Palagay ko alam na ninyo ang kahulugan ng titulo ko sa itaas.. Salitang pabalbal na ang tunay na kahulugan ay mga taong mahina ang isip or sabihin na nating hindi nag iisip ng mga bagay bagay dito sa mundo. Minsan kailangan mo talagang paganahin ang iyong isip sa lahat ng bagay o sa lahat ng oras. Kailangan marunong kang mag isip para malaman mo ang tama at mali, malaman mo ang katotohanan at hindi makatotohanan.
Siguro mas maganda pang pakingan ang makitid ang utak kaysa naman sabihan ka ng walang utak. Walang utak dahil hindi mo ginagamit ang iyong utak para mag isip.
Makitid ang utak
Minsan masakit pakingan ang salitang makitid ang utak. Masakit tangapin ang pagsabihan ka na makitid ang utak mo dahil ayaw mong tangapin ang katotohanan na makitid ang utak natin dahil ang alam mo sa sarili mo ikaw ang tama sa lahat ng ginagawa mo kahit nakikita ng ibang tao na mali ka sa iyong ginagawa at sinasabi. Makitid ang utak mo dahil kadalasan hindi ka nag iisip kung tama ang ginagawa mo at sinasabi. Makitid ang utak mo dahil kadalasan naniniwala ka sa mga bagay na hindi mo naman napapatunayan pero naniniwala kang totoo. Makitid ang utak mo dahil hindi ka nag iisip, hindi mo ginagamit ang isip mo sa mga bagay - bagay dito sa mundo.
Masakit talaga pakingan ang salitang makitid ang utak.. masakit dahil maaring iisipin mo na paninira lang sa iyo ang salitang iyan pero kitang - kita sa iyong mga sinasabi kung gaano kakitid ang utak mo ayaw mo lang tangapin ang katotohanan.
Ano nga ba ang batayan ko kung bakit ko sinasabing makitid ang utak ng isang tao? makitid ibig sabihin mababaw ang isip mo, ibig sabihin kulang kang mag isip, ibig sabihin alam mo ng hindi tama ginagawa mo parin dahil sa kakitidan ng isip mo pati ginagawa mo hindi mo alam kung mali or tama, alam mo ng mali pinipilit mo paring tama, hindi mo pa nga napapatunayan naniniwala ka ng totoo.
Marami akong nakakasalamuhang ganyang tao.. Minsan napapailing nalang ako kung may nakakaharap akong taong ganyan.. Alam nyo ba dahil sa kakitidan ng isip ng tao pati buong pagkatao at ugali niya ay nadadala ng kakitidan ng utak ng isang tao? nagiging pangit ang pagkatao ng isang tao or nagiging pangit ang ugali ng isang tao dahil sa kakulangan niyang mag isip.
Alam nyo ba na kahit ang mga tituladong tao ay may pagkakitid din ang utak? Kahit ang mga valedictorian ay may kakitidan din ang utak? Kahit na ang mga taong nakapagtapos sa mga sikat na paaralan ay may kakitidan din ang utak?
Isa pang masasabi kong may kakitidan ang utak ng isang tao ay yung mga paniniwala na hindi nila alam kung may mali sa kanilang paniniwala na kahit anong gawin mong paliwanag sarado na ang isip nila sa ganon paring paniniwala. Eto ang isang halimbawa ko.. Ang tao ay naniniwala na.. "Nasa sinapupunan palang daw ang tao ay may kasalanan na" at "Ang tao daw ay ipinanganank ng makasalanan". Tingnan mo ang kakitidan ng tao.. Paano magkakaroong kasalanan ang sangol na wala pang isip? Paano nakagawa ng kasalanan ang sangol na nasa sinapupunan pa lang? Subukan mong paliwanagan ng katotohanan ang mga taong sarado ang isip sa ganyang paniniwala hindi mo sila mahihikayat na maniwala sa sinasabi mong katotohanan.
Hindi ako nagmamarunong ang lahat ng sinusulat ko dito na taliwas sa inyong paniniwala ay mga paniniwalang mas makatotohanan. Maaring ayaw lang tangapin ng iba na mas malawak at mas malalim lang ang aking isipan kaysa sa mga taong makikitid ang utak.
Hello po sa sumulat nitong makitid ang utak..Lam po ninyo tama po lahat ng cnulat nyo po..minsan nga ay mali pala madalas ang tamang term na indi ginagamit ng tao ang icp nya..lalo na tungkol sa sabi sabi..wala p ngang napapatunayan,hinuhusgahan kna agad dahil sa sbi sbi lng..sana lahat ng makikitid ang utak e.mabasa ito at "maunawaan o maintindihan" kc d ba nga sarado ung utak nila..bka sakaling "bumukas" pag nabasa nila ito..
ReplyDeleteSana po mkagawa pa kayo ng iba pang article..
God Bless u po..