Monday, 28 February 2011

DECISION

Marami sa atin ang hindi nagpapahalaga sa bawat desisyong kanilang ginagawa, hindi masyadong pinag iisipan kung tama o mali nga ba ang ginagawang desisyon. Maliit man o malaking bagay na dapat pagdesisyunan isang daan na magdadala sa atin kung saan tayo dadalhin ng ating mga paa. Sa desisyon nakasalalay ang ating kinabukasan, lahat ng bagay ng iyong nakaraan ay bunga ng iyong desisyon kung ano man ang kinahinatnat ng buhay mo ngayon yan ang bunga ng mga ginawa mong desisyon sa mga nakalipas. Ang maliit man o malaking bagay na ginawa mo ayon sa iyong desisyon na maaring maging dahilan kaya nabago ang iyong buhay. Kahit sa pag gamit ng salapi mag iiba ang takbo ng buhay mo depende sa paghawak mo ng salapi kung saan mo ba pwedeng gamitin ang kayamanan mo, mula sa trabaho at pang araw-araw mong pamumuhay nakasalalay din sa simpleng desisyon mo na inaakala mong walang magiging epekto sa darating na bukas. Ang lahat ng bagay na pinagdedesisyunan mali man o tama ikaw ang makakatangap ng reward o resulta sa hinaharap. Ang buhay ng tao ay punong-puno ng hamon ng buhay. Maraming pagpipilian kung saan ka dapat lumugar, kung ano ba ang nararapat gawin, kung ano ang tama at maling gawin sa araw-araw at marami pang iba na kailangang mag desisyon. Ang lahat ng bukas ay nakabase sa resulta ng mga desisyon at sa bawat maling desisyon maling daan ang patutunguhan na magiging dahilan ng paglayo sa iyong mga pangarap. Mas madali mapahamak ang taong nagdedesisyon ng hindi nag iisip, kaysa sa taong nag iisip muna bago magdesisyon kung ano ang dapat at hindi dapat at kung ano ang tama at mali mula sa kanyang mga ginagawa or sinasabi.

Ang isipan ko ay laging nakatuon sa aking mga pangarap, laging nakatuon sa kaligayahan ng aking pamilya, laging nakatuon sa aking kaligayahan kaya sa tuwing dumarating ang oras para mag desisyon nakakapag desisyon ako ng tama dahil ang lahat ng nagiging desisyon ko ay nakabase lahat sa daan ng kaligayan namin ng aking pamilya.

Sa desisyon mo nakasalalay ang iyong buhay, kaligayahan at kinabukasan kasama ng mga mahal mo sa buhay.




Thursday, 24 February 2011

PARAAN SA PAGNENEGOSYO


Simula nung akoy bata pa iminulat na sa akin ng nanay ko ang pagnenegosyo, iminulat sa akin kung ano ang mga nakukuhang maganda sa pagnenegosyo bagamat hindi pa nasubukan ng nanay ko ang magnegosyo ng kahit ano pero iminulat niya sa akin ang kahalagahan sa pagnenegosyo. Kahit salat sa kaalaman ang nanay ko sa negosyo hindi naman siya nagsawang nagsuporta sa akin sa pagbibigay ng puhunan hanggang sa nakahiligan ko ng magtinda-tinda sa aming paaralan. Nag umpisa akong magtinda noong nasa grade four ako, puno man ako ng kahihiyan pero sa tulong ng mga paliwanag at tulong pinansyal ng nanay ko naipagpatuloy ko hanggang sa magkaroon na ako ng interesadong magtinda. Isang supot na makapuno ang madalas na tinitinda ko noon kadalasan halos kalahati ng supot ako ang kumakain dahil masarap na matamis pa. Hindi hinahanap ng nanay ko ang mga napagbilhan ko sa araw-araw ang tanging hangad lang niya ay yung kung ano ang makita ko at matutunan sa pagnenegosyo. Alam nating lahat na sa negosyo kailangan unang-una na syempre ang sipag at tiyaga, kailangan din sa negosyo ang diskarte at higit sa lahat ay ang mahabang pisi or malaking capital, dahil minsan mahirap din sa negosyo ang puro cash dahil alam naman natin ang hirap ng buhay sa atin.

Paraan....
Plano kong magpautang ng bigas, fertilizer or abono sa palayan, mga pagkain ng manokan at babuyan. Umpisahan ko sa bigas dahil alam na natin na.. hirap ang buhay ng bawat pilipino hindi ko sila pahihirapan sa pagbabayad. Kung ang isang ama ay isang tricykle driver lang paano siya makakabayad ng isang sakong bigas kung nagkakahalaga ng more or less sa 1,200 ang bawat sako, hirap di ba?

Kung ako ang magnenegosyo... Bibigyan ko ang bawat tricikle driver ng pagkakataong makautang ng bigas at ang paraan ng pagbabayad sa akin 15.00 hanggang 20.00/day ang bawat hulog sa akin araw-araw. Kung ang bawat tricykle driver ay kumikita ng 150.00/day hindi na siya hirap sa 20.00 na hulog araw-araw hanggang sa matapusan niya yung 1,200.00. sabihin na natin na may tubo ka narin 50.00 or 100.00 kada sako kung ang tricykle sa baryo ninyo ay nasa 20 pataas benteng sakong bigas din yan, bigyan mo narin yung mga high school teacher at elementary teacher ilan na silang lahat plus bawat bahay pa, yung susunod na baryo pa ilang tricykle driver din sila doon, ilang teacher din sila doon at bawat bahay kung sa iyo din kukuha, yung mga dalaga at binata na namamasukan din sa trabaho sa iyo narin kukuha, yung susunod na baryo pa, yung susunod uling baryo, yung susunod pa, at yung susunod uli hahaha ang daming baryo yan bigas palang yan, isang bayan palang yan paano kung makarating ka pa sa susunod na bayan, dahil ang bawat baryong pinupuntahan mo boundary na pala ng kadikit na bayan. ilang baryo nanaman yan? eh yung mismong bayan pa na sandamakmak na ang mga tricykle driver diyan, bigas pa lang yan eh yung mga abono or fertilizer pa ng palay puro palayan pa naman sa probinsya. yung mga nagbababoy pa. hayyy naku sa bawat 20 pesos na singil mo magkano kaya aabutin sa isang araw? baka hindi mo na maharap ang mag facebook at mag blogging.

Minsan nakakapagod din pala mangarap



Tuesday, 22 February 2011

BABAE ANO KA SA BUHAY NG LALAKI

Babae ano ka sa buhay ng lalaki

Nais kong isulat ang isang pinaka-importante sa buhay nating lahat ang ina ng tahanan. Pero pinamagatan ko itong ''Babae ano ka sa buhay ng lalaki''.
Sana mabasa din ito ng mga kalalakihan na minsan ang turing natin sa mga kababaihan ay para bang isang laruan, kung minsan tinatrato pa nating parang hayup kung saktan nalang natin ganon-ganon nalang palibhasa alam nating hindi makakabawi ang lakas ng isang babae kung ikukumpara sa ating mga lalaki ang tanging panlaban nalang nila ay ang umiyak. Kung minsan ang turing natin sa kanila ay parang mga bata na kung sigawan mo ganon-ganon nalang na akala mo parang asong susunod sa iyo. Kung minsan kung pagsalitaan mo ng masasakit na salita ganon-ganon nalang na parang inaakala mo na rebulto sila na walang damdamin na tulad mo. Isauli mo nalang siya sa kanyang mga magulang dahil anak siya na pinalaki sa pagmamahal at inaruga ng kanyang amat ina kinuha mo para gawin mong hayup. Tao din sila na tulad mo may damdamin na marunong masaktan, marunong umiyak at nangangailangan din ng pagmamahal na tulad mo. Ang isang babae ay handang ilaan ang buhay para sa iyo sana ilaan mo rin ang buhay mo para sa kanya. Hindi madaling tangapin ng kanyang mga magulang na ang kanilang anak na pinalaki sa pagmamahal tinatrato mo lang na parang hayup. Hindi dahil ikaw ang bumubuhay sa kanya maari mo ng gawin ang lahat ng nais mong gawin sa kanya kahit alam mong nasasaktan na ang kanyang damdamin sa mga ginagawa mo, sa mga salita mo.
Karamihan sa mga lalaki magaling makitungo sa ibang tao, magaling makipag-usap sa ibang tao, mabait sa ibang tao, magaling mag bigay ng advice sa ibang tao.. pero pagdating sa sariling tahanan doon lumalabas ang kabulukan ng ugali, doon lumalabas ang kabulukan ng pag iisip, doon lumalabas ang mga masasakit na salita na hindi niya magawang sabihin sa ibang tao dahil baka isarado ang mukha niya.
Mapalad ka lalaki na kahit gaano kasakit ang ginagawa mo sa babae hindi ka parin iniiwan sa kabila ng lahat ng ginagawa mo sa kanya.

Pero... Huwag mong asahan na habang panahon siyang magtitiis sa ginagawa mo. Idalangin mo lang na wala siyang makilala na mas nakahihigit sa iyo.. hindi siya magdadalawang isip na iwan ka.





Sunday, 13 February 2011

MY PHOTOSHOP PART 2

Ang mga produkto ng aking imahinasyon, mga sariling gawa. Minsan napakasarap sa pakiramdam ang malasap mo ang isang kaligayahang produkto ng sarili mong pag-iisip, sariling idea, napaligaya mo ang sarili mo sa pamamagitan ng sarili mong idea hindi sa ideas ng iba. Isang pagpapatunay sa sarili ko kung gaano kalikot ang imahinasyon ko at kung gaano kalawak ang nararating ng imahinasyon. Itong mga bagay na ganito ang nais kong ipagmalaki sa kapwa ko na maaring gayahin ng sino man, isang bagay na maari mong ipagmalaki na wala kang sinisirang ibang tao.

Klik ninyo yung image para lumaki