OR
NG ISANG MANG GAGAWA?
Inuuna ko na ang aking taos pusong pangungumusta sa inyong lahat!!
Andito na akong muli upang makihalubilo sa mga magagaling na blagero at blagera.
Paano nga ba aangat ang antas ng ating pamumuhay?
OFW ka man o isang pangkaraniwang mangga-gawa ka lamang ng isang kompanya sa pilipinas. Kadalasang sinasabi natin o ginagawa nating dahilan ay ang mataas na bilihin sa pilipinas kaya hindi sumapat ang kinikita ng isang ofw. Alam na nating lahat na ang isang dahilan ng pag angat ng ating pamumuhay ay ang magkaroon ng mataas na kinikita. Pero minsan... Hindi rin nagagawa ng isang tao na paangatin niya ang kanyang pamumuhay kahit nasa kanya na ang may mataas na sahod. Bakit?
Kung ikaw ay ang taong nakasarado lang ang isip sa iisang bagay walang mangyayari talaga sa buhay mo.
Kung ikaw ang taong may mababaw na pananaw sa buhay lalong walang mangyayari sa buhay mo.
Kung ikaw ang taong walang pinapangarap sa buhay kundi ang makamit mo ang mga materyal na bagay, lalong walang mayayari sa buhay mo.
Kung ikaw naman ay saksakan ng daming bisyo, kaibigan at kabarkada... mas lalong walang mangyayari sa buhay mo.
Kung ikaw ang taong punong-puno ng luho sa katawan at sa isipan wala ding mangyayari sa buhay mo.
Kung ikaw ang taong hindi alam kung ano ang dapat na pinapangarap wala ding patutunguhan ang pamumuhay mo.
Kung ikaw ang taong hindi marunong mag plano sa buhay wala ding mangyayari sa buhay mo.
Kung ikaw ang taong mainitin ang ulo at masyado mong pinapahalagahan ang iyong ego wala ding manyayari sa buhay mo.
At.... Kung ikaw ang taong walang kontrol o hindi kayang kontrolin ang sarili kaylan man hindi mo makakamit ang may maayos na pamumuhay.
Napakaraming dahilan kung paano nga ba aasenso ang ating pamumuhay at kung bakit hindi umaangat ang ating buhay gayong meron naman tayong hanapbuhay. Minsan may mga taong nasa kanila na ang lahat ng pagkakataong umangat ang kanilang pamumuhay pero hindi parin makaalis sa simula. Marami ring dahilan kung bakit hawak na natin ang magandang pagkakataon para makamit ang pinapangarap pero bakit hanggang ngayon nangangarap ka parin at may mga taong sadyang pinapahalagahan lang ang mga materyal na bagay at binibigyang halaga ang mga luho sa katawan.
Para sa akin ang isa pang dahilan ay ang atin mismong...
ISIPAN, UGALI AT KONTROL SA SARILI.
Paano mo iaangat ang pamumuhay mo kung hindi mo pagaganahin ang iyong isipan. Ang ating isip ang pinakamahalagang instrumento ng ating pagkatao at pamumuhay. Kung ikaw ang taong hindi marunong magisip kung ano nga ba ang dapat at hindi dapat. Kung ano ang mali at tama, at kung ano nga ba ang mabuting gawin.
Nais kong ibahagi sa inyo ang aking sarili upang mas mabibigyan ko ng tamang paliwanag kung paano ba ako MAG ISIP, kung anong PAGKATAO meron ako at anong UGALI meron ako na ginagawa kong kasangkapan upang makamit ko ang maayos na pamumuhay.
Ang isang tao kahit anong liit o laki ng kanyang sinasahod kaya nating i-angat ang ating pamumuhay sa pamamagitan ng ating pag-iisip at pag uugali. Noon marami akong kaibigan, kabarkada, kakilala. Marami rin akong pinapangarap na mga materyal na bagay tulad ng mga IPOD, RELO at kung ano-ano pa na maari mong maipagyabang sa mga kakilala mo na meron ka ng mga mamahaling bagay sa katawan ang lahat ng iyan ay kaya ko ng kunin pero iniisip ko ''makakatulong kaya ang mga ito sa aking pamumuhay?'' Sa dami ng mga nag gagandahang mga materyal na bagay ilang sentimo na ang mauubos kung bibilhin ko ang lahat ng palamuti sa katawan. Mga bagay na bahagi lang ng mga pansamantalang kaligayahan na madali ring kumupas. Iniisip ko.. kung uunahin kong kunin ang mga iyan paano kung bigla ka namang matangal sa trabaho sa marami ring dahilan? Sa simula ng aking pagtatrabaho dito sa kinalalagyan ko ngayon inuna kong gawin ang mga bagay na makakatulong sa aking pamumuhay. Ang lahat ng mga bagay na nagawa ko na nuong mga nakalipas na araw hindi ko na muling ginagawa pa sa ngayon dahil nagawa ko na at natikman ko ng lahat. Tulad ng bisyo, alak, sugal, pasyal dito, pasyal doon, inom dito inom doon, tambay kung saan-saan, pasama-sama lagi sa mga happenings at mga lakaran ng barkada at mga kaibigan, yan ang mga bagay na uubos ng iyong lakas at pinagpagurang sentimo na kung hindi mo iisiping mabuti mawawaldas lang sa wala ang iyong kinita at panahon. Mga panahon na dapat ay palapit ka na sa iyong mga pangarap na magandang buhay ngunit ikaw mismo sa sarili mo ang nagtutulak lumayo sa pinapangarap mong magandang pamumuhay. Kung patuloy kong gagawin ang mga bagay na iyan mas malaki ang makokonsomo kong sentimo, pinilit kong iniwasan ang lahat ng nakagawian ko lumiit ang naging budget ko sa loob ng isang buwan doon ko napagtanto na ang laki pala ang nawawala sa kinikita ko. naisip ko... WALA AKONG KONTROL SA PAG WALDAS NG KAYAMANAN KO NOON.
Sa panahon ng aking pagtatrabaho... Napakarami na ng sama ng loob ang kinain kong lahat, napakaraming kahihiyan ang nilunok kong lahat at napakaraming galit ang pinalampas kong lahat. Isa din iyan sa makakatulong sa iyong minimithing may maayos na pamumuhay.
Sa panahon ng aking pagtatrabaho, may mga araw na sumasama ang loob ko sa mga taong nakakasama ko sa aking pagtatrabaho, sa kompanya, sa foreman at kung sino-sino pa. Kung paiiralin ko ang aking ego o ang aking galit o ugaling pagiging bugnutin ko at pagiging matampuhin ko ako rin ang mawawalan. Minsan pinagalitan ako ng foreman ko, sa sobrang sama ng loob ko gusto kong mag under time, binalak kong hindi pumasok kinabukasan at binalak kong hindi mag overtime ng sabado at lingo para maipadama ko rin sa kanila ang galit ko. Pero... inisip ko, sino ba ang mawawalan? ako din, ako rin ang mape-perwisyo dahil hindi ako nakapasok. Ipinasya ko nalang lunukin ang mga sama ng loob ko, inalis ko sa katawan ang ego o pride ko, pinasya ko nalang kalimutan ang nangyari at pumasok nalang ako sa aking trabaho. Lumipas ang ilang araw natuwa narin ako dahil inisip ko buti pumasok ako.. ako rin ang makikinabang sa ginawa ko. Laging sumasagi sa isipan ko na... kahit napapagod ako sa pagtatrabaho.. ako rin naman ang makikinabang sa pagod ko at sa araw-araw na pagtatrabaho ko NATUTUNAN KONG KONTROLIN ANG SARILI KONG GALIT NA NARARAMDAMAN KO. Kung minsan ang pagiging mataas ang pride ang sisira sa buhay mo na magiging dahilan ng pagkatangal mo sa iyong pinapasukan, walang masama kung mananahimik ka nalang at ituon mo ang iyong isipan sa mga pinapangarap mo sa buhay, huwag mong ituon ang iyong isipan sa galit na nararamdaman dahil lalamunin ka ng sarili mong galit na magdadala sa iyo minsan sa kalungkutan. Iniisip ko hindi ako ang dapat magmalaki sa kompanya ano man ang kagalingan at kasipagan ko sa pagtatrabaho kung ang kompanya ang magalit at tangalin ka lalo mong nilugmok ang sarili mo at ang iyong pamilya sa nakaambang kahirapan. Nang dahil sa kakitiran ng isipan mo lalo mong inilayo ang buhay mo at kaligayahan ng sarili mong pamilya sa tiyak na kaginhawaan. Isipin mo isang tao ka lang sa libo-libong mangga-gawa na maari nilang kunin.
BINIGYAN TAYO NG PANGINOON NG ISIP UPANG GAMITIN NATIN NG WASTO SA ATING PANG ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY.
BINIGYAN TAYO NG LAYANG MAG-ISIP UPANG MALAMAN NATIN KUNG ANO ANG DAPAT GAWIN SA ATING PAGKATAO AT PAMUMUHAY.
NASA IYONG SARILI ANG IKAGAGANDA AT IKASASAMA NG IYONG PAMUMUHAY... HINDI SA TAAS O SA LIIT NG KINIKITA.
IKAW MISMO ANG MAGDADALA SA IYO SA MAGANDANG PAMUMUHAY AT IKAW DIN MISMO ANG MAGDADALA SA TANIKALA NG KAHIRAPAN.
PAGANAHIN MO LANG ANG ISIPAN MO
MABABAGO MO ANG UGALI MO
AT
MAKOKONTROL MO ANG SARILI MO
YAN ANG KAILANGAN MO UPANG MAKAMIT MO
ANG MAY MAAYOS NA PAMUMUHAY
AT
MAILAYO KA SA NARARANASANG KAHIRAPAN
helow po!kamusta?haha:)) hinahanap ko po ang mahiwagang chatbox nyo, pero di ko po makita, kaya dito na lang ako nag iwan ng bakas. :D and, hindi na rin po ako kokontra sa mga sinabi nyo, at two thumbs up for that,pero, siguro, kung may idadagdag man ako, siguro po yun e yung tigilan na ang crab mentality, dahil yun ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi umuunlad ng bawat isa, OFW man po, o hindi. :)
ReplyDeletethanks ateng gala sa pagbisita at sa mgandang comment mo totoo isa ring dahilan yang sinabi mo. Basta hindi mag isip ng maganda ang isang tao walang mangyayari sa buhay nila. Iniisip lang nila kung saan nanaman gagala kinabukasan. Puro pagkakagastusan ang iniisip. thanks uli ateng gala yung sinasabi ng binata ko hahaha
ReplyDeleteKuya ang haba nitong post mo ah. hehehe. Paminsan minsan ang post pero sulit naman kapag nagpost ng entry. Tama ka, disiplina ang kailangan para umunlad. Hay, maraming maraming pagpipigil--at matalinong pamamaraan upang gamitin ang pinagpaguran.
ReplyDeleteMabuhay ang mga OFW!
hi ate ayie salamat sa pagbisita at sa comment haba ba? malawak kasi ang nasasakupan ng mga ganyang topic kailangan ng paliwanag para mas tumalab sa kaalaman ng mga nabubulagan sa pansamantalang kaligayahan. yung love wag mo ng pigilin kailangan yan eh haha joke lang ate gb/tc always
ReplyDeletewell said bro.
ReplyDelete