Friday, 10 December 2010

AMA NG TAHANAN



Kadalasang naririnig natin lalo na sa ating mga may bahay or sa ating mga ina ng tahanan ang ganitong mga pangungusap lalo na kung naaburido minsan or nagagalit lalo na sa atin. "Akala nyo ba.. madali lang ang trabaho dito sa bahay!" "Asikaso namin lahat pati mga bata!"

Para sa mga ina ng tahanan sana mabasa ninyo ito.. Bagamat may katwiran kayo sa ganyang mga binibitiwan ninyong mga salita dahil narin siguro minsan dala narin ng problema sa maraming bagay kaya minsan nakakapagsalita kayo ng ganyan. Pero... eto naman ang panig naming mga ama.

Sa loob ng tahanan hawak ninyo ang inyong mga oras, sa loob ng tahanan wala kayong sinusunod na amo, walang pwedeng magalit sa inyo, walang pwedeng magmura or manakit sa inyo na minsan nararanasan naming mga ama. Sa mga gawaing bahay walang sapilitang maaring mag utos sa inyo ano mang oras pwede ninyong gawin ang mga gawaing bahay walang pwedeng magdikta sa inyo nakadepende lahat sa inyong desisyon kung kaylan ninyo gustong maglaba, magluto, maglinis. Sa tuwing nakakaramdam kayo ng masamang karamdaman maari ninyong ipagpaliban ang lahat ninyong gawain di tulad namin na hanggat kaya naming tiisin ang nararamdaman naming sakit pinipilit parin naming pumasok dahil sa pag aalala naming baka pagalitan or baka tangalin kami at pinipilit namin dahil narin sa nakaatang sa aming balikat ang responsibilidad sa inyo para kayo ay mabuhay kasama ng mga bata. Habang lumalaki ang mga anak natin lalong lumiliit ang hirap ninyo sa mga gawaing bahay dahil maari na ninyong utusan ang ating mga anak na siyang kabaligtaran naman sa panig naming mga ama habang lumalaki ang mga bata lalong lumalaki ang responsibilidad naming mga ama mula sa pagkabata hanggang sa pag aaral ng mga bata.

Dugo, pawis, hirap at kung minsan kahit tumutulo na ang luha namin patuloy parin kaming magpapakahirap alang-alang sa inyo ng mga bata pinupunasan nalang namin ng palad ang aming mga luha. Sa aming pagtatrabaho nakabingit ang kalahati ng aming katawan sa kamatayan, hindi namin alintana ano mang taas ng aming ginagawa mga makinang ano mang oras kayang putulin ano mang parte ng aming katawan. Habang mahimbing kayong natutulog sa gabi andito pa kaming nagpapatulo ng pawis alang-alang sa inyo.

Anak...
Kumuha ka ng isang sentimo mula sa bulsa mo.. Isang sentimong pinaghirapan naming kunin upang makarating sa palad mo, ang bawat sentimong ginagastos ninyo siya ding dami ng pawis at hirap ang dinanas ko.

Ang bawat sentimong hawak nyo katumbas ng bawat parte ng katawan ko.. mga sentimong kaligayahan nyo.. sentimong kasing halaga... ng buhay ko anak.

Sa inyong ama nakasalalay ang buhay at kaligayahan ninyo kasama ng inyong mga pangarap.



6 comments:

  1. Never been disappointed knowing you personally Bok .. Am so proud of you , in how you expressed your self and your sentiments ..your outlook in life is something to look up to ,to your family you are priceless a gem in the oceans that really hard to find but worth diving for ...Merry Christmas Bok!!!!

    ReplyDelete
  2. salamat bok bagamat pinahirapan mo parin akong intindihin yang sinabi mo pinasaya mo parin ako.

    ako rin masaya at nagkakilala tyo bagamat tago ka parin ng tago merry x-mass parin sa iyo handa ko siguro sa christmass pusit.

    hehe nag iisa lang to noh.

    ReplyDelete
  3. yes we are born with unique personality and talents ,and you got yours and you able to use and express it well !!!God bless Bok and keep safe .....

    ReplyDelete
  4. salamat bok alam ko alam mo na kung ano ako at kung ano ang kulay ko khit ilang taon pa ang lumipas kung anong kulay ako na nakilala mo iyon at iyon parin ang kulay na nakilala mo alam ko dama mo ang damdamin ko salamat bok god bless sa iyo.

    ReplyDelete
  5. Kuya ang galing ng sulat mo. idol! lalo mong pinaintindi sa akin ang hirap ng isang ama sa aming mga anak. although at my age I can be a dad as well. =)

    Hope that others might be able to read this. And understand the hard-work of a father like you.

    Merry Christmas!

    ReplyDelete
  6. salamat idol santo santito sa comment hirap din minsan maging ama sa ating balikat nkaatang ang buhay ng ating pamilya.

    salamat gb & mrry x-mass din sa iyo at sa iyong pamilya

    ReplyDelete