AYON KAY BOB ONG
Nais ko lang mag-komento sa isa nating kababayan na nagtanongng ilang bagay sa sinasabi nilang sagot daw sa kanya ng master atiniidolo nilang si BOB ONG.Dito po daw po nagtanong ang isang kababayan natin http://groups.yahoo.com/group/bobongpinoy/message/45422!
Eto naman ang isa sa mga sinasabing sagot ni BOB ONG!Kung naabutan mo dati ang Bobongpinoy, makikita mong ang pinakamahaba kong editorial ay ang tungkol sa EDSA Dos na tinutulan ko. Kung tatanungin mo kong ayon sa EDSA part--kung anumang part 'to--eto ang pinaikli kong sagot:!. 1.Gusto ko lumabas ang katotohanan.2. Gusto ko maparusahan ang dapat parusahan.3. Gusto ko ng pagbabago.4. Gusto ko ng pagbabago maging sa paraan ng pagkamit natin ng pagbabago.5. Ayoko ng People Power.Ang People Power ay kabaliktaran ng ibig sabihin nito. Dahil nagiging iresponsable ang Pilipino sa paniniwalang pwede namang basta na lang sipain ng taumbayan ang sinumang pumalpak sa trono.Walang pagtatalo sa kung bakit, kung kelan, at kung sino ang gusto natingpababain. Ang tanong na lang...ganoon ba talaga tayo kahina at yun na lang lagi ang paraan na pwede nating gamitin? Walang-walang- wala na ba talaga? At ilang beses pa???Ang totoong People Power ay ang kakayanan ng mga mamamayan na makapili at makapagluklok ng mabubuting pinuno sa pwesto; ang makapagmatyag at makapanigurong nananatiling mabubuting pinuno nga ang mga namumuno sa bansa; at ang kapangyarihan na maayos na makapagpaalis at makapagpataw ng kumpletong kaparusahan sa mga pinunong hindi naging tapat sa tao. Kung talagang may "power" ang "people", hindi tayo dapat nauuwi sa "PeoplePower" nang paulit-ulit.Ito po ang pananaw ko.-BO!Yan daw ang sagot ni MR. BOB ONG sa isa sa mga katanungan nung isangkababayan natin kay MR. BOB ONG>!Maganda ang sinabi ni MR. BOB ONG kung totoo ngang yan angsagot ni MR. BOB ONG sa kanya.Sa aking napuna tinututulan ni Mr. Bob Ong ang people power nanagaganap sa mga kalsada. Ayaw ni Mr. Bob Ong ng people power.!Kung halimbawang mabasa ni Mr. bob ong ito..Nais ko siyang tanungin kung.. Ano pa ba ang alam niyang paraanng mga tao para sipain ang mga bulok na nanunungkulan sa atinggobyerno?Sa ano pa bang paraan para maipakita ng mga mamamayanang ating pagkakaisa at ang ating pagkakapit bisig para maipakitaang sama-samang lakas nating mga mamamayan?Sa nangyayari ngayon, kaya bang basta-basta na lang sipain ng batasnatin ang isang pangulo?Kaya ba ng mga kongresman at senador na patalsikin ang isangpangulo. Pero... kayang patalsikin ang isang pangulosa pamamagitan ng lakas ng mga malilit na mamamayan.Kung para sa akin pabor na pabor ako sa people powerDahil pag pinagsama-sama ang lakas ng bawat isa, lakas na kayangmag patalsik ng kahit sino. Ang kailangan lang ay ang pagkakaisaat hindi yung watak-watak na lakas ng tao at ang magkaroon ng taong magsisilbing mamuno upang sumunod ang bawat isa.Hindi magkakaroon ng power ang isang tao kung wala ang pinagsama-samang lakas nating lahat sa iisang lugar.Hindi lang mapagtagumpayan ang pinagsama-samang lakas dahil may mga tao sa gobyerno na natatapalan lang ng kayamanan.!Ano ang magsisilbing lakas ng isang bagyo kung ang bawat hangin nito ay iba-iba ang pagdaraanan?!Sa pagtangap ng paliwanag ng iba hindi nangangahulugan ng pagsang-ayon sa paliwanag.
naniniwala ako sa people power...
ReplyDeleteyung may tamang pinaglalaban...
pero sa ngayun, ang tanung...
anu ba ang tama?
HIRAP. :P
sang ayon din ako sa people power, pero hindi din sa lahat ng bagay, kung may paraan pa para hindi agad magpatalsik ng isang gahaman sa malakanyang ay bakit hindi natin subukan.. kelangan din natin ng lakas ng mga tao pero hindi agad sa pagpapatalsik ng pangulo..
ReplyDeletehahaha ewan ko, ang gulo ng utak ko.. kakagaling lang kasi sa mahaba habang bakasyon kaya pagod pa haha
salamat gege sa pagbisita haha para sa akin sa ngayon agree ako sa sinabi ni kasamang kheed na hindi solusyon ang lagi nlang magpalit ng magpalit kung kayang baguhin ang pagkakamali. totoo yang sinabi ni kasamang kheed dapat ang isigaw nating lahat yung mga pagkakamali at pagkukulang ng isang pangulo yan ang solusyon hindi yung magpalit ng magpalit. dito sana natin gamitin yung power natin. salamat pareng kheed.
ReplyDeleteprevention is better than cure. the best way is to find the right leader para hindi tayo arating katatawanan sa buong mundo kapag may people power 100 na dahil mali nanaman ang desisyon natin. vote wiselt :P
ReplyDeletepeople power? meron ba talaga nun?....inde ko din alam... may silbi kaya ang pinaglalaban ng libo-libong Pilipino sa Edsa kung ang mga namumuno ay nakangiti sa kanilang kina-uupuan at sinsabing "youre all idiots....fucking idiots, wala sa Edsa ang pera, nasa pwesto"....
ReplyDelete27 years old na ako...masisisi mo ba ako kung bakit ayaw kong bumoto? masisisi mo ba ako kung bakit ayaw kong sabihin ang dahilan kung bakit ayaw kong bumoto?...akala nyo nagpapabaya ako a hindi ko pagboto...hindi ko sasayangin ang "People Power" na alam ko...
ssalamat sa pagbisita at sa comment mga tol kay mr. nightcrawler korek yang tinuran mo tol.
ReplyDelete@super gulaman wow ngayon lang ako naalala ng teacher ko ah haha salamat super g. sa pagbisita dito
haha korek hindi narin talaga natin masisi ang tao minsan kahit ako nawawalan na ng ganang bumoto dahil useless narin sa nangyayari ngayon sa ating bansa. salamat teacher sa pagbisita at bibisita ka lagi dito ha. eto pong si super gulaman ang nagturo sa akin ng shoutbox ha ha at siya din ang nagturo kung paano pagandahin itong template ko at ang daming binigay na tip para sa pag promote ng blog ko haha salamat, salamat teacher. eto ang unang blog na binabasa ko noon.
para sa akin wala namang masama sa people power kung tama ang ipinaglalaban at kung di ito gagawing paraang para laging itama ang mga pagkakamaling ginawa natin..
ReplyDelete"an ounce of prevention is better than a pound of cure"
sang ayon ako ke superjaid. para sa akin din wala masama sa people power kung tama ang ipinaglalaban.
ReplyDeleteang aking panalangin..maging maayos ang pamumuno ng kung sino man ang susunod na uupo.
salamat ate jaid at ate mher sa mahusay ninyong pananaw galing nyo nmang sumagot korek kayo jan.
ReplyDelete