Noong kasalukuyan pa akong nag uumpisang mangarap, ang isa sapinapangarap ko ay ang magkaroon ako ng trabaho kahit maliit langang kikitain basta may hanapbuhay lang. Alam ko at alam nating lahat naisa ito sa inaasam-asam nating lahat ang magkaroon ng hanapbuhay.Kahit alam nating mahirap at nakakapagod ang magtrabaho pero kailangang nating mag trabaho.!
Nag karoon ng katuparan ang pangarap ko, nagkaroon ako ng trabahosa loob ng halos labing limang taon ibinuhos ko ang buong buhay kosa paghahanapbuhay, kung saang-saang lupalop ako nakarating dahillang sa pinangarap kong trabaho. Hangang ngayon narito at nagtatrabahopa rin. Parang... walang katapusan itong trabaho, minsan... iniisip konakakapagod din, dito nalang ba iikot ang mundo natin?!Ang dami kong pinagdaanan dito, ang daming hirap, ang damingpagod, puyat, gutom, sakit ng katawan, minsan pa...ang daming luha narin ang tumulo ng dahil sa pinangarap kong ito.Ang daming panahon na dito umiikot ang aking mundo, haloslabing apat na taon naibuhos ko ang buhay ko dito sa ibayong dagat,halos lahat na ng pagtitiis, pangungulila at kalungkutan ang naranasanko dito sa malayo. Nang dahil sa kaligayahan ng mga mahal sa buhay at ngdahil sa hirap ng buhay inilaan ko ng napakaraming taon ang buhay at isipanko dito kapalit ang kaligayahan ng mga mahal ko sa buhay.Kaligayahan ng aking maybahay, kaligayahan ng ating mga anakkaligayahang dugo't-pawis ang ipinuhunan natin.!Hindi ko din maiaalis na minsan tinatanong ko din ang akingsarili.
!HABANG PANAHON NALANG BA TAYONG MAGTATRABAHO?HABANG PANAHON NALANG BA TAYONG MAGPAPA-ALILA?KAYLAN NAMAN KAYA NATIN MALALASAP ANG MAYMAKAIN KAHIT HINDI NAGTATRABAHO?!Di ba ang hirap hanapan ng sagot yan?Kung alam mo ang kasagutan diyan..Di ba.. ang hirap namang gawin lalo pat wala pa tayong sapat na naipon?Kung tinitingnan natin ang kalagayan natin ngayon...Malalaman natin kung hangang kaylan ka pa magtatrabaho.Iisipin natin na matagal pa... matagal pa ang aking pagtitiis,matagal pa ang aking bubunuing taon, matagal pa...hanggat kaya ng katawan at lakas ng panalangin kakayanin pa natinkahit ilang libong taon pa ang dumaan. !PAANO KUNG HINDI NA KAYA NG KATAWAN NATIN?!Minsan.. nakakalungkot ding isipinkahit nakakaranas rin tayo ng kaligayahan sa araw-araw pero..narito parin ang kirot sa aking puso, kaylan ko rin naman kayamararanasan yung.. kahit hindi tayo nagtatrabaho meron tayongmakakain. Ang sarap din siguro yung nasa bahay na tayo atnagpapahinga na. Yun bang.. ikaw naman ang pagsisilbihan ng iyongpamilya sa likod ng mahabang panahong hirap na ginawa mo alang-alang sa kanila, kaylan kaya natin matitikman ang araw ng pagpapahinga natin?!HANGGANG KAYLAN PA KAYA KAIBIGAN?