyo, isang supot ng ice candy na mantika, isang tasang suka katumbas ng isang dakot na yaman ng mga pilipino, kumpara sa ibang bansa na kahit na pake-paketeng sigarilyo magaang bilhin, galon - galong mantika na kayang bilhin ng bulsa patunay na ang laki ng agwat sa ating mga pilipino.
Hindi ko na sisisihin dito ang mga mamamayang botante dahil hindi naman talaga dapat tapunan ng sisi ang mga mamamayan sa pagpili ng kanilang mga iboboto, mayaman man o mahirap, matalino man o bobo ang mga botante pare-parehas lang tayong biktima ng kabobohan, kawalan ng disiplina at kawalan ng malasakit, lahat tayo ay biktima ng klase ng pagiisip at ugali ng ating mga opisyal ng gobyerno.
Ang hirap ungkatin ang tunay na dahilan kung bakit tayo naging ganito, ang hirap ungkatin kung bakit naging ganito ang ating bansa. Makatotohanan man ang sinasabi mo kung ang kausap mo ay isang makitid din ang utak walang maniniwala sa iyo. Hindi ko tinutukoy dito ang ikonomiya ng pilipinas, ang tinutukoy ko dito ay ang kapaligiran ng bansang pilipinas kung saan masisilayan mo ang resulta kung paano gumawa at mag isip ang mga pulitiko at hindi lang mismo ang mga pulitiko ang may pagpapabaya kasama narin ang mga humahawak at mga tauhan ng mga ahensya ng gobyerno lahat sila ay mga pilipinong salamin ng tunay na ugali nating mga pilipino.
Pagmasdan mo sa TV ang ating mga pulitiko, mababakas mo ang angking talino daw nila pero heto at tayo ang nagdurusa, kakaunting talino nila tayo ang pumapasan pagmasdan mo ang kanilang mga mukha idikit mo sa iyong imahinasyon ang larawan ng kanilang mga mukha at larawan ng lahat ng mga kabulukan na nakikita natin sa paligid mapapailing ka dahil ang maaninag mo sa kapaligiran ay larawan ng kabobohan hindi ng talino. Pagmasdan ninyo mga kalsadang lubak - lubak, kalsadang nabubulok na tubig baha, mga tubig baha sa mga estero, mabahong kapaligiran, mga basurang nagkalat, gabundok na basura mga batang walang makain, mga batang walang pinag aralan, mga batang lumaki sa lansangan, mga batang nagiging isnatser, magnanakaw, rapist, addik, mga pamilyang walang tahanan, mga pamilyang sa bangketa natutulog, mga pamilyang walang hanap buhay angat lang ng konti ang may hanapbuhay pero parehas lang na nahihirapan, mga kapulisan na talamak ang kotongan, mga kapulisan na kanyang-kanyang raket sa pangongotong, mga pulis na magnanakaw, mga pulis utak ng sindikato, utak ng sugalan, utak ng mga druglord, mga guro sa public school na rapist, magnanakaw, sadista, rapist, nambubugbog ng mga mag aaral, mga gurong nagpapakain ng plastik sa mga bata, mga gurong tiwali, mga ghost employee sa gobyerno yan ang mga maipagmamalaking ugali ng mga pilipino, mga senador na bangayan, mga senador na nag aaway - away, kanya-kanyang siraan, kanya - kanayng pagalingan sa harap ng kamera, mga pulitikong nagpapatayan, agawan sa yaman, agawan sa kapangyarihan na nagdudulot ng madugong pagtatagpo, mga conngressmen na walang maisip na batas kundi palitan ang pangalan ng airport, palitan ang pangalan ng edsa, pilipinas pa ang nangungunang pinakapangit na airport sa buong mundo, ilan lang yan sa resulta ng kabobohan ng pamamahala ng gobyerno at ng mga pulitiko, iyan ang tunay na ugali nating mga pilipino, ilan lang yan sa ugat ng mga problemang hindi kayang solusyunan.
Ang sakit isipin na ganito na tayo ngayon, ganito na kalala ang nangyayari sa ating bansa, ganito na ang kalakaran upang mabuhay dito sa ating bansa.
Hindi ko masisisi ang mga botante ng election dahil lahat tayo ay walang alam sa klase ng pag iisip ng tao lahat tayo ay biktima ng ugaling sa sarili rin natin mismo nakikita.
Ngayong nalalapit nanaman ang election.. mas lalo kong nakikita ang magiging kahihinatnan lalo ng ating bansa. Nakikinita ko na lalong dumadami ang angkan ng mga pulitikong nais na muling magpayaman at magpapahirap sa mga mamamayan ng pilipinas. Nakikinita ko na... dahil madadagdagan ang kabobohan na mas nakakapanlumong resulta ang matutunghayan nating lahat.
Kung anong hirap hanapin ang solusyon ng pangit na kapaligiran ng pilipinas at hirap na kalagayan ng mga mamamayan... ganon din kahirap solusyunan ang kabobohan ng utak ng mga opisyales ng pamahalaan.
Pagmasdan mo ang kalagayan ng mga pilipino ngayon... yan ang resulta ng kanilang kabobohan.
Monday, 22 October 2012
PRAYER OR HARDWORK
Ano ang mas mabisa para magtagumpay, prayer or hardwork?
Bagamat parehas na importante sa buhay ng tao ang dalawang salita depende nalang siguro sa paniniwala ng bawat isa. Para sa akin mas mabisa at kailangan ng isang tao ay ang hardwork para sa kanyang ikatatagumpay. Ayon sa kadalasan kong naririnig at nababasa na mas mabisa ang prayer para magtagumpay ang isang tao dahil ayon sa paniniwala ng ilan na walang imposible sa panginoon basta lumapit ka sa kanya at manalig na ang lahat ay kanyang ibibigay basta manalig ka at magtiwala sa kanya. Kung ganon bakit marami parin hanggang ngayon ang umaasa parin ng tagumpay? Gayong halos lahat naman ay nananalangin. Alam naman natin na ang tao ay may pananalig sa kanya at lubos na nagtitiwala at halos lahat ay marunong magdasal at manalangin.
Kung minsan ng dahil sa ating paniniwala may mga tao nalang umaasa sa panalangin, may mga taong hindi na halos nagpapakita ng kasipagan dahil nilason na ang isip ng paniniwalang ang lahat naman ng bagay dito sa mundo ay nakukuha sa panalangin, nalason na sila sa paniniwalang.. "lumapit ka at manalangin ikaw ay pagbibigyan, kaya ang tao kahit hindi gaanong nagtatrabaho nananalangin nalang ng ikatatagumpay.
Pero subukan mong magtrabaho ng husto, subukan mong magtrabaho ng tapat kahit hindi ka manalangin makikita at makikita ng nasa itaas ang pagsisikap mo siya ang kusang magdadala sa iyo sa tagumpay kahit hindi ka manalangin. Para ano pa at may kasabihan tayo na "hindi natutulog ang diyos" di ba isa ito sa mga paniniwala nating lahat? Minsan tayo rin ang sumusuway sa sarili nating paniniwala. Paano kang magtatagumpay kung naka upo kalang? Paano mo makakamit ang mga pinapangarap mo sa buhay kung naka-upo ka lang at umaasa nalang lagi sa panalangin.
TALENTO NG TAO
May mga nagsasabi na ang talento daw ng tao ay nakukuha sa praktis at may nagsasabi na ang talento daw ng tao ay inborn, hindi ako naniniwala na ang talento ng isang tao ay nakukuha or nagmumula sa ensayo, para sa aking paniniwala ipinanganak ang tao na may kaakibat ng talento nahahasa lang kung sasamahan mo ng ensayo. Ang talento ng tao ay inilaan na para sa iyo buhat ng ikaw ay ipinanganak, kahit anong gawin mo sa kakapraktis kung hindi talaga iyan ang talent mo hindi mo magagawa ang magandang hinahanap ng tao kahit nakahiligan mong gawin ang isang bagay kung hindi talaga iyan ang talent mo walang mangyayari kahit ilang libong praktis pa ang gawin mo. Ang talento ng isang tao ay kung saan mas angat ang ginagawa mong magaling na minsan hindi nagagawa ng iba. Halimbawa sa pagsusulat may mga taong ang talent nila ay nasa pagsusulat, may mga bagay ka na mas magaling kang magsulat kaysa sa ibang nagsusulat. Nabibigyan mo ng buhay ang mga kataga na iyong sinusulat, nabibigyan mo ng magandang daloy ang mga salita upang mas kaaya - ayang basahin ng mga nagbabasa. Maraming talento ang isang tao minsan may mga araw na napapansin mo nag iiba ka ng hilig lumalabas at lumalabas ang mga bagay na nakakahiligan mong gawin iyon ang talento mong matatawag basta mapag uukulan mo lang ng panahon para maensayo mo ng husto kadalasan lang na nangyayari nawawalan tayo ng panahon dahil sa may mga bagay na dapat tayong unahin lalo na kung kapos tayo sa pangangailangan ng pamilya mas nauuna pa nating gawin ang pangangailangan ng pamilya kaya nawawalan na tayo ng panahong mapagukulan ng panahon ang ating mga sariling talento. Habang lumalaki ang tao unti - unti niya nalalaman kung saang bagay siya magaling. May mga tao din na bata palang ay nakikitaan na ng talento na siyang sinusoportahan kaagad ng mga magulang dahil may kakayahan silang tustusan ang mga pangangailangan ng bata para maging ganap na dalubhasa sa kanyang talento. Kadalasan ang nagiging dahilan kaya hindi natin napagtutunan ng husto ang ating talento ay dahil sa kakapusan natin ng pinansyal kaya ang nagiging resulta kulang na ang kaalaman natin upang mas mapabuti pa natin ng husto ang ating talento, kahit gustohin mo na maging dalubhasa ka sa iyong talento hindi mo makuhang sanayin ng husto dahil mas binibigyan mo ng panahon ang mga pangangailangan natin sa buhay. Kung ating ikukumpara ang pilipino laban sa mga mayayamang bansa kung saan may kakayahan ang kanilang mga taong mabigyan nila ng kaukulang panahon ang kani-kanilang mga talento dahil meron silang inaasahan na trabaho, panahon at oras at meron silang inaasahang pera na pangtustus sa kanilang pangangailangan para lalo nilang mapagbuti ang kanilang kaalaman. Hindi lingid sa ating kaalaman na mas marami ang nakikita nating magagaling at talentadong tao sa ibat - ibang larangan ang mga nakatira sa mayayamang bansa at hindi lingid sa ating kaalaman na mas maraming nahahakot na gintong medalya ang mga mayayamang bansa sa larangan ng sports. Dahil meron silang kakayahang maghanap ng mga talentadong tao na tinutustusan pa ng gobyerno para mas lalo pang maging bihasa ang tao. Dito sa atin maraming mga talentadong tao na hindi na gaanong nangangailangan ng maraming pera para maging dalubhasa tulad ng pag awit. Pero may mga mang aawit tayo na hindi naman bihasa sa pag compose ng isang awitin. Ang pag gawa or pag buo ng isang awitin ay isang talento rin ng tao kung saan nakakagawa or nakakabuo sila ng isang awit na hindi naman nila kayang awitin ang sarili nilang katha dahil ang talento nila ay wala sa pag awit kundi nasa pag gawa ng isang awit. Masuwerte na lang ang tao kung ang talento mo ay nakakagawa ka na ng isang awitin nakakanta mo pa ang ginawa mong awitin dahil sa ginintuan mong tinig makikita natin iyan sa katauhan nina freddie aguilar at Rey valera.
Kung ang ibang mayayaman ay may inaasahang kayamanan at may kakayahang mag ensayo ng kahit na anong talent ngunit hindi nila magawang maging dalubhasa dahil hindi iyon ang talento nila.
Kaya para sa aking paniniwala ang talento ay hindi nagmula sa ensayo, ang talento ng tao ay inborn instrumento lang ang kakaensayo para lalong maging dalubhasa sa kanyang talento.