Itong pag uusapan natin ngayon ay nauukol ito sa mga nakakatandang kapatid. Kay "KUYA".
Kadalasan nakikita ko sa kaugalian nating mga pilipino at karamihan sa mga pilipino ito ang kadalasang nakikita ko sa pamilyang pilipino.
Kadalasan karamihan sa mga kuya.. inaabuso ang kanilang pagiging matanda sa kanyang mga kapatid. Kadalasan lagi niyang pinanghahawakan ang pagiging matanda niya sa kanyang mga kapatid. Kadalasan ang laging inaakala ng mga kuya nasa kanya na ang lahat ng tama, nasa kanya na lahat ang kapangyarihan kahit minsan nasa kanya ang pagkukulang at kasalanan kaya may mga magkakapatid na hindi nagkakaunawaan. Kahit ako ang pinaka-bunso sa aming magkakapatid kitang - kita ko ang mga pagkukulang at kasalanan ng mga nakakatanda kong kapatid. Kadalasan.. maraming mga kuya ang umaabuso sa kanilang kapangyarihan bilang nakakatandang kapatid na nagiging sanhi ng pag aaway at paglaho ng pag galang sa isa't - isa.
Tatlo ang mga nakakatanda kong kapatid na lalaki at ang isa sa kanila ay iba ang ugali sa dalawa kong kuya. Ang dalawa kong kuya ang hindi ko maka sundo at kahit kaylan hinding hindi na mapapalapit ang kalooban ko sa dalawa dahil sa pagiging abusado nila sa kanilang kapangyarihan sa akin. Kahit ngayong may kanya - kanya na kaming buhay at may kanya - kanya na kaming pamilya pero hanggang ngayon pina iiral parin nila ang kanilang kapangyarihan bilang nakakatandang kapatid kahit hindi naman sila ang bumubuhay sa akin at sa aking pamilya ito ang mga kuyang abusado. Mga kuyang walang galang at hindi rin marunong gumalang sa nakababatang kapatid.
Ang isa kong kuya ang abot - abot ang pag galang ko sa kanya dahil marunong din siyang gumalang sa akin bilang nakababata niyang kapatid. Mas marami ang pinagsamahan namin ng isa kong kuya dahil malapit ang kalooban namin sa isat - isa. Ang kuya kong ito ay marunong gumalang sa akin at tinutumbasan ko rin naman ng pag galang. Kung minsan ako pa ang nagagalit sa kanya kung siya ang nakakagawa ng mali sa ibang tao. Alam ninyo kahit kaylan hindi nawawala ang pag galang ng mga nakababatang kapatid na dapat tinutumbasan din ng pag galang ng mga nakakatanda upang mabuo ang respeto sa isat - isa at mabuo ng maganda ang pagsasamahan. Hindi komo nakakatanda kang kapatid habang buhay mo ng mamanduhan ang nakababata mong kapatid, habang buhay mo nalang pagagalitan ang nakababata mong kapatid , habang buhay mo nalang na pagsasabihan ng hindi magagandang salita ang nakababata mong kapatid , habang buhay mo nalang pasusunurin sa utos ang nakababata mong kapatid hindi na uubra iyan lalo't hindi naman ikaw ang bumubuhay at nagpapakain sa nakababata mong kapatid. Kung pare - parehas na kayong may pamilya at hindi naman ikaw ang bumubuhay sa nakababata mong kapatid hindi na dapat na pangibabawin mo parin ang pagiging matanda mo or pagiging kuya mo lalo't hindi ikaw ang bumubuhay sa kanya. Kung may kanya - kanya na kayong buhay ituring mo nalang na matalik mong kaibigan ang nakababata mong kapatid at hayaan mong ang nakababata mong kapatid ang magturing sa iyo bilang kuya at irespeto mo nalang siya bilang kapatid hindi bilang nakatatanda ka sa kanya upang suklian ka rin niya ng kung ano ang pagtrato mo rin sa kanya. Itatak mo sa iyong isipan na ang bisa ng iyong pagiging kuya ay kung nasa panahong nasa iisa pa kayong bubong at nasa poder pa kayo ng inyong mga magulang. Pero kung dumating ang araw na may kanya - kanya na kayong buhay at pamilya huwag mo ng pairalin ang pagiging kuya mo kundi ang pairalin mo nalang ay pagiging magkapatid at pantay na katauhan ninyong dalawa, walang bata walang matanda, ituring mo nalang siya bilang matalik mong kaibigan upang ituring ka niya na matalik rin niyang kaibigan na may respeto sa isa't - isa.
Kung habang buhay mo siyang ilalagay sa ilalim ng iyong kapangyarihan bilang kuya na nakakatandang kapatid.. Hindi malayong lalayo ang loob niya sa iyo at tuluyang mawawala ang respeto niya sa iyo na magiging dahilan pa ng pag hantong sa hindi magandang pagkakaunawaan. Iisa ang magiging dahilan ng nakababata.. hindi ikaw ang bumubuhay sa kanya kaya wala ka naring karapatang manduhan siya.
Kung gusto mong tumibay ang samahan ninyong magkapatid.. ikaw muna ang magbigay ng respeto at ituring mo siyang matalik mong kaibigan.. asahan mo susuklian ka rin niya ng respeto at ituturing ka rin niyang matalik na kaibigan.
No comments:
Post a Comment