Sunday, 26 August 2012

TAO MUNA BAGO ANG BAYAN

Kailangan mahalin muna natin ang bayan para umasenso?

Bakit ang inuuna nating mahalin ang bayan? Tanong ko sa aking kausap.. Hindi ba ang dapat tao muna bago ang bayan?


Bayan muna dahil tao rin ang unang makikinabang. Kung gumanda at umasenso ang bayan sabay naring aasenso ang tao. Kung bayan muna ang uunahing pagandahin, bayan muna ang kailangang unang ayusin kasama nang pagyabungin ang ating mga kabundukan punuin ng puno , linisin ang kapaligiran itama ang pagtatapon ng mga basura dahil yan ang mga pangunahing dahilan ng pagbaha hanggang sa maging dahilan ng kamatayan ng tao. Sabi nga ng iba kailangang mahalin muna natin ang bayan para umasenso na ang pilipinas.
Mukhang may katwiran siya dahil iyan naman talaga ang kailangan ng ating bayan, iyan ang isinisigaw ng ating bayan bihisan ninyo ako ng hindi tayo kahiya - hiya sa mga karatig nating bansa.


Tama! kailangan din naman talaga at obligasyon naman talaga ng gobyerno ang mga bagay na iyan. Gobyerno ang kailangang kumilos kung tungkol sa bayan ang pag uusapan.

Matalino din naman itong kausap ko.. kaya lang walang puso.

Paano naman ang tao?
Di baleng may mamatay muna sa gutom? Unahin muna ang pagyabong ng mga puno kaysa pagyabong ng mga batang may pinag aralan? Unahin muna ang pagtangap ng papuri mula sa karatig bansa kaysa bigyan ng tahanan ang mga walang tahanan?

Kailangan ba mahalin muna ang bayan bago ang tao? Sino ba ang dapat unahing mahalin? Kung mahalin ko ba ang bayan may makakain na si juan? Kung mahalin ko ba ang bayan magkakaroon na ng trabaho ang libo - libong ama na nangangailangan ng trabaho? Kung mahalin ko ba ang bayan mawawala na ang mga magbabasura, magkakaroon na ng maayos na tulugan ang pamilyang natutulog sa lansangan?
Pagmasdan mo ang iyong kapaligiran.. Pagmasdan mo ang mga taong natutulog sa lansangan, pagmasdan mo ang mga batang natutulog sa mga lansangan, pagmasdan mo ang mga taong namumulot ng basura, pagmasdan mo ang mga batang nagiging mang - mang dahil sa wala ng kakayahang pagaralin pa ng kanyang mga magulang. habang lumalakad ang araw at patuloy sa paglubog at paglitaw ng haring araw dumarami lalo ang mga pilipinong nagiging mang - mang, mga pilipinong tumatanda na hindi na nabibigyan ng pagkakataong makapag aral na ang tanging ipapamana nalang nila sa kanilang mga anak kundi ang kahirapang kanilang nasimulan. Dahil habang patuloy sa pag ikot ang mundo patuloy silang lumalaban sa hamon ng buhay nakikipag agawan sa gutom at kamatayan ang mga tao. Aanhin ng tao ang maraming puno kung kumakalam na ang kanilang sikmura, aanhin ng tao ang magandang nilalakaran nila kung kailangang ibili ng gamot ang kanilang anak, aanhin ng mga tao ang ganda ng kapaligiran kung wala naman silang makain, makakain ba ng anak ko ang papuri ng mga banyaga dahil sa kagandahan ng ating bayan, matitigil na ba sa pagbabasura ang tao kung gumanda ang ating bayan? May makakain na ba ang mga magbabasura kung gumanda ang ating bayan kahit wala silang mahanap na magandang hanapbuhay? May matutulugan na bang maayos na tahanan kung wala na ang mga pagbaha?

Ngayon sino ba ang dapat na unahing mahalin.. ang tao ba o ang bayan? Sino ang dapat na unahing ayusin ang bayan ba o ang buhay ng mga tao? Sino ang dapat unahing pagyamanin ang mga puno sa kabundukan o ang buhay ng bawat pilipino?

Lumingon ka sa iyong paligid makikita mo.. Ang tao umiiyak unti - unting nauupos.. di tulad ng ating watawat ano mang unos ang dumating mananatiling nakatayo.

Ikaw kaya ang mamulot ng basura, ikaw kaya ang matulog sa lansangan kasama ng mga bata, ikaw kaya ang walang makain at subukang kumain ng mga tira - tira ng jollibee, saka mo sabihing ang bayan muna bago kami saka nalang kami kung mayaman na ang bayan.




Saturday, 25 August 2012

KAHULUGAN NG PANGHUHUSGA

Sabi nila..

"Diyos lang ang may karapatang humusga sa akin" walang karapatan ang sinuman na husgahan ako". Ito ang madalas kong naririnig at nababasa lalong - lalo na dito sa net. Kung may naririnig akong nagpapahayag ng ganito gustong - gusto kong kontrahin ang mga ganitong tao. Mga taong nagpapahayag ng mga salita na parang hindi naman nila alam ang kahulugan ng kanilang sinasabi.

Ikaw.. alam mo ba ang kahulugan ng panghuhusga? Alam mo ba kung paano mo ito nagagawa sa reyalidad ng buhay? Bakit may mga taong ayaw na ayaw silang huhusgahan? Bakit parang napakalaking kasalanan sa tao at sa diyos ang manghusga ayon sa kanilang mga sinasabi at paniniwala. May mga naririnig pa ako na huwag kang manghusga baka ka karmahin bakit naman sila kakarmahin? Ano ang ginawa nilang kasalanan at silay kakarmahin? Diyos lang ba ang may karapatang humusga? Paano ka mahuhusgahan ng diyos? Malalaman mo ba kung huhusgahan ka ng diyos? Sasabihin ba sa iyo? Ang diyos ba ay nanghuhusga ng tao? Ang tao ba ay wala ng karapatang manghusga? Inaalisan mo ba ng karapatan ang isang tao sa mga nais niyang gawin at sabihin dito sa mundo? Anong karapatan mo rin na pagbawalan mo ang isang tao sa nais niyang gawin at sabihin? Tulad mo.. hawak mo ang lahat ng kalayaan at karapatang mag desisyon ano man ang nais mong gawin dito sa mundo ganon din ang ibang tao katulad mo ring may sariling kalayaan at karapatang sabihin ang lahat ng iniisip mong gawin at sabihin. Kaya huwag mong alisan ng karapatan ang tao manghusga man siya sa iyo ng tama o mali nasa kanya na iyon. Kahit sa isip lang karapatan parin ng taong manghusga. Hindi masama ang manghusga sa isang tao dahil ang panghuhusga ay nakabatay sa kung ano ang nakikita sa ginagawa mo, kung ano ang magiging resulta sa mga ginagawa mo sa kapwa at sa sarili mo. Ang panghuhusga ay hindi pagbibintang. Ang inaakala ng iba kaya galit na galit sila na hinuhusgahan sila ay dahil pinagbibintangan sila iyon ang inaakala nilang hinuhusgahan sila kaya ganon nalang ang galit nila sa mga taong humuhusga sa kanila. Kung halimbawang pinagbibintangan ka ng isang tao iyon ang masama pero hindi nangangahulugan na hinuhusgahan ka kaya minsan nagagalit tayo sa isang tao kaya tumatanim sa isipan natin na ang panghuhusga ay masama. Nais kung ipaalam sa inyo na ang panghuhusga ay hindi masama ang masama ay yung pambibintang. Ang pagbibintang ay ipinapataw sa iyo ang isang bagay na hindi mo ginagawa at ang panghuhusga naman ay hinuhusgahan ka ng ayon sa nakikita sa iyong ginagawa iyan ang pagkakaiba ng dalawa. Ang pang huhusga ay hinahalimbawa ko sa isang palikula na kung nakukuha mo na ang tema ng takbo ng istorya ng pelikula ay nakikinita mo na ang mangyayari sa huling yugto na pelikula ng ayon sa tinatakbo ng istorya yan ang panghuhusga ayon sa nakikita nilang ginagawa sa buhay ng isang tao malayong - malayo sa kahulugan ng salitang pagbibintang. Kaya kung ganyan ang nakikitang ginagawa mo sa pang araw - araw mong pamumuhay hindi maiiwasang huhusgahan ka ng ibang tao ayon sa ginagawa mo sa buhay mo at sa ibang tao. Wala akong nakikitang masama sa kanilang panghuhusga kalayaan at karapatan nilang gawin iyon. Patunayan mo nalang sa kanila na mali sila ng paghuhusga at mali sila ng inaakala sa mangyayari sa ginagawa mo sa iyo iyan lang ang tanging magagawa mo sa mga taong nanghuhusga sa iyo. Mas makabubuting alamin mo muna ang tunay na kahulugan ng paghuhusga at paano ba ito nakikita sa isang tao para husgahan. Ayon sa paniniwala ng ibang tao ang panghuhusga ay kasingkahulugan ng pagbibintang kaya karamihan sa tao ay parang napapaso sa salitang paghuhusga dahil umiiwas sila na pagbintangan ng mali sa kanilang mga ginagawa.

Magkaiba ang kahulugan ng pagbibintang sa paghuhusga pero kung titingnan mo para lang silang magkasingkahulugan. Para sa dagdag na kaalaman ninyo basahin ninyo ang isang post ko dito sa blog na nilagyan ko ng titulo na "Dont judge a book by its cover". Para malaman natin ang tunay na kahulugan ng panghuhusga.

ANO BA ANG PLASTIK

    Sigurado alam nyo na ang salitang yan.. Sino ba ang hindi nakakaalam nyan lalo na dito sa net lalong - lalo na sa facebook at tweeter ito ang bukang bibig ng mga pilipino lalong lalo na ng mga kababaihan walang sawang bukang bibig at nakatutulig na paulit - ulit na binabangit ng mga pilipina. para bang bisyo na ng mga kababaihan ang bangitin lagi ang salitang plastik.

Pero sa totoo lang hindi ko pa narinig na nag da-dialog ng ganito ang mga lalaki karamihan sa babae ko naririnig ito at nababasa. Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng plastik? Kahit ako naguguluhan sa kahulugan ng salitang plastik. Kung ikaw naiisip mo ang tunay na kahulugan ng salitang plastik tanungin mo ang sarili mo kung hindi karin kaya plastik? Di ba magaling karin sa harapan? Kung ako ang tatanungin mo oo magaling din ako sa harapan pero hindi ako kaaway sa talikuran eh kahit ikaw naman or kahit sino naman hindi tayo kaaway sa talikuran. Bakit naman tayo magiging kaaway ng talikuran kung wala namang ginagawang masama ang ibang tao sa atin? Siguro nagagalit tayo kung may nababalitaan tayong sinasabi ng iba tungkol sa atin. Kung wala naman sigurong katotohanan bakit naman tayo ikukuwento ng masama sa ibang tao minsan kasi tayo rin gumagawa ng ikasisira natin tapos kung mapag usapan ka nagagalit ka. Di ba natural lang naman na mag usap ang mga tao at natural din ang kalayaan ng bawat tao na piliin kung sino ang gusto nilang mapag usapan. Bakit nagagalit tayo at tinatawag nating plastik dahil pag kaharap ka magaling silang kausap eh anong gusto mo pangit silang kausap? Gusto mo yung inaaway ka pag kaharap ka kahit wala kang kasalanan? Dahil iyon ang gusto mo iyon ang inaakala mong totoo? iyon ba ang hindi plastik? Nakasanayan na kasi ng tao ang pangit na kahulugan ng plastik kaya iyan ang ibinabato natin sa mga taong kaaway natin. Iyon lang naman ang pantira natin sa mga kaaway natin eh yung salitang plastik. Yung mga kaaway or kagalit lang naman ang pwedeng tumira sa atin ng talikuran at sila lang naman ang nakagagawang manira sa atin.

Pero sa totoo lang hindi naman sila plastik dahil hindi naman sila nakikipag usap ng matino sa ating harapan dahil nga sa silay kaaway natin.  Sigurado sa talikuran sila titira sa atin dahil maaring may kinikimkim silang galit sa atin pero hindi nangangahulugang silay plastik. Sino naman ang masasabi mong plastik sa mga taong pinatutunguhan mo ng maganda iyon ba ang inaakala mong sisira sa iyo ng talikuran palagay ko imposibleng mangyari iyon. Kaya sa totoo lang wala naman talagang plastik na tao.


Thursday, 23 August 2012

MAKITID ANG UTAK

Palagay ko alam na ninyo ang kahulugan ng titulo ko sa itaas.. Salitang pabalbal na ang tunay na kahulugan ay mga taong mahina ang isip or sabihin na nating hindi nag iisip ng mga bagay bagay dito sa mundo. Minsan kailangan mo talagang paganahin ang iyong isip sa lahat ng bagay o sa lahat ng oras. Kailangan marunong kang mag isip para malaman mo ang tama at mali, malaman mo ang katotohanan at hindi makatotohanan.

Siguro mas maganda pang pakingan ang makitid ang utak kaysa naman sabihan ka ng walang utak. Walang utak dahil hindi mo ginagamit ang iyong utak para mag isip.

Makitid ang utak

      Minsan masakit pakingan ang salitang makitid ang utak. Masakit tangapin ang pagsabihan ka na makitid ang utak mo dahil ayaw mong tangapin ang katotohanan na makitid ang utak natin dahil ang alam mo sa sarili mo ikaw ang tama sa lahat ng ginagawa mo kahit nakikita ng ibang tao na mali ka sa iyong ginagawa at sinasabi. Makitid ang utak mo dahil kadalasan hindi ka nag iisip kung tama ang ginagawa mo at sinasabi. Makitid ang utak mo dahil kadalasan naniniwala ka sa mga bagay na hindi mo naman napapatunayan pero naniniwala kang totoo. Makitid ang utak mo dahil hindi ka nag iisip, hindi mo ginagamit ang isip mo sa mga bagay - bagay dito sa mundo.

Masakit talaga pakingan ang salitang makitid ang utak.. masakit dahil maaring iisipin mo na paninira lang sa iyo ang salitang iyan pero kitang - kita sa iyong mga sinasabi kung gaano kakitid ang utak mo ayaw mo lang tangapin ang katotohanan.
Ano nga ba ang batayan ko kung bakit ko sinasabing makitid ang utak ng isang tao? makitid ibig sabihin mababaw ang isip mo, ibig sabihin kulang kang mag isip, ibig sabihin alam mo ng hindi tama ginagawa mo parin dahil sa kakitidan ng isip mo pati ginagawa mo hindi mo alam kung mali or tama, alam mo ng mali pinipilit mo paring tama, hindi mo pa nga napapatunayan naniniwala ka ng totoo.
Marami akong nakakasalamuhang ganyang tao.. Minsan napapailing nalang ako kung may nakakaharap akong taong ganyan.. Alam nyo ba dahil sa kakitidan ng isip ng tao pati buong pagkatao at ugali niya ay nadadala ng kakitidan ng utak ng isang tao? nagiging pangit ang pagkatao ng isang tao or nagiging pangit ang ugali ng isang tao dahil sa kakulangan niyang mag isip.
Alam nyo ba na kahit ang mga tituladong tao ay may pagkakitid din ang utak? Kahit ang mga valedictorian ay may kakitidan din ang utak? Kahit na ang mga taong nakapagtapos sa mga sikat na paaralan ay may kakitidan din ang utak?
Isa pang masasabi kong may kakitidan ang utak ng isang tao ay yung mga paniniwala na hindi nila alam kung may mali sa kanilang paniniwala na kahit anong gawin mong paliwanag sarado na ang isip nila sa ganon paring paniniwala. Eto ang isang halimbawa ko.. Ang tao ay naniniwala na.. "Nasa sinapupunan palang daw ang tao ay may kasalanan na" at "Ang tao daw ay ipinanganank ng makasalanan". Tingnan mo ang kakitidan ng tao.. Paano magkakaroong kasalanan ang sangol na wala pang isip? Paano nakagawa ng kasalanan ang sangol na nasa sinapupunan pa lang? Subukan mong paliwanagan ng katotohanan ang mga taong sarado ang isip sa ganyang paniniwala hindi mo sila mahihikayat na maniwala sa sinasabi mong katotohanan.


Hindi ako nagmamarunong ang lahat ng sinusulat ko dito na taliwas sa inyong paniniwala ay mga paniniwalang mas makatotohanan. Maaring ayaw lang tangapin ng iba na mas malawak at mas malalim lang ang aking isipan kaysa sa mga taong makikitid ang utak.

Sunday, 19 August 2012

PILIPINO STYLE

Minsan sa paglalakad ko dito sa aming pamilihang bayan.. Ibat - ibang mga produkto na ating nakikita, andito na lahat ng klase ng mga paninda na kakailanganin natin sa buhay. Dito mo rin makikita ang mga taong lumalaban sa hamon ng buhay. kanya - kanyang diskarte ang mga tao para mabuhay or kanya - kanyang diskarte ang tao kung paano kikita.

Minsan sa aking paglalakad napasulyap ako sa isang bendor na nagtitinda ng mga gulay, mga ibat - ibang gulay tulad ng kamatis , sibuyas , mga pangkaraniwang ginagamit natin sa pagluluto. isang matanda ang nagtitinda. Habang tinitingnan ko ang gulay na nais kong bilhin at abala ako sa pagpili ng gulay na nais kung bilhin para isahog ko sa iluluto kong ulam. Isang babae ang lumapit din upang bumili ng rekadong isasahog din sa kanyang iluluto. Pero hindi ko masyadong binibigyang pansin ang babaeng lumapit patuloy lang akong namimili ng nais kong bilhin.

Nagtanong ang babaeng mamimili sa matandang nagtitinda "manang magkano itong kamatis at kangkong ninyo?"

Sumagot ang matanda at sinabi ang halaga ng isang supot ng kamatis at isang tali ng kangkong.
Patuloy lang akong nakikinig sa kanila hindi muna ako sumisingit sa pag uusap nila nais kong patapusin muna ang babae sa kanyang pamimili.

Matapos na masabi ang halaga ng kamatis at kangkong sumagot muli ang babae.. ang mahal naman manang pwede bang kinse pesos nalang itong kamatis at kangkong. Napatingin ako sa babae sa halagang sinabi niya nakatawad na siya sa kamatis nakatawad pa siya sa kangkong na binibili.. napatingin ako sa babae malinis ang kasuotan maputi sa dating ng kanyang pigura hindi mo maaaninag sa itsura ng babae na naghihirap.

Ibinigay ng matanda ang kanyang paninda sa halagang gusto ng babae siguro.. para lang maka ubos yung matanda at ng maka uwi na baka naghihintay na ang kanyang mga anak na nagugutom or baka mag sasaing pa at bibili pa siguro siya ng kanyang iluluto sa kanyang mga anak.

Napa - iling nalang ako sa aking nakita sa klase ng ugali ng mga pilipino.. Sa konting tubo ng mga bendor na naglalako sa tabi ng kalsada maaring pambili nila ng kanilang makakain, sa konting tubo na kanilang kinikita maaring pambili ng gatas ng kanilang mga sangol , sa konting tubo na kanilang kinikita maaring pambili ng isang kilong bigas para sa pagpapatuloy ng kanilang pamumuhay.

Samantalang kadalasan tayong mga pilipino kung namimili tayo sa mga groseries sa mga malls kahit mahal tangap natin hindi tayo nariringan ng pagrereklamo , kahit mahal tangap natin kahit may 12% na vat tayong binabayaran sa pinamimili natin sa mga groceries samantalang ang tubong kinikita ng mga may ari ng mga groceries ay pang shopping ng kanilang pamilya , pang bili ng mga mamahaling kotse nila , pang gamit nila sa pamamasyal sa ibang bansa. Pero ang konting tubo ng mga maliliit na bendor binabawasan pa natin. Samantalang kitang - kita natin sa kanilang itsura na sa konting tubong kinikita nila buhat sa iyo ay malaking tulong na para sa kanila upang silay mabuhay.