Saturday, 18 September 2010

KARUGTONG NG BUHAY MO

Dito sa ibabaw ng mundo ang tao kanya-kanyang kilos, kanya-kanyang diskarte sa buhay, kanya-kanyang takbo ng pamumuhay. Kung minsan iniisip natin ikaw lang ang tao dito sa ibabaw ng lupa dahil bukod sa mga magulang mo at mga kapatid sino pa ang tunay na magmamalasakit sa iyo. Paano kung bawiin na ang buhay ng iyong mga magulang sino pa ang magiging karugtong na ng buhay mo? Sino pa ang masasabi mong karugtong na ng dugo mot laman? Sino pa ang tunay na magmamalasakit sa iyo?

Kung minsan kahit ang mga sarili nating mga kapatid may hangganan ang kanilang pagmamalasakit sa iyo dahil may sarili rin silang buhay. Lalo na ang ibang tao na hindi mo kaano-ano.

Ilang bilyong tao na tayo dito sa ibabaw ng mundo mahigit sa limang bilyon na ang nagsisik-sikan dito sa ibabaw ng lupa.

Pagmasdan mo ang larawan sa ibaba.




Wala ka bang nakikita?

Sa bilyong-bilyong tao dito sa mundo sino ang mga taong karugtong ng buhay mo?
Sino sa kanila ang handang mag malasakit sa iyo hanggang kamatayan?
Sino ang magiging kasama mo hanggang kamatayan?
Sino ang mag aalaga sa iyo kung ikaw ay nararatay sa banig ng karamdam?
Sino ang handang mag pangiti sa iyo sa tuwing nakakaramdam ka ng kalungkutan?
Sino handang umakay sa iyo sa iyong katandaan?
Sino ang tunay na magmamahal sa iyo ng lubos ng higit sa kanilang buhay?
Sino sa kanila ang tunay mong kaligayahan?
Sino sa kanila ang karugtong buhay mo at karugtong na ng dugo at laman mo?




Ang iyong pamilya
Ang butihin mong may bahay at ang iyong mga anak
Naghihintay sila sa iyong pagbabalik
Dahil karugtong ka rin ng buhay nila



Sila ang tanging umaasa sa iyo


Sila ang karugtong ng buhay mo, sila ang tanging nagbibigay ng kaligayahan mo, sila ang mag sisilbi mong gabay sa iyong katandaan.
Huwag mo silang pabayaan dahil ang kanilang pagmamahal ay hindi kayang tumbasan ng ilang bilyong tao dito sa mundo. Ang kanilang pagmamahal ay walang kapalit, walang katumbas na halaga ano man ang katayuan mo sa buhay nakasunod lang sila sa iyo kahit sa kalungkutan hindi ka nila iiwan. Sila lang ang tanging makagagawa ng hindi kayang gawin ng ibang tao sa iyo. Kung pababayaan mo sila... Sino pa ang hahango sa kanila sa nagsisiksikang tao dito sa mundo. Sino pa ang kanilang hihingan ng tulong, sino pa ang magbibigay ng kaligayahan nila kungdi ikaw lang na kanilang ama, ikaw na karugtong na ng buhay nila, ikaw lang ang tanging magiging takbuhan nila dahil ikaw ang ama, ikaw ang karugtong ng buhay nila.
Sila ang bigyan mo ng kaligayahan dahil ikaw at ang iyong pamilya lang dito sa mundo ang tunay na magmamahalan hanggang kamatayan.

Wala ng iba.
Huwag mo silang pabayaan
Sila ang karugtong ng dugo mo't laman.


4 comments:

  1. muntik naman akong maiyak dito kuya jettro. i agree to what you have written.

    at the end of the day no matter how bad the things have gone into your life your family will always be there for you.

    Godbless!

    ReplyDelete
  2. Salamat sikoletlover sa pagbisita at sa comment nakakatuwa nman yang ava mo hihi tc/gb sikolet.

    ReplyDelete
  3. tama, pangalawa kay lord, pamilya mo lang ang masasandalan mo sa oras na wala ka ng mapuntahan

    ReplyDelete
  4. Bro kheed salamat sa pagbisita totoo bukod kay lord pangalawa pamilya tc/gb bro kheed

    ReplyDelete