Nais ko lang mag-komento sa isa nating kababayan na nagtanongng ilang bagay sa sinasabi nilang sagot daw sa kanya ng master atiniidolo nilang si BOB ONG.Dito po daw po nagtanong ang isang kababayan natin http://groups.yahoo.com/group/bobongpinoy/message/45422!
Eto naman ang isa sa mga sinasabing sagot ni BOB ONG!Kung naabutan mo dati ang Bobongpinoy, makikita mong ang pinakamahaba kong editorial ay ang tungkol sa EDSA Dos na tinutulan ko. Kung tatanungin mo kong ayon sa EDSA part--kung anumang part 'to--eto ang pinaikli kong sagot:!. 1.Gusto ko lumabas ang katotohanan.2. Gusto ko maparusahan ang dapat parusahan.3. Gusto ko ng pagbabago.4. Gusto ko ng pagbabago maging sa paraan ng pagkamit natin ng pagbabago.5. Ayoko ng People Power.Ang People Power ay kabaliktaran ng ibig sabihin nito. Dahil nagiging iresponsable ang Pilipino sa paniniwalang pwede namang basta na lang sipain ng taumbayan ang sinumang pumalpak sa trono.Walang pagtatalo sa kung bakit, kung kelan, at kung sino ang gusto natingpababain. Ang tanong na lang...ganoon ba talaga tayo kahina at yun na lang lagi ang paraan na pwede nating gamitin? Walang-walang- wala na ba talaga? At ilang beses pa???Ang totoong People Power ay ang kakayanan ng mga mamamayan na makapili at makapagluklok ng mabubuting pinuno sa pwesto; ang makapagmatyag at makapanigurong nananatiling mabubuting pinuno nga ang mga namumuno sa bansa; at ang kapangyarihan na maayos na makapagpaalis at makapagpataw ng kumpletong kaparusahan sa mga pinunong hindi naging tapat sa tao. Kung talagang may "power" ang "people", hindi tayo dapat nauuwi sa "PeoplePower" nang paulit-ulit.Ito po ang pananaw ko.-BO!Yan daw ang sagot ni MR. BOB ONG sa isa sa mga katanungan nung isangkababayan natin kay MR. BOB ONG>!Maganda ang sinabi ni MR. BOB ONG kung totoo ngang yan angsagot ni MR. BOB ONG sa kanya.Sa aking napuna tinututulan ni Mr. Bob Ong ang people power nanagaganap sa mga kalsada. Ayaw ni Mr. Bob Ong ng people power.!Kung halimbawang mabasa ni Mr. bob ong ito..Nais ko siyang tanungin kung.. Ano pa ba ang alam niyang paraanng mga tao para sipain ang mga bulok na nanunungkulan sa atinggobyerno?Sa ano pa bang paraan para maipakita ng mga mamamayanang ating pagkakaisa at ang ating pagkakapit bisig para maipakitaang sama-samang lakas nating mga mamamayan?Sa nangyayari ngayon, kaya bang basta-basta na lang sipain ng batasnatin ang isang pangulo?Kaya ba ng mga kongresman at senador na patalsikin ang isangpangulo. Pero... kayang patalsikin ang isang pangulosa pamamagitan ng lakas ng mga malilit na mamamayan.Kung para sa akin pabor na pabor ako sa people powerDahil pag pinagsama-sama ang lakas ng bawat isa, lakas na kayangmag patalsik ng kahit sino. Ang kailangan lang ay ang pagkakaisaat hindi yung watak-watak na lakas ng tao at ang magkaroon ng taong magsisilbing mamuno upang sumunod ang bawat isa.Hindi magkakaroon ng power ang isang tao kung wala ang pinagsama-samang lakas nating lahat sa iisang lugar.Hindi lang mapagtagumpayan ang pinagsama-samang lakas dahil may mga tao sa gobyerno na natatapalan lang ng kayamanan.!Ano ang magsisilbing lakas ng isang bagyo kung ang bawat hangin nito ay iba-iba ang pagdaraanan?!Sa pagtangap ng paliwanag ng iba hindi nangangahulugan ng pagsang-ayon sa paliwanag.
Ang pilipinasAng ating inang bayan
!Paggising mo sa umaga, walang makain, magkakape ka nalangmasuwerte na yung merong makain kahit tuyo o sapsap.Minsan kahit pang kape wala pa. Masdan mo ang ating kapaligiranpagmasdan nyo ang mga bangketa, pulubi ay naghilera.Halos maghapong nakasahod ang mga kamay, halos doon narinnatutulog sa lansangan. Walang makain, walang trabaho, walang bahaywalang sariling lupa sa sariling bansa. May mga taong sa sobrangkahirapan napipilitan nalang magnakaw. Katwiran nila, sila ngamayayaman na, nagnanakaw pa.. ako pa kaya na walang makain.Magtinda lang ako ng konti sa palengke.. titikitan na ako para satax ko sa puwesto, samantalang yung iba milyonaryo na hindipa nagbabayad ng tax.Napakagulo ng pilipinas, napakaraming mamamatay tao,napakaraming magnanakaw, napakaraming isnatser, napakaraming reypist, napakaraming adik, pero pagpunta mo ng munisipyotumingin ka sa headquarters ng mga pulis apat o limang pulislang makikita mo sa loob, tatlo pa yung malaki ang tiyan.Yung ibang pulis ayon busy sa pagtatrapik. Kung may makitakang patayan o rambulan ng mga kabataan, subukan mongtumawag ng pulis makikita mo yung pulis makiki-angkas pasa traysikel para lang makarating sa kaguluhan.Magkaroon ka man ng trabaho, limang taon ka na sa pinapasukanmo hindi ka pa natataasan ng sahod, habang araw-arawna tumataas ang mga bilihin. Subukan mong maghanap ng trabaho,pakukuhain ka muna ng NBI, bago ka makakuha ng NBI kailangankumuha ka muna ng police clearance, bago ka makakuha ngpolice clearance kukuha ka muna ng barangay clearance.Kung may barangay clearance ka na kailangang kumuha kanarin ng cedula magkano sedula? saka ka pa makakuha ng policeclearance, magkano police clearance? mamasahe kapa sa traysikel.Pagnakompleto mo na.. Saka ka palang makakakuha ng NBI doonpa sa maynila dahil ayaw nilang maglagay ng opisina ng mga NBI samga probinsiya para hindi kalat yung perang paghahatian nila.Kailangan doon sa maynila kukuha lahat. Hindi mo pa makukuha ngisang araw babalik ka pa ubos na yung pera mo sa kapapamasahe.Kukunin mo pa birth certificate mo, doon pa sa sensus mo kukunin,kukunin mo pa diploma or transcript of records mo.Pagdating mo sa kompanyang aaplayan mo ang dami nyo pangaplikante, isa-isa pa kayong iinterbyuhin. Pagkatapos mong mainterbyubalik ka nalang ha! o kaya tatawagan ka nalang ha!Ta***nang buhay 'to! !Pagnakapasok ka man ng trabaho, pakukuhain ka pa ng yuniporme molalo na yung mga sales lady, magkano ang yuniporme mabuti kung isa langkailangan dalawa para may kapalitan, pagkatapos after six monthtangal ka nanaman dahil ang batas ng labor natin makalampas kang six month regular ka, Buwisit na labor yan, Para sa kompanya yang batas na yan hindi para sa tao! Pag natangal ka na paano na yung nagastosmo? yung yuniporme mo?Hanap ka uli ng trabaho, Hindi ka pa nakakahanap uli ng trabahonagtaas na naman ng pamasahe, wala ka na ngang pera taas pa ng taasng pamasahe. Ano nalang ba ang pwedeng kainin na kaya natingbilhin? Yung mga dobol ded na baboy o manok. Pag may nabili kang sirang pagkain pupunta ka ng emergency ang hospital ng gobyernona puro xpired ang mga gamot, kulay itim ang mga dingding ng hospitalkulang sa gamit, kulang parin sa kuwarto. Pagmay nakuha kang kuwartokailangan may pamaypay ka, puro OJT pa ng mga paaralan ang magsisilbisa pasyente ta***nang buhay ito oo.Yung tsinelas ko nga noon magkaiba ng kulay.. eh nakita pa ng may ari kinuha pa yung isa, wala talagang patawad.!Pagmasdan natin ang pamilya sa pilipinas ang daming halos walangmakain, ang daming walang trabaho, ang daming pamilyang nagugutomang daming pamilyang sa bangketa natutulog.Ganyan nalang ba talaga ang buhay sa ating bayan?Habang kanya-kanya pasasa ang mga nasa gobyerno, wala ng iniisipkung paano magnakaw, hindi na maisip kung paano pagaganahin angbatas, hindi na alam kung paano paangatin ang pilipinas, hindi naalam kung paano magbibigay ng trabaho.!GAANO BA KASAKIT ANG BUHAY MARALITA SA PILIPINAS?!SUBUKAN MONG LAGYAN NG KALAMANSI ANGIYONG SUGAT